FLAMES 05: Backstage

3745 Words
"Sige bye." I sat down on our sofa soon as Icy's call ended. I just asked her kung tuloy ba ang roleplay presentation namin ngayon. Buti na lang at nagkataong hindi at bukas na lang daw. Hindi kasi ako pumasok ngayong araw. Hindi dahil masakit ang puson ko kun'di dahil sobrang lakas ng regla ko. Parang lavang bumubulwak sa bulkan kung lumagaslas. Paggising ko tuloy kanina, puro red stains ang higaan at puwetan ng pajama ko. Daig ko pa ang sumabak sa giyera. "Goodmorning, Oreo," I greeted my baby black cat. She meowed at me as if greeting me back. Regalo nga pala siya sa'kin ni Elle noong first montsarry namin. Pero sa lahat ng regalo sa'kin ni Elle siya lang ang hindi ko itinapon o ibinalik kay Elle. Because of course, I love her. Hindi niya naman kasalanan na sinaktan ako ng nagbigay sa kaniya. 'Di ba? Yeah right. Wait gutom na 'ko. 11: 20 pm na pala. Hindi pa ako nag aalmusal. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. But unfortunately, wala na palang stocks si mama. Ang natira nalang rito ay catfood which is pagkain ni Oreo. So ano, eto nalang ang kakainin ko? Natikman ko na 'to eh. Lasang hindi ka na magkakajowa. Char. Mama kailan mo ba balak bumalik?! Wala na akong makain dito. Ayo'ko pa naman ng mga tinda sa nearest carinderia dito sa'min. Hindi masarap. Lasang kaningbaboy. Bibili na lang siguro ako ng ramyeon sa convenience store. Mas masarap pa 'yon kesa sa tinda ni Aling Bidang. Choosy eh 'no? Ang pangit kasi talaga ng lasa nung mga luto ni Aling Bidang. Mas masarap pa nga 'yata ako magluto dun eh. Anyway, lucky me lang alam kong lutuin. Hehe. Umakyat ako sa kuwarto para kumuha ng pera at lumabas na ng bahay. Hindi na ako nagsuot ng bra. Naka oversized shirt naman ako. u***g lang babakat diyan. "Good morning." Bati sa'kin ng nagbabantay pagpasok ko ng store. I was about to greet him back but I was taken aback when I saw who he is. EUCHLEID?! Nalaglag ang panga ko. Anong ginagawa niya rito?! Hindi siya pumasok? Nagtatrabaho siya rito? Pero mayaman siya 'di ba? Bakit siya magtatrabaho rito? Mula sa paglalaro sa cellphone niya'y nilingon niya 'ko. Mabilis akong tumalikod para hindi niya ako makita. Pero dahil may lalaking biglang nagbukas ng pinto ay nauntog ako sa glass door. Napaupo tuloy ako sa sahig. Putangina naman nitong taong 'to hindi ba niya nakitang may tao dito?! "Pasensya na." Yumuko si kuyang nakasuot ng black jacket at black cap. Inilahad ni kuya ang kamay niya pero hindi ko iyon tinanggap. Tumayo ako ng sa sarili ko lang. "Ayos lang po." Pilit akong ngumiti bago lumapit sa pinto para lumabas na sana pero napahinto ako nang kumalam na naman ang sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako. Ayo'ko na sanang bumili ng ramyeon kasi nahihiya ako humarap kay Euchleid kahit hindi niya naman ako kilala. Pero sa huli ay nanaig rin ang gutom ko. Kaya dire diretso kong tinahak ang stall ng mga cup noodles nang hindi tumitingin sa counter. Pagkakuha ko ng ramyeon. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko. "Kaya mo 'yan. Magbabayad ka lang kaya 'wag kang kabahan." I cheered myself up. Hindi ko akalaing pati sa convenience store ay kakabahan ako ng ganito. Dati sa mcdo at jollibee lang ako kinakabahan kapag turn ko na umorder. Pero ngayon, nadagdagan ng dahil kay Euchleid. Inayos ko ang buhok ko. Paalis na sana ako pero pinanghinaan ako nung makita ko ang repleksyon ko sa glass wall. Putangina. Ang dugyot ko. Sabog ang mahaba't kulot kong buhok. Mukha akong mangkukulam. Tapos nagmistulang hanger yung katawan ko sa laki ng damit ko. Ang dugyot rin tignan ng tsinelas na suot ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang humarap kay Euchleid. Kahit hindi niya ako totally kilala. Alam kong kilala niya ako sa mukha. Kaya nakakahiya. "HUWAG KANG SISIGAW." "Ay kalabaw!" Napaiktad ako nang may biglang pumulupot na braso sa leeg ko. Pagtingin ko kung sino ito. Si Kuyang nakabanggaan ko kanina. Shit! Holdap ba 'to? Legit? Hindi prank na tulad ng kay Schroeder?! "Lakad." Naramdaman ko ang isang matulis na bagay sa may tagiliran ko. Siguro ay kutsilyo- WHAT?! KUTSILYO?! KUTSILTO! ISA PA. KUTSILYOO?!! SHIT! LEGIT NGA! "Ku...kuya..'wag niyo po isasaksak 'yan. Lalong dadanak ang dugo." "Lakad sabi!" "Eto na nga po lalakad na." Lord, help! Nakapikit akong naglakad habang nasa likuran ko si Kuya. Nagsigawan ang mga customers sa loob nang makita kami. "Huwag kayong lalapit. Bubutasin ko ang tagiliran ng babaeng 'to!" He shouted. "Oo nga, 'wag kayong lalapit. Bubutasin niya tagilan ko." Okay, I just repeated what he said. Kailan ba ako titino? Nasa delikadong sitwasyon na 'ko pero nakukuha ko pang magbiro? Jusko. Hindi naman siguro ito ang katapusan ng buhay ko, ano? "Tigil." Utos sa'kin ni Kuya. Tingin ko ay nasa tapat na kami ng counter; sa harap ni Euchleid. OH MY GOD! AYO'KO IMULAT ANG MATA KO! "Ibigay mo sa'kin lahat ng pera diyan. Kung hindi gigilitan ko ang leeg nito." Naramdaman ko ang paglipat ng kutsilyo sa leeg ko. Weh? "Ano 'yan manok?" tanong ni Euchleid. Okay, hindi ako nagkamali sa pagpili ng crush. Pareho kaming hindi marunong magseryoso sa delikadong sitwasyon. "Hindi ako nagbibiro." Kuya naman eh! Hindi naman tinanong ni Euchleid kung nagbibiro ka! Tsk. Wrong answer. Pagmulat ko, nagtama ang mata namin ni Euchleid. s**t lang! Ang ganda talaga ng mga mata niya. Kung mamamatay lang rin ako ngayon, ayos lang atleast mata niya ang huli kong natitigan. Chareng! Ayo'ko pa mamatay mama!! Mamaya na ang landi, Fritzey. Nasa panganib ka na nga puro ka pa kaharutan. "Go ahead, you are free to do whatever you want, sir." Euchleid muttered, not even bothered. "Hindi ako nagbibiro. Papatayin ko ang babaeng 'to." "I'm not kidding as well, sir. Kill that woman..." He looked at me. "...I don't care." Sakit naman no'n. Edi ouch! Sabagay, ano nga ba naman ang pake niya sa isang babaeng hindi niya naman kilala? Siguro nga tama sina Icy at Riley. Misogynist ang lalaking ito. A woman's hater. Kaya siguro wala siyang pake sa damdamin ng mga babae. Wala siyang pake kung makasakit siya ng babae. Gaya ng ginawa niya kay Mary. Wala siyang pake kahit patayin ako ngayon dito. Sigaw na ng sigaw ang mga customers na pagbigyan na si kuya sa gusto nito para mapalaya ako. Pero mukhang wala talaga siyang pakialam. Bumalik lang siya ulit sa paglalaro ng ml. Bakit gano'n? Bakit pareho sila ni Akihiro na ang sama ng ugali? Gano'n ba talaga kapag maganda at guwapo, pangit ang ugali? "Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi mo ibinigay ang gusto ko. Tutuluyan ko talaga ang babaeng 'to." sigaw ni kuya. Euchleid's jaw clenched, but I think it was just because of ml na nilalaro niya. Wala talaga siyang pake. Pachill chill lang. Samantala ako, eto napaihi na sa napkin ko. Piste. "Isa..." Gusto kong apakan sa paa si kuya o kaya bayagan gaya ng mga nasa teleserye at movie. Kaso baka maging epic fail lang. Baka lalo ko lang ikapahamak. Kaya hindi ko magawa. Isa lang talaga ang paraan para malaligtas ako. Ang paghingi ng tulong kay Euchleid. "...Dalawa..." Binitawan niya ang cellphone niya. Akala ko ay ibibigay niya na ang gusto ni kuya pero nagmatigas parin talaga siya. "I said go ahead and kill her." He said, firmly. Hindi manlang siya naawa. Mas mahalaga ba ang pera sa buhay ng tao para sa kaniya? Sige, kung ayaw niya akong tulungan. Edi huwag. Kapag namatay ko. Mumultuhin ko siya tapos bobosohan ko siya kapag naliligo siya! Pumikit ako at itinuloy ang huling bilang ni Kuya. "Tatlo." Kasabay ng pag iyak ng dugo ng nene ko ay ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko. Hala, umiiyak na pala ako? I waited the knife to touch my skin and take over my breath. Pero lumipas ang ilang segundo at bigla nalang akong binitawan ni Kuya. Paglingon ko sa kaniya. Nakaupo na siya sa sahig. Umiiyak. Then after a couple of minutes, may dumating na mga pulis at pinosasan si Kuya. WHAT THE HEAL? What happened?! Paanong nagkaroon bigla ng pulis dito? Bakit nasa sahig na si kuya? Ano 'yun? Nasa shooting ba kami? Acting lang ba 'yun? Someone please enlighten me. Tinignan ko si Euchleid paglapit niya sa'kin. "I already called the police before he lay a hand on you." He said as if narinig niya ang mga tanong sa isip ko. Oo nga pala, may mga cctv rito. Pero hindi iyon ang gusto kong itanong. "Paano?" "Simple. I dialed 911." Okay, hindi siya pilosopo. "Ang ibig kong sabihin. Bakit nasa sahig na si kuya. 'Di ba dapat papatayin niya na ako? Acting lang ba 'yon?" "Why? Do you want to die?" "Hindi naman...sa gano'n." Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Sabi mo kasi patayin ako. Wala kang pake. Kaya dapat pinatay niya na ako." "It was a reverse psychology technique. I convinced him to do something by telling him the opposite of what I desired." He paused, "I'm not that heartless to let a woman die infront of me." And he walks out. Tangina. Ano daw? **** "So nice of you to let him pass." Napalingon ako kay Euchleid paglabas namin ng presinto. Medyo nagulat pa ako kasi akala ko hindi niya ako kakausapin. Siyempre heartthrob sa school 'yan eh. "Bakit? Hindi ka ba naawa sa kaniya?" tanong ko. Katatapos lang kaming kausapin ng mga pulis kasama si Kuyang hinostage ako. Nakaka awa kaya si Kuya. Sa totoo lang gusto ko talaga siyang ipakulong noong una. Kasi nakakatakot talaga yung ginawa niya. It can cause a trauma. Pero nung marinig ko na ang side niya kung bakit niya nagawa 'yun. Lumambot ang puso ko. Hindi naman kasi talaga niya gustong gawin 'yon. Nadala lang siya. Naging desperado lang siya para maipagamot ang lola niya. Lalo na't wala palang gustong tumulong sa kaniya ultimo ang mga kamag anak nila. Imagine, how hard it is for him to do a something na alam niyang mali at ikapapahamak niya...just to save his dearest grandmother. Kahit sino naman gagawin ang lahat para sa mga minamahal nila. "Sigurado ka bang totoo ang sinasabi ng taong 'yon?" Muli akong napatingin sa kay Euchleid. Sinabayan ko siyang maglakad. "What do you mean?" "We don't know if he's telling that truth or he's just using an inoccent old woman to escape." Hindi naman siguro. Ang galing naman pala umacting ni kuya kung hindi totoong nasa hospital ang lola niya. "Grabe yung iyak ni kuya kanina. Kaya sigurado akong nagsasabi siya ng totoo." Huminga ako ng malalim. "Sana makahanap na siya ng trabaho. Para maipagamot niya na ang lola niya." Hindi na siya umimik. Tahimik lang kaming naglakad. Weird. I felt comfortable with him. Parang hindi king of heartthrobs ang kabi ko sa paglalakad. Mukha nga rin siyang hindi masungit ngayon. Parang anghel. Samantala kapag nasa school kapag nakakikita o nakakatitigan ko siya ang seryoso ng mukha at parang akihiro version 2.0 sa cold aura. Napahawak ako sa tiyan ko ng kumulam ang sikmura ko. s**t. Hindi na nga pala ako nakapag almusal. Iisang meal na naman ang almusal at tanghalian ko nito. Tinignan ko si Euchleid, mukha namang hindi niya narinig yung pag ungol ng tiyan ko kaya nakahinga ako ng maluwag. "Let's eat." "H-huh?" Bigla akong napatingin sa kaniya. Inaalok niya akong kumain? "I'm hungry. It's boring to eat alone." Holy...inaalok ako kumain ng kinababaliwan sa school! Teka. Bakit kain lang? Puwede naman kaming magkainan. Chareng! Ang wild mo self. Umayos ka. Heartthrob 'yan. "Ah...ano..." Kumamot ako sa ulo. "...busog pa 'ko." tumawa ako kasabay ng muling pagkalam ng sikmura ko. She chuckled. "Masama ang magsinungaling." Luh? Pinagtatawanan niya ba ang pagkulo ng tiyan ko? Ehhh! Nakakahiya!!! "Let's go." He bite his lower lips. WAAAAAAHHHH!! ANG GUWAPO!! Sumunod ako sa kaniya pagtawid ng kalsada. Nakabuntot lang ako sa likuran niya habang siya ay nagpapara ng mga parating na sasakyan. Mygod talaga! Kahit nakatalikod siya ang guwapo niya parin. Hindi 'ata nakaranas ng kapangitan 'tong lalaking ito eh. Sana all 'di ba? Samantala ako simula ng isilang sa mundo dugyot na talaga. Pagtawid namin ay nakarating kami sa isang mamahaling restaurant. Wait. Diyan kami kakain? Wala akong pera. One hundred pesos lang ang dala ko. Isa pa, ang dugyot ng hitsura ko. Yung mga tao sa loob sosyalin. Tapos ako mukhang taong grasang nakita niya lang sa kalsada na naisipan niyang tulungan at pakainin. "Ikaw nalang ang kumain. Una na 'ko. Baka hinahanap na rin kasi ako sa bahay eh." Palusot ko. Wala namang hahanap sa'kin. Wala naman si mama. Imposible namang hanapin ako ni Oreo. Tumalikod na ako pero nagulat ako nang may biglang bumusina. Pagtingin ko sa pinaggalingan no'n. May paparating na motorsiklong mabilis ang takbo. Bago pa man ako makaiwas ay hinila agad ni Euchleid ang kamay ko. Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong nakasubsob sa dibdib niya. Fuck! "That son of a bitch." I heard him cuss. Napalayo agad ako sa kaniya nang marealize kong sobrang dikit ng katawan namin sa isa't isa. Piste wala akong suot na bra. "You okay?" tanong niya pagtingin niya sa'kin. Naiilang akong tumango. Hindi naman siguro niya naramdaman yung u***g ko 'di ba? Putangina! "Miss." Sabay kaming napalingon sa likuran ko nang may kumulbit sa balikat ko. At parang gusto kong magpalamon sa lupa nang marinig ko ang sunod niyang sinabi. "May tagos ka." **** Wala na naman ang first subject teacher namin. Sa totoo lang, si Miss 21st century lang yata 'yung masipag na teacher dito sa university na 'to. Kung sino pa talaga 'yung boring magturo. Umay. Umayos ako ng upo at sinuntok suntok ang dibdib ko. Kanina pa ako kinakabahan. Pero hindi ko naman alam kung bakit at para saan. Hindi naman puwedeng dahil roleplay presentation na ngayon sa feeling major subject namin. Kasi wala namang nakaka-kaba sa gagawin ko. Hindi naman ako aacting. Maglalagay at mag aalis lang naman ako ng props sa stage. Kaya nakakapagtakang kinakabahan ako ngayon. Kapag ganito pa namang kinakabahan ako laging may nangyayaring kamukha ko. Meaning hindi maganda. Wait... Hindi kaya masisira ko ang performance nina Icy dahil sa ka-clumsy-han ko? OMG! Baka madudulas ako mamaya sa stage pagkakuha ko ng mga props sa set? Baka magiging sentro ako ng atensyon at tawanan mamaya? Hala, huwag naman sana! Manonood pa daw naman ang section nina Euchleid. Tama na ang kahihiyang natamo ko kahapon. Huwag naman na sana masundan ng part two. Umiling iling ako to shrug the thought off. Epekto lang siguro 'to ng pag inom ko ng kape kagabi. Tama. Dahil lang 'to sa kape. Walang mangyayaring katangahan sa'kin. Wala. Wala. Amen. Pinanood ko nalang ang mga kaklase naming busy sa pag aayos sa sarili para mawala sa isip ko 'yung kabang nararamdaman ko. "Bilisan niyo na mag ayos! Giatay kayo!" "Hoy 'yung script asan?!" "Putangina niyo boys umayos kayo mamaya ah! Magseryoso kayo. Kahit ngayon lang para sa grades natin." "Takte naman, babakat junior ko dito eh." Nagtawanan ang mga kaklase namin sa pagsigaw ng lalaki naming kaklase na nakasuot ng fitted pink dress. "Bagay naman sa'yo eh HAAHHAAHAH." "Maliit naman junior mo, ays lang yan." Pati ako ay napatawa nung umupo siya. Nakalimutan niya kasing nakadress nga pala siya. Umupo ba naman ng nakabukaka. Bumulwak tuloy ang lavacake ko sa pagtawa ko. Baliw talaga 'tong mga kaklase namin. Lalaking lalaki 'yung katawan tapos binigyan ng baklang role. Bigla ko tuloy naalala si Schroeder noong naglaro kami ng truth or dare. It was the time when I'm still on the process of moving on. Pinagkaisahan siya nina Icy at Faren. Ayaw niya kasing aminin kung sino ang crush niya. Kaya nung dare na ang pinili niya, dinare naman siya ng demonyong si Icy na magsuot ng bestida tapos irampa iyon sa labas. And it was so freaking hilarious. Imagine, Lalaking lalaki 'yung katawan tapos nakasuot ng gano'n. He reminds me of Kim Namjoon wearing a sailor moon costume. And speaking of Schroeder, he's here. Kumaway siya sa'kin nang makita niya ako. Sumenyas siyang lapitan ko siya pero umiling ako. Tinatamad akong tumayo. Siya ang may pakay kaya dapat siya ang lumapit. Nangunot ang noo niya at pinameywangan ako. Mukha siyang tatay na nagagalit kasi hindi sinusunod. Natawa tuloy ako. "Ayaw mo?" He mouthed. I shook my head. "Ayaw mo talaga?" He mouthed again. I was about to shook my head one more time but I stopped when he showed a box of chocolates to me. Mabilis pa sa alas kuwarto akong tumayo at tumakbo palabas. "Bakit hindi mo agad sinabing ito pala ang pakay mo?" Excited kong hinablot ang box ng ferrero rochers mula sa kamay niya. "Salamat." I smiled so wide. Chocolates are my bestbuddies tuwing may regla ako. Saktong sakto. "Tikman mo muna. Kapag nalason ka, edi ouch. Malas mo." Binuksan ko ang box at kumuha ng isang chocolate. Galing na naman 'to sa fangirls niya. Madalas kasi siyang nakakareceive ng ganito. Kaso nga lang hindi siya mahilig kaya sa'min ni Icy napupunta lahat ng bigay sa kaniya. He's a hater of chocolates. Pangit daw ng lasa. Now, you know bakit wala siyang ka-sweet-an sa katawan. Hindi nakakatikim ng sweets ang dila niya. "Ano 'yan? Chocolate ba 'yan?" tanong ng biglang sulpot na si Icy. "Chocolate nga 'no? Alam ko masarap yan eh. Chocolate. Meron na namang chocolate." "Basta pagkain biglang lumilinaw ang mata mo 'no? Iba ka talaga. Lupet mo," ani Schroeder. "Grabe ka naman, sa guwapo lang kaya lumilinaw mata ko." "So, guwapo ako?" "Hinde! Hindi naman dahil sa'yo ang paglinaw ng mata ko." Hinarap ako ng buraot na si Icy. "Penge." Dahil mabait ako. Iniabot ko ito sa kaniya. "Hulaan ko, galing na naman 'to sa fangirls mo 'no?" Nilantakan ni Icy ang chocolate na hawak niya at tinignan si Schroeder. "Pansin ko lang. Bakit laging natataon na may regla si Fritzey kapag nagbibigay sila sa'yo ng regalo?" Napaisip ako sa sinabi ni Icy. Oo nga 'no? Ngayon ko lang rin napansin. Huling chocolates na binigay sa'kin ni Schroeder na galing rin sa fangirls niya ay may dalaw ako. Wait a minute. Hindi kaya... Ako talaga ang crush ng mga fangirls ni Schroeder? Ay kiskisan. "Malay ko. Tanong mo sa kanila." "Baka naman...aray! Ba't ka bigla nanununtok?!" Napahawak si Icy sa braso niyang sinuntok ni Schroeder ng mahina. Diretso lang ako sa pagkain habang pinapanood silang dalawa. Ayan na. Magsisimula na silang magtalo. They really are half allies half rivals. Kapag aasarin ako doon lang sila nagiging magkasundo. "Ay sorry akala ko punching bag." "Gago ka ba?!" "Medyo. Ikaw, baboy ka ba? 'Di na tinatanong 'yan. Kasi ang taba mo!" Schroeder laughed. "Pero okay lang dahil cute ka. It's win-win, right? Cute talaga ng mga baboy." Inambahan siya ni Icy ng sipa pero hindi iyon natuloy nang magsalita ako. "Alam niyo. Bagay talaga kayong dalawa." Kinikilig kong wika na siyang nagpatigil sa pagbabangayan nila. Then suddenly they squawked in disgust and yelled "YUCKK!!" in unison. "Gurl, iship mo na 'ko sa lahat ng guwapo na makasubong natin huwag lang dito sa bestfriend mong..." Tinuro niya si Schroeder. "Gwapo?" Schroeder smiled. "...Special child." Inismiran niya si Schroeder. "Akin na nga 'yung costume na tinahi mo last week. Itutuloy ko na ang ginagawa ko." "Nasa bag kunin mo nalang." "K." Nag walk out na si Icy bitbit ang box ng chocolates na bigay sa'kin ni Schroeder. Yawa. Akin 'yon eh. Takaw talaga nito ni Icy. "Akala niya naman gusto kong iship sa kaniya." Binalingan ako ng tingin ni Schroeder. "Ang amos mo. Ayusin mo nga pag kain mo. Alis na 'ko." Hinagis niya sa'kin ang violet niyang bench bath. "Salamat sa chocolates!" He waved his hand as he leaves. Mga pakipot. Hindi nalang amining attracted sa isa't isa. **** Halos mabingi ako sa lakas ng tawanan ng mga nasa second floor na STEM students. Nagpeperform na kasi ang paunang grupo na ang tema ay comedy. They seem to be enjoying the play. Bukod tangi lang yata akong hindi nag eenjoy at hindi nanonood. Kinakabahan kasi talaga ako. Mas dumoble pa sa kabang nararamdaman ko kanina sa room ang nararamdaman ko ngayon. Sana talaga hindi ako makagawa ng ikapapahiya ko at ng grupo namin. "Gurl! Ano? Lutang ka na naman. Tayo na ang next! Malapit na matapos ang group one. Ilagay niyo na sa backstage lahat ng props at backdrop natin." "Ah si...sige." Binitbit ko na ang ilang props namin at sumabay sa mga kagrupo namin papunta sa backstage. Nagpalakplakan ang lahat nang matapos ang group one. "Goodluck guys." Group one cheered us bago sila nag exit lahat. Mas lalong tinambol ng kaba ang dibdib ko nang pumunta na sa stage ang mga aacting. Malayo pa naman yung toka sa'kin sa pagdadala ng props sa gitna pero kung kabahan ako daig ko pa ang magpeperform. Umupo ako sa isang sulok habang nananalangin. Magkadaop ang pasmado kong mga palad. Jusko! Kahit ngayon lang sana, mawala muna ang ka-clumsy-han ko. Please please please. Sana hindi ako mapahiya lalo na ngayong nasa audience si Euchleid. "s**t! Naramdaman niyo 'yun?" Napaupo ang mga kagrupo kong tila na-out of balance. Anong meron? Before I can ask them, bigla nalang natumba ang isang sirang speaker na nasa likuran ko. Nakailag naman ako pero hindi nakaligtas sa pagbagsak nito ang paa ko. Everyone panicked. Imbis na tulungan ako ay nagtakbuhan sila papunta sa stage. And that's when I knew that there's an earthquake. Kaya hindi nila ako natulungan. Kasi kailangan nilang isalba ang sarili nila. Nakita ako ng isa naming kagrupo. Pero hindi niya na ako nalapitan dahil na rin sa takot. I understand her. In a situation like this, sarili mo lang talaga ang makakatulong sa'yo. Pero paano ko matutulungan ang sarili ko kung nastocked ako dito? Fear started to swallow me as the thought circulates in my mind. Paano kung gumuho ang gusaling ito? Paano kung madag anan ako? And there I started crying. Pinilit kong hilahin ang paa ko kahit ang bigat ng speaker but it's no use. Masyado iyong mabigat. "TULONG!!" I cried my heart out kahit imposibleng may tumulong sa'kin. Tangina. Ito na pala ang dahilan kung bakit kinakabahan ko. Tama nga ang kutob ko. May hindi magandang mangyayari. The worst and unexpected one. Kung unpredictable ang pagdating ng regla ko. Mas unpredictable ang lindol na 'to. "TULONGGG!!" I yelled more louder. Nanlalabo na ang paningin ko. As much as possible I don't want to cry because Schroeder told me that if I cried at mas pinanaig ko ang takot ko walang mangyayari. Mas lalo akong hindi makakapag isip ng maayos para magawa ang dapat kong gawin. Pero pinanghihinaan ako ng loob. Mag isa lang akong naiwan dito at nasa auditorium tapos ang lahat ng kaklase ko. "ICY!! RILEY!!" Putangina! Nagsisi akong hindi ko sineryoso ang bawat earthquake drill namin noon. Pero hindi eh. Kahit seryosohin ko pa 'yon, hindi ko magagawa ang dapat kong gawin kapag dumating na sa puntong totoo na ang lahat. Kahit yung mga kaklase nga namin kanina hindi rin nila nagawa ng tama ang dapat gawin. Kasi napangunahan na ng takot. Schroeder was right. Kahit gaano ka kahanda sa isang laban. Talo ka parin kapag takot ang mas nanlamang. "f**k!!" Nanlaki ang mata ko nang may marinig akong tinig ng lalaki mula sa labas. Nabuhayan ako ng pag asa. Is it Faren? Or Schroeder? Lumilindol parin pero sigurado akong isa sa kanila ang taong nasa labas. Lagi nila akong inuuna kesa sa sarili nila. Gano'n nila ako kamahal. “SCHROEDER! FAREN!” Gumalaw ang door knob ng pinto. "TULONG!" Kasabay ng muli kong pagsigaw ay ang pagbukas ng pinto. Nalaglag ang panga ko nang iluwal nito ang isang lalaking hindi ko inaasahang pupunta rito para tulungan ako. His reaction is like a cat on a hot tin roof as he saw my situation. His eyes were so horrified and worried. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD