Chapter 18 Emma's POV Pagkalipas ng dalawang araw sa nangyari sa amin ni Nathan lalo siyang naging malambing sa akin. Kahit na mutual understanding pa lang kami. Lagi din siyang maagang umuwi galing sa trabaho. Dinadalhan pa niya ako ng paborito kung bulaklak na tulips. Lalo siyang naging malambing kung minsan nahihiya na ako kahit sa harapan kami ni Ethan todo dikit. Sino ba naman ang tatanggi na lambingin ka sa ganitong saksakan ng kagwapuhan. Next day na rin ang punta namin ng Tagaytay akala ko nga hindi na kami matutuloy dahil nakaraang araw napapansin ko lagi siyang busy sa trabaho. "Hi, ate mukhang may something kayo ni boss. Dahil laging masaya ang umaga ni sir," sabi sa akin ni Bella na may pakindat-kindat pa ang mata at taas baba ang kilay. Nginitian ko lang siya at hindi ko

