MVA Chapter 3

2254 Words
MVA Chapter 3 Kayt's POV "Bakit ngayon ka lang?" Mom asked. Huminga naman ako nang malalim. "Mommy, galit siya sa akin," sabi ko. Nagulat naman siya sa akin. Mukhang halata na niya kung sino ang tinutukoy ko. I can tell everything to her. Siya ang pinagkakatiwalaan ko. I can't tell Dad kasi magagalit lang iyon. "Bakit naman, anak? May ginawa ka na naman bang kalokohan?" pabiro niya. Sumimangot naman ako. Mahilig talaga ako sa kalokohan but this time, ako ata ang naloko ng tadhana. "Wala naman, Mi. Alam na ata ni Sky na gusto ko siya. Nagalit siya. Sinigawan niya ako kanina na mali raw. Alam ko namang mali, Mi," kwento ko. "Ang sakit sakit lang na sa kanya nanggaling. Anong gagawin ko?" Naluha na naman ako. Hindi na ata mauubos ang mga ito. Niyakap naman ako ni Mommy. "Siguro, panahon na para matuto ka namang magmahal ng ibang lalaki. You deserve someone who will truly love you," payo niya. "It will take time, but I assure you, it will be worth it." Tama siguro si Mommy. Kailangan ko nang tigilan ang kahibangan na ito. Kahit okay lang na magkatuluyan ang nasa Royal family, hindi pa rin ako magagawang mahalin ni Sky. I think, he loves someone better than me. Sino nga bang magmamahal sa akin? My Mom is the kindest, samantalang ako? Eto, pinakapasaway. Hindi ko namana ang Heaven's magic. Umaasa pa rin ako na darating ang araw na magkakaroon ako ng ganoong kakayahan. "Magpahinga ka na. Mabuti na lang at tapos ka na sa training mo. You can do whatever you want. Kahit dito ka na lang. I will help you to move on." Sumang-ayon naman ako sa kanya. Mas mabuti siguro na nandito muna ako. Ayokong lumabas. Baka galit din sa akin si Luna at nasabi na sa iba ang nangyari kanina. "Tita?" tawag ni Luna. Nagpanic naman ako. "Mom, pasabi wala po ako," pagmamakaawa ko. Parang nawalan ng dugo ang katawan ni Mommy dahil sa pamumutla. She can't lie. Agad akong humarap doon sa isang taga-bantay. Hinila ko ang damit nito. Nataranta naman siya sa ginawa ko. Kahit ako ay nagulat. Humingi naman ako ng pasensiya. "Kapag hinanap ako, ikaw ang magsasabi na wala ako rito. Please? For some reasons. Basta," utos ko. "Sabihin mo hindi pa ako nauwi. I'll go now." Tumango naman yung inuutusan ko. Iniwan ko sila Mommy. Tumakbo ako papuntang kwarto ko. Hindi ko pa kayang humarap. Kinakabahan naman ako. Feeling ko anytime ay sasabihin ni Mommy na nandito ako. Hindi naman ako makakalabas ng kwarto dahil baka makita lang nila ako. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Mas lalo akong kinabahan. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko. Pero sa huli ay binuksan ko kasi baka magalit si Daddy at Mommy. Halos hindi ako makahinga dahil nasa harapan ko ngayon si Luna at Sky. Si Mommy ay nasa likod lang. Nakuha niya pang ngumiti at kumaway sa akin bilang pagpaalam. Dahil wala akong magagawa, pinapasok ko sila sa aking kwarto. Sanay na si Luna dito. Si Sky naman ay unang pagpasok niya ito kaya iginala niya ang kanyang mga mata. Seryoso pa rin ang reaction niya. Huminga naman ako nang malalim. "Actually, reading mind is not my thing. So don't worry. Respecting is more important," panimula ni Sky. I nodded. Okay! "Luna, kung galit ka man sa akin ay naiintindihan ko. Itinulak kita para makaalis ako. Pasensiya na. Kung nandito kayo para sum-" "Stop that, Kayt. Nandito kami para dalawin ka. Alam kong may iniinda kang sakit diyan sa puso mo," pagputol naman sa aking sinasabi ni Luna. Alam na rin niya bang mahal ko ang kapatid niya? Nandito ba sila para pangaralan ako? "Hindi ko sinasadya, Kayt na magtaas ng boses sa iyo. Hinabol kita para ipaliwanag sa iyo kaso nakita kong itinulak mo si Luna. Alam kong sinadya mo. Nainis ako pero alam kong kasalanan ko kasi," walang tigil niyang pagpapaliwanag. Lumapit sa akin si Sky. Lumayo naman ako. Huwag kang lalapit kung ayaw mong mas masaktan ako. "Okay lang, Sky. Kasalanan ko rin naman kung bakit ka nagalit sa akin. Pasensiya na," pag-ako ko. Hinawakan niya ang aking kamay dahil lumalayo ako sa kanya. Ngayon ay hindi na ako makagalaw. "Kaya ako nagalit ay dahil," pabitin niya sabay tingin niya sa akin nang pagkaseryoso. Lalo naman akong kinabahan. He's full of surprises. Hindi ko alam minsan kung ano ang ibabato niyang mga salita sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil ang tagal niya bago dugsungan ang sinasabi niya. "Gusto mong maranasang magmahal sa maling paraan. Playing with a man's feeling is wrong. You will not find true love sa ganoong paraan. Sobrang mali. Sana ay maintindihan mo. As a cousin, I will protect you," paliwanag niya. "Ayokong maririnig ulit na gusto mong magpaturo kay Storm o kay Aphrodite ng mga ginagawa nila." Laking gulat ko. Totoo ba itong mga naririnig ko? Yun ba? Yun lang ang dahilan? Bakit naman niya ako sisigawan ng ganoon kung yun lamang? Ako lang pala ang nag-assume na naman. Nagiging habit ko na ata to. Hindi na ito tama. "Yun lang ba ang dahilan?" Nanlaki ang kanyang mga mata. Nag-iwas siya ng tingin na parang may ibang tinatago. Naiintindihan ko naman kung ayaw niyang sabihin na mali ang nararamdaman ko. Ako na mismo ang magtatama sa aking mga mali. "Sometimes, reasons are better kept as secrets." Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Halos mabato ako sa kinatatayuan ko noong hinalikan niya ang noo ko. Umalis na siya ng kwarto ko. Si Luna nalang ngayon ang kaharap ko. Hindi ako makapagsalita. "Kakaloka yang kambal ko na yan. Ngayon ko lang ata nalaman na sobrang nagalit nang dahil lang sa sobrang babaw na rason. Kaya hindi ako makapag boyfriend ay dahil sobrang protective niya." Sabay simangot niya. Humiga naman siya sa aking kama. Umupo naman ako sa tabi nito. Hindi pa pala nila alam ang nararamdaman ko. Kailangan ko pa ring iwasang mahalin siya. Mali pa rin ito para sa kaniya. Baka may iba rin siyang mate. Better na magpinsan nalang talaga ang turingan namin. "Tulala ka diyan?" Napukaw naman niya ang atensyon ko. Ang lalim na naman nang iniisip ko. "Hindi pa rin ako maka get-over e. Akala ko naman kung ano na ang dahilan niya. Kaya hindi ko siya naintindihan." Tumawa naman siya. "Alam mo ba? Kung hindi ka namin pinsan, iisipin kong may gusto siya sa iyo. Sobrang protective kasi sa iyo. Pansin ko lang." Ganan yung mga salitang malakas magpaasa. Nakakainis minsan ang bibig nito e. "Pinsan nga kasi. Over protective nga din sayo kasi kapatid ka. Kapamilya kasi. Iisa ang dugo!" Tumawa naman ako kahit na ang sakit lang. Hindi pala nakasarado ang kwarto ko. Napansin ko namang nag-uusap si Daddy at si Sky. Nakangiti silang dalawa. Ang sarap nilang panoorin. Napalingon rin si Luna sa tinitingnan ko. "Hindi kayo masyadong magkahawig ni Sky, ano?" Pambasag ko sa katahimikan namin. "Ah, oo. Mas hawig ko si mommy eh. Siya ay pinaghalong mommy at daddy. Magkamukha nga tayong dalawa e. Mas mukha tayong kambal." Napansin ko rin iyon. May pagkahawig talaga kami ni Luna, though pinaghalong mom at dad rin ako so hindi kami totally magmukha. Siguro mga 60 percent? "Parehas tayong maganda!" Nag-apir naman kami. Nakikisakay lang siya sa mga kalokohan ko. "Halika sa labas." Hinila ko pa siya para makatayo. Ang tamad ng babaeng ito. Minsan may pagkabaliktad silang dalawa ni Sky. Pagkalabas namin ay napatingin sa amin si Sky. Ngumiti naman siya kaya ngumiti rin ako. Pero may katanungan sa isip ko. Hindi niya sinabi kung bakit niya ako iniiwasan. Umupo naman kami sa hapagkainan. Karne ang lagi naming kinakain. May blood juice kami na gawa lang din sa magic. Ito yung pag binuksan mo yung capsule ay may lalabas na pula at dapat itapat mo ito sa wine glass. Nausuhan nito dahil mayroon din sa mundo ng mga tao ito. Para maibsahan ang pagkauhaw sa dugo. Bigla naman akong naging curious sa mundo ng mga tao. Isa ito sa lugar na gusto kong puntahan palagi. Gusto kong ma-appreciate ang kung anong mayroon sila. "Kayt, hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Pagalit na tanong sa akin ni dad. Bumalik naman ako sa katinuan dahil sa tono niya. "Ikaw naman, hon, baka iniisip niya ang love life niya." Sabay hagikgik ni mommy. Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko pwedeng sabihin na gusto kong pumunta sa mundo ng mga tao. "Iniisip ang love life? Wala siya non." Singit naman ni Luna kaya natawa lalo sila. Pati ang mga nagbabantay ay nakitawa. Tiningnan ko sila isa-isa. Tumahimik naman sila. Si mommy at Luna nalang ang tumatawa. Is this a kind of joke? It's not funny. It will never be. "Okay lang yan, Kayt. Darating din ang lalaking para sa iyo. Malay mo nasa tabi-tabi lang. Hindi mo lang namamalayan." Mabuti pa si daddy, pag dating sa love life ay napaka-supportive. Kaso wala nga naman ako non kaya napaka-kampanti niya e. Wala naman siyang kikilatisin. "Dadaan muna yung lalaking yun sa amin, Tito. Bawal basta-bastang lalaki lang. She needs a prince in her life." Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya. "I need a man who will treat me like I'm his only Princess. I will definitely treat him like a Prince." Pumalakpak naman si Luna at mommy. Ano? Sila ata ang mag-ina e. Sakay na sakay si mommy sa kabaliwan ng pinsan ko. "Yes, you definitely need a Prince, but not now. Not now, Kayt." Hindi na ako umimik. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na sila mom at dad na magpapahinga daw muna sila. Naabutan ko naman si Kuya Klyzer at ate Minah na kararating lang. They are perfect together. Ilang araw nalang ang bibilangin, ikakasal na sila. Hinalikan ako sa pisngi noong dalawa. "Ikaw ang maid of honor ha?" Of course, papayag ako. Sino ba namang hindi? "Yes! Thank you Ate at Kuya! Hindi kayo nagkamali sa pinili niyo." Natawa naman sila. "Naisip ko sana na si Cxereb ang best man kaso may Eira siya so isa nalang sila sa abay at magkapares sila. Xanreb is too young for that. Okay lang ba sa iyo, Sky? Ikaw nalang?" Tanong ni Ate Minah. Napalunok ako ng laway. So partner kami? At kailangan kong humawak sa kanya? Torture yan para sa akin. Huwag sana siyang pumayag. Please? "Okay, no problem. I'm glad to be the one." Okay, patay na. Bakit ba ako pinapaasa ng tadhana? I'm in the process of moving on but destiny is trying to ruin everything. It's not my fault if I will fall so hard. Blame destiny! "Good, then." Dumiretso na sila sa hapagkainan. Nandito naman kami ngayong tatlo sa garden. Walang nagsasalita sa amin. Lagi nalang akong speechless pag nandito si Sky. "Teka, nakalimutan kong may kikitain nga pala ako." Akmang tatakbo si Luna ngunit napaligilan siya ni Sky. "Sino naman?" "Si Jewel. Kailangan niya ako!" Kumaripas naman ito nang takbo. Ramdam kong nagsisinungaling siya. Hindi si Jewel ang kikitain niya. Si Kylejen kaya? Matagal na silang wala. Ngayon ay kami nalang dalawa ang magkasama kaya mas ramdam ang katahimikan sa paligid. Bigla akong napatingin sa kanya. "Sure ka bang hindi mo binabasa ang iniisip namin?" Tanong ko. Masama ang tingin ko sa kanya na para bang nangingilatis. "I find it so disrespectful." So, hindi niya pa talaga alam na gusto ko siya? Sana hindi na ito pagmamahal. Please lang. Kailangan kong iwasan ito. "That's good." Yun nalang ang nasabi ko. Kaya pala dati, kahit may pagkasutil at kalokohan ako ay hindi niya ine-expect lagi ang mga ginagawa ko. Yun pala ay hindi siya nagbabasa ng iniisip ng iba. Mas natuwa naman ako sa kanya. Napailing nalang ako. I don't want to hear another good thing about him. Baka lalo ko siyang i-admire. Mali na iyon. Iwas, umiwas ka Kayt. "Kayt!" Kumaway naman ako kay Fleir. Nakangiti ito sa akin. Lagi niya akong dinadalaw. Nawala naman ang ngiti niya noong napadako ang tingin niya kay Sky. Nilingon ko rin si Sky na seryosong nakatingin kay Fleir. "Sorry, ngayon lang ulit ako nakapunta." Umusog naman ako para mapaupo si Fleir. Napadikit naman ako kay Sky. Nasa gitna nila akong dalawa. May upuan naman sa harap ko pero bakit siya sumingit? Ayan tuloy, my skin touches Sky's skin. Awkward. "Lagi ka bang narito, Fleir?" Tanong ni Sky. "Ah, oo. Lagi kong dinadalaw si Kayt." Napapaisip naman ako. Ako nga ba ang dapat nakaupo dito o silang dalawa lang? Parang wala ako kung makapag-usap sila. "And why?" Muling tanong ni Sky. "For some reasons. You don't need to know it. If you want to visit Kayt, then go." Bakit halos lahat nalang ata ng reasons ay kailangang itago sa sarili? Well, I'm keeping some reasons too. Quits! "Okay, then. I'll visit her everyday too. Just for some reasons too." Tumayo naman ako at umupo sa tapat na upuan. Nagulat sila sa ginawa ko. Nag kibitbalikat nalang ako. Natatawa ako sa kanila kahit naguguluhan na ako. Parang may tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi ko alam kung bakit. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako, nandito lang. "Bakit mo naman gagawin yun?" This time si Fleir naman ang nagtanong. "For some reasons nga. Nakikinig ka ba?" Kumunto ang noo ni Fleir. "Hindi yan. Wag pilosopo." Naiirita na ata si Fleir pero nagawa pang ngitian siya ni Sky. "Because I want to. No further explanations."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD