CHAPTER 4 GRIECO

1848 Words
CHAPTER 4 GRIECO         Eco spared himself free after giving the woman the details of the charity’s office. Bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan nang i-abot niya ang tarheta kung saan siya rin naman ang matatagpuan nito roon dahil busy si Macy. Ganoon naman ang papel niya sa buhay, maging tagasalo ng mga trabaho na hindi magagampanan ng mga kapatid  niya o hipag. It’s his repayment for their kindness. Wala naman kasi sa kanyang pumipilit na magtrabaho at hinahayaan siya ng mga magulang niya sa hilig niyang gawin sa buhay. “What’s your name again?” tanong niya sa dalagang ngumunguya pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Nawala na ang pamumutla nito at parang namula na ang mga pisngi na kanina lang ay parang kinaliskisang bangus sa pagkaputi. Sino namang gago ang pababayaan ang ganito kabatang dalagang ina na hinimatay at kamuntik pa niyang masagasaan? Hindi ang isang de la Cueva ang makakayang tumalikod sa taong nangangailangan. Their parents raised them to become humble people in some ways. Isa pa, kung nabangga niya ito ay hindi sapat ang trenta mil na kabayaran sa buhay nito kahit na wala itong trabaho at isang single mother. Kasalanan man nito ang bagay na iyon, pananagutan niya sa kunsensya niya kung sakaling nahagip niya ito kanina. Hindi lang isang tao ang mapapatay niya kung sakali kung hindi dalawa, ito at ang anak nito kapag nawalan ng ina. But she doesn’t look like a mother. She’s so cute maybe in her 5 foot height maybe, a bit skinny but her figure is absolutely fine. Bakat sa suot nitong blouse ang may kalakihang dibdib at kumukurba ang maliit na baywang. He wonders what’s under that long skirt. Bagay dito ang morenang kulay pero inaagaw ng puti. He doesn’t know. Her complexion is quite weird. “Ako si Krista Isabella Vergara. Ano ba ang kailangan kong dalhin sa pagpunta sa opisina na ito, Mister de la Cueva?” nakatingin ito sa tarheta at walang kyeme na panguya-nguya ng pizza. “Bring yourself.” Sagot niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang maka-offend ng tao at sabihin nito na nagdududa siya. Hindi siya ganoon lalo na sa babae kaya kung modus nito ang panloloko ay di bahala na. And he has time. He’ll follow her discreetly to see if she’s really telling the truth. That way, he can never offend her. “Sige, Mister de la Cueva. Pupunta ako pagkadaan ko sa ospital. Sasabihan ko lang si Papa na bantayan muna ang baby ko at may aasikasuhin ako. Kukuha na rin ako ng mga records para naman may prueba ako na totoo ang paghingi ko ng tulong.” Anito pero nagkibit-balikat lang siya. Iyon pala ang mukha na nakatago sa makapal na puting foundation at mukhang payaso sa perya na umatungal ng iyak matapos na may nagsabing nasa ospital ang anak. Mukhang nagsasabi nga ito ng totoo dahil naroon siya at siya pa ang tumakot sa tumatarget kay Krista Isabella nang tila ayaw itong pakawalan ng lalaking ‘yon. “It’s up to you. What time will you be there?” sumulyap siya sa relong suot saka namulsa sa may harap ng center table. “Pagkagaling ko sa ospital…po.” She bites her bottom lip. Ngumiti lang siya saka tumango. I’ll see you then. “Pwede bang…i-take home ang mga tira kong pagkain para sa bantay sa ospital?” kumurap-kurap ang dalaga at parang kaagad na ginuhitan ng pagkailang ang magandang mukha. There’s a light pinch in his heart. He was born wealthy and he couldn’t imagine seeing a woman asking to have some leftovers for her family. She’s too pretty to beg like a beaten kid. Her eyes are so damn lovely and he’s kinda mesmerized. “Take everything you want.” Iyon na lang ang naging sagot niya at siya na ang nag-iwas ng tingin. He remembered KC and Macy. Those women are likely the same as the woman who’s in front of him, unfortunate. May espesyal na haplos sa mga puso nila ang mga babaeng katulad nito na salat sa yaman at lahat ng bagay dahil kadalasan sa mga tulad nito ay maprinsipyo at hindi basta nabibili ng kwarta kahit na gaano kahirap ang buhay. “Salamat.” Ngumiti si Krista kaya napatingin siya ulit at napatanga. He’s never been got attracted to a single mother all of his life, in fact he had never met any. Malandi siya at babaero pero wala siyang nasumpungan na dalagang ina na kasing bata at kasingganda nito. Her simplicity makes her perfect. Kahit mukha itong itinakwil sa simbahan dahil sa suot na parang nagbabahay-bahay na kasapi ng kung anong relihiyon ay hindi talaga pwedeng balewalain ang maganda nitong mukha. She looks like a doll, full fringe and short hair. Baluktot ang mga pilikmata nito at malamlam ang mga mata. Her lips are sexy, curvy and pouting. Holy s**t! She’s a pain in my d**k. Napatango na lang si Eco bilang sagot sa pasasalamat ng dalaga. Nag-umpisa na iyong ibalot ang mga pagkain na natira pero iniwan ang sa kanya. Kahit paano ay marunong din talaga kung alin lang ang dapat na kunin. “Take mine; just leave my coffee.” Aniya. “Sige. Mayaman ka naman at marami kang pambili. Salamat ulit.” pangiti-ngiti ito samantalang kanina ay mainit ang ulo sa kanya at napangiti rin siya sa sagot nito. Wala siyang imik habang pinapanood ang bawat kilos ng dalaga hanggang sa tuluyan nang tumayo si Krista Isabella at niyakap ang lahat ng paper bags. Napaawang na lang ang mga labi niya at mukha siyang tanga. “Want a ride?” his brows arched but she shook her head. “Ah hindi na, Mister de la Cueva. Marami na kayong tulong kahit muntik niyo na akong mapatay kanina. Magdi-dyip na lang ako.” Ngumiti ulit ito at naningkit ang mga mata. “May pamasahe ka?” usisa pa niya. Baka mauna siyang mamatay sa pag-aalala kaysa sa batang may Dengue. Hindi talaga niya ugali na maging matapobre sa mga katulad nitong mahihirap. Dati pa lang ay talagang laglag ang puso niya kapag nakakakita ng taong nahihirapan. Hindi iyon parte ng pagiging playboy niya para makasungkit ng babae dahil talagang mabait lang siya…bukod sa gwapo. “Meron. May bente pa ako. One ride lang naman kaya kasya pa…po.” Po… palaging nahuhuli ang salitang po. Eco nodded and never uttered anything. Iniwanan siya nito ng isang ngiti bago tuluyang humakbang papaalis. She’s lively now, unlike earlier. Pagkain lang pala ang kulang sa dalaga dahil kinuhanan ng dugo, at sa tingin niya ay hindi naman ito nagsisinungaling. He decided to follow her discreetly. He wanted to make sure that she’d never disappoint him. He wants to find out the truth. Nasa loob siya ng sasakyan at pinagmamasdan si Krista Isabella habang naghihintay ng dyip sa may shed. Nang makasakay iyon ay palihim pa rin siyang bumuntot hanggang sa bumaba iyon sa tapat ng Philippine General Hospital matapos ang ilang minutong byahe. She was quick and seems so very excited. Bumaba rin siya at lihim na sumunod. Tuloy-tuloy lang iyon papunta sa may likurang bahagi ng ospital at nakita niyang sa may Philhealth section iyon dumiretso. Dinaanan niya sa pasilyo ang mga may sakit at napapalingon siya sa tuwing nilalagpasan ang mga iyon. The place is too crowded and mostly, the patients are kids with rashes. Maybe there’s a Dengue outbreak and Krista Isabella’s child is one of the many victims. Nasilip niyang pumasok iyon sa isang kwarto kaya dumiretso naman siya sa information desk. “Hi!” He greeted the woman behind the desk and bobbed his brows. Napatigil ang nurse sa binubuklat na mga papel at umawang ang mga labi habang nakatingin sa kanya. Para iyong nakakita ng gwapong multo sa katauhan niya. “Is there a patient with a family name, Vergara? A child?” tanong niya sa babae na mabilis na binuklat ang talaan. “Czarina Kraze Vergara, sir. She’s in room 201.” Itinuro nito ang kwarto na pinasukan  ni Krista Isabella kaya kumpirmado na niya na hindi modus ang ginagawa ng dalaga. Totoong kailangan niyon ng tulong. “Anong sakit?” “Acute Dengue, sir. She was bleeding the other night. Na-ICU po siya pero inilabas na rin dahil mukhang malakas naman ang bata at tinatanggap lahat ng gamot pero for monitoring pa ho. Kaano-ano po kayo ng bata?” “Oh,” he shrugs. “Her Dad’s best friend.” Sinungaling. “Thank you.” Kinindatan niya ang babae na parang nanigas na bigla at hindi nakakilos. Pumihit na siya papalabas dahil pupunta na siya sa opisina ni Macy para doon na hintayin si Krista Isabella. That woman is a responsible mother at a very young age. Hindi nga kaya iyon din ang dahilan kaya nagpa-target iyon sa perya? Kahit na buwis buhay ay sumugal pa rin para makakuha lang ng pera? Napabuntong hininga siya saka umiling. Anong gago ng lintik na lalaking nagpunla pero iniwan lang ang bata pati na ang ina. Sa kahit na anong anggulo ay hindi katanggap-tanggap ang bagay na iyon. He’s a playboy but he’s responsible for all his actions. He’s not ready yet to become a father that’s why he never fails to use a condom every time he f***s a woman. And if it happens that a condom fails in its duty, he’ll take full responsibility. Kahit na hindi niya mapakasalan ang babae ay nasisiguro niyang susuportahan niya mula dulo ng buhok hanggang dulo ng kuko sa paa. Napatingin siya sa bukana ng ospital nang makita niya ang pamilyar na bulto ng isang babae. May bitbit na iyong mga papel at parang nagmamadali. Shit! Baka maunahan pa siya ni Krista na makarating sa opisina kaya nagmamadali niyang binuhay ang makina ng sasakyan. He noticed that every male nurse was smiling at the young mother. Ngumingiti rin iyon nang kimi at ibinabaling sa iba ang mukha. Maganda naman kasi talaga at nakakaintriga ang katauhan na simple pero nakakaakit. She’s the kind of woman who doesn’t have to put much effort to be noticed. She’s just so very charming. And I’m so very handsome. We’re even and I don’t mind having a night with her though she’s already a mom. Napangisi si Eco sa kalandian ng isip niya. Wala naman talaga sa kanyang kaso kung magkama siya ng may anak na. May mga nadala nga siya sa langit na mas matanda sa kanya ng limang taon, bakit masarap pa rin? And he remembered what his kuya Enriel said, wala raw maluwang sa malaki kaya malamang na masarap pa rin kahit na may anak na.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD