FLAMES 06: Backstage

3290 Words
Akihiro? In just a snap, nakita ko nalang siyang nasa harapan ko. Para bang wala lang sa kaniya ang lindol. Inalis niya ang speaker na dumadag-an sa paa ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya. He's worried, really worried... Ang walang emosyon at malamig niyang titig ay nabakasan ng labis na pag aalala. But why would he be? Natigilan siya nang makita niya ang namumula kong paa. I could clearly hear him whisper some japanese languages. Maybe he's cursing or saying how stupid I am in his language para hindi ako maoffend. Bubuhatin niya na sana ako pero napatigil siya nang magtanong ako. "Bakit mo 'ko tinutulungan?" I wiped my tears. Hindi siya ang taong inaasahan kong tutulong sa'kin rito. Ano'ng ginagawa niya dito? "Because you're asking for help." He said monotonously. Yeah, I am, but I don't think you're a kind of person who will help a stranger. Icy told me na wala siyang pakealam sa mundo at sa paligid niya. And knowing the fact na takot siya sa babae. Hindi talaga siya mag aaksaya ng oras na tumulong. Kahit mamatay pa yung humihingi ng tulong sa kaniya. Yeah ganiyan kasama ang pakilala sa'kin sa kaniya ni Icy. "I assume, you can't get up with that freaking fracture you have there. How stupid of you not to get rid of the speaker." He tsked before he positioned himself to lift me up in a bridal carry. Puta? Hindi niya ba kayang tumulong ng walang side comment na nakakainis? Alangan namang yung speaker pa ang umiwas sa'kin? Kasalanan ko bang hindi ko naiwasan. Kasalanan ko? Bakit parang kasalanan ko? "Huwag mo na 'ko tulungan. Iwan mo na 'ko dito." Mas gusto ko pang mapahamak rito kaysa magkaroon ako ng utang na loob. Imbes na sundin ang sinabi ko ay isinampay niya lang ang kanan kong braso sa balikat niya. Tumayo siya pero dahil mukhang nabigatan siya sa'kin. Imbes na madala niya ako. Siya ang nadala't nahapit ko. So we ended up kissing each other. Wait. We. Ended. Up. Kissing. Each. Other?! Sht. Parang tumigil sa pag ikot ang mundo at tila pati ang earthquake ay na-warshock sa paglapat ng labi namin. Tumigil ang lindol ngunit ang puso ko naman ang niyanig sa bilis ng t***k nito. Mabilis siyang napalayo sa'kin nang mag sink in rin sa utak niya ang posisyon namin. His eyes were wide open and so my eyes are. Santa maria deputa papaya! It. Was. My. First. Kiss. Oh my god!! He gulped. He slowly touched his lips. Para akong nanalamin sa kaniya dahil iyon rin ang nagawa ko. Ang pinakaiingatan kong hindi ibigay kay Elle noon dahil ipinangako kong ibibigay ko lang sa mapapangasawa ko. Na...napunta sa isang stranger na half sensored. This can't be...real. AAAAAAAHHHH!! HELPPP!! YAWA NAPUNTA KAY FUMIYAWA ANG FIRST KISS KO! "Sabi ko na sa'yo ma'am eh. May naiwan pa rito." Sabay kaming lumingon sa likuran nang may magsalita mula sa pinto. Umalis na yung kaklase ko at naiwan si Ma'am 21st teacher. Pinalabas kami ni Miss pero walang kumikibo sa amin ni Akihiro. Pulang pula na ang mukha niya at tingin ko ay gano'n rin ang akin. Marahil ay nahihiya siya sa paglapat ng bibig namin. Ofcourse, he will feel ashamed. Takot siya sa babae kaya siguradong ako rin ang first kiss niya. Putangina naman! Sa lahat ng makakakuha sa first kiss ko bakit siya pa? Bakit hindi nalang si Euchleid? Char. Hindi naman sa nandidiri ako na napunta sa kaniya ang first kiss ko. Gwapo naman siya. Virgin din naman ang labi niya tulad ng akin. Pero kasi you know? Naiinis ako sa kaniya. Kahit pa guwapo siya. Ayo'ko sa kaniya kasi binigyan niya agad ako ng impression na ang sama ng ugali niya. Tsaka ano...ano... Sige na nga hindi na ako mag iinarte. Aakto pa ba akong nalugi kung isa sa heartthrob naman 'yung nakakuha ng first kiss ko? Hindi halatang maharot ka, Fritzey. "OH MY GOD! ANG AKIHIRO KO!! SINO YUNG BUHAT NIYA? PUTA SANA ALL BUHAT." "TANGINA AKIHIRO SA LABAS KA MATUTULOG!" "GAGO SANA ALL PANGGAP HIMATAY PARA IKAW BUHAT NI AKIHIRO." Saka ko lang narealize na buhat na pala ako ni Akihiro nang marinig ko ang bulungan sa paligid. Mukhang hindi alam ni Akihiro na nakatingin na sa'min ang lahat ng estudyante. Diretso lang kasi ang tingin niya sa kawalan habang naglalakad. I just buried myself on his chest and closed my eyes para hindi ko sila makita at hindi nila makita ang mukha ko. Ang tapang ng pabango niya. Sakit sa ilong. Mas masakit walang ilong. Pagdating namin sa labas ng school. Sinalubong kami ng dalawang nurse. Tulak tulak ang rolling medical hospital bed. Mukhang wala pa siyang balak na ibaba ako kaya tinawag ko na siya. "Akihiro." Bangag niya akong tinignan. "Puwede mo na akong ibaba." When he realized that there's a bed infront of us. He stared at it for a second bago niya ako pabagsak na ibinaba sa kama. "Aray!" Napadaing ako sa sakit ng lagapak ko. Umalis siya na para bang nag abot lang ng bagahe sa mga nurse. Nagtawanan tuloy ang mga nakapanood sa'min. Demonyo. Nafractured na nga ang paa ko tapos balak pa 'atang dagdagan ni Akihiro. Piste! In-assist na ako ng mga nurse. I looked around. Ang dami palang nahimatay. Meron pang hinihika sa sobrang pag iyak. At siyempre hindi mawawala ang mga malalakas ang loob. Na imbes na magworry ay tumatawa pa at pinagtatawanan ang mga sarili pati mga kaklase. "Gurl!" Mabilis akong niyakap ng kadarating lang na si Icy. Riley hugged us as well. "Sorry, hindi ka namin napuntahan sa backstage. Sorry talaga." Icy cried. Niyakap ko sila pabalik. Mabuti naman at safe sila't walang nangyari sa kanila. "Baliw wala kayong kasalanan." Alo ko kay Icy. Umiling siya, "Hindi, kasalanan ko. Kasi alam ko namang..." Napatigil siya. "...A-Alam ko namang hindi ka makakakilos ng ayos doon sa backstage sa dami ng props na nakaharang. Kaya sorry talaga." "Sina Schroeder?" I asked instead to change the topic. Ayo'kong sisihin niya ng sisihin ang sarili niya. Wala namang may kasalanan na na-stocked ako sa likod. No one knows that there will be an earthquake. "Nasaan sila?" "Hindi namin alam-" "Fartzey!" Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nagmamadaling tumakbo papunta sa'min sina Faren at Schroeder. "Ano'ng nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" "Oo ayos lang ako. Nadag anan lang ng speaker ang paa ko." sagot ko kay Schroeder. "Mabuti nalang at dumating si Akihiro para tulungan ako." I winced when Schroeder touched my fractured feet. "Si Akihiro ang sumagip sa'yo?!" tanong ni Icy na medyo nabigla pa. I nodded. Talaga ngang nakakagulat iyon. Kaya hindi ako magtataka na ganiyan ng reaksyon ni Icy. Hindi ko nga rin akalaing si Akihiro 'yun dahil itong magpinsan ang inaasahan kong sasagip sa'kin. "Salamat sa kaniya-" Hindi natapos ni Faren ang sasabihin niya nang magring ang cellphone niya. Saktong pagsagot niya rito ay bigla namang nagka aftershock kaya napaupo silang lahat. Nang tumigil ang mahinang lindol. Akala ko ay iyon na ang huling unexpected happenings na mangyayari sa araw na ito. Pero nagkamali ako. Dahil isang nakakagulat na balita naman ang lumabas mula sa bibig ni Faren matapos nitong marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya na kausap niya. "Tol," harap niya kay Schroeder. "Si lolo inatake sa puso." **** Dahil nasira ang bisikleta nilang magpinsan nang madag anan ng puno ay walang naging choice si Schroeder kun'di ang pasanin ako sa likod niya. Nilakad niya mula school hanggang bahay. Gusto ko pa sanang sumama sa hospital. Kasi nag aalala rin ako kay Lolo Esteban. Kaso hindi na ako pinayagan ni Faren dahil na rin sa may pilay ako. Pinahatid nalang ako kay Schroeder pauwi dito sa bahay. Ipagpapanalangin ko nalang siguro ang lolo nila. "Ano'ng nangyari diyan?" tanong ni mama pagpasok namin sa loob. Nakauwi na pala si mama. "Ma, kailan ka pa dumating?" "Kadarating ko lang. Umuwi agad ako at baka pag uwi ko wala na ang bahay natin." Iniupo ako ni Schroeder sa sofa pagpasok sa loob. Nagmano lang siya kay mama at hindi manlang umimik kaya napansin agad ni mama na there's something wrong with him. "Mukhang wala yata sa mode itong si Schroeder?" "Ah, ano kasi ma, inatake sa puso si Lolo Esteban," sagot ko. "Oh? Nako, baka nagulat sa biglaang lindol." Oo nga eh. Yung lindol kasi hindi nagbibigay ng schedule kung kailan darating. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Schroeder. "Salamat sa paghatid. Sumunod ka na sa hospital." We smiled at each other bago ko siya binitawan at pinanood umalis. Mahal na mahal talaga nila ang grandparents nila. Ang mga ito kasi ang takbuhan nila noong mga bata pa kami kapag may gusto silang bilhin na ayaw bilhin ng parents nila. Kumbaga spoiled sila sa lolo at lola nila. Sana all may grandparents pa. Ako kasi, wala na ngang nakagisnang nanay at tatay maaga pang kinuha sina Lolo at Lola na tumayong magulang ko. Apat na taong gulang pa lang yata ako noong mawala si lola na sinundan agad ni lolo. Kaya tuloy para akong pusang ipinasa lang kay tita na ngayon ay tinatawag at itinuring ko nang mama. I heaved a sigh. Humiga ako sa sofa at nanood ng balita. Grabe ang lakas pala ng lindol kanina. Siguro masyadong napasarap ang chugchugan ni mother earth at father mercury. Char. But speaking of Lindol. Ano kaya ang ginagawa ng magaling na si Akihiro sa may Auditorium para marinig niya ang saklolo ko kanina? Eh malayo ang room nila sa Audi. Nagcutting class na naman ba siya para manood ng roleplay presentation namin? Sumama ba siya sa mga STEM 1 kahit STEM 2 siya? Hmm.. May interes siguro siya sa roleplaying. Kaya gusto niyang manood. "Kumain kana at nang makapagpahinga ka na." Napangiti ako nang ilapag ni mama sa maliit na lamesa ang pagkain ko. Nice, prinsesa ako ngayon. Hindi ako maghuhugas ng plato. Yes yes yow. "Huwag kang ngumiti riyan. Ikaw pa rin ang maghuhugas ng plato." Nani?? "Ehhhh?! Walang patawad?!" Umismid ako. "Paano ako makakapaghugas kung pilay ako?" "Bakit? Paa ba ang ginagamit sa paghuhugas ng plato? Huwag mo'kong artehan, Aisaeah Velasco." Ngumuso ako. Naman eh! Akala ko naman makakalusot ako ngayong pilay ako. Tanginang mga plato yan. Umay na umay na 'ko maghugas ng plato. "Pero paa ang ginagamit ko para makatayo habang naghuhugas ng plato." Katwiran ko. Tinignan ako ni mama. Tama naman ako 'di ba? Lusot pa rin. "Kapag magaling na 'yang pilay mo. Ikaw na ang maghuhugas ng plato." She said in Defeat. Yes! "Aye Aye!" Sumaludo ako at nagpatuloy na sa pagkain. "Aye aye. Lagyan kita ng blackeye riyan eh." "Gago!" "Ano?! Baka gusto mong dagdagan ko iyang pilay mo? Hudas ka." Natutop ko ang labi ko nang marealize ko ang huli kong sinabi. Piste! Namura ko si mama ng hindi sinasadya. Gago kasi nahahawa na 'ko kay Icy. Yowo. Sorry na mama! **** Lumipas ang isang linggo at apat na araw na puro lang ako nood ng kdrama habang nagpapagaling. Dinadalaw dalaw lang ako ng squad tuwing uwian galing sa school. At since hindi na rin ako nakapasok dahil sa pilay ko. Hindi ako nakasama sa naundlot naming roleplay presentation. Mabuti nalang talaga at kaibigan ko ang leader namin, which is si Icy. Kaya kahit wala akong naging ambag. Kasali pa rin ako sa group. Basta ba ililibre ko si Icy ng milktea. Hindi na rin pala masama na magkaroon ng buraot na kaibigan ano? May mabebenefit ka rin pala paminsan minsan. "AISAEAH! IBILI MO NGA AKO NG ISANG BOTE NG ZONROX! YUNG 1000ml. DALI AT MAGLALABA AKO! KUMUHA KA SA WALLET KO NG PERA. NASA TABI NG TV." "OPO!" At dahil nakakalakad lakad na ako. Back to utos at hugas ng plato na pala ulit ako. Binitawan ko ang cellphone ko at kumuha ng pera sa wallet ni mama. Umakyat muna sa kuwarto para magsuot ng baby bra at kunin ang jacket ni Euchleid bago lumabas ng bahay at pumunta sa convenience store. Yeah, nagsuot na ako ng baby bra. Baka kasi si Euchleid na naman ang nagbabantay doon sa convenience store. Natrauma na ako nung nakasama ko siya noong nahostage kemerot ako. Noon kasing natagusan ako. Akala ko kaya niya ako pinahiram ng jacket na suot niya is to cover the red stains on my shorts. Pero hindi lang pala iyon ang dahilan. May isa and I still can remember what he said that time that makes me feel really ashamed... "Salamat sa pagpapahiram nitong jacket mo. Isasauli ko nalang sa'yo pagkalaba ko." Medyo nahihiya kong ani sa kaniya. "Sorry na rin sa abala. Napabili ka pa tuloy ng napkin dahil sa'kin." He just nodded, paalis na sana siya ngunit mukhang may nakalimutan siyang sabihin kasi nilingon niya pa ulit ako. "By the way..." At parang gusto kong magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan nang marinig ko ang pahabol niya. "...Wear an undergarment whenever you're going outside." "Good morni..." Nagkagulatan kami ng nasa counter nang makita namin ang isa't isa pagpasok ko sa store. But I was more taken by surprise to see that he's the ahjussi who hostaged me. "Kuya?" Lumapit ako sa kaniya. "Dito ka na nagtatrabaho?" Well, obviously Fritzey. As you can see, he's wearing a uniform. Pero paano? Kailan pa? He nodded at me, "Ipinasok ako rito ng apo ng may ari nitong store." Whut? Is he referring to Euchleid? Sina Euchleid ang may ari nitong store? Oh my God! Hindi ko alam. Though alam kong mayaman siya pero hindi ko alam na sila pala ang may ari nitong store. "Sino pong apo?" "Yung guwapong binata na kasama mo pagpunta sa prisinto." sagot ni Kuya. Putangina si Euchleid nga! Kung ipinasok niya si Kuya rito. Edi naawa nga rin siya. May pasabi sabi pa siyang so nice of me to let kuya pass. Eh binigyan niya naman pala ng trabaho. Akala ko ba may pagdududa siya dito kay Kuya na baka ginagamit lang nito ang inosenteng matanda para makalusot? Sus. Pabebe. Pero infairness. One point. Turn on sa kaniya. May mabuti naman palang puso sa mga nangangailangan. Add to cart na talaga agad. "Ahhhh?" Ahkdog. "Sige kuya, alis na 'ko may bibilhin pa ako eh." Iniwan ko na si Kuya at pupumunta na sa stand ng mga panlaba. Kumuha ako ng zonrox at bumalik na sa counter para magbayad. "How's your fracture?" "Ay pepe mo!" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko nang magulat ako. Nilingon ko ang biglang sumulpot at nagsalita sa likuran ko. Shete, si Euchleid. "Wala siya no'n ikaw lang ang mayroon." Nag init ang mukha ko sa sinabi ni Kuya. I saw a hint of smile on Euchleid's lips nang mapatingin siya kay Kuya, pero mabilis niya iyong iwinaksi nang balingan niya ako. Piste!!! Nakakahiya. Pepe mo pa nga. "S-Sorry, nagulat lang. Okay na yung pilay ko." I replied to his question "Kakaiba ka palang magulat." Nawala ang kaniyang mga mata nang kumurba ang labi niya. There I got a chance to see his complete and white teeth. Putangina ang guwapo! Ito pa lang ang unang araw na nakita kong ngumiti siya. Sa araw araw kasi na nakikita ko siya sa school hindi manlang siya ngumingiti. Lagi nalang tikom ang bibig niya. Even when his group of friends are having fun, siya lang 'yung hindi tumatawa. Kumamot ako sa leeg ko. "Hehe oo nga eh. Kaya bawal akong gulatin." I laughed awkwardly. Ugh! I need to get outta here as soon as possible. Naiilang ako. Ewan. Nung nakaraang linggo gustong gusto kong pumasok at makita ang mukha niya kahit sa malayuan lang. Pero ngayon namang nakita ko siya ng malapitan at nakausap. Parang nangangatog ang tuhod ko. Bakit ba kasi ang soft niya kapag wala sa school?! Bakit may pag ngiti? Pereng tenge. "Ah, alis na 'ko. Eto na pala ang jacket mo. Binabad ko na sa maraming downy 'yan." Iniabot ko sa kaniya ang gucci jacket niya. "You can keep that. That's yours now." "H...huh?!" "Sa'yo na daw 'yan." sagot ni Kuya. Narinig ko naman ang sinabi ni Euchleid. Hindi lang ako makapaniwala. Bakit ibibigay niya sa'kin ang jacket niya? Ang mahal mahal pa naman ng ganitong jacket. Ayaw niya na ba isuot kasi baka may germs? Ay, baka nga. Yayamanin nga pala 'to. "Wala namang bakas 'to ng dugo nung nilabahan ko. Walang germs 'to." I clarified. Sa wakas ay kinuha niya ang jacket sa'kin. Inalis niya ang pagkakatiklop nito. Akala ko isusuot niya na ito pero nagulat ako sa ginawa niya. Ibinalot niya ito sa'kin. He tapped my head before he left me there, dumbstruck. PUTANGINA WHY IS HE BEING LIKE THAT?! Hanggang makauwi ako sa bahay at matapos ang maghapon ay panay ang hawak ko sa ulo ko. Para tuloy ayo'kong maligo ngayong araw kasi hinawakan ni Euchleid ang ulo ko. I won't deny it. Kinikilig ako. Sino ba namang hindi?Heartthrob 'yun. Kinababaliwan ng karamihan. Wow parang dati wala akong pakialam kahit heartthrob pa 'yun. Okay, okay! Nagsisisi na 'ko na wala akong pake dati. Basta iba na ngayon. Sabi nga nila. Just like season feelings change. Tama ba? Ay people pala 'yon. Ah kinikilig talaga ako! Hindi lang niya ako binili ng napkin. He even gave me his expensive jacket. Kahit wala lang para sa kaniya 'to o mura lang para sa kaniya kaya madali para sa kaniya ang ibigay sa 'kin. Still, this means a lot to me. Lalo na't na add to heart este cart ko na siya. Hindi naman pala gano'n kasama ang ugali niya sa mga babae. Mali si Riley na mysogynist siya. Hindi siya womenhater. Gaya nga ng sinabi niya kay Mary. Hindi siya interesado sa mga babaeng desperada. So, sa mga desperada lang siguro nagiging masama ang ugali niya hindi sa lahat ng babae. Ayaw niya siguro ng may mga babaeng parang baliw na nagkakandarapa sa kaniya. Now that I knew about that. I'll take Mary's experience as a lesson for me. Kung gusto kong itrato ako ng maayos ni Euchleid, I should act like I'm not interested in him. And I should not confess to him just like what Mary did. Hindi dapat ako magmukhang katulad ng kinaiinisan niya. Desperada. "FRITZEY!!!" Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang dumating bigla si Icy. Buti nalang kaiinom ko lang ng kape. Kung saktong may iniinom ako baka naibuga ko na sa gulat. Hindi manlang kasi kumakatok. Sanay na sanay maging akyat bahay. "Nakakagulat ka naman, hindi manlang kayo kumakatok." Umupo sa single sofa si Riley at umupo naman siya sa tabi ko. "May ibabalita ako sa'yo gurl. Kaya kami naparito. Isang badnews." "Ano na naman 'yan?" Papasok naman na ako bukas hindi pa ipagpabukas. Masyadong atat ang bunganga. "Bago 'yun wala bang pa-juice muna diyan? Ahahahahah." "Timpla ka do'n sa kusina." "Huwag na nga. Kuwento ko nalang yung badnews ko." Umayos siya ng upo. "Patay na si Mary gurl!" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pero hindi ako nagulat. Baka kasi prank lang eh. "Gago, hindi magandang biro 'yan." I knocked on the table three times. Inaasahan kong bigla siyang tatawa at sasabihing joke lang dahil iba ang badnews niya. Pero walang nagbago sa expression niya. "Bobo totoo nga!" So she's really telling the truth. "Paano siya mamamatay? May sakit ba siya hindi lang natin alam?" "Wala. Nagsuicide siya kahapon. Nadepress pala dahil sa pangkukuyog sa kaniya ng fangirls ni Euchleid. Kaya pala hindi pumapasok." "Ehh?!" Kinuyog siya ng fangirls ni Euchleid? Binuksan ni Icy ang cp niya to show me something and there I saw all the negative comments on Mary's profile picture. Sana all malakas loob magconfess. Isipin mo pangalan mo pang birhen pero ugali mo pangpokpok. Naol desperada. Paturo nga po umamin, di ko kasi maamin sa katabi ko na ang baho ng hininga niya. Marami pang harsh na words na tingin ko ay masyado ng below the belt. Itinigil ko na ang pagbabasa at Ibinalik na sa kaniya ang selpon niya. Halos hindi ko na marinig ang pinagdadadaldal niya dahil hindi ako makapaniwala. Bakit gano'n? Bakit kailangan niyang mawala? Bakit kailangan niyang mamatay? Ilang segundo akong napatunganga hanggang sa maalala ko ang libro ko. Ang pair up ko sa kanila ni Euchleid na hindi nagkatotoo. s**t lang. Hindi kaya may koneksyon sa pagkawala ni Mary ang hindi pag ilaw ng pair up ko sa kanila ni Euchleid? What ever the answer is. That's for me to find out. "Tingin ko alam ko na kung bakit hindi gumana ang pair up ko kay Mary at Euchleid." I suddenly spoke up. "Huh? Bakit?" Tinignan ko lang si Icy at agad na tumayo para kunin ang libro ko sa kuwarto. Kung may koneksyon nga, ibig sabihin posibleng hindi pa nawawala ang ability ko. Sadyang nakatadhana lang siguro na mawala sa mundo si Mary kaya hindi gumana sa kanila ni Euchleid. Pagkakuha ko sa libro bumaba agad ako at binuklat ang pahinang may pangalan nilang dalawa. "Ano'ng gagawin mo gurl?" Pareho kaming napanganga nang makita namin ang saktong pag ilaw ng pangalan nina Mary at Euchleid nang kulay... ITIM. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD