Nandito ako ngayon sa Switzerland kasama si Sky. Maayos na ulit si Sky. Medyo na-trauma ata sa pangyayari. Pagkatapos ng ilang araw na magkakasama kami, nakapagsasalita na ulit siya. Ngayon ay kailangan naming mahanap si Hero. May nakakita raw na may kasa-kasama itong bata na babae. Napagkamalan pa nga raw na isang buong pamilya sila kasama si Janel. Kita ko na si Hero at Janel talaga ang nasa balita. Ang bata ay nakatalikod. Nakausap ko na rin ang kumuha ng larawan ngunit hindi raw humarap sa kanila ang bata. Tamang-tama na ka-edad ni Laykienne ang nasa larawan. Nakapuyod ito kaya hindi ko masabi kung siya talaga iyon. Sinundo kami ng mga pinagkakatiwalaan ng mga magulang ni Hero. Kailangan din daw namin ng proteksiyon. Marami pa rin daw silang kaaway. Kapag nalaman na si Hero ang h

