Tinawag ako ni Hero. Kinabahan ako sa kaniyang sasabihin sa akin. Kakaiba kasi ang boses niya. Baka may gusto na siyang aminin pero ayoko namang mag-assume. Nakita ko siyang nagkakamot sa ulo niya na para bang inis na inis na. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Kakaibang ang ikinikilos niya mula noong may tumawag sa kaniya. Ano ba talaga ang napag-usapan nila noong kausap niya sa telepono? "May problema ba, Hero? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba ang nangyari? Kakaiba na ang ikinikilos mo mula noong may nakausap ka sa telepono. Tungkol ba yan sa trabaho?" kabadong tanong ko sa kaniya. Napaupo siya sa kaniyang inuupuan kanina. Mukhang malaki talaga ang problema. Dahil ba ito sa problema ng kumpanya? Hindi ko pa siya nakikitang namumroblema roon. Ngayon lang kung sakali man. "Si Janel,"

