CHAPTER 5 KISSES

3344 Words
CHAPTER 5 KISSES         Yakap ang mga papel ay malalaki ang hakbang ni Kisses papunta sa opisinang itinuro sa kanya ng gwardiya. Pila ang mga tao roon na parang nasa PCSO. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng pondo para magbigay ng tulong pero wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga para sa kanya ay isa siya sa napakasuswerteng tao na maambunan ng grasya para sa CK niya. “Miss, excuse me. Saan na po iyong offfice ni Ma’am Macy de la Cueva?” Tanong niya sa babaeng nasa harap ng mga tao na nakapila. Sinuri na muna siya ng babae bago nagtanong. “Anong pangalan mo, Miss?” “Ah, Krista Isabella Ver—” “Ah tuloy na sa pinto na ‘yon. Bilin ni boss na patuluyin ka kapag dumating. Hindi ko alam kung nasaan siya. Lumabas yata saglit.” “Sige, salamat po.” Ngumiti siya at excited na naglakad ulit papalapit sa opisina. Kumakabog ang dibdib niya sa saya at naluluha siya. Napakalaking bagay niyon para sa kanya. Kahit na dalawang libo o isang libo lang ay masaya na siya. Maitatawid na no’n ang buhay ng anak niya na parang lantang gulay pa rin nang abutan niya sa ospital kanina. Tulog pa rin ang bata at namumula ang ilalim ng balat kahit na tingin niya ay maputla. May salin pa rin iyon na dugo pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Gagasino na ang araw na inilagi ni CK sa ospital kaya alam niyang hindi naman ganoon kadaling makakabawi ang bata. Monitored pa rin ang platelets at tumaas naman nang kaunti kaysa sa unang test na halos ikamatay na niyon. Kisses instantly twisted the doorknob and pushed it. Humakbang siya papasok pero parang tumalsik ang kaluluwa niya sa kalawakan nang makita niya ang isang babae at isang lalaki na naghahalikan. Inay ko! Nalaglag ang lahat ng papeles niya nang takpan niya ang sariling bibig. Bakit ba bibig ang natakpan niya at hindi mata? Nakaupo ang babae sa mesa at nakabukaka habang ang lalaki ay nakatayo sa pagitan ng mga hita niyon. “s**t, sir Eco. Your fingers…ohhhh!” Fingers? “Love it? Huh?” namamaos na tanong ng lalaki. “Hesus maryosep.” Nausal niya kasabay ng tangkang pagtalikod pero lumingon iyon at nagtama ang mga mata nila. Ang lalaking kaharap niya kanina sa race school ang dumadaliri sa babae. Bastos ang walang hiya at babaero talaga. “Ahm…” napalunok siya at hindi makaapuhap ng salita. Tila ba wala naman itong pakialam at kaswal lang na ngumiti saka binulungan ang babae. The woman on the desk fixed her dress and stood up. Kumurap siya at tumingin kay Grieco, sa daliri nito. Nababanaag niya ang parang kumikinang sa pagkabasa ang lintik na mga daliri nito pero para bang wala itong hiya na nakakatingin pa sa kanya nang diretso. His natural smile turned into a sexy, flirtatious grin. “Come in. Lalabas na si Feline.” Anito sa kanya at iminuwestra ang sofa pero nanatiling nakaawang ang mga labi niya. Her cheeks are so damn hot. Malamang na tusta na ang mga iyon kung literal na apoy ang nagniningas sa mga pisngi niya. Siya ang nakakaramdam ng hiya bilang isang babae. Pasexy na nilagpasan siya ng babaeng naka-mini skirt na pula. Malamang na uniporme iyon pero bakit parang sobrang laswa naman yata? Nakuha pa no’n na irapan si Kisses kaya napasimangot na lang naman siya. Ang kapal! “Sorry you had to see that.” Anang boses ng lalaki sa may tabi na niya kaya napaitlag siya. Yumukod ito at parang pupulutin ang mga papel na nahulog pero inunahan na niya. “Ako na. huwag niyong hahawakan at baka kung saan-saan naman napahaplos ang kamay niyo.” Mabilis niyang inagaw ang mga papel na nasa sahig at wala siyang pakialam kung natigilan ito nang tumingin sa kanya. “Yeah.” He smiled and stood up. Balahura talaga. Nakakangiti pa kahit na kung anu-anong kalokohan ang ginagawa sa loob ng opisina. “Mali yata ako ng pasok, po. Hindi yata ito ang opisina ni… ni…” natutop niya ang dibdib. Bakit ba hinihingal siya? She’s damn nervous. Kanina ay pagkagulat ang rumehistro sa buong sistema niya pero sa mga sandaling iyon ay takot na. “Have a seat. You’re in the right room. Give me a moment. I’ll just wash my hands.” Ngumiti na naman iyon kaya nag-iwas siya ng tingin. Letseng buhay. Makakakuha naman nga siya ng tulong pero nakapanood pa siya ng live p**n. Sino ba ang babae na iyon na naka-I.D pero naman mala-GRO ang kilos? Hindi na naupo si Kisses. Hindi na rin siya kumilos pa. Ayaw niyang lumapit sa mesa kung saan nakaupo ang babae kanina. Baka mamaya ay amoy pwet ang lintik na mesa, ay di maamoy pa niya. Napapikit siya at saka huminga nang malalim. Pinilit niyang balewalain ang nakita niya dahil hindi naman iyon ang ipinunta niya sa opisina kung hindi ang tulong na kailangan ng CK niya. Masiglang lumabas mula sa banyo si Grieco at nahabol lang ito ng dalaga ng tingin. “Come closer. We will talk.” Pormal na utos nito sa kanya kaya humakbang na rin siya. Sinuri niya ng tingin ang mesa at wala naman siyang naamoy na pwet. Amoy lalaki ang kabuuan ng kwarto, amoy ng babaero. “Have a seat.” Alok na naman nito kay Kisses kaya para naman siyang robot na sumunod kaya natawa pa ito sa kanya. Hindi kawasa ay napatingin siya sa kamay nitong nakapatong sa mesa at sa mga daliri nitong mahahaba. Umuungol ang babae kanina at halatang naliligayahan. Ano nga ba ang pakiramdam na mahawakan doon? Ayi! Naipagdikitan niya ang mga hita. “Why are you looking at my fingers?” Nakangising tanong ni Grieco kaya umasim ang tabas ng mukha niya. “Baka lang po kasi hindi kayo naglagay ng alcohol at makalimutan ko ay mapakamay ako sa inyo.” Prangkang sagot niya na ikinatawa nito nang husto. “I’ll use my left hand then.” Kibit balikat ni Grieco kaya napalabi na lang siya. Inilapag niya ang mga dala niyang papel sa mesa at isinulong sa binata. “Ano ‘yan?” He asked without leaving her face. “Partial assessment po sa ospital saka iyong mga reseta ng gamot na hindi ko pa nabibili. May I.D din po akong dala para kung magtanong kayo kung totoong anak ko ang bata. Wala lang akong birth certificate ni CK.” Daldal niya saka hinugot ang I.D niya sa Polytechnic. Inilapag niya rin iyon sa mesa pero sa pagtataka niya ay iyon lang ang kinuha nito at pinakamasdan. Nakakahiya dahil mukha siyang dugyot doon. Freshman pa siya nang kunin iyon at desi otso lang siya sa litrato. Ngayon at bente uno na siya. “Your bob cut suits you best.” Ani Grieco kaya napaiwas na naman siya ng tingin. Sa dami ba naman ng pwede nitong sabihin ay iyon pa. “H-Hindi niyo ba ho titingnan ang mga dala kong dokumento?” pag-iiba ni Kisses. Nakakailang ang titig nito lalo kapag sinasalubong niya. He never withdraws his gazes and it makes her nervous. Wala pa sa kanyang tumititig nang ganoon na para siyang hinuhubaran nang palihim. “I don’t need those bulshits. Keep them. Magkano lahat ang kailangan mo para sa mga gamot? I believe naghahanap ka ng trabaho. You want a part time job? I need a cleaner.” Anito kaya halos manlaki ang mga mata niya. “Trabaho po? Sige po. Sige. Kahit anong trabaho po tatanggapin ko. Bakante na po ako alas 2:00 ng hapon at kung gusto niyo naman ay sa umaga dadaan muna ako sa trabaho ko kung maglilinis lang naman.” Nakangiting sabi niya. Nakalimutan na niya ang kalandian nito dahil mas interesado na siya sa alok na pagkakakitaan. “You’re such a fighter.” Tumaas ang isang sulok ng labi ni Grieco habang nakatingin sa kanya. “Wala akong hindi magagawa para sa anak ko. Dati na po akong nagpa-part time sa isang bar pero nasesante ako nang bastusin ako ng isang lasing na foreigner. Sa halip na ako ang ipagtanggol ng manager namin ay ako pa ang pinaalis sa trabaho.” “That’s stupid.” Anito lang naman kaya tumango siya. “I want a cleaner. Magpupunas ka lang sa mesa ko at magba-vacuum sa opisina araw-araw. I will give you a minimum salary of a regular employee and we will have one year contract. Six months isn’t applicable now and you will have all your benefits, SSS, Philhealth, Pag-ibig and 13th month pay. Seven hundred pesos a day. You can eat anytime and you never have to pay for it.” 700 pesos? Yay, ang laki. Ngumisi si Kisses at nangislap ang mga mata. “Pwede pong take-out?” Napaawang ang mga labi ng binata kaya naalarma siya. Lintik naman na takaw niya. Baka hindi pa man lang ay masesante na siya. “Ahm—m-maybabayad naman po ako sa t-take out.” Ngiwi niya pero hindi ngumiti ang kaharap niya. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang may nakikita ito sa mukha niya na kakaiba. “May magulang ka pa? Anong trabaho nila? Sabihin mo na ang biography mo ngayon pa lang para alam ko na.” sumandal si Grieco sa swivel chair na parang manonood lang ng TV. Ngayon pa ba siya mahihiya na nariyan na ang swerte at paunti-unti na niyang nakukuha? “My name is Krista Isabella Francisco Vergara and they call me Kisses. I am 21 years old. I was from Masbate, Bicol and now…nasa isang medyo remote na area sa Manila sa Tondo, Smokey mountain. Sana naman kahit doon po ako galing ay bigyan niyo ako ng kaunting tiwala. Hindi naman po porke galing sa skwaters ay masamang tao na. Nag-aaral po ako ng Education, for elementary level. Nasa 3rd year college na po ako. Si Papa ay nasa isang vulcanizing shop at si Mama naman ay kasambahay. Hindi ko kilala ang ama ng anak ko at huwag niyo na rin pong itanong kung paano siya nabuo.” Hindi niya alam kung paano dahil hindi naman siya ang gumawa. Wala rin siyang balak na sabihin na hindi niya anak si Czarina dahil wala na itong pakialam doon. Grieco’s lips quirked up, looking at her identification card again. “Of course. It’s your privacy. Bring resume and at least police clearance, application letter and bring yourself. I’ll expect to see you tomorrow, 8:00 AM sharp.” Tumango siya at ngumiti. Gusto niyang lumuha sa tuwa. Napakalaking tulong ng trabaho na alok nito sa kanya at hindi na kailangan na magpakakuba ng ama niya sa pagtanggal ng mga gulong ng sasakyan  kapalit ang isandaang piso araw-araw. “S-Salamat po.” Hindi na rin niya napigil pa at tuluyan na siyang napaiyak. Habambuhay niyang ituturing na hulog ng langit si Grieco de la Cueva. Hindi niya alam kung anong kapalaran pa ang ang naghihintay sa kanya pero ipinauubaya niya lahat sa Maykapal. Siya lang ang kikilos para mabuhay ang pamilya niya pero alam niyang lahat ng biyaya ay galing sa langit. They both fell in silence for a moment. Wala siyang tigil sa pagpahid ng mukha at pagkusot ng mga mata at wala namang imik ang lalaking kaharap niya. Kisses thought he was busy with something but when she lifted her face, he’s busy looking at her, staring at her. Hindi niya mawari kung pinag-aaralan siya nito o kung ano pero karapatan nitong gawin iyon.  Hindi naman sila magkakilala pero inalok na nito sa kanya ang lahat ng bagay na hinahanap niya. “I will not ask you how much you still need for your daughter. Seven thousand ang ibinibigay ng charity sa mga indigents at ganoon na rin ang ibibigay ko. Kapag nakapirma ka na ng kontrara, pa-advance-sin na kita ng kailangan mo. Just make sure that you will never run away. I can find you.” Naging kakaiba ang ngiti nito at parang banta ang dating no’n sa kanya. Naiintindihan niya kaya tumango siya. “Kahit na limandaang piso ay malaking tulong na. Maghapon na ‘yon na gamot ni CK bukas, at hindi po ako tatakbo. Mas mahalaga ang kinabukasan ko at ng anak ko kaysa sa mag-1,2,3 ako dahil sa perang makukuha ko kung sakali sa inyo. At hindi ko po pinapakain ng nakaw ang pamilya ko.” Paliwanag naman niya. “In that case…” binuksan ni Grieco ang drawer sa mesa at naglabas doon ng pera. “Here’s your money. We don’t give recommendations here or requests. Pera ang ibinibigay namin at ikaw na ang bahala sa lahat ng kailangan ng pasyente mo. If there’s a need of CT scan, then we directly pay the hospital. Iyon ay request ang ibinibigay namin at hindi cash.” Iniabot nito sa kanya ang mga pera at kahit na nanliliit siya ay wala siyang magagawa. Iyon ang kapalaran niya kaya marapat lang na huwag niyang ikahiya kahit na ang totoo at mahirap pa sila sa mga daga.  “Salamat po. Ano po ba ang dapat kong pirmahan?” kinuha niya ang pera at isinuksok sa bag niya “Ito. We need this for the people who are funding the charity. Some look for the papers and many don’t. I’ll also have copies of your papers and I.D.” “Sige po.” Tango niya kaagad. Pinindot nito ang intercom at nagsalita roon. “Ipasok mo rito ‘yong records, Feline.” Utos nito sa kausap. Feline? Iyon ang babae kanina na kaharutan nito. Malamang na secretary iyon ng hipag ni Grieco. Sekretaray. Maya-maya ay bumukas na ang pintuan at pa-seksi na naglakad ang babae papalapit. Pulang-pula na ang nguso niyon na kanina lang ay parang napahid na dahil sa pakikipaghalikan sa amo. “Here, sir.” Anang babae na hindi nilulubayan ng tingin si Grieco. The man is acting casual though. Dinampot nito ang mga papeles niya at iniabot sa secretary. “Two copies each.” “Okay, sir.” Kumembot ang babae kaya napayuko siya. Parang siya pa ang nahihiya sa lintik na kilos niyon. Dancer yata iyon sa kabaret dati kaya ang galing gumiling kahit walang tugtog. “Sign here.” Ani Grieco kay Kisses kaya agad niyang ibinaling ang paningin sa isang makapal na talaan. Ultimano siyang nagsulat doon at pumirma. She pushed it back to him and found him staring again. “Your aura doesn’t tell the story of your life being a single mother. Talaga bang anak mo ang bata?” Tsismoso. “Bata pa po ako nabuntis, seventeen lang.” Tumango-tango ito. “I see. Kaya pala hindi halata.” Compliment ba iyon? Napakamot na lang siya sa ulo saka nag-iwas ng tingin. Nakakailang ito kung makatitig at siguradong ganoon talaga ito kapag nakakakita ng babae. Pero siya ay hindi naman sosyal na tao, dugyot siya kaya hindi niya alam kung bakit ito tingin nang tingin. Baka naman naaawa ito sa kanya. Halata naman kasi na maawain at mabait naman ang hitsura ng mukha, huwag lang ang mga mata dahil halatang babaero talaga. “Saang club ka nga pala nagtrabaho dati?” tanong na naman ni Grieco sa kanya. “Ah doon po sa Mariposa elite club. Mayayaman ang pumupunta roon at karamihan po ng babae na sumasayaw ay mga walang experience kaya mahal ho kung babalakin niyo silang ilabas. Magbabayad po kayo sa manager tapos magbabayad din kayo sa babae.” Aniya na kaagad kaya natawa na naman ito sa kanya. “I’ve been there so many times.” Sagot nito na nagpanganga sa dalaga. Mahilig din pala talaga itong umariba ng babae. Kung sabagay, malaki itong tao at brusko. Hindi siya magtataka na sentro rin ng mundo nito ang paligayahin ang sarili. “N-Nakapag-take out na po kayo ng babae roon?” kukurap-kurap siya at siya na ngayon ang tsismosa. “No. I never do virgins. I’ve been there to watch. Iba ang ikinakama kong mga babae.” Tumaas ang sulok ng labi nito na parang nang-aakit yata. “Ah—” tumango-tango siya at napakibit balikat. “Sabagay po, halata naman na hindi pang-low class na babae ang tipo niyo. Saka di ba nga po, ang sabi ay ang mga mayayaman ay para mga mayayaman din. Natural naman po ‘yon na maghanap kayo ng babae na katulad niyo rin ang estado sa buhay ay hindi iyong mga GRO na sumasayaw sa club kahit na elite pa.” Naalala niya ang kapatid niya na nanay ni Czarina. Kaya inaako niya ang bata at hindi niya kailanman sinabing hindi kanya dahil ayaw niya na dumating ang panahon na lalaki si CK at may lalaking mang-aalipusta sa bata na anak ng isang hostess, nagpapahipo, nagpapahalik at nagpapakama para lang may mailaman sa sikmura. Oo nga at mas mabuti iyon kaysa sa magnakaw pero sa mundo, iba ang tingin ng mga tao sa katulad ng ate niya lalo na ng mga kalalakihan. Hindi naman sa ikinahihiya niya ang ate niya pero iba na kapag sangkot na si CK. Mas priority niya ang kapakanan ng anak niya kaysa sa kung anong bagay pa man. “My kuya married our childhood friend. She’s a BBQ vendor before. My other brother married a woman adopted by a priest, she’s still a student. Her father has airways but my brother loved her even before she discovered that she’s wealthy. You see, we aren’t like the ones you were talking about. We don’t criticize people no matter how poor they are. Hindi ko lang talaga hilig maglabas ng babae galing sa club. Ayokong magka-HIV.” Tumawa ito sa sariling biro pero napakamot lang siya. Ayaw daw magka-HIV pero kung anu-anong nilalapirot at kinakapa. “Ah, mabait ho pala kayo.” Aniya pero parang painsulto ang dating no’n. Nasobrahan ito sa bait dahil nanghihimas kahit na nasa opisina. Mabuti na lang at safe siya dahil may anak na siya at hindi naman siya kaakit-akit. Wala itong magiging interes na lamasin siya o kaya kapain katulad ng ginagawa nito sa babaeng talipandas kanina. “Quite so.” Grieco shrugged. Kapal talaga. Nang pumasok ulit ang secretary ay kaagad siyang nanahimik. Iniabot niyon ang nga original na kopya sa kanya at kinuha ang pinag-fill up-an niya kaninang libro. “Pwede na ho ba akong umalis? May kailangan pa po ba akong pirmahan o ano?” tanong na ni Kisses nang tumayo siya. Hindi na rin umaalis ang babae sa may tabi ng mesa at malamang na gusto na siyang palayasin talaga para maituloy ang sesyon ng dalawa kanina. “Nothing more.” Pormal na sagot ni Grieco at ipinagdaop pa ang mga palad sa ibabaw ng mesa. “I’ll see you tomorrow.” She nodded right away. “Hindi na ho ba baleng nakauniporme ako para sa pagpasok ko sa eskwela o kailangan niyo po ng formal na attire ko?” “Anything will do.” Kibit balikat nito kaya naman nakahinga siya. Wala naman siyang nga pormal na damit kasi. Nanghihiram lang siya kay Evelyn at humahalungkat pa iyon sa baol. “Sige po. Salamat. Pakisabi ho kay Ma’am Macy, salamat po ng marami.” Ngumiti siya nang maganda. “Sa akin, hindi ka magpapasalamat? I prefer a kiss.” A-ano? Awtomatiko siyang napalunok nang mapasulyap sa mapupula at maninipis nitong mga labi. Anong klaseng boss ba ito? “Ibabalik ko na lang po ‘yong tulong niyo.” Naiinis na sagot niya pero tumawala lang ulit ang binata. “Just kidding. I’ll see you tomorrow.” Grieco winks. Tuluyan na siyang tumalikod at hindi na rin niya sinulyapan ang sekretarya na nakabantay sa kanila. Bagay ang dalawa, parehas malandi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD