Nandito kami sa may malaking gate ng sinasabi nilang pagmamay-ari ni Hero. Napakagat ako ng aking labi. Kinakabahan ako na makaharap si Hero at kung ano man ang masabi ni Janel sa amin. Pinapasok kami nang malaman ang pangalan ko. "Wow, Miss! This is my first time driving in Mr. Park's farm. I can say that this will be my one of my favorite places here," manghang-manghang sabi ng driver. Hindi ko naman saulo ang mga lugar dito kaya wala pa akong masayadong kumento. Habang nakatingin sa tanawin ay hindi ki maiwasang hindi mamangha. Magaling talagang pumili si Hero sa mga lugar na dapat pag-invest-an. Kitang-kita ang kulay berdeng bundok. May mga baka na magkakaiba ang itsura sa may itaas na parte. May mga d**o rin na maraming bulaklak, nakakapreskong tingnan. Mayroon din akong natata

