"Hero, bakit nandiyan ang larawan ko?" tanong ko sa kaniya. Nandito ako ngayon sa kaniyang kwarto. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya. Nakabukas na kasi ito. Saktong nakita ko siya na nakahawak sa litrato ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon nakunan noon. Siguro ay gawa sa kaniyang mahika noon. Hindi pala naglaho ang mga ginawa na mga bagay gamit ang mahika. Lumingon siya sa akin. Halatang alam niya na kanina pa ako nandito. "Ito ang pinakagusto kong larawan mo. Hindi ako nagsasawang titigan ang mga ngiti mo rito," paliwanag niya. Lumapit siya sa akin. Aalis na sana ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya kaya napayakap ko sa kaniya. "Hero, bakit ka ganiyan. Pinapahirapan mo na naman ang sarili mo sa akin," malungkot na sabi ko. Ngayong mg

