Ngayon naman ay nililibang ko ang sarili ko sa mga trabaho sa online. Nagbabasa-basa muna ako ng mga sine-send sa akin ng mga employee at mga balita sa e-mail. Si Hero ay ganoon din ang ginagawa. Ngayon ay nalalaman ko na kung ano ang mga totoong ginagawa niya sa trabaho kapag nasa bahay lang siya. Marami siyang katiwala sa iba't-ibang branches nila. Ganoon din naman ang sa amini. Hindi naman namin kayang lahat ay bantayan. So far ay wala namang nagiging issue sa head ng bawat branches namin. Bigla kong naalala ang araw na magkasama si Janel at Hero sa mall. Ano na bang nangyari sa singsing na binili nila? Nasa kanila pa nga ba iyon? "Hero, nakita ko kayo dati ni Janel sa isang jewelry store na may binili kayong singsing. Siya pa nga ang pumili, pero ikaw ang nagbayad. Para saan naman

