Chapter 2

1788 Words
Chapter 2 Pagdating ko kung saan kami magkikita ni Lisa ay tinawag ko ito kaagad para maka pamasyal na kami. Dahil ayokong magtagal sa labas gusto kong umuwi ng maaga wala din ako sa mood gumala. Nag- aalala pa rin ako hanggang ngayon sa kondisyon ng nanay ko. Nang makita ako ni Lisa, lumapit siya agad sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Kumusta besh? maarteng tanong n'ya sa akin. "Okay lang, sagot ko sa kan'ya. "Ikaw kumusta?" tanong ko sa kanya. "Heto maganda pa rin." nakangiting sagot sa akin sabay kindat. "Besh, kumain muna tayo bago gumala at isa pa hindi rin ako magtatagal ngayon sa labas," sabi ko. "Oh siya, sige saan mo gustong mag-lunch? tanong nito sa akin. "Sa DFF na lang siguro tayo kumain," sabi ko sa kaibigan ko na parang gutom-gutom hindi siguro ito nag-almusal bago umalis ng bahay. "Sige deal ako d'yan," wika nito. Pumasok na kami sa DFF at nag-order din kami agad ng burgers at french fries at iba pa. Pareho kasi kaming matakaw sa pagkain hindi naman kami tumataba. Pagkatapos namin kumain ay lumabas kami agad. Niyaya ko na siya gumala kung saan naming gustong umikot-ikot. "Pasok tayo don besh," yaya ko sa kaibigan ko agad-agad naman siyang sumang-ayon. "Sige, halika na para makapamili ka ng mga pasalubong mo sa mga kapatid mo at pamangkin at syempre sa nanay mo," sabi niya sa akin at hawak ang kamay ko sabay pasok sa loob. Pagpasok namin ay nag kanya-kanya na kami sa loob ng boutique. Maya-maya ay nilapitan n'ya ako na namimili ng mga damit. "Besh, may napili kaba dito na gusto mong bilhin? tanong nito sa akin. Wala akong nagustuhan eh," malumay na sagot ko sa kan'ya. Wala din naman kaming nagustuhan nagpasya na lang kami na lumabas sa loob ng boutique. "Besh, halika sa may jewelry store doon sa DIMOH," yaya ni Liza sa akin. "Besh, ang mahal doon? tamang- tama lang kasi ang budget ko. Alam mo na nagtitipid ako ang dami kung sinusuportahan at isa pa pauwi na din ako ng Pinas," paliwanag ko sa kaibigan ko. Dahil kailangan ko talagang magtipid. Mas importante sakin ang pera dahil kailangan namin ng malaking halaga para sa nanay ko na may sakit. "Ano ka ba besh, no worry sagot ko naman ibibili ko ang nanay mo ng jewelry. Alam mo na parang nanay ko na din siya. Please 'wag ka ng tumanggi," pakiusap nito sa akin. Hindi na ako nag-comment pa dahil hindi ko din naman siya mapipigilan, kung ano ang-trip 'yon ang gagawin. "Oh siya sige na nga, pero last na to ha, ang dami mo ng naitulong sa akin e," sabi ko sa makulit kong kaibigan at niyakap ako nitong bigla. Naging matalik na kami na magkaibigan. Bilyonaryo sa Pilipinas angka nito.Tumakas lamang siya sa pamilya n'ya dahil sa ipapakasal siya sa taong hindi nitong kilala. Nang malaman n'ya ang plano ng magulang nito ay agad na umalis sa bahay nila. Nag-apply bilang OFW, at dito siya napadpad sa Lebanon. Dito kami nagkakilala for almost two years na, lagi na kaming magkasama sa araw ng day- off namin. Nang nasa loob na kami ng dimoh jewelry siya na ang namili. Sa totoo lang nahihiya din ako sa kanya, marami na kasi siyang naitulong sa akin. Nilingon niya ako't kinindatan pa. "Ang bruha may nalalaman pang, pakindat-kindat at paawa para hindi ko ito matanggihan," sabi ng isip ko. "Besh naman regalo ko kay tita ito kaya hayaan muna ako dito. Wala naman akong pagbibigyan. You know why I'm here, not for work or money. I want to run away from my parents," wika nito. Tumango na lang ako at nginitian ko din siya, bilang pagsang-ayon sa gusto nito. Umikot ako at tumingin- tingin din ng may nakita akong napaka-cute na tatlong singsing. Nilapitan ko ito at tinanong ang presyo. It's only cost one hundred seventy five dollar , bibilhin ko tag-iisa kaming magkakapatid at sa nanay ko, I'm sure bagay sa daliri namin na magkapatid. "I will take this one," sabi ko sa babae at kinuha niya ito sa labas ng box para maisukat ko. "Wow, perfect," sabi ko sa sarili at tinungo ko ang counter at binayaran ko ang napili kong singsing. "Thank you," I said. "You're welcome ma'am," masayang sagot sa akin babae. Tinawag ako ni Lisa at nilapitan ko siya sa kinatatayuan nito. "Oh, heto besh, para naman sayo. Parehas tayo iingatan natin ito ah. Promise," wika nito. "Ang ganda naman nito gumastos kapa," sabi ko sa kan'ya sabay pasalamat. "Thank you," niyakap ko siya ng mahigpit. Ng matapos na kaming mamili ay nag-selfie muna kami sa loob, at nag-wacky face sabay at tinaas namin pinamili namin at nag-smile sa harap ng camera. "Say cheese," sabay sabi namin at todo ngiti namin sa harap ng camera. Kinuhanan din kami ng litrato ng babae natatawa kasi siya samin paano kasi ang ingay ng kaibigan ko akala mo siya ang owner ng jewelry. "Thank you," sabay sabi namin sa babae pagkatapos kami kunan ng litrato. Pinost agad namin sa fotmook at tamadgram ang mga selfie namin. "Liza," tawag ko sa kaibigan ko. "Ano 'yun besh?" sagot n'ya sa akin. "Uuwi na ako besh, hindi kasi ako mapalagay para bang may kakaiba akong nararamdaman na takot. "Ganun ba besh, sige kung gusto mong umuwi mauna ka na para makapag pahinga ka," seryosong sagot niya sa akin. Nagpaalam na kami at nag beso-beso bago kami naghiwalay. "Ingat besh," sabi niya sa akin at tumango lang ako at nginitian ko siya. Makalipas ang isang oras nasa bahay na ako at biglang nag-ring ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko kinuha ko agad at sinagot. "Hello, anak," sabi ng nanay ko. Para bang pagod na pagod na ang boses nito. "Inay kamusta po kayo? tanong ko sa nanay ko." Okay naman ako anak at kailan pala ang uwi mo? tanong ng nanay ko sa akin. "Sa katapusan po ng buwan na ito inay," sabi ko sa nanay ko. "Sana nga anak para magkasama pa tayo. Nanay naman wag naman po kayo magsalita ng ganyan," malungkot na sabi ko sa mahal kong ina. "Anak mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo at mga apo ko matanda narin ako," paliwanag ng nanay ko sa linya ramdam ko ang lungkot sa boses nito. "Ako din nay, mahal na mahal kita. Pasensya na inay natagalan ako, tinapos ko lang ang contract ko, kayo ang dahilan kung bakit nandito ako. Gagawin ko po ang lahat at ipagamot ko po kayo nay dahil gusto kong bumalik ang lakas nyo." saad ko sa mahal kong ina. Habang nag-uusap kami ng nanay ko. As usual naiiyak na naman ako everytime na naririnig ko ang boses ng nanay ko hindi ko mapigilan na maiyak. Kung pwede lang sana hinila ko na ang araw ng katapusan hinila ko na ito. Para makauwi at ma-aalagaan ko ang nanay ko sobrang miss na miss ko na talaga ang nanay ko. Biglang tumunog ang cellphone ko ng makita ko ang pangalan ng kapatid ko sinagot ko agad ito. "Hello, Bhea," sabi ko sa linya. "A- ate, ate, ate," Nauutal-utal na sabi ng kapatid ko telepono. "Bhea, anong nangyayari may masama bang nangyari sa nanay magsalita ka?" tanong ko sa kapatid na may halong takot sa boses ko at hindi ako mapakali. "Bhea,magsalita ka ano ba!" galit na tanong ko sa kan'ya. Habang ang kapatid ko iyak ng iyak sa linya at narinig ko din ang isa kong kapatid at mga pamangkin ko na umiiyak. Nag-uumpisa na manginig ang buong katawan ko at takot na nararamdaman ko. Maya-maya ay nagsalita din ang kapatid ko. "Ate, si nanay wala na siya iniwan na niya tayo ate," ungol at iyak ang naririnig ko sa sinasabi ng kapatid ko. Nang sabihin ng kapatid ko ang nangyari sa nanay ko tarantang-taranta ako. Pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at lupa at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yon hindi ko alam kung sino ang masasandalan o tatawagin ko dahil sobrang litong-lito na ako. Hindi ko na din narinig ang ibang pinagsasabi ng kapatid ko sa kabilang linya tila nabibingi ako. Sobrang nanghihina din ang buong katawan ko at hindi rin ako makapagsalita. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang nanay ko dahil kani-kanina ko lang siyang kausap. "I-Inay, inay, inay," sigaw ko habang panay ang tagos ng luha ko pailing-iling ako na hindi ako makapaniwala na wala ang mahal naming ina. Binalik ko sa tenga ko ang cellphone ko at muli kong kinausap ang dalawang kapatid ko. "Hello, Bhea, Anne," sabi ko sa mga kapatid ko na umiiyak sa linya. "Magpakatatag kayo at lakasan natin ang loob natin kailangan natin na tanggapin ang pagkawala ni nanay," habilin ko sa dalawang kapatid ko. "Opo ate," sagot sa akin ng dalawa kung kapatid na panay ang iyak nila. Nang matapos namin kaming mag-usap ng mga kapatid ko nilabas ko ang mga luha ko na kanina ko pang gustong ilabas. Para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nilapitan ako ng amo ko at pinapatahan, sa sobrang sakit na nararamdaman ko parang babagsak na ako sa aking kinatatayuan ko ngayon. Pumasok ako sa comfort room at naghilamos ako ng malamig na tubig. Habang naghihilamos ako walang tigil ang luha kung tumutulo sa pisngi ko. Paglabas ko galing sa toilet amo ko agad ang nakita ko na nakaupo sa ibabaw ng kama ko. "Emma, you should to be strong," sabi ng amo ko, habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko. Tumatango lang ako sa mga ibang pinagsasabi niya sa akin. Pagkalipas ng dalawang linggo mula ng pumanaw ang nanay ko wala na akong ganang kumain. Pagkatapos kung magtrabaho sa gawaing bahay, sa kwarto na ako dume-diretso at nagmumukmok lang ako. Hanggang sa dumating na ang araw ng uwi ko sa pinas. Yung excited ako sa pag-uwi pero napalitan ng lungkot dahil uuwi ako na wala na ang nanay ko marami pa naman kaming plano sa pag-uwi ko para sa nanay ko. Mga amo ko din ang naghatid sa akin sa airport sumama din ang kaibigan ko na si Liza. Ng nasa harap na kami ng airport niyakap ako ng amo ko na babae at ang alaga kung bata, iyak ng iyak ang alaga ko ayaw n'ya akong bitawan. Sobrang naaawa ako sa alaga ko para bang durog na durog ang puso ko, na nakikita kung umiiyak siya sa harapan ko napamahal na kasi ito sakin. Nagpaalam na din ako sa kanila para pumasok sa loob ng airport at dere-derecho ang lakad ko papasok. Narinig ko pang sabay sumigaw si Liza at ang alaga ko. "Emma, take care always and I love you we're gonna miss you here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD