MVA Chapter 1

3937 Words
Kayt's POV I looked at Mom and Dad. They are really happy together. I'm too lucky to be their daughter. I want to find a man like my father. I never experienced to be loved by a special someone. I really like someone, but no one knows. I rather keep it to myself than telling it to someone. This is infatuation. No less, no more. Just in between. "Kayt, I'm allowing you to have suitors since you are already 19-year-old pretty woman," Dad said. "Dad, I don't have suitors. It never happened," I said. "You know why? Malamang natatakot sila sa iyo, Kayt. Napakataray mo. Manang-mana ka talaga sa daddy mo. Isa pa, Prinsesa ka kaya siguro nahihiya sila. Start being friendly," my Mom said.  Actually, we are opposite when it comes to attitude. She's too kind because she has the heaven's magic. Ang namana ko lang sa kanya ay ang white magic. White nga ba talaga? Maybe? Minsan ay ginagamit ko ang aking magic para sa paglalaro. Lagi akong napapagalitan noong bata ako. Bata pa naman, so given na wala pa akong idea sa paggamit ng magic. Namana ko naman daw ang ugali ni Dad. Mas malala lang daw ako. I love boyish outfit. I am more comfortable with that. I also love changing the color of my hair. Just to be unique. "I will try, Mom. I will," natatawang pagsang-ayon ko. Natawa naman sila sa akin. I've never been in a relationship. Kuya Klyzer and ate Minah will celebrate their 5-year relationship. I'm so happy for them. My big brother will marry my favorite sister soon. "Mom, gagala lang ako. Yes, mag-iingat po ako," pag-una ko. Napailing na lang siya sa akin. Inunahan ko na siya. I saw Fleir with Aphrodite. Hindi ko sila inaate or kuya since suggested naman nila. Ayaw daw nilang magmukhang matanda dahil sa pag ate at kuya. Ang arte hindi ba? Aphrodite is so pretty. Nakailang boyfriend na siya. Wala siyang sineryso kahit isa. Maybe, because of the combination of love hater and a cupid? I really don't know. I understand her anyway. That’s her life, I don’t want to interfere. "Hey, Kayt!" bati sa akin ni Fleir.  I glared at him. Naiinis ako tuwing ngumingiti siya sa akin. Alam kong aasarin na naman niya ako. I am used to it. "Pikon ka na naman," asar niya. I'm ignoring him. Sumusunod naman siya sa akin. Iniwan niya si Aphrodite. Magpinsan ang dalawa. I wonder if he likes his cousin? Is it allowed to like your own cousin? Oh, we are magical vampires so it is allowed to marry your relative. I shook my head. Weird. They can't read my mind except Sky. Lagi kong fino-focus ang sarili ko kapag malapit siya sa akin. I don't want him to know my little secrets. He's not talkative unlike Fleir and Storm. Luna is the opposite of Sky even though they are twin. She's my best friend, my cousin too. "I have an idea," ika niya sabay llumitaw si Fleir sa unahan ko.  Pinanliitan ko siya ng mga mata. "What?" "Do you want to go to Earth?" tanong niya. Napaisip naman ako. That's actually a good idea. "Sure. I want to have an experience there. I want to differentiate two worlds. So let's go now?" "This is the first time I saw you genuinely happy. Are you really sure that you want to go there?" paninigurado niya. Tumango naman ako. Did I smile? Really? Good for him kung ganoon. "Of course. I will not be happy if I’m not interested. Let's go. Don't tell it to anyone. I'm not allowed to go out outside, you know," pakiusap ko. Natawa naman siya. Alam kong nagets naman niya ang ibig kong sabihin. Gumawa naman siya ng lagusan patungong mundo ng mga tao. This is not new to him since he's helping Tita Fairy to get the magical vampires in the human's world. I got dizzy pero nawala rin agad. "Oh, nice view!" sabi ko. We're holding each other. Nasa itaas kami. Gabi na ngayon dito. Kitang kita ko ang mga ilaw mula sa mga bahay at buildings. Ang tataas ng building dito. Palasyo lang ang sobrang mataas sa amin. Our world is totally different from this world. Tumalon ako sa building. Pipigilan sana ako ni Fleir kaso mabilis akong kumilos. Narinig ko siyang napamura. Natatawa naman ako. I love to see him like that, like he's too worried. Naglakad-lakad naman ako. I saw a black gate. There is a VA on it. Nanlamig ako bigla. I know they are vampires. Normal vampires? Nakakatakot silang tingnan. Masayahin ang mga magical vampires. Nililingon ko ang mga ito habang naglalakad. Hindi naman ako naiiba sa kanila. Maputi rin ako. Mas maputi pa sa kanila. Maraming kulay sa kanilang mukha. Yun siguro ang uso sa kanila. May mga bagay talaga na hindi ko pa rin maintindihan tungkol sa kanila. Lumampas na ako sa gate. Gusto kong libutin ang loob nito. Mukha siyang paaralan. Vampire Academy? Maybe? Or the Vnight Academy? Either. I bumped into someone's chest. Ang sakit ha! I looked at him. Natulala ako. He has this dark aura. Hindi naman siya nakakatakot. Nakaka-intimidate lang. Umatras naman ako at hinilot-hilot ang noo ko. Where's Fleir? We need to go home as soon as possible. This is not a safe place. May tatak na VA sa kanyang leeg. He must be a member of this school. Ang gwapo niya. Okay enough. Tinaasan na niya ako ng kilay. As if he can read my mind. Impossible. "You better go home now," utos niya.  Wow nice voice. His attitude and movements remind me of Sky. Tumango naman ako sa kanya. "Kayt!" tawag sa akin. Napalingon naman ako sa aking likuran. Thank God! Fleir is here. "Let's go, Fleir. I want to go home. Lagot na naman ako kay Mommy kapag nalaman niyang naggagala ako," pagmamabilis ko sa kanya. Natawa naman siya. Lumingon ako sa unahan ko. Wala na yung lalaki kanina. Bumalik naman agad kami. Nagpaalam si Fleir dahil may susunduin daw siya. Naglakad-lakad naman ako. Naisipan kong gumala sa Academy mismo. Nagpakalayu-layo muna ako. Gusto ko lang din sigurong mapag-isa. Umaga sa amin. Gabi sa mundo ng mga tao. "Where did you go?" tanong ng isang panlalaking boses. Napatalon naman ako dahil may naramdaman akong hininga sa aking tainga. Napalingon ako kay Sky. Nanlalaki ang aking mga mata. He loves to scare me. My goodness! "None of your business, Sky. Mind your own." Tumuwid naman siya ng tayo.  Ang height ko ay hanggang baba niya lang. I'm trying to focus again. "Really?" seryoso niyang tanong.  Hindi talaga siya ngingiti ano? "Yes!" sagot ko. Nagsimula naman akong maglakad. Sumabay siya sa akin. Nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang jacket. Sanay na akong maraming lalaki ang tumitingin sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit kapag kasama ko si Sky ay tumatalikod sila. "Sky?" "Hm?" sagot naman niya.  Bakit ko nga ba siya tinawag. "Bakit ang sungit mo?" natatawang tanong ko sa kanya.  Tumingin siya sa akin. Sa kanya lang ako madalas tumawa dahil gustong-gusto ko siyang pikunin. Bata pa lang kami ay ganoon na ang pakikitungo sa kanya, pero sa huli ay ako ang napipikon. "Ask yourself too," bawi niya kaya inirapan ko naman siya. "It runs in the blood Sky," bali ko sa kanya. "Not really. My Mom and your Mom are kind. Luna as well," ika niya. "And you are not! I mean, we are not!" pagtama ko. Natawa na naman ako. Tinaasan nalang niya ako ng kilay.  "That's why you don't have suitors. Kahit isa wala. Too bad, you're bad," biro niya sa akin. Napasimangot naman ako. Masyado siyang masakit magsalita. Sabagay, ako rin naman. "I don't need them," proud kong sabi sa kanya. "Why?" seryosong tanong niya. "Because, I like someone," pag-amin ko. Napabuntong hininga nalang ako. "Someone who doesn't like you," dagdag niya.  Mapait akong ngumiti. You're right. You got it! I hate love!   MVA Chapter 1   Kayt's POV Napasulyap ako kay Sky. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya inirapan ko siya. Napansin ko namang hindi niya pa inaalis ang tingin sa akin. Tumalikod ako sa kanya. Huminga akong malalim. Pagmulat ko ay nakatingin pala sa akin si Fleir. Nginitian niya ako kaso naiinis ako ngayon kaya hindi ko siya pinansin. Sumimangot naman siya. Siya ang lagi kong nakakasama lalo na sa mga kalokohan ko. "Kayt, tabi ka sa akin," rinig ko namang tawag sa akin ni Luna.  Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng mga kaibigan ko. Kamukha ko siya. Siguro ay dahil kambal ang parents namin.  Si Sky ay hindi namin masyadong kahawig. Sabagay, normal lang naman iyon lalo na kapag magkaiba sila ng gender. Hindi ko alam kung tatabi ba ako kay Luna dahil pagigitnaan nila ako ni Sky. Bigla akong nailang kay Sky simula noong nalaman ko sa sarili ko na gusto ko siya. Napasapo naman ako sa aking mukha. Sana ay hindi niya binabasa ang iniisip ko. Sinulyapan ko ulit siya. Nakatingin lang ito kila Xanreb. Mabuti naman. Umupo naman ako sa tabi nito. "Mabuti pa kayong dalawa ni Eira at Cxereb, nagkatuluyan kayo. I'm proud to say na kayong dalawa ang mate!" natutuwang anunsyo ni Aphrodite.  Sa sobrang tuwa ko ay napapalakpak ako. Pumalpak at nagkantyawan din sila. "Siguradong matutuwa sila Tito Xander, Tita Rebecca at Tita Invi. Hindi ko lang alam kung approve ba si Cxereb kay Tito Ice," pabiro naman ni Jewel.  Sabagay, overprotective si Tito Ice kay Eira lalo na at si Eira ay nag-iisang anak na babae "Ikaw, Kayt? Kailan ka magkaka-boyfriend? Ikaw na lang ata ang walang experience?" ika ni Storm. Napairap naman ako sa pang-aasar niya.  "I don't need a boyfriend to be a woman," bawi ko sa kanya. Totoo naman. Wala akong pakialam kung wala pa akong nagiging boyfriend. Bata pa rin ako para diyan. Kailangan kong magfocus sa pag-enhance ng kakayahan ko. Si Storm, Xanreb at Luna ay nagkaroon ng ka-relasyon na hindi namin kakilala. Nagtagal naman kahit papaano. Tsaka ang gusto ko ay kapag nagka-boyfriend ako, siya na talaga. I mean, kaya nga magbo-boyfriend para maging future asawa. Para saan pa kung hindi yun ang goal? Ganan ang pananaw ko. Ayokong magsayang ng mga masasayang araw sa lalaking sasaktan lamang ako. Kaya ayoko pang pumasok sa isang relasyon na hindi sigurado. Okay na yung magmamahal ka nang patago, walang commitment. Darating din naman sa tamang araw yung lalaking para sa akin. Si Fleir at Jewel ay dating magkasintahan. Kaso nagsawa na daw sila sa isa't-isa. Si Fleir ang nakipagbreak, dahil may iba na daw siyang gusto. Masakit iyon para kay Jewel pero natanggap naman niya. Hanggang ngayon ay hindi pa sinasabi ni Fleir kung sino ang babaeng mahal niya. Si Sky? Dati niyang kasintahan si Eira. Hindi ko alam kung anong epekto nito kay Sky. Natuto siyang ngumiti dahil kay Eira. Ngayon ay bumalik na naman siya sa dati. Ni hindi na namin siya nakikitang ngumingiti. Nakipagbreak si Eira dahil akala niya noon ay mahal niya si Sky, ngunit hindi pala. Na-realize niya na si Cxereb pala ang mahal niya. At isa pa, mas bata sa kanya si Sky. Ako? Nasasaktan hanggang ngayon. "Pinayagan ka na ni Tito King na magkaroon ng manliligaw, hindi ba?" tanong ni Luna.  Napairap na naman ako. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Bakit napunta sa akin? "Wala nga akong manliligaw, Luna. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin. Nilalayuan ako ng mga lalaki. Turuan mo nga ako, Aphro!" natatawang pakiusap ko sa kanya. Binibiro ko lang naman sila. "Aba, game ako diyan, Kayt! Naka sampu ako this month. Gusto mo ba? Mangpana tayo sa MVA! Finally, may kasama na ako! Tara at mag-boy hunting!" Binatukan naman ni Storm si Aphrodite. "Ikaw! 17 years old ka pa lang! Huwag kang malandi. Ako, maarte ako at aminado ako, pero hindi ako malandi. Huwag mong idadamay si Kayt," nanggigigil na pangle-lecture ni Storm. "Biro lang naman, Ate Storm," ika ni Aphro. Umirap naman si Storm. "Ayan kasi. Kung sinu-sinong kasama. Hindi na lang magtigil sa iisang lalaki. Hindi naman mahirap iyon," suggestion naman ni Xanreb.  Kababata ni Aphrodite. Matanda lang ako ng dalawang taon sa kanila. "Whatever! So ano, Kayt?" tanong sa akin ni Aphro.  Napa-isip naman ako. Malay mo makakilala talaga ako ng pwede kong mahalin? Or baka sakaling makilala ko na talaga ang para sa akin. Syempre, nagbibiro pa rin ako. Wala pa akong panahon para diyan. "Don't dare," banta ni Sky. Napalingon ako kay Sky. Matalim itong nakatingin sa akin. Inirapan ko naman siya. As if may magagawa siya kung yun ang gusto kong gawin. "Patay. Iwan ko na kayo. Hindi na kita yayayain, Kayt. Baka patayin ako nang wala sa oras ni Sky. Bye!" pagpapaalam niya.  Tumawa naman siya nang pilit. Sa isang iglap ay nawala na siya. Nagpaalam na rin ang iba. Ang naiwan ay ako, si Luna, si Sky, at si Fleir. Hindi ako pwedeng magtagal dito. "Uwi na ako!" pangbasag ko sa katahimikan. "Ihahatid na kita, Kayt." Sabay akbay sa akin ni Fleir. "Do whatever you want!" ika ko. Hinalikan naman ni Fleir ang aking buhok. Weird. Hinayaan ko nalang siya. Napailing nalang si Luna habang si Sky ay seryosong nakatingin sa amin. Kumaway naman sa kanila si Fleir bilang pamamaalam. "Alam mo, Fleir? Gusto kong maranasang magka-boyfriend. Gusto kong maranasan kung paano magpahalaga, pahalagahan, mahalin at magmahal," pahayag ko sa kanya. Tiningnan ko ang magiging reaction niya. Diretso lang ang tingin nito sa daan. Napakaseryoso niya. Ngayon ko lang ito nakitang maging ganito. Sinabi ko lang iyon para malaman ang reaction niya. Mukhang hindi sang-ayon. Pinitik niya ang aking ilong. "Huwag kang makinig sa kanila. Bata ka pa para diyan," payo niya. Sumimangot naman ako. "Hindi na ako bata. Gusto ko lang. Gusto kong magmahal," pagmamatigas ko. May gusto naman ako kaso hindi ako gusto. At isa pa, paghanga lang iyon. Tsaka bawal dahil ay basta. "Maghintay ka lang, Kayt. Huwag magmadali. Please, maghintay ka." Naguluhan naman ako sa sinabi ni Fleir. Hindi naman talaga ako nagmamadali. Binibiro ko lang naman siya pero pagganitong usapan ay napakaseryoso na niya. Nagpaalam naman siya pagkahatid sa akin. Napahawak naman ako sa aking dibdib sa gulat. Nasa harapan ko si Luna at Sky. Bakit nauna pa sila sa akin? At bakit nasa bahay namin ang dalawang ito? "Hindi niyo napansin na nasa unahan niyo kaming dalawa, dahil nagha-heart to heart talk kayo," ika ni Ĺuna. Bigla akong nahiya. "Narinig niyo ang usapan namin?" tanong ko. Tumango naman siya. "Fleir is right," singit ni Sky. Napasimangot naman ako kanya. Hindi ko na siya masyadong inaasar, dahil ibang-iba na siya. "Hindi ko maintindihan kung bakit ang higpit niyo kay Kayt. Ako nga nagka-boyfriend noong 17 years old ako. Anong big deal pag kay Kayt?" inis na tanong ng kambal niya. Oo nga. Baka kaya hindi ako nagkaka-boyfriend ay dahil mahigpit sila sa akin? Ayos lang naman. Hindi ko rin naman kailangan magka-boyfriend agad. "Kayt?" tawag ni mommy.  Ibinuka na ni Sky ang bibig niya kanina kaso napatikom ito dahil sa pagtawag sa akin. Ang galing naman ng timing mo, Mommy. "Coming!" ika ko. "Kayo? Sunod na kayo. Minsan na lang kayo dumalaw dito e," pagyakag ko. Tumango naman sila. "Kayt, nami-miss ko ang boses mo. Pwede mo ba kaming kantahan?" pangungulit sa akin ni Luna. Great idea. Yan ang pinakagusto ko, ang pagkanta. Namana ko ito kay Mommy at Daddy. Parehas silang magaling kumanta. Sa aming magkakabarkada ay ako lang ang kumakanta. Pumunta kami sa music room. Laking pasasalamat ko dahil mayroon kami nito. Si Luna naman ang pumwesto sa harap ng piano. Halos lahat ng music instruments ay alam niyang gamitin. Pumunta naman ako sa pwesto ko at humawak ng gitara. Kinanta ko ang na-compose naming ni Luna. Ito ang bonding naming dalawa. Napatigil naman ako sa pagkanta. Hindi ko na tinapos. Kumikirot lang ang puso ko. Ilang beses na itong narining ni luna, pero ito ang unang beses na maririnig ni Sky. "Oh bakit ka tumigil? Ang ganda na, Kayt," dismayadong tanong ni Luna.  Hindi makapaniwala si Luna sa ginawa ko. "Sumakit lalamunan ko e. Tsaka nalang," palusot ko. "This is unusual," iling-iling niya. Sumulyap ako kay Sky. Wala naman siyang pakialam. "Let's go, Luna. We need to go home," yakag niya. Kumirot naman ang puso ko. Ang bilis niya yayain si Luna para umalis na. Ayaw niya ba talaga akong nakakasama? "Una na kami, Kayt," paalam ni Luna. Hinalikan naman ako nito sa pisngi. Dumiretso ako sa aking kwarto pagka-alis nila. Nahiga ako at nag-isip ng kung anu-ano. Ano kayang naramdaman ni Sky nang nalaman naming mate si Cxereb at Eira? Gustuhin ko mang tingnan ang reaction niya, natatakot naman akong mahuli nito. Baka rin makahalata ang mga kaibigan ko. Ayokong malaman nila na gusto ko ang sarili kong pinsan. Incest! No way. Paghanga lang naman siguro. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ang malas ko sa pag-ibig? Bumangon naman ako. Naisipan kong tumakas. Hating gabi na. Gusto ko lang magpalamig sa labas. Gumawa ako ng lagusan sa aking kawarto papuntang labas. Hindi naman ako nabigo sa aking ginawa. I love breaking the rules. Nagtungo naman ako sa Academy. Gusto ko lang titigan ang kagandahan nito tuwing gabi. Ang sarap kasing titigan. Nakakawala ng pagod at sakit na nararamdaman. Akalain mo iyon? Paghanga lang naman pero nasasaktan? Iba ka, Kayt! Sakto namang may nakita akong lalaki sa field. May mga iba rin naman pero kakaunti. Siguro ay mas marami ang bampira sa may dalampasigan. "Hey," pukaw ko sa atensiyon niya. Tinapik ko ang balikat noong lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata. Tila nagulat sa inasta ko. "Hi, Madam Kayt," ika niya sa akin. Umupo naman ako sa tabi niya. "Kayt na lang. I'm not comfortable being called Madam or whatsoever," paliwanag ko. Tumango naman siya at ngumiti sa akin. I thought he's just like another man who will ignore me, but in all fairness, he did not and he's friendly. He's handsome like my friends. "You are?" "Kylejen. Kyle na lang," sagot niya.  Wow, ang gwapo naman ng pangalan. Familiar. "Bakit kaya ako iniiwasan ng mga lalaki? Is there something wrong with me? I don't understand," bigla kong tanong sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. "Why don't you ask your cousin and Fleir?" Itinuon niya ang kanyang mga braso sa tuhod niya. Ipinatong niya ang ulo niya don. Humilig siya kaya ngayon ay nakatingin lang ito sa akin. "Hindi naman sila sasagot nang maayos. Kilala mo naman ang mga iyon," sabi ko. Ngumuti naman siya. I find it cute. "I think, you are right," dagdag ko. Nginitian ko naman siya. Ayoko namang isipin niya na saksakan ako ng kasungitan. I want to be kind kahit papaano. "You looked familiar," tukoy ko sa kanya. "I'm Luna's ex-boyfriend," simpleng sagot niya. Nanlaki ang aking mga mata. Kaya pala. Siya yung lalaking minahal ni Luna? "Oh, I didn't know!" "Nilihim namin yon. Kaso napilitan kaming maghiwalay, dahil nalaman ni Sky. He's so overprotective, lalo na sa mga mahal niya," paliwanag niya. Bumuntong hininga ito. "Mahal mo pa ba?" tanong ko. "Maybe?" malungkot na sagot niya. Siguro ay tinitimbang nito kung ano ba ang nararamdaman niya. "Gusto mo ba talaga malaman kung bakit kami umiiwas sa iyo?" ika niya. Nilingon ko naman siya. "Of course!" "Kasi-" "It's midnight. Kayt, you need to go home," malamig na boses nagmumula sa aking likuran. Napalingon naman ako sa kanya. Napakagat ako ng aking labi. Wrong timing! "I have to go, Kyle! See you around!" Kumaway naman siya sa akin. Tumayo naman ako at nilampasan si Sky. Naiinis na ako sa mga nangyayari. Lagi nalang siyang nasulpot kung saan-saan kapag may kausap ako. Hindi naming natatapos ang usapan. Naramdaman ko namang sumusunod siya sa akin. Binale wala ko na lang ito. Binagalan ko ang aking lakad para makasabay ko siya. Hindi naman ako pumalpak. Katabi ko na siya ngayon. "Mahal pa ba ni Luna si Kyle?" tanong ko dito.  Hindi niya man lang ako sinulyapan. Hindi rin siya umimik. I'm starting to hate him. "I think Kyle is a good man,"pagdepensa ko para kay Kyle. "Do you like him?" tanong niya. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Anong klaseng tanong yun? "Yes, I like him," sagot ko. Totoo naman. Narinig ko ang malalim na paghinga niya. Hindi siya umimik. "I like him as a friend. That's it," dugsong ko. He licked his lips kaya napatingin ako. Ayokong mag-isip ng kung ano. Basta nakakairita siya. "Sanay na ako sa pagkairita mo, Kayt," seryosong sabi niya.  Hindi ko na kasi kayang asar-asarin siya ngayon. Feeling ko ang layo na niya sa akin. Hindi na katulad noong mga bata kami. Nalulungkot ako. Bigla niya akong inakbayan at hinila papalapit sa kanya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry, Kayt. Babawi ako." Pagkatapos niya akong yakapin ay tinulak niya ako papasok sa gate namin. Kumaway naman siya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Niyakap niya ako? O panaginip ba ito? Umalis na rin siya agad. Naguguluhan ako sa inaasta niya. Bakit siya biglang nagging mabait sa akin? "Kayt? Tulala ka? May bumabagabag ba sa iyo? I'm here to listen." Biglang lumitaw si Mommy sa gilid ko. Nakita niya kaya si Sky? Umupo naman kami sa may malapit na table. May mga nagbabantay din naman pero hindi sila pwedeng makinig sa usapan namin. "Mom?" pagkuha ko sa atensyon niya. "Yes, baby?" "Masama bang magkagusto sa pinsan?" tanong ko. Napataas naman ang kilay niya sa aking tanong. Ngumuso naman ako. "Bakit yan naman ang natanong mo?" "Curious lang, Mom." "Oo, masama ang magkagusto sa sariling kamag-anak," sagot niya. Alam ko naman. Bakit ko pa tinanong. "Pero sa mundo ng mga tao at normal na bampira 'yan. Kapag miyembro ka ng royal family ay okay lang na magkagusto sa kamag-anak," dagdag niya. Biglang lumiwanag ang mukha ko pagkarinig noon. "Hindi ko lubos maintindihan," pag-amin ko.  "Noong nasa mundo pa ako ng mga tao, may Royal family doon. Si Michie at Michael ay kambal. Nakatakda ang dalawa na magpakasal. Ito ay ginagawa para ma-maintain ang pagka-royal blood. Ngunit hindi ginusto ni Michael iyon dahil mas sinunod niya ang batas ng mga tao. Ayaw niya rin na pakasalan ang kakambal niya. Si Michie naman ay pinakasalan si Geo na kabilang din naman sa kabilang royal family. Hindi sila magkamag-anak," paliwanag ni Mom. Tumango naman ako. Nakukuha ko na ang gustong ipahiwatig ni Mommy. "Ganoon rin sa atin, Kayt. Ako at and Dad mo ay nagpakasal. Si Night at Light din. Kung sa mga tao at normal ito, bawal yon dahil noong nagpakasal kami ng Dad mo ay kamag-anak ko na si Night noon. Pero dahil nasa royal family tayo ay okay lang. Pwede lang ang ganan sa mga bampira, hindi sa mga tao. Anak, karapatan mong mamili kung sino ang mamahalin mo," dagdag kwento niya. Tumango-tango ulit ako. "How about Aphrodite at Fleir? Magpinsan sila, hindi po ba? Pwede ba sila?" tanong ko ulit. Umiling si Mommy. "Si Tito Fire mo lang ang member ng royal family, hindi si Fai. Kaya hindi pure royal blood si Fleir," paliwanag niya ulit. "Teka nga, may gusto ka ba kay Sky?" hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.  Napalingon ako sa kanya. She's too kind. Ayokong magsinungaling. "Mommy, humahanga lang ako bilang pinsan. Yun lang naman po ang sa tingin ko," pag-amin ko. Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso ako sa higaan ko. Kailangan ko na atang pawalain ang nararamdaman kong ito. Pure royal blood kami ni Sky ngunit ayoko namang ipilit ang nararamdaman ko, dahil hindi ganoon ang nararamdaman niya sa akin. Ugh! Ayoko nang magmahal! Ang kumplikado!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD