Napagpasyahan namin ni Hero na bumalik sa mansion. Mas mabuting alam ni Janel na nandito lang kami at hindi nagtatago, para hindi niya malaman kung nasaan ang iba. Kailangan din namin masigurado na ligtas sila Tito Kyle at hindi na mababahidan ng kasamaan ng kaniyang sariling ina. "Kailangan din nating humiwalay muna. Kailangan pa kitang obserbahan. Pagkatapos ng dalawang linggo na walang nangyayari sa iyong kakaiba, pwede na tayong bumalik dito," ika ni Hero. Inaayos ko ang mga gamit ko ulit na dadalhin ko pabalik sa mansion. Kanina pa ako kinakausap ni Hero. "Nanggaling nga raw doon ang pekeng Janel sabi ng mga tagabantay ko ng farm. Pinipilit makapasok, pero nabigo siya sa kaniyang balak. Sinabi ko na hindi tayo nagpapa-istorbo roon at bawal ang bisita. Sinunod naman nila. Kaya m

