Chapter 4

1832 Words
Chapter 4 EMMA'S POV One month later "Anne bilisan mo naman d'yan ang bagal mo talagang kumilos," sabi ko sa nakababatang kapatid ko. "Ate naman ito na, binabalot ko pa ang regalo natin kay Rhean." Sabi niya sa akin habang binabalot niya ang regalo. "Sige, medyo bilisan mo na baka tayo na lang hinihintay sa birthday party," sabi ko sa bunsong kapatid ko. Ang bilis lumipas ang mga araw mahigit isang buwan na pumanaw ang mahal naming ina. Isang buwan na rin ako dito sa probinsya namin sa General Santos City. Nang mamatay ang nanay namin, agad din namin siyang pinalibing ayaw kasi ng nanay namin matagal kami ng nagluluksa yan ang kabilin-bilinan samin. Kung sakali mamatay kung sino samin huwag daw paglamayan ng matagal. Kaya ginawa namin sinunod ang bilin niya samin. Kung buhay lang sana ang nanay namin sure na siya pa ang mauuna sa paghahanda sa kaarawan ng kanyang mga apo o 'di kaya samin na mga anak niya. Minsan kapag naalala namin siya nag-iiyak na lang kaming magkakapatid. Kahit pansit lang ang handa namin masaya na kami. Lagi kasi sinabi sakin ng nanay ko makuntento kung anong meron samin at magpasalamat kung ano ang meron at huwag maging madamot. "Ate ready na ako halika na," yaya sa akin ng kapatid ko. "Alam mo ate namimiss ko na si nanay," malungkot na sabi sa akin ng kapatid ko kanina ang kanyang mukha ay masaya napalitan ng lungkot. "Ako rin Anne, hindi ko man lang siya naabutan at nayakap bago siya nawala," sagot ko sa aking nakababatang kapatid. "Kaya nga ate, lagi pa naman niya tinatanong kong kailan ang uwi mo." sabi ng kapatid ko sa akin na naiiyak. Tumulo na naman ang masagana kong luha at hindi rin namin napigilan ng kapatid ko na mag emosyon at maiyak kaming dalawa habang nag-uusap kami tungkol sa nanay namin. "Tama na nga ang drama natin, baka makita ni Bhea na galing tayo sa iyak," sabay kaming tumawa at nagpunas ng luha sa mga mata namin. Pag 'yon kasi ang umiyak ang isa namin na kapatid akala mong may tsunami kung tumulo ang kanyang luha ay wagas. Lumabas din kami agad ng kapatid ko sa bahay para tumungo sa bahay ng isa namin na kapatid. "Ante, ante," salubong samin ng pamangkin ko tumakbo papunta sa akin at niyakap ako napakalambing kasi ng pamangkin ko. "Happy birthday to my loving niece and super makulit at maganda pa," bati ko sa pamangkin ko sabay abot ko sa regalo namin ni Anne para sa kan'ya. "Thank you po ante. Regalo ko po ba ito?" tanong niya sa akin na napapangiti sa hawak namin na regalo. "Oo baby," hinalikan ko ito at niyakap. "Pwede ko po bang buksan ante?" tanong sa akin ng pamangkin ko. "Mamaya mo ng buksan anak," saway ng kapatid ko sa kanyang anak. "Opo mama," sagot ng pamangkin ko ang bumalik ito sa mga kaibigan niya na naglalaro nagpaalam ito sa akin at nginitian ko siya. "Ate anong balak mo ngayon? Babalik ka ba mag-a-abroad,?" tanong ng kapatid ko habang nagtitimpla siya ng orange juice samin ni Anne. "I'm still thinking sis, kung babalik pa ako or hindi na," sagot ko sa aking kapatid. "Sorry talaga ate, hindi namin nasabi sa'yo ang pagsanla sa bahay sobrang gipit kasi kami noon at wala kaming malapitan at mahingian ng tulong dahil nasa emergency si Nanay," paliwanag sa akin ng kapatid ko. "Wala 'yan sa akin sis ang mahalaga ginawa natin ang lahat para kay Nanay," niyakap ako bigla ng kapatid ko umiyak ito. Sorry ng sorry ang bukang bibig sa akin at niyakap ko din siya. Nagbuntong hininga ako at tumayo sa kinaupuan ko. "Baka pwede pa akong makapasok sa dati kung pinagtatrabahuhan sa mall. Makakatulong din 'yun sa atin at mabayaran ang natitirang isang daan libo na utang natin sa banko." Sabi ko sa kapatid ko. "Sana nga ate, pagtutulungan natin ang pagbabayad sa banko dahil hindi natin basta-bastang ibigay lang sa banko ang bahay nato" nginitian ko lang ang kapatid ko sa sambit niya sa akin. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na may mahanap kami na paraan sa problema namin na ito. Kaya habang maaga pa kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Hindi pa tapos ang bunsong kapatid sa kanyang pag-aaral. Gusto ko din makamit niya ang pangarap niya na maging Hotel Restaurant Management. "Ate mag-wo-working student po ako at makakaya ko naman 'yun," sabi sa akin ng kapatid ko at tumango lang ako sa kan'ya at nginitian ko siya. Kinabukasan pinuntahan ko ang kababata kong kaibigan na si Jenny. Baka sakali na pwede niya akong tulungan makapasok sa dating mall na pinagtatrabahuhan ko, bilang isang sales lady. "Tita, si Jenny nandiyan po ba?" tanong ko sa Nanay ng kaibigan ko. "Emma ikaw pala pasok ka, nasa loob siya," sabi ni ng ina ni Jenny sa akin. "Salamat po Tita," pumasok agad ako sa loob ng bahay nila. "Kamusta kana Emma, babalik kapa ba sa abroad?" tanong sakin ng nanay ni Jenny. "Hindi ko po alam Tita sa ngayon." sabi ko at tumango lang ito sa akin at tinuro kung saan ang kaibigan ko at tinawag din niya ito sa akin. "Emma halika," tawag sa akin ni Jenny sabay halik sa pisngi ko at kinausap ko agad siya sa pakay ko. Gusto ko kasi na tulungan niya ako ipasok sa mall na dati kung pinagtatrabahuhan. "Sige kakausapin ko ang manager kung pwede kapang ipasok, alam mo naman sa ngayon maraming naghahanap ng trabaho at ang hirap ng makahanap sa ngayon. "Salamat Jenny," sabi ko sa kaibigan ko. "Mamaya ka ng magpasalamat kung tanggap ka na," sabay kaming nagtawanan advance lang Jen pampa bwenas lalo kaming tumawa na dalawa. "Subukan kaya natin kausapin ang ex-boyfriend mo sa kapitolyo na ipasok ka," suggest ng kaibigan ko sa akin. "Naku! Jen huwag mong banggitin ang timang na ex. ko, dahil nanggigil lang ako sa kanya" inis na sabi ko sa kaibigan ko tinapik niya ang balikat ko. "Emma matagal na panahon na 'yon almost five years na, kalimutan muna ang mga nangyari, sabi nito sa akin. "Naka move on na ako Jen, ayoko lang siyang pag-usapan pa. Alam mo naman anak siya ng Mayor dito kaya naiintindihan ko naman na hindi kami pwede. You know the reason kung bakit kami nagkahiwalay I don't want to talk about that," I said. Maya-maya ay nagpaalam na ako na uuwi. Dahil may mga order pa akong lutuin at nagbe-bake din ako ng mga cookies at brownies dagdag income para mabayaran nmin ang utang namin sa banko. Nasa pintuan palang ako naririnig ko na ang ingay ng mga pamangkin ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang dalawang kapatid ko na nag-uusap parang problemado ang mga mukha nila at lumapit ako agad sa kanila. "Bhea kay aga naparito ka may problema ba?" tanong ko sa kapatid ko. "Ano kasi ate hindi lang problema ito kundi malaking problema." sabi ng kapatid ko. Umupo ako sa tabi ng mga kapatid ko at isa-isa nilang ipinaliwanag sa akin ang nangyayari. Nagulat at napatayo ako sa kinauupuan ko sa sabi sa akin ng kapatid ko, na kailangan namin ng one hundred thousands sa loob ng sampung araw. "Paano yan saan tayo makakuha ng ganyan kalaking halaga sa loob ng sampung araw?" tanong ko. "Kaya nga ate, kung hindi natin maibigay ang pera ang bahay ang kukunin nang banko sa atin," umiiyak ang kapatid ko habang nagsasalita ito. Litong-lito kaming tatlo hindi sapat ang konteng ipon namin para pang bayad sa banko. Akala ko pumayag na sila sa palugit namin na limang buwan. Bakit bigla nagbago ang isip nila. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ko ang wallet ko nakita ng mata ko ang calling card na bigay ng binata sa akin sa airport isang buwan na ang nakalipas. "Bakit ngayon ko lang ito naalala?" Sabi ng isip ko sa dami na kasing iniisip ko nakalimutan ko tuloy ito. Ano kaya kung subukan kong tawag still they need me pa kaya or baka nakalimutan na nila ito." Lumabas ako sa kwarto ko at kinausap ko ang dalawang kapatid ko at sinabi ko sa kanila tungkol dito sa hawak ko na calling card. Nang sabihin ko sa mga kapatid ang pangalan ng nasa calling card lumaki ang mata ni Anne. "What!" sigaw ni Anne sa akin. "Alam mo ba ate kung sino ang lalake nayan? Oh my gosh ate Nathan Jones. Isa siya sa mga kilalang tao sa buong Pilipinas. Multi-billionaire ate ano pa ang hinihintay mo grab your chance," masayang sabi niya sa akin. "Tumahimik ka d'yan Anne, kung anu-ano ang nasa isip mo saway ko sa kapatid ko na kinikilig ang peg. Nathan's POV "Isang buwan na ang nakalipas hindi parin nagparamdam ang dalaga," sabi ko sa pinsan kung si Rex na nakaupo sa maliit na sofa sa loob ng opisina ko. "Bakit hindi mo kasi kinuha ng number niya. Hindi ka sana nahirapan ngayon sa araw-araw na pagpapaliwanag at kung anu-anong reason sa mga tanong ng anak mo," sabi ng pinsan ko sa akin na hawak-hawak nito ang kanyang mobile na may tinitigan kung ano. "Dude. Stop it,! I know this is my fault na hindi ko kinuha o hiningi sa kanya ang number niya," pigil ko sa pinsan ko sa mga pinagsasabi niya sa akin. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko at sinagot ko agad ito dahil kumuha ako ng private investigator para sa dalaga para mahanap ito. "Hello, sir alam ko na kung nasaan ang pinapahanap n'yo, nasa General Santos City siya sir. May utang sila sa banko na one hundred thousand pesos," paliwanag sa akin private investigator ko. "That's good, Mr. Aballe so ginawa mo ba ang dapat mong gawin," I said. "Yes sir at kinausap ko din ang bank about dito at sumang-ayon naman sila at kung may makuha akong about sa kan'ya tawagan kita," nag paalam na ito sa akin at pinatay ko ang cellphone ko. "Finally, I found you." I said. "Dude, ikaw muna ang bahala dito sa opisana magkikita kami ni Vivian, hinihintay niya ako sa condo unit niya," utos ko sa pinsan ko at sumang-ayon din agad dahil mula't bata pa kami parang magkapatid na ang turingan namin dalawa. "Okay, dude have fun sana makahanap ka ng tamang babae para sa'yo hindi puro kama lang," tudyo sa akin ng pinsan ko at tinapon ko sa kan'ya ang mga papeles na hawak ko. "What the hell dude, kapag makilala ko ng personal ang babae sini-stalk ko sa i********: pakakasalan ko 'to agad," wika nito. "Ligawan mo muna bago mong pakasalan kaagad ang nasa isip mo, mabalis kapa sa alas kwatro," sabi ko sa loko kung pinsan at lumabas ako sa aking opisina. Pinaandar ko agad ang red Ferrari ko at dumeretso sa condo ng babae kung saan kami magkikita ni Vivian. Isa siya sa mga gusto kung maikama. Dahil napaka wild nito nagbibigay niya ang kailangan ko sa kama. Pero ni isa sa mga babae na naikama ko hanggang kama ko lang sila ito dinadala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD