Chapter 19 Emma's POV Pagkatapos kong magbihis bumaba agad ako. Dumiritso ako sa kusina at bising-busy si Bella sa mga ginagawa niya at may pakanta-kanta pa 'to. Tumikhim muna ako at ginulat ko siya sa likod niya. "Booo!" sabi ko sa likod niya muntik na niyang mabitawan ang hawak na sandok. "Anak ng tikbalang," wika nito at hawak-hawak ang dibdib ngumisi siya sa akin. "Mahuhulog ang puso ko sa'yo Ate. Buti kong si sir Rex ang makasalo ayos lang," sabi niya sa akin at tinawanan ko lang siya. "Tutulungan nalang kita dito para maaga kang matapos. At busy din naman sila sa kakalanguy sa pool. At ako na magluluto niyan at ayusin mo ang table," prisinta ko sa kanya tumalima din siya agad. Habang nagluluto ako nagaya ako kay Bella na pakanta-kanta at kumembot pa ako natatawa ako sa sarili

