Nagmistula nang palengke, parlor at canteen ang classroom namin sa sobrang gulo.
May nagpapatugtog sa speaker ng kanta na sinasabayan pa ng mga sintunado naming mga kaklase. May mga nag-e-ml na nagmumurahan pa talaga. May nagtitiktok sa may bintana at nagti-trintasan ng buhok.
Sigaw rito sigaw roon naman ang naniningil ng paluwagan naming kaklase. Gayondin ang business minded naming kaklase na nagtitinda ng siomai at siopao.
“Pabili siomao at siopai.”
“May hallowblocks?”
“Wala bang free taste diyan? Para kapag hindi ko nagustuhan yung tinda, yung nagtitinda nalang kakainin ko.”
Kahit wala ako sa mood ay hindi pa rin nakatakas sa'kin ang nakakatawang linya ng pinakamalokong lalaki dito sa room. Buwiset. Kaya ako nasasabihan nina Icy at Riley na bipolar eh. Badtrip tapos bigla nalang tatawa.
Baliw kasi mga kaklase naming lalaki.
“VELASCO!!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
A girl with a wavy black hair appeared to my sight. It's Denise. Ang kaklase kong varsity player rin ng table tennis tulad ko.
Nang iwagayway niya ang dalawang paddle na hawak niya. Na-gets ko na agad na inaaya niya akong magtable tennis.
At first, I hesitated to come with her kasi tinatamad akong tumayo. Pero napasama rin ako sa huli nung na-realize kong mas makakapagrelax pala ako kung maglalaro ako kaysa mag stay sa room at saluhin ang ingay ng mga kaklase namin.
“Puyat ka 'no?” tanong niya habang naglalakad kami.
“Paano mo nalaman?”
“Ang laki kaya ng eyebags mo teh.”
“Eh?!!”
“Oo teh, buti pa eyebags mo lumaki. Ikaw hindi.”
“Grabe ka naman.” I pouted.
Halatang halata pala? Kaya pala sabi sa'kin ni Schroeder kanina mukha akong half minion half panda. Akala ko naman kaya niya nasabi 'yon kasi sobrang cute ko. Piste.
Nagpuyat pa kasi ako kagabi para tapusin yung kdrama series na pinapanood ko. Sinulit ko na since nagchat sa'kin si mama nung sabado na uuwi na siya this wednesday or thursday. E, kinukuha pa naman no'n ni mama ang gadgets ko tuwing matutulog. Para hindi ako makapagpuyat.
Awit. Buti na lang pala hindi ko nakita ngayon si Euchleid sa pila ng late. Less kahihiyan.
Pagdating namin sa Tennis Hall, halos sabay kaming napaiktad ni Denise nang biglang sumulpot ang nagulat ring si Ryan.
“AY BILAT KA!”
“Bilat ka rin pero wala kang bilat.” Asar ni Denise kay Ryan.
“Gaga!”
Tumawa kami ni Denise bago pumasok sa loob.
Ryan is one of my close friend na player rin ng table tennis. Bakla siya pero hindi halata sa porma at tindig. Malalaman mo lang na bakla pala siya kapag nagsalita na siya.
Ang guwapo niya nga eh. Sayang.
We looked around to find an unoccupied table.
Halos lahat pala ng table ay may gumagamit. No wonder why. Walang klase dahil may meeting ang teachers. So expected na, na dito magpupunta ang table tennis players to kill time.
“Hoy mga teh, huwag kayong maingay maglaro ah? Baka magalit si Akihiro eh.”
Nangunot ang noo ko. Si Denise naman ay biglang nabuhayan at kinilig. “Huwat? Nandito ang bebe ko? Asan siya?!” Sinuri ni Denise ang apat na sulok ng silid.
Akihiro? Kilala ko 'yun ah. Narinig ko na kay Icy ang name na 'yon at isa rin daw sa heartthrobs 'yon. Half japanese, half filipino at takot sa babae. If I heard it right from Icy, Akihiro Fumiyawa ang name niya. Yawa. Siguro demonyo 'yun.
“Ayun, nagbabasa.” Sinundan ni Denise ang inginuso ni Ryan sa likuran ko.
Hindi na ako nag abala pang maki-lingon. Hindi rin naman ako interesadong makita ang mukha no'n. I don't want my heart to get confused. Baka mamaya, magkacrush din ako sa Akihiro na 'yan kapag nakita ko.
Inaya ko na si Denise na maglaro kaya umalis na si Ryan.
Nagsimula na ang laban namin but I didn't enjoyed the game kasi nadistract na si Denise sa ideyang nandito yung isa sa heartthrobs. Kaya naiinis ako. Lagi nalang siyang pulot ng pulot ng bola. Puro serve nalang ang nangyayari sa'min.
“Denise naman eh! Umayos ka naman!” sigaw ko na naman.
Kanina pa pabalik balik si Ryan dito para warningan ako na huwag akong maingay. Kasi nagagalit na daw si Akihiro. Pero hindi ako nakikinig. Mas nag iingay pa ako. Para umalis na si Akihiro at mawala na ang distraction ni Denise.
Pero nagulat na lang ako nang may tinig ng lalaki na bigla nalang sumigaw ng “LEAVE!”
Bigla akong kinabahan. Ako ba 'yung sinasabihan niya ng leave?
Wait, bakit ako kinakabahan? Naglalaro ako. Player ako. Bakit ako palalabasin?
Lahat ay napalingon sa iisang direksyon kaya napalingon na rin ako sa likuran ko kung saan nakaupo ang heartthrob na nandidistract kay Denise. Nakatalikod ito kaya hindi ko kita ang mukha nito.
Nilapitan ako ng nakangiwing si Ryan.
“Sabi ko naman sa'yo 'teh huwag kang maingay eh. Nakailang warning na ako sa'yo 'di ba? Tara na.” He was about to escourt me para lumabas pero hindi ako nagpahila.
“Wait lang, teka...bakit ako ang lalabas? Bakit hindi siya ang lumabas. Hindi naman siya player dito ah.” Reklamo ko.
Hindi naman siguro tamang palabasin ang player na nagpapractice. Ano'ng karapatan niya? Dapat siya ang lumabas. Kung ayaw niya ng maingay, then he should find a peaceful place for him. Hindi kami ang dapat na mag adjust para sa kaniya. Duh?
“Basta teh,” binalingan ni Ryan si Denise. “Bumalik na kayo sa room niyo teh. Mamaya nalang ulit kayo bumalik.”
Tumango naman si Denise at nilapitan ako. Hinawakan niya ako sa braso para hilahin. Hindi na naman ako nagpahila.
“Bakit ako ang aalis? 'Di ba dapat siya?!” I pointed at the heartthrob.
Nasa amin na ang atensyon ng lahat pero himalang nawala ang hiya ko kahit pa takot akong maging sentro ng atensyon.
“Velasco huwag ka na magreklamo. Tara na,” aya sa akin ni Denise.
“Hindi, ayoko!”
Hindi puwede 'yon. Bakit namin susundin 'yang heartthrob na 'yan. Hari ba siya? Oh sige guwapo siya. Pero hindi iyon lisensya para magmataas at maghari harian siya tapos pasunurin ang mga tao sa paligid niya. Pare-pareho lang kaming estudyante dito.
Gago ba siya?
“Teh sige na please.” Ryan pleaded.
Naiinis ako. Bakit sila nagpapa under dito sa heartthrob na 'to...porket ba guwapo? Ang yabang naman pala nitong heartthrob na 'to para gamitin ang kaguwapuhan niya to control other people.
“EVERYONE!”
Muli kaming napalingon lahat sa heartthrob sa muli nitong pagsigaw. And my jaw dropped involuntarily when the heartthrob finally stood up to face us.
“Leave.” And the players leaves as if on a speed of light.
Parang nag slow motion ang paglakad nito palapit sa aming tatlo nina Ryan. Walang ka-emo-emosyon ang mga mata nitong nakatitig sa'kin.
What the f**k?!
Ang lalaking umagaw sa librong ipinapahanap sa akin ni Icy...
Siya si Akihiro Fumiyawa? Ay yawa nga!
Tinanggal niya ang headset na nasa tenga niya at inihagis sa table ang librong inagaw niya sa'kin last week tapos ay kinuha kay Denise ang paddle na hawak nito.
“If I lose, that's yours.”
Nagkatinginan kaming tatlo nina Denise. They're eyeing me a 'magkakilala kayo?' look. Binasa ko ang ibabang labi ko.
Pumwesto na siya sa kabilang side ng table at ipinalig ang ulo pagtingin kay Ryan at sa libro. Agad namang nakuha ni Ryan ang gusto nyang sabihin kaya kinuha nito ang libro.
“Hinahamon mo ba ako?” Mataray kong tanong.
“If that's what you think. Then I am.” He replied, not even changing an expression.
Mukha talaga siyang mannequin. Kung ano yung expression niya hindi nababago. Blankong blanko at napakalamig.
I looked at the ball. Okay, I'm in. Not for the book, but to get revenge. Tutal ininsulto niya ang height ko last week. This is the time para makabawi ako. Ako naman ang mang iinsulto sa kaniya. Ang lakas ng loob niyang hamunin ang varsity player ng table tennis. He surely is full of himself.
I took the ball and the battle finally begins. Si Ryan ang nag scoring. As expected. Hindi nga siya marunong. He doesn't even know how to use the paddle. Lagi niyang hindi nasasalo ang bola. Ang lamya at bagal niyang kumilos. Mayabang nga.
I grinned when I won at the first round. Nanatili namang walang imik yung dalawang nanonood. We exchanged court at nagready na ako sa pagserve.
I was already confident na mananalo na ako nang apat na ang score ng hindi niya nasasalo. Not until he started to serve the ball as if he's a pro.
I was surprised nung mabilis na rumagasa ang bola papunta sa'kin. Hindi ko tuloy ito napalo. I can't believe this! He fooled me! He made me think na hindi siya marunong lumaro!
Kasi marunong pala siya!
Putangina!
He tricked me!!
I saw a hint of annoying smirk on his lips nung makita niyang nagulat ako. At mas lumawak iyon nang inis kong pinalo ng malakas ang bola pabalik sa kaniya. Muntik pa itong tumama sa noo niya pero napalo niya agad ito papunta sa'kin na hindi ko naman napalo.
What the heck!
Hindi ang tulad niya ang tatalo sa'kin!
Varsity player ako. Siya hindi. I should win this. Babawi ako. Hinawakan ko ang bola nang ako na ang magseserve. But Ryan stopped me from doing it.
“Teh, tapos na.” Ryan spoke up.
Nalaglag ang panga ko. What??
Agad?!
“Tanga, hindi pa...” Nagready akong magserve but this time si Denise naman ang nagsalita.
“Tapos na nga teh. Akihiro won this time. Change court na kayo for last match.”
Seriously?! Tinignan ko si Akihiro na naglakad papunta sa puwesto ko. Inis akong pumunta sa puwesto niya kanina. Buwiset 'to ah? Masyadong mayabang.
Hindi niya na ako matatalo this time. Promise yan.
Minutes later...
“Akihiro won!”
Tinignan ko ng masama yung dalawa na kinikilig pa na natalo ako ng heartthrob nila. Nagbago ang ekspresyon nila from happy to sad.
“Akihiro won. Aww sad.” Ryan pouted.
I rolled my eyes at Akihiro when he lend his hand to me for a handshake. Tinapik ko lang ang kamay niya na parang nakipag appear.
“Nice match.” He muttered before turning his back to me.
Naiinis ako. Paano niya ako nagawang talunin? Paano ako nagawang talunin ng hindi naman player ng table tennis! Nakakasama ng loob. Naglakad na siya paalis ngunit bigla siyang tumigil at lumingon sa'kin.
And what he said next left me deeply staggered.
“Anyway you need more practice. I don't think you deserve your title as a varsity player.”
Pinanood ko siyang umalis ng nakapamulsa hanggang sa mawala ang bulto ng katawan niya sa paningin ko.
Dinaluhan agad ako nina Ryan at Denise.
“Teh, huwag mong dadamdamin. Gano'n talaga magsalita 'yon.” Hinagod ni Ryan ang likod ko.
I smiled at him, “Bakit ko naman dadamdamin yun. Hindi naman ako nasaktan.” My voice cracked as tears started to form in my eyes.
Okay, my eyes can't lie.
Kahit ano talagang pilit kong huwag umiyak ay hindi ko pa rin napipigilan ang sarili ko sa huli. I'm such a crybaby. I really hate myself for being this softhearted and sensitive. Sa isang salita lang napapaiyak na agad ako.
Inalo ako ng dalawa hanggang sa mapatahan ako.
I hate this tears! But I hate him more!
How dare him to insult me again?!
Who he think he is?!
“Tara na, ihatid ko na kayo sa room niyo 'te.” Hinila na kami ni Ryan paalis.
“Oh bakit maga na naman ang mata mo gurl?” Salubong ni Icy sa'min sa campus.
“Paano ba naman pinaiyak ni Akihiro. Kinalaban kasi siya sa tennis.” Si Ryan ang sumagot.
“Oh?! The cold and mysterious heartthrob?! Oh my God!”
“OO, ANG MAYABANG NA AKIHIRO FUMIYAWA NA 'YON. YAWA SIYA. ANG YABANG NIYA!”
Nagkatinginan silang tatlo sa pagsigaw ko at sabay sabay silang nagtanong ng parehong question.
“Sino si Akihiro Fumiyawa?”
“Tanga! Fujikawa 'yon gurl. FU-JI-KA-WA. not yawa.” Icy corrected me.
Ay mali pala ako? Well, mas bagay sa kaniya yung Fumiyawa. Kesa sa totoong apelyido niya.
“What ever. Yawa pa rin siya!” I crossed my arms.
“Teka, bakit ka kinalaban ni Akihiro, takot sa babae 'yon 'di ba?” tanong ni Icy na naguguluhan. Oo nga. Bakit nga ba?
“That's exactly the question in my head.” Ryan replied.
“Ako din 'te.” Segunda ni Denise.
Sabay sabay nila akong tinignan ng kakaiba. Okay what's with those stares? Iniisip ba nilang hindi ako babae kasi hindi natakot sa'kin 'yung Akihiro na 'yon?
LUH?
Pinangunahan ko na agad sila. “Babae ako huy!”
Biglang hinila ni Icy yung dalawa paalis.
“SAAN KAYO PUPUNTA? HOY TAENA NIYO!”
Susundan ko pa sana sila pero may biglang humawak sa balikat ko kaya napahinto ako.
I looked back to see who it is at nalaglag ang panga ko nang bumungad sa aking paningin ang hindi ko inaasahang tao na lalapitan ako. Ang ex-boyfriend ko.
“Elle...?” Ang singkit niyang mga mata ay tumitig sa akin.
“...Anong kailangan mo?” Wait hindi naman siguro ako mukhang galit ano?
“May tagos ka.”
“Huh?”
Tinignan ko ang puwetan ko para kumpirmahin kung meron nga at tama siya. Meron nga! s**t! Hindi ko namalayan. Kaya naman pala ang init ng ulo ko kanina at galit na galit ako kay Akihiro.
Pumutok na pala ang bulkan ko.
Teka anong gagawin ko? Paano ako makakaalis?! Hinanap ko sina Icy pero nawala na sila. I can't go to the canteen para bumili ng napkin kung ganito kadami ang dugong tumagos sa puwetan ko. Baka pagtawanan pa ako ng mga makakakita sa'kin.
“Let me help you.” He insists kaya napatingin ako sa kaniya.
“Huh? Ibibili...mo ako ng napkin?” No way, bakit niya gagawin 'yon para sa ex girlfriend niyang sinaktan niya?
He laughed, “Just like what I'm doing before whenever you got a period? Sure.”
Nagulat ako sa isinagot niya. But don't get me wrong. Hindi ako kinilig ah? Hindi ako marupok. Nakamove on na talaga ako. Nagulat lang ako na umaakto siyang parang in good terms na ulit kami. Na para bang hindi niya ako winasak noon. Na para bang maayos ang naging hiwalayan namin.
“Biro lang. Susundan na lang kita sa likuran. Para itago 'yang ketchup sa likod mo.”
Nag aalangan man akong tanggapin ang alok niya. Wala akong naging choice but to accept it since the three are nowhere to be found. Nasa room din ang cellphone ko kaya hindi ko makokontak sina Schroeder.
As expected, pinagtinginan kami ng mga estudyante nang maglakad kami papunta sa canteen at locker room para bumili ng napkin at kumuha ng pamalit ko.
Akala nila clumsy boyfriend ko si Elle at LQ kami kaya nakabuntot sa likuran ko. Little did they know, this bastard is already my ex.
How lucky I am today. Sa dami ng tutulong sa'kin. Ex ko pa talaga. Nice.
“Elle.” Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa railings pagdating ko galing sa cr. Tapos na akong magpalit.
“Salamat sa pagtulong sa'kin.” wika ko.
He smiled, “Its nothing...”
Nangunot ang noo ko nang parang may gusto pa siyang sabihin na hindi niya masabi sabi. But I chose to ignore it kasi baka akala ko lang iyon at nag aassume lang ako.
“Sige...una na ako. Salamat ulit.”
Tinalikuran ko na siya pero pigilan niya ako at hinawakan sa pulsuhan. Nung tignan ko siya, hindi ko alam kung ano 'yung emosyong nakita ko sa mga mata niya. But I'm sure, hindi panghihinayang 'yon.
No, you aren't sure, you're not like Icy who can read someone's emotion through their eyes.
Okay hindi ko alam at ayo'kong mag assume. Nakamove on na ako. Matagal na kaming tapos at matagal ko na ring tanggap iyon.
Sasabihin ko na sana sa kaniyang aalis na ako. Pero naudlot nang may bigla na lang sumuntok sa kaniya na galing sa likuran ko. Natumba siya sa sahig at nalaglag naman ang panga ko nang makita ko ang nanggagalaiting si Faren.
“SINABI KO NA SA'YONG HUWAG NA HUWAG MO NANG LALAPITAN SI LIIT 'DI BA?!”
Hinawakan niya si Elle sa kwelyo at puwersahan itong itinayo.
“ANG LAKAS NG LOOB MONG GAGO KA!”
Gusto ko siyang pigilan sa ambang pag suntok muli kay Elle pero hindi ko nagawang ikilos ang katawan at mga paa ko. Gusto kong magsalita at sabihing walang ginagawang masama si Elle. Kasi tinulungan niya lang ako. But I was too dumb to just stand there and watch his fist kiss Elle's face.
“Tol! Tama na!”
It's a good thing that Schroeder came to rescue and stop Faren for giving Elle a good punch on his face.
Pumutok na ang labi ni Elle pero hindi manlang nito nagawang gumanti.
“BITAWAN MO 'KO TOL BABASAGIN KO MUKHA NIYANG KUPAL NA YAN!”
And just like what Faren commanded, binitawan nga ni Schroeder si Faren. Pero siya ang sumuntok kay Elle ng buong lakas.
“Naiganti ko na rin ang bestfriend ko. Matagal ko ng nireserve 'yan.”
Piste.
****
“Ano makikipagbalikan ka sa tarantadong 'yon? Bibigyan mo na naman ng pagkakataon na saktan ka sa pangalawang pagkakataon?”
“Tapos kapag sinaktan ka na naman papagudin mo na naman ako kaka-advice?” dugtong ni Schroeder sa sunod sunod na tanong ni Faren.
I let out a deep irritated sigh. Kanina pa nila ako pinupulbos ng tanong, naiirita na ako.
Bakit ba conclude agad sila ng conclude at hindi muna itanong sa'kin kung bakit kami magkasama ni Elle? Bulwak na nga ng bulwak ang dugo sa ano ko tapos dinadagdagan pa nilang magpinsan ang dahilan ng pagiging iretable ko.
“Hindi ka makaimik. Tama ako hindi ba?”
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ng masama si Faren. “Paano ako makakaimik kung wala kayong preno sa kakasalita?!”
Bigla silang natahimik na dalawa.
“Nasaan ba ang pangpreno?” tanong pa ni Schroeder kay Faren. Okay, I'm done.
“Kaya kami magkasama kasi natagusan ako. Sinamahan at tinulungan niya lang akong makapagpalit. Okay?”
“Bakit hindi ka kina Icy nagpatulong?” Faren replied.
“Eh bigla silang nawala eh. Tsaka asa naman na makikipagbalikan ako doon sa bestfriend mo. Nakamove on na ako. Kaya hindi na ako tanga.”
Kung tatanggapin ko man uli si Elle iyon ay bilang kaibigan na lang. Pero ang weird naman siguro kung magiging magkaibigan ang mag-ex. Sabi nila kapag naging kaibigan mo ang ex mo, it's either mahal niyo pa ang isa't isa or hindi niyo talaga minahal ang isa't isa.
“That punk is not my bestfriend anymore,” wika ni Faren.
“Okay, ex-bestfriend.” I corrected myself.
“Ito na ang una't huling beses na makikita kong kasama o kausap mo ang siraulong 'yon.”
Napatingin ako sa kaniya. Ngayon alam ko na. Kung mayroon man dito ang hindi pa nakakamove on sa pagwasak sa'kin ni Elle noon. Si Faren iyon at hindi ako.
Pero bakit hindi pa rin siya makamove on?
Hindi ko maintindihan. Bakit ganito kalaki ang galit niya sa matalik niyang kaibigan? Kung tutuusin para na kaya silang magkapatid kung magturingan noon. Hindi manlang ba siya nanghihinayang sa friendship nilang nasira ng dahil lang sa'kin?
“Faren, I've already moved on, sana ikaw rin. Patawarin mo na si Elle.”
“Ano siya chixx?” bulong ni Schroeder.
“Sayang naman ang friendship niyo.”
Hinintay ko kung sasagot si Faren pero nakarating na kami't lahat lahat sa bahay ay wala ng lumabas na salita mula sa bibig niya.
I sighed. Nanghihinayang talaga ako sa friendship nila ni Elle. Sobrang solid kasi ng pagkakaibigan nila noon. Gusto kong maibalik ang pagkakaibigan nila kahit hindi na ang sa amin ni Elle. Kasi okay naman na ako.
Kaso sa nakikita ko mukhang malabo na talagang mangyari pa iyon.
“Salamat sa paghatid sa'kin.” Binuksan ko na ang gate ng bahay namin. Papasok na sana ako sa loob nang magsalita si Faren.
“I don't need a friend who can't keep a promise. Hindi pinanghihinayangan ang gano'ng tao.”
Napaisip ako sa sinabi niyang iyon. Naalala ko tuloy bigla ang araw na kasasagot ko lang kay Elle tapos narinig kong nag uusap silang dalawa.
"Huwag mong sasaktan o paiiyakin 'yon si liit ah? Kapag ginawa mo 'yun tablado na tayo.”
“Oo naman, mahal na mahal ko 'yun. Kung iiyak man sa'kin 'yon tears of joy lang ang tawag doon.”
“Gago. Seryoso ako. Parang kapatid ko na kayo pareho pero mas mahalaga si liit. Hinayaan ko siyang magboyfriend kahit pinagbabawalan ko pa dahil tiwala ako sa'yo. Kaya wag mong sisirain 'yon, bud.”
“Awts nakakaselos naman. De joke lang. Promise, 'di ko sasaktan ang prinsesa mo. Prinsesa ko rin kaya 'yon.”
“Okay good, usapan yan ah? ”
Nangako si Elle sa kaniya pero sinira nito ang pangakong iyon. Nagtiwala siya na tutuparin ng bestfriend niya ang usapan nila. Kaya siguro sobrang hirap para sa kaniya ang magpatawad at nahihirapan siyang tanggapin na...
Promises are always made to be broken not to be fulfilled.
To be continued...