CHAPTER 3 KISSES

2899 Words
  CHAPTER 3 KISSES         Gulat na napabalikwas si Kisses ng bangon nang masaulian siya mula sa pagkahimatay at isang lalaking pogi ang nakatunganga sa kanya. “A-Anong ginawa mo sa katawan ko?” nakapa niya ang mga s**o at sinilip pa niya dahil baka nabawasan ang u***g niya pero ngumisi lang ang lalaki habang nakaupo sa sofa at nakasandal din doon. “I wish I really did something but I don’t take advantage especially if the woman is unconscious. I need consent and I don’t do rape.” Anito na hindi mapuknat ang titig sa mukha niya. Rape mo mukha mo. Nakakalusaw kung tumingin ang lalaki at sa totoo lang ay hindi niya inakala na makakakita siya ng ganoon kagwapong nilalang na parang kapatid mismo ni Adan sa kagwapuhan. He has stubbles, has beautiful eyes, pointed nose and an intriguing smile. He’s drop-dead gorgeous, in other words. Kahit na malayo ito ay naaamoy niya ang kabanguhan at nararamdaman niya ang titig nito sa kanya. Malamang na kung ibang babae siya ay nagpa-charming na siya kanina pa pero hindi. Wala siyang panahon na makipaglandian kahit na kung kaninong pilato pa man, kahit pa sa pinakagwapong nilalang sa buong sansinukuban. Peste naman kasi kung bakit siya hinimatay. Gutom na kasi siya dahil nagpakuha na naman siya ng dugo kanina. Pinakain naman siya kaya lang parang isinapin lang ang lugaw sa sikmura niyang kagabi pa kumukulo. She has no money. Namomroblema siya sa pambili ng gamot ni Czarina na hindi nakukuha sa loob ng pharmacy ng ospital. Panghuli na para mamayang gabi ang binili niya at hindi niya alam kung saan siya hahagilap para sa pangkinabukasan. Wala ng mabale ang nanay niya sa amo dahil naka-advance na noong nakaraang buwan pa ang pang-tatlong buwang sweldo niyon. Ipinagawa nila iyon ng bubong ng bahay nang isang buong ilipad ng bagyo at dingding lang ang natira sa kanila. Maswrte nga na hindi sila nakasamang ilipad ng hangin at dalahin sa kabilang buhay. “A-Alis na ako. Salamat sa pagpahinga mo sa akin dito sa…” inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng maliit na opisina pero may kama, may sofa at may lalabong maliit. “Sa hotel mo.” Aniya pero natawa ang lalaki kaya napamaang siya. “This isn’t a hotel room. This is my office. Usapang matino, Miss. Anong ginagawa mo muna sa loob ng race school ko?” Usisa nito at wala naman siyang nakikitang mali na sabihin dito ang totoo lalo pa kung ito naman ang may-ari ng buong lugar. Susko…mayaman pala siya. Napapaisip siya na dukutan ito ng pitaka pero hindi pa siya ganoon kagaga para magnakaw kapalit ng lahat. Alam niyang may paraan pa para tuluyang gumaling ang anak niya sa Dengue at hindi pagnanakaw iyon. “May pasa ka sa braso. That’s hematoma. I’m sure. Did you do drugs?” tanong pa nito kaya nagbungguan na ang mga kilay ni Kisses. “Hindi ako drug addict. Sa hitsura kong ito na mukha akong dugyot, iisipin mo pa na may pambili ako ng drugs? Bakit? Itotokhang mo ba ako? Hitsura nito.” Irap niya saka siya pilit na tumayo. Nawala na ang interes niya na magsabi ng totoong sadya niya dahil para namang siraulo ang may-ari ng race school. Nakangisi pa ang binata kahit na pinagsungitan na niya. “Sit down, Miss Ganda.” Ano raw? Miss Ganda? “Uuwi na ako.” Aniya pero gumewang ang pakiramdam niya kaya napaupo ulit siya sa isang maliit na kama. Bakit ba kailangan niyang makulong sa ganoong lugar at kasama ay lalaki? “I told you to sit. Let’s wait for some coffee and milk.” Milk? Umawang ang mga labi niya at tumunganga rito. Umiinom ito ng gatas? Ang laki-laki nitong tao ay gatas ang iniinom tapos ay kape sa kanya? “H-Hindi na kailangan. Kaya ko na po. Salamat na lang.” Sabi naman ni Kisses. Nag-iipon lang siya ng lakas at lalarga na siya. Maghahanap pa siya ng ibang pwedeng mapasukan kaagad kahit na anong raket, iyong magkakapera kaagad siya kahit na  dalawang libo. Saka na niya iisipin ang pambayad sa ospital total ay limang araw pa si Czarina sa ospital. Kailangan niya ng bente singko mil dahil kahit na paano ay may Philhealth ID naman siya galing sa gobyerno, iyong para sa mga mahihirap at covered no’n ang bata na nakaapelyido sa kanya at siya mismo ang ina sa birth certificate. “I insist. I promise wala akong gagawin sa’yo. I’m a good man, kahit na itanong mo pa sa NBI.” Itinaas ng lalaki ang kanang kamay at lumabi pa. Papogi ang walang hiya pero totoong pogi naman talaga. “I’m Grieco de la Cueva.” Pakilala nito sa sarili at sukat doon ay napakunot noo siya. Grieco de la Cueva? Parang narinig na niya ang apelyido ng lalaki pero hindi niya matandaan o baka nagma-malfunction ang utak niya dahil sa gutom. “I’m charitable.” Anito pa kaya naubo siya. Ang walang hiya, ang kapal ng mukha na purihin ang sarili. “Hindi ako charity.” Sagot na lang niya habang pinipigil ang matawa pero natilihan din siya dahil totoong charity siya. Isa siyang babaeng maraming kahig pero wala halos tuka. “I don’t mean anything like that. I think you need help and food is all that I can offer. I own a sanctuary, if you don’t know me.” He informed her and there she remembered his family name. Grieco de la Cueva is the owner of Youthful Sanctuary which helps a lot of sexually abused minors, victims of trafficking and cyber s*x. Alam niya iyon dahil sa labasan ng tinitirhan nilang lugar ay may isang sampung taong gulang na batang babae ang ibinenta ng sariling ina kapalit ng pera. Sa huling balita ni Kisses ay kinuha ang bata ng DSWD, kasama ang taga Youthful Sanctuary daw na pag-aari ng lalaking kaharap niya. Nawalan siya ng salita at napakurap lang. He’s then really charitable. Mukha lang itong malandi at babaero pero may itinatago palang bait. “You ran out of words. Maybe you know now. Now tell me. Anong ginagawa mo rito? Do you wanna die? Iniwan ka ba ng boyfriend mo?” Usisa na naman nito na tinalo pa ang abogado kung makapagtanong. “Hindi ako iniwan dahil wala akong boyfriend. Hindi rin ako magpapakamatay.” Padaskol na sagot niya pero tumango lang ito. “Maybe then you’re just mentally dislodged. May I know the reason?” Makulit ang gwapong dyablo. “Nakita ko ang signage sa may guard house tungkol sa pangangailangan niyo ng isang flag girl. Nagbakasakali ako pero sarado naman itong opisina kanina kaya naglakad na lang ako sa paligid. Wala namang sasakyan tapos bigla na lang kayong sumulpot galing sa kung saan kaya kamuntik akong mabangga.” She explained. She tried to be casual enough because he’s him and somehow she must respect the man. “Flag girl?” tanong nito saka siya inararo ng tingin. Ngali-ngali na ni Kisses batuhin ng lambshade si Grieco dahil daig nito ang barina kung bumaon ng titig sa kabuuan niya. m******s din yata ito. “Huwag niyo na akong insultuhin. Alam kong hindi ako bagay.” Pauna na niya at ang sumunod doon ay katok sa pintuan ng kung sino. “In.” sagot ng binata habang nakatingin pa rin sa kanya kaya napaiwas na lang siya. “Sir, delivery.” Anang isang lalaking naka-uniporme nang buksan niyon ang pintuan saka sumilip doon. “Come in. Ilapag mo sa center table.” Utos ni Grieco sa lalaki habang kumukuha ng pera sa pitaka. “Salamat, Sir.” Tango lang ang nakuhang sagot ng lalaki bago iyon umalis. Inasikaso nito ang lahat ng pagkain saka isinulong papunta sa direksyon niya ang isang disposable cup. “Milk for a baby girl.” He winks at her. Napatungo siya at bapakagat labi nang palihim. The man is flirty. Halatang-halata sa mga kilos nito ang pagiging mapang-akit at malamang na kahit ilang milyong babae ang mapunta sa katayuan niya ay pakikitaan din nito ng ganoon, charitable kapag katulad niyang mahirap at flirting naman kapag maganda at mayaman ang babae na nahimatay. “Come closer.” Utos ni Grieco bago humigop ng kape sa baso. Sa kanya pala ang gatas kasi bata raw siya. Bata pa ba siya sa edad na bente uno? Napilitan naman siyang tumayo at lumapit na rin. Naupo siya at napatingin sa gatas. Naalala niya si Czarina kaya bigla na lang siyang napahikbi. Her precious girl seldom drinks milk. She provides the girl everything if she can but most of the time, she can’t. Nagsasabay ang pag-aaral niya sa pag-raket para kapag nakapag-trabaho siya ay saka siya babawi sa anak niya. Lahat ng hindi natikman ng bata ay ipatitikim niya para hindi kawawa. “Don’t want milk? Kape ba ang gusto mo? Let’s switch.” Alok pa nito pero hindi siya sumagot. “Why do have to apply as a flag girl? You’re too young and I know you’re still studying.” Humigop ito ulit ng kape. “Kailangan ko ng sideline, sideline na kapag natanggap ako at makaka-advance ako kaagad ng sweldo.” Tahasang sagot niya na ikinatigil ni Grieco. Gumalaw ang mga mata ng binata papunta sa mukha niya habang nakadikit pa rin ang labi sa nguso ng baso. “Are you in need of a sugar Daddy? Sugar Daddy lang ang magbibigay sa’yo ng ganoong benepisyo. There is always a written policy and it includes salaries and advance payments.” “Sinasabi niyo bang mas madali pang makakita ako ng milagro kaysa sa simpleng hiling na ‘yon? Kaya nga ako naghahanap.” Rason niya. “Kaya ka dito napadpad? Are you thinking that the owner of this training school is generous and…gorgeous?” Ngumisi ito kaya napairap siya. Anong hangin ng lalaki na parang poging-pogi sa sarili? Kung sabagay, may ihahangin naman nga. “Maraming scammer ngayon, Miss at kadalasan ay nagtatago sila sa ganyang mukha.” Tumiim ang titig nito sa kanya pero hindi naman siya tinablan. Sa maikling salita ay nagagandahan yata ito sa kanya. Anong pakialam niya sa tingin nito? Naturalesa na yata nito iyon dahil mukhang babaero nga. “Hindi ako scammer.” Sunod-sunod ang naging pagsubo niya ng pagkain at wala siyang pakialam kung anumang pagkain ang kinakain niya. Gutom na siya at kahit na ang hiya ay nilunok na rin niya. Masama ang tumanggi sa grasya. “May…” napatigil siya sa pagnguya at napatitig lang sa hawak niyang pizza. Si Czarina na naman ang naisip niya kaya humikbi ulit siya at napapailing na inilapag ang hawak na piraso ng pagkain sa disposable na plato niya. “May ano?” usisa ni Grieco habang nakamasid sa kanya. “May dengue ang anak ko.” Humagulhol siya ng iyak at parang napatda na yata ang binata sa kinauupuan. “You’re a Mom?” May pagka-tsismoso talaga ang walang hiya. “Kailangan ko ng umalis, Mister de la Cueva. Salamat sa kawanggawa.” She hurriedly stood up to go. She must not waste any minute. Parang may sunong siyang bomba sa sa ulo niya at sasabog kapag oras na para sa pagbili ng gamot ng bata. Handa na sana siyang lagpasan si Grieco pero walang imik na hinawakan nito ang braso niya kaya napatigil din siya sa tangkang pag-alis. “What exactly do you need for your child? I may not be able to give you the job you’re looking for but I know some institutions which could actually help.” Anito pero hindi sa kanya nakatingin. Nalusaw na naman ang katatagan ng kanyang depensa lalo na sa mga pagkakataon na may nagpapakita sa kanya na handang tumulong. From a man as wealthy as him, she just couldn’t believe it. Umiyak siya, tutop ang bibig. “Kailangan ko ng pambili ng gamot na wala sa ospital. Hanggang mamaya na lang ang gamot niya at wala na akong pambili bukas. Kung tutulungan niyo ako, pwede kong personal na ipakita ang bata at ang lahat ng records sa ospital. Saan ba ang institusyon na sinasabi niyo at pipila ako kahit ilang oras pa.” lumuluhang sagot niya. Grieco looked up at her and stared at her for a while, freeing her arm. “My brother’s charity. I can directly assist you to my sister-in-law. I don’t need proofs. It’s up to you and you will reap it if you’re only lying. Finish your foods and I’ll call her.” Iminuwestra nito ang silya at bigla na lang siyang napangiti kahit na umiiyak man. Nakahinga siya nang maluwag pero hindi naman siya matigil sa paghagulhol dahil sa sobrang tuwa. The man is looking at her but she doesn’t care. She’s so happy and all that Czarina has to do is to stay strong because she will do her best to find enough for the kid’s medications. “How old is your kid?” kibit-balikat ni Grieco at pasimpleng sumubo ng pagkain. “Four. Her name is Czarina Kraze. She was diagnosed with dengue, acute. Nasa perya ako noong nakaraang gabi nang isugod siya sa ospital. Nagpapa-target na nga ako para maipa-laboratory ko siya pero hindi niya ako nahintay.” Kwento niya rito at saglit itong natilihan. “Nagpapa-target?” He asked again. Tumango si Kisses at pinahid ang kabuuan ng mukha niya gamit ang mga palad. “Doon sa wheel. Sideline ko para magkapera dahil apat na araw ng nilalagnat ‘yong anak ko. On, off ‘yong lagnat tapos dumugo na ‘yong ilong niya.” Ngumiwi siya pero hindi na naman umiyak pa. He’s a savior. Para itong anghel na dumating sa kalagitnaan ng delubyo at ngayon ay patitigilin ang kalbaryo sa buhay niya. Wala naman siyang interes na kung ano pa man. Gusto lang niya ay makakuha ng sapat na tulong para bata at sapat na ang ibibigay na tulong ni Grieco de la Cueva. “Maaga ka nag-asawa.” Iyon ang sagot nito kaya siya naman ang umawang ang mga labi. “Wala akong asawa. I’m a single parent.” “Aw, maaga kang naglandi.” He smiled against the rim of the cup. Nagsalubong ang mga kilay ni Kisses at pinukol ng masamang tingin ang binata. “Just kidding.” Anito pa saka humigop na naman ng kape. “H-Hindi niyo pa ba siya tatawagan?” Nag-aalalang tanong niya. Baka hindi rin siya matulungan ay umasa na siya nang tuluyan na nakakakuha kahit paano, kahit sa gamot man lang. “Macy is my sister-in-law. You need not have to worry about the assistance. Kuya is funding the institution for his beloved wife. As for all you know, she’s a victim of poverty, too. She learned a lot and being a good Samaritan is in her heart. Wala kang dapat isipin dahil kahit madaling araw ko siyang tawagan, makakakuha ka ng tulong.” Assurance nito sa kanya kaya ngumiti siya. Ang kapal talaga niya. “Salamat.” She barely whispered but she got a very kinky grin. “You’re welcome.” Grieco’s brows bobbed sexily. Napainom na lang siya ng gatas para makaiwas lang ng tingin. Mabait pala ito kahit na maharot ang hitsura at ang lahat ng kilos. Hindi na niya tinitingnan iyon dahil sa tulong na ibibigay nito sa kanya. At nakahanda naman siyang magbigay ng mga dukumento na kailangan para kapatunayan na may paselyente siya sa ospital. “Did you do blood transfusion? May hematoma ka sa braso at para kang nalantang gulay kanina.” Anito kapag kuwan kaya tumango siya matapos na sumubo nang sunod-sunod. “Ayoko kasi sa bank ng ospital. Baka may HIV ang nagpakuha ng dugo.” Simangot niya na ikinatawa nito. “That’s impossible.” “That is possible. Una sa lahat ay hindi naman kaagad nalalaman ang HIV infection. Kadalasan ay 3-6 mos matapos kang ma-expose, saka lang nakikita sa test o baka nga mas matagal pa. Paano ako makakasiguro na malinis ang dugo na isasalin sa apat na taon kong anak?” paliwanag naman niya at hindi naman ito nagsalita, ngumiti lang. “I’m quite impressed. You know a lot of things. Finish your food. Halatang hindi ka gutom.” She mentally bit her lip. Pinagmamasdan pala siya nitong kumain at napansin pa yata na sunod-sunod ang pagsubo niya kanina pero ano namang pakialam niya? Gutom siya at kakain siya kahit na ano pang sabihin nito. “Excuse me, Ganda. I’ll just have a call.” Paalam nito kaya lihim na nagtatalon ang puso niya sa tuwa. Tatawag na yata ito sa sinasabing sister-in-law at maya-maya lang ay may tulong na. Naluluha siyang napamasid lang nang tumayo si Grieco at naglakad papalayo nang kaunti. Now she sees how gorgeous he is, in every angle. Mula sa harap hanggang sa likod ay gwapo ito at malamang na hindi lang nagkakandarapa ang mga babae sa paghabol sa ganoon kagwapong lalaki. May kabaitan pa.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD