Nagising ako na nasa tabi ko pa si Laykienne. Mukhang pagod na pagod ang aking kapatid. Masyado na rin siyang maraming ginawa kahapon, mailipat lang ako rito. Hinanap ng mga mata ko si Sky. Saan kaya siya natulog? Bumangon ako at inayos ang kumot ni Laykienne. Inayos ko rin ang pagkakahiga niya. Hinayaan ko munang nakasara ang mga bintana para hindi siya masinagan ng araw. Pagkababa ko ay naabutan ko si Sky na nakahiga sa malaking sofa. Kasyang-kasya siya roon, sa laki ba naman ng sofa. Nagtungo agad ako sa kusina. Napansin ko na napakaraming mga pagkain na ang nakalagay sa mga lagayan. Kumuna muna ako ng lulutuin para sa ngayon. Habang nagluluto ako ay nakarinig ako ng ingay mula sa pintuan. Narinig ko na ang boses ni Tito Kyle at Tita Xiarie. Narinig ko rin na binati sila ni S

