Chapter 12 Third Person's POV Nang pauwi na sila walang nag-iimikan sa loob ng sasakyan tanging ingay lang ng aircon ang marinig. Sinandal ni Emma ang kamay sa bintana ng sasakyan. Pinirmes niya ang mukha nakatingin sa labas ng bintana at tumuwid itong umupo. Habang seryosong nagmamaneho si Nathan. Makalipas ang ilang minuto ay dumating narin sila. At agad na bumaba si Emma at inalalayan niya si Ethan sa likod ng backseat palabas ng sasakyan. Nagpasalamat muna ang bata kay Emma bago bumaba sa sasakyan. Masaya si Emma para sa bata dahil kahit papaano ay napapasaya niya ito. "Thank you po for this beautiful and wonderful day for me." pasasalamat ni Ethan sa dalaga. "My pleasure, basta lagi kang magpapakabait," sabi niya sa bata na malawak ang kanyang ngiti. Magaan talaga ang loob ng ba

