Chapter 13 Emma's POV Pagkatapos namin mamili ng isusuot ko mamayang gabi ay inihatid din ako ni Darwin sa unit. Malayo pa lang kami ay natanaw ko na ang magarang sasakyan ni Nathan na Beige Bugatti La Voiture. Binilisan ni Darwin ang pagpapatakbo niya ng kanyang sasakyan. "Grabe ka girl, ang bilis mong magpalipad ng sasakyan para kang car racing," sabi ko sa kanya at tumawa ito ng malakas at hinampas ako sa balikat bakla nga nanam. "Alam mo naman yan si boss ayaw niya na pinaghintay siya. Look naunahan pa tayo," mahinahon sa sabi niya sa akin tinanguan ko lang siya sabay pa kaming lumabas sa sasakyan nito. "Hello, boss pasensya medyo na traffic kami sa daan at before seven pm nandito na ang kinuha kong makeup artist." nagpapa-cute pa itong habang nagsasalita sa harap ni Nathan. "Tha

