Chapter 43 Emma's POV Nang nasa loob na kami ng mall akala ako namamalikmata lang ako sa nakikita ko. Tiningnan kung mabuti. Nakita kung palabas ng mall si Adriana at Nathan at may kasama silang dalawang babae at dalawang lalaki rin. Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko. "Ano kaya ginawa nila dito?" tanong ng isip ko. "Hey! Ano ang nangyayari sa'yo Emma. Para kang nakakita ng multo," sabi sa akin ni Bella. "A-a wala may nakita lang kasi akong kakaiba pagsisinungaling ko sa kanila. "Ah ok, akala ko ano na e, halika na kayo tingnan natin anong magandang movie ang palabas ngayon," yaya sa amin ni Lisa. Hinila ni Lisa ang kamay ko patungong kung saan ang sinehan para makapili kami ng panoorin. Napansin niyang nag-iba ang aura ng mukha ko parang matamlay. "Are you okay?" she aske

