MVA Chapter 2

2369 Words
Kayt's POV Sabi ni Sky babawi siya. Sa paanong paraan? Ni hindi niya nga ako pinapansin pagkatapos noong pag-uusap namin. Pinaasa na naman ako. Sabagay, ano bang mapapala ko sa ganan. Learn to be independent. Akay-akay ko ngayon ang kapatid ni Fleir. Siya lang gusto kong makasama ngayon. Kenna Fleyiel is so cute. She's just 6 years old. Hindi ko akalaing masusundan si Fleir. Ang laki ng agwat ng tapn nila, but it doesn't matter. Her name is from the English name 'Kenneth', meaning both 'comely which means finely made’, and 'born of fire'. Babae lang siya kaya ginawang Kenna. Their parents know how to name their children so well. Fleir comes from the word flare. "Ate Kayt, do you like my Kuya?" she asked. Aba, syempre nagulat ako. She's too young to think like that. "I like him, because he's my friend. That's it," paliwanag ko. Ngumuso naman siya. She looked like she's not satisfied with my answer. Nothing less, nothing more. "Are you hungry? Do you want to eat or play with your classmates?" Pag-iba ko ng usapan namin. I want her to enjoy being young and innocent. Kapag lumaki na siya, baka panay pag-ibig lang problemahin niya. "I want to play. Let's go kila kuya Xanreb." Sabay hila niya sa akin. Napagtanto kong kaming dalawa lang pala ang wala ni Fley sa barkadahan. "Hi baby, Fley!" bati naman ni Storm. Si Jewel naman ay kumaway dito. "I'm not a baby anymore," maktol niya. Natawa naman kami. Naisipan kong kay Fleir tumabi since katabi ni Luna si basta. Pinisil naman ni Fleir ang mukha ko. "Problema mo ba?" tanong niya. Tumawa naman siya. Nanggigigil na naman ata sa akin. Hindi naman ako mataba. Hindi rin mataba ang aking pisngi. Napatingin naman ako kay Cxereb at Eira na sobrang sweet. Talagang dito pa sila naging showy? Nilingon ko naman si Sky para malaman ang reaction niya. Nakatingin lang ito sa malayo. "Liligawan sana kita, Aphrodite. Kung okay lang," tanong ni Xanreb. Nagkamot sa ulo si Xanreb na parang nahihiya. Natawa naman ako sa itsura niya. Wow ha? Yung mas bata ay mas nauna pa talagang nagka-lovelife kaysa sa akin. Naghiyawan naman sila except sa akin at kay Sky. I'm too serious but I'm happy for them. Napansin kong namula si Aphrodite. Matagal na niya kasing gusto si Xanreb. Kaso nahihiya. Akala niya wala siyang pag-asa dahil play boy din ito. Kaya naisipan nalang din ni Aphro na magpalit-palit ng boyfriend nang walang kahirap-hirap. Napairap nalang ako. "Sige. Kailangan mo pa ring mag-effort." Matagal na sagot ni Aphrodite. Nagpalakpakan naman kami. Kinantyawan nila ang dalawa. Maya-maya ay nagpaalam ang dalawa dahil may surpresa daw si Xanreb para dito. "Buti pa yung dalawa. Makapanglalaki na nga rin. Baka sakaling mahanap ko ang true love ko," natatawang ika ni Storm. Sus, nakailan na rin ata ito e. "Nanlalalaki ka naman talaga, Storm ah?" asar ni Jewel. "Hoy, hindi ah. Sadyang magaling lang akong manghuli ng mga lalaki. Try mo kaya?" hamon nito kay Jewel. Napatingin naman si Jewel kay Fleir na walang pakialam. I felt sorry for her. "Sige, subukan ko," pagsang-ayon ni Jewel. Tumikhim naman si Fleir. Alam ko namang may pakialam pa rin siya kay Jewel. Hindi ko lang alam kung bakit may iba pa siyang babaeng nagustuhan. Kung tutuusin ay sobrang swerte na niya kay Jewel. "Yan, okay lang yan. Basta huwag kayong lalagpas sa limitasyon," ika ni Fleir. Kung ako ang nasa kalagayan ni Jewel, tiyak na masasaktan ako. How can he be so heartless? Napansin ko ang pagkintab ng mata ni Jewel na sign na malapit na siyang lumuha. "Okay pala yun. Can you please teach me, Storm? I want to learn that too. Para hindi naman masyadong boring ang buhay ko," pakiusap niya. Namutla naman si Fleir sa sinabi ko. Parang nabuhusan siya ng malamig na yelo sa mukha. "Sure!" Natutuwa pa si Storm. Napatigil ito sa pagpalakpak noong namataan niyang masamang nakatingin si Sky sa kanya. Samantalang si Fleir ay parang ako lang ang nakikita. "Alis lang ako!" Sabay takbo ko. Ang awkward kasi. Tinawag ako ni Fley kaso hindi na ako lumingon pa. Naiinis ako kay Sky. As cousin lang siguro yung pinapakita niya sa akin. Itong si Fleir, hindi ko rin alam kung anong pinapahiwatig niya. Ayokong mag-assume. Sa sobrang lalim nang iniisip ko ay hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng pinaka malaking gate dito sa MVA. Ano kaya ang nasa labas nito? Hindi ko pa nararating. Sinubukan kong lumusot sa gate. Nagsiliparan ang mga paru-paro noong ginalaw ko ang gate. Hindi naman ako nahirapang makalabas. Namangha naman ako sa ganda ng labas. Bakit kaya walang naninirahan dito? Bigla akong natisod. Bakit parang hindi ako nailigtas ng magic ko? Nagdugo ang aking tuhod pero agad naman itong naghilom. Malayu-layo na ang nararating ko. Malaki pala talaga ang mundo namin. Ni hindi ko nga kayang libutin ng isang araw e. Tapos ngayon ko lang ito napuntahan. Wala naman sigurong maghahanap sa akin. Napansin ko namang may nakahilata na lalaki sa may gilid ng puno. Tumakbo ako papalapit dito. Tinapik-tapik ko ang mukha nito. Naalimpungatan naman siya pagkatapos ng ilang minuto. "Nasaan ako? Sino ka?" tanong niya. Takot siyang nakatingin sa akin. Mukhang galing mundo ng mga tao ito. "I'm Kayt. You are?" tanong ko naman dito. Natulala siya sa akin. Umayos naman siya ng upo nung tumikhim ako. "Cloud," sagot niya. Oh. Nice name. Bagay na bagay sa kanya dahil gwapo ang isang to. "Welcome to MVA!" bati ko. Naglahad ako ng kamay sa kanya. Tinitigan niya ito nang matagal. Babawiin ko na sana kaso bigla niya itong hinawakan. Nginitian ko naman siya. "Anong MVA?" panimula niya. Naglalakad na kami ngayon papuntang Academy mismo. "Magical Vampire Academy. Papunta tayo sa Academy. Ang mundong ito ay para lamang sa mga magical vampires. Isa ka sa nararapat tumira dito," paliwanag ko. Tumango naman siya. Mabilis siguro itong makaintindi. Good for me, hindi ako mahihirapan magpaliwanag. "So, am I too lucky to be part of this world?" manghang tanong niya. Bigla naman siyang ngumiti. Gwapong-gwapo ako sa isang ito ah. "Yes, you are," walang sawang sagot ko. Ngumiti rin ako sa kanya. Binuksan ko naman ulit ang gate. Hindi na siya humingi ng kung anong paliwanag tungkol sa mundo namin. Iba kasi ang mundo ng mga tao sa mundo namin. "Ipakikilala kita sa mga kaibigan ko. Pati na rin sa ibang magical vampires," ika ko. "Welcome ulit sa mundo namin!" Iwinave ko naman ang dalawa kong kamay na parang may pinapakita sa harapan. Para akong ewan pero gusto ko siyang matuwa. Dapat maganda ang first impression niya sa mundong kinalakihan ko. "Oh! Kayt, saan ka galing? At sino naman yang kasama mo? Ngayon ko lang ata siya nakita?" tanong sa akin ni Storm na para bang gustong-gusto ang nakikita. This man is really handsome. Kaya siguro napukaw niya ang atensyon ng mga babae. "Hi, I'm Cloud," pakilala niya. Sabay halik nito sa kamay ni Storm, Luna, at Jewel. Hinalikan naman niya sa mukha si Fley. Bakit ako hindi ganoon? Ay bakit ba bigla akong lumandi? Napalingon naman ako kay Sky. Nabasa niya kaya ang nasa isip ko kaya nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin? Well, ano bang pakialam niya? "Galing siyang mundo ng mga tao. Tama ba ako?" tanong ko. Tumango naman si Cloud. Lumingon naman ako kay Fleir. Nagkibit-balikat lang siya. Mukhang si tita Fai ang kumuha sa lalaking ito. Isa-isa naman silang nagpakilala. Parang nakita ko ang pagkislap ng mata ni Jewel habang nakatingin kay Cloud. Gusto ba nila si Cloud? Ang gwapo naman ni Kuya. Ang dami agad nagkakagusto sa kanya. "May sinundan lang ako na lumilipad. Too curious kaya ayan, napadpad ako rito. Hindi naman ako nagsisisi. I guess, this world is better. People and Vampires are too dangerous. Kakaiba na ang mundo na iyon. Money is their power. So tell me, what are the advantages when we live here?" tanong niya. Mas naging curious naman ako anong mayroon sa mundo nila. I want to go there, but we're not even allowed. "You are here to enhance your magic. We do not have money. We have the power to create what are the basic needs and what we want. Everything is free," paliwanag ni Sky. "Not all, Sky. You cannot ask someone to love you back," singit ko. Napatingin ito sa akin. Iniwas niya ang tingin sa akin. "If you will ask me, I can." Sabay kindat sa akin ni Cloud. "Biro lang," bawi niya. Inirapan ko naman siya. Tumawa naman sila. Ako na naman ang nakita nilang aasarin. Palagi na lang ako. "Ganyan naman kayong mga lalaki, ginagawang biro ang lahat!" singhal ko. Tumahimik naman sila. Siguro ay napansin nilang seryoso ako. Nagkibit-balikat nalang ako. Huwag mong sabihing natamaan itong mga lalaking ito? "Not all, Kayt. Not all," ika ni Sky. Bigla siyang umalis. Ginaya pa talaga niya ang linya ko ha? "Diyan lang kayo," paalam ko. Tumango naman sila. Sinundan ko si Sky. Tahimik lang ako habang sumusunod sa kanya. Naka-angat ang dalawa kong paa. Air ang tumutulong sa akin para makalipad. Hindi niya pansin na sumusunod ako sa kanya. Kamakailan ko lang ito natutunan. Marami ring mga nasa paligid kaya maguguluhan siya kung bubuksan niya ang isip niya para magbasa ng iniisip ng iba. Bakit ba parang galit ka? Naguguluhan na talaga ako sa iyo. Napansin kong pauwi na pala siya. Basta sumunod lang ako sa kanya. Bawat madadaanan ko ay inilalagay ko ang hintuturo ko sa aking labi para sabihing huwag silang maingay. Baka malaman na sumusunod ako. Pumunta siya sa may batis. Napakaganda talaga dito. Ito daw ang paboritong lugar nila Mommy. Dito sila nagka-aminan. Inilibot ko naman ang paningin ko dahil pangalawang beses pa lang ako nakapunta dito. Noong una ay isinama lang ako nila Mommy. Maliit pa ako noon. Umupo siya sa may d**o. Huminga siyang malalim. Rinig na rinig ko ito dahil napakatahimik dito. "What are you doing here? Bakit mo ako sinundan?" tanong niya. Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Nilingon niya ako gamit ang kanyang malamig na pagtingin. "May problema ba?" sunod niyang tanong. Ako pa talaga ang may problema? "Ikaw! Ikaw ang problema ko, Sky!" sagot ko. Hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin. Para akong batang nagmamaktol dito. "What about me?" Mas lalo akong nainis. Parang wala talaga siyang alam sa ginagawa niya? He used to be my best buddy. What now? Para akong iba na sa paningin niya simula nung wala na sila ni Eira. "Iniiwasan mo ako, Sky! Bakit? Anong ginawa ko sa iyo? Bakit ka ganan?" tanong ko. Napasigaw ako sa kanya. Dala lang siguro ng frustration. I sounded like I am his girlfriend. D*mn, this is not right. I hate this feeling. "Ano naman sa iyo?" tugon niya. Parang tumigil ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Ano nga ba sa akin? Hindi ako makapagsalita. Ano nga bang karapatan ko na tanungin iyon kung yun ang gusto niyang gawin. Kailan nga ba ako natutong mangielam ng iba? "I thought that we are still friends. Masakit sa akin na iniiwasan mo ako. Akala ko talaga ay kaibigan ang tingin mo sa akin. Kaso hindi pala. Akala lang pala talaga," dismayadong sabi ki. Napakagat ako sa aking labi para hindi pumatak ang mga luha ko. "Are you considering me as a friend, or the other way around?" ika niya. Bakit ganito ang mga tanong niya sa akin. May alam ba siya? "Kung hindi mo ako maituring na kaibigan, fine! I will not bother you anymore. 'Yan ang gusto mo," maktol ko. Humakbang ako paalis. Nahila niya ako pabalik. Ininda ko ang lakas nang pagkakahigit niya. Ang sakit. "Alam mong may mali ka, Kayt! Isipin mo! Bawal yon!" pagdiin niya. Galit na galit siya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang nagka ganan. "Hindi kita maintindihan," amin ko. Mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin. Nasasaktan na talaga ako. Pilit akong pumapalag sa pagkakahawak niya. "Pwes, intindihin mo. Huwag kang magmaang-maangan!" singhal niya. Binitawan niya ang bisig ko nang padamog kaya mas masakit ito. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiiyak ako sa harapan niya. "I hate you!" Napansin kong nagbago ang expression niya na parang nagulat sa nagawa niya. Tumakbo ako palayo sa kanya. You are hurting me, physically and emotionally. I really hate you. "Kayt!" Hindi ko na siya nilingon. Pinapawi ko naman ang mga luha ko habang tumatakbo. Sinigurado kong mabilis ang takbo ko para hindi nila mapansin ang mga luha ko. Nakasalubong ko si Luna. Hinarangan niya ako. Itinulak ko naman siya. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang tulak ko kaya napa-upo siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Itinayo ko siya. "Sorry. Sorry, please!" Umiiyak pa rin ako. "Bakit mo siya tinulak?" nanggagalaiting tanong ni Sky. Nagtataka si Luna. Bago pa ako maabutan ni Sky ay tumakbo na ako palayo sa kanila. I need to stay away from them. I need to stay away from this heartache. I don't want to feel this love again. This is not healthy! Pumunta ako sa lugar kung saan wala masyadong pumupunta. Ibinuhos ko ang mga luha ko. Ang sakit niya magsalita. Sa tingin ko ay iniisip niya na mali ang magkagusto sa kanya dahil magpinsan kami. Hindi niya ata alam na okay lang sa Royal Family iyon. Kahit na. Hindi pa rin naman parehas ang nararamdaman namin. Tulala lang ako sa kawalan. Ayoko pang bumalik sa palasyo. Baka hanapin lang ako noong dalawa doon. Kasalanan ko ba? Siguro? Kasalanan ang umibig sa kanya. Ayoko nang ma-in love. It will just give me headache and heartache. Simula ngayon, susubukan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi niya ako pinapansin? Mas hindi ko na siya papansinin. Akala niya siya lang may karapatang gawin yon? No way. I'm serious. I hate him. Hindi ko inaakala na may ganoon siyang ugali. Sabi nila, lahat daw ng babae ay gustong ituring na Prinsesa ng mga lalaking mamahalin nila. I'm a Princess, but I don't have this kind of love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD