Chapter 3

1872 Words
Chapter 3 Habang nasa waiting area si Nathan kasama ang kanyang anak at ang mga magulang niya sa Doha International Airport. Nasagip ng mata niya ang isang babaeng nakaupo mukhang malalim ang iniisip. Pinagmamasdan niyang mabuti ang babae. Namumugto ang mga mata, siguro whole night na umiyak ang dalaga. Magkaharap lang kasi inupuan nila ng dalaga. Gusto sanang lapitan at kausapin ni Nathan pero biglang tumunog ang cellphone niya at sinagot niya agad ang dahil ang pinsan niyang si Rex ang nasa linya. "Hello, Rex, kamusta?" tanong niya agad sa pinsan niya na nasa linya. "Ayos lang bro." Pinapa-remind niya ito na may appointment siya sa pinas, isa sa mga kasosyo nito sa business. "Nandito pa ako sa Qatar Airport, pwede bang e-cancel mo muna ang lahat ng meeting ko bukas?" Sabi n'ya directly sa kanyang pinsan dahil wala ito sa mood na makipag-usap o makipagkita kanino man. "Pinsan kaya nga tinawagan kita dahil ang meeting mo kay Mr.Rivera, hindi na pwedeng ma e-cancel 'yon ulit. How many times excuses na ako at gumawa ng mga rason. Pero this time dude kailangan mo na siyang harapin," mahabang salita ng kanyang pinsan at hindi na siya naka-angal pa. "Ok, siya sige bukas ikaw na ang bahalang e-schedule ang meeting ko, mamayang madaling araw pa ang arrival namin at three thirty in the morning ," wika nito sa makulit niyang pinsan. Pagkatapos mag-usap ni Nathan sa pinsan niya ay napansin niyang wala na doon ang dalaga sa inuupuan n'ya."Saan kaya 'yon pumunta?" tanong ng isip n'ya at lumingon-lingon siya. Tumayo si Nathan sa kinauupuan niya at inunat ang mga kamay. Nilongon niya ang anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa normal. Halos buong bansa na at magagaling na mga doctor ay pinakunsulta na n'ya ay hindi pa rin ito gumagaling. Mula ng maaksidente ang kanyang anak, tatlong taon na ang nakalipas. "Anak, you need something? What would you like to drink or would you want some snacks?" tanong n'ya sa anak nito baka sakali na sagutin o kausapin man lang siya ng anak niya. Umiling lang ang anak n'ya habang nakatingin ito sa ibang direksyon, hinayaan na lang ni Nathan ang anak dahil ayaw niya itong pilitin. Binuksan ni Nathan ang kanyang laptop e-che-check niya kung dumating na ang files sa email na pina-pa-send n'ya sa kanyang secretary. Nang e-open niya ang email ay walang dumating na files at sinarado niya ulit ang kanyang laptop at unti-unti n'ya pinipilit ipikit ang kanyang mga mata baka sakali na makaidlip siya dahil kanina pa siyang inaantok. Nang mainip si Emma sa kinauupuan n'ya ay umikot-ikot muna siya sa loob ng airport dahil may tatlong oras pa naman bago lilipad ang eroplano na sasakyan n'ya. Biglang tumunog ang kanyang cellphone sa bulsa niya sinagot n'ya agad ang tawag dahil kapatid niya ang tumatawag. "Hello, ate, may gusto sana akong ipapabili s'yo kung ayos lang ate perfume lang naman kahit yung maliit lang thank you advance ate," palambing na sabi ng kanyang kapatid na nasa linya. "Sige may kailangan ka pa ba?" natatawang tanong n'ya sa kanyang kapatid dahil alam niya kung sa harap lang niya ay siguradong e-smack kiss siya ng bunsong kapatid. "Wala na ate yan lang thank you love na love talaga kita," napangiti si Emma sa kapatid n'ya at binaba ang tawag. Hinahanap ni Emma ang gustong ipabili ng kanyang kapatid na perfume. Nang makita niya ito ay binili niya agad at bumili din siya ng mga chocolates para sa mga pamangkin nito. Ng mabayaran niya ang mga pinamili ay pangiti-ngiti siyang naglakad pabalik sa waiting area at gusto din niya mag-idlip kahit ilang minuto man lang. Nasa waiting area na si Emma umupo agad siya nasagip ng mata niya ang binatang nakaupo sa tabi ng bata. Tinitigan niya ang binata mula ulo hanggang paa. "Napaka-gwapo naman ng nilalang na ito sa harap ko. Hindi lang gwapo kundi as is super gwapo. Matangos ang ilong, matipuno, maninipis ang mga labi tila kay sarap halik-halikan, makapal ang kilay at kulay hazel ang mata at mahaba ang mga pilikmata." puri ng isip ni Emma sa binatang katapat ng inuupuan nito at kinikilig pa ito. "Ang landi mo inday," sabi ng pasaway niyang isip, habang kinikilatis ang binata. "Pero infairness gwapo talaga," ang sagot ng kanyang isip. Nahahalata ni Nathan na kanina pa siyang pasulyap-sulyap na tinitigan ng dalaga. Ginawa na lang ni Nathan ay nagpapanggap na natutulog at suot nito ang kanyang black aviator at ang mga mata ay nasa dalaga at tinititigan ang bawat galaw. "D-daddy, daddy," tawag sa kanya ng anak niya." Biglang napatayo sa gulat si Nathan at nabitawan n'ya ang kanyang mobile na hawak-hawak. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang anak . Sa sobrang saya ni Nathan hindi niya mapigilan na maiyak sa harap ng kanyang anak. Wala siyang pakialam sa nakapaligid sa kan'ya na kung may nakakakita sa kanya na parang batang umiiyak sa saya. "Yes baby," masayang sabi n'ya sa anak nito. He can't believe it na muli niyang marinig ang boses ng kanyang mahal na anak sa tagal ng panahon. "Baby, say it again? Excited na tanong niya sa kanyang anak. "D-Daddy, daddy," tumulo naman ulit mga luha ni Nathan. "Oh my God. Finally, for how many years," sambit niya sa kanyang sarili, na hindi pa rin makapaniwala si Nathan na tinawag siya ng kanyang anak. Sa sobrang saya ng pamilyang Jones ay nagyakapan sila at nagpapasalamat sa panginoon ang bawat isa sa kanila. Hinalikan,niyakap nila ang bata. Hindi pa rin kasi sila makapaniwala na biglang pagsasalita ng anak ni Nathan ang lungkot at pagod ay napalitan ng anong saya sa mga mukha nila. Napansin ni Emma ang mga kaharap na nag-iyakan, ano kaya ang nangyayari sa mga ito kanina lang ni-isa sa kanila ay walang nagsasalita, ngayon daig pa nila ang nanalo ng jackpot sa lotto. Hinayaan na lang ni Emma ang mga ito baka isip ng mga ito ay chismosa siya. Ipipikit na sana n'ya ang kanyang mata pero biglang nagtama ang mata niya ng binata. Walang choice si Emma kundi tapunan ng killer smile ang gwapo na kaharap na ang mata nito ay sa kanyang mga mata. Kung anu- ano na lang kasi ang pumasok sa kokote ng dalaga habang nagtitigan sila ni Nathan. Paano kasi kung makatingin ang binata sa kan'ya ay parang kakainin niya ng buong-buo ang dalaga. "Emma, 'wag kang assuming na mapansin ka ng lalake. No way, in the name of love, I don't talk anymore. What love? Teka, teka ano 'to nasa isip ko love na agad." saway ng isip ni Emma at tinapik ang kanyang noo. "Daddy, who's that lady?" mahinahon tanong ng anak ni Nathan sa kan'ya. I don't know, son," sagot niya sa anak niyang nakatingin sa dalaga. "I like her. Can you tell her if she can be my friend? Please. I'm begging you dad." pakiusap ng kan'yang anak. Naguguluhan si Nathan kung ano ang isasagot sa anak niya. Nilingon niya ang dalaga na kanina pa nitong napapansin na nagmamasid ng palihim ito sa kanya. Ang babaeng kaharap niya ang dahilan kung bakit muling nagsalita ang anak niya. Maya-maya pa'y, nag-usap ang binata kasama ang mga magulang nito tungkol sa kagustuhan ng nag-iisang anak nito.. "Nathan, this is for your son. Talk to her, do something. I know you can do that," his father said to him. Walang nagawa si Nathan kundi sundin ang utos ng kanyang ama na kausapin ang dalaga alang-alang sa anak nito ay gagawin niya ang lahat. Nilapitan ni Nathan ang dalaga ay nagpakilala ito sa kan'ya. "Hello, Miss. I'm Nathan Jones." Nagulat si Emma na may lalaking binati siya at nagpakilala agad ito ng walang paligoy-ligoy sa kan'ya binigay ng binata ang kamay sa dalaga para makipag kamay sa dalaga. "Hi, Emma po," magalang na sagot ng dalaga sa kan'ya at nakipag-shakehand siya sa binata. "Nice to meet you Emma," sagot niya sa dalaga. Kahit nahihirapan siyang sabihin ang pakay sa dalaga ay ginawa pa rin niya alang-alang sa kagustuhan ng anak nito ayaw na niyang palampasin ang mga oras, this for how long time na gustong-gusto na niyang bumalik sa dating normal ang anak niya. Nasa harap na niya ang pwedeng magpagaling para maging normal ang buhay ng nag-iisang anak niya. Kinausap ni Nathan ang dalaga at naglakas loob at sasabihin niya sa dalaga ang kanyang pakay. "Emma, I want to tell you something but this for my son. I am offering you a job as a friend of my son. She likes you and he is pleased to talk to you." hindi makapagsalita at walang imik si Emma sa mga sinasabi sa kan'ya ng binata. Walang siyang masagot sa mga pinagsasabi sa kan'ya ng binata. "Hindi mahirap ang trabaho na ibibigay ko sa'yo just being friend of my son." Bibigyan kita ng limang million sa pagtira sa amin sa loob ng isang taon na sa amin ka muna tumira. Maliban sa limang million may fifty thousands monthly salary ka na matatanggap mula sa akin." Lalong hindi makapagsalita si Emma sa offer sa kan'ya ng binata. "What? Five million just for a year, sobrang yaman naman ng taong 'to. Hindi naman ako gahaman sa pera, mas gusto ko yung pinaghihirapan at pinagpawisan pero limang million. Kahit sampung taon akong magtatrabaho, 'di ko yun kikitain ng ganung kadali," nag-uusap ang diwa ni Emma dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi sa kan'ya ng binata sa napakalaki ng halagang inaalok sa kan'ya. "Pag-iisipan ko po. Hindi ko pa po masasagot sa ngayon ang alok mo sa akin 'di po yan basta-bastang halaga ang pinagsasabi mo sir," saad niya sa binata na kanina pa nitong hinihintay ang sagot ng dalaga. "Emma, kapag nakapag desisyon ka na, can you call me immediately here's my calling card. You can contact me directly through this number and I will explain everything." Tanging tango lang ang sagot ng dalaga sa binata at hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan niya kinuha sa kamay ng binata ang calling card naibibigay nito sa kan'ya at nilagay sa kanyang sling bag nito. "Please Emma, think about it, I know na nalilito ka pa sa ngayon." huling salita ni Nathan sa kan'ya at nagpaalam din ito sa dalaga at binalikan niya ang kanyang anak. Hindi pa nakagalaw si Nathan sa kinatatayuan niya ay nasa likod na niya ang anak nito at nilapitan ng bata ang dalaga at kinausap nito at nagpakilala sa dalaga. "Hello po, I'm Ethan," magalang na sabi ng bata sa dalaga. "Hi little boy, I'm Emma." She said at nakipag-shakehand siya sa anak ng binata agad din kinuha ang kamay dalaga. "Nice to meet you too po," he politely said. "Can you be my friend, please can you come to us," pakiusap ni Ethan sa dalaga at mamula-mula ang mata ng bata. Hindi makapagsalita ang dalaga at 'di niya alam kung ano ang isasagot niya. Nilingon niya ang binata at nakikiusap ang mata nito na ano ang isasagot sa anak ng binata. Hinawakan ni Nathan ang kanyang anak at kinausap niya ito ng mahinahon at pinaliwanag sa anak kailangan pang umuwi ng sariling bahay ang dalaga para makita ang pamilya nito. Kahit walang kaalam-alam ang binata sa buhay ng dalaga para may maipaliwanag lang sa anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD