Ngayon ay tumutulong ako sa mga magical vampires na napunta sa mundo ng mga tao. Nag hahanap pa kami ng iba pang matutulungan. Ang iba sa mga kauri namin ay siguradong hindi pa sanay sa pamumuhay dito sa mundo ng mga tao. Dahil kahit ako ay sobrang nanibago noong una akong makarating dito. Marami kaming guest rooms dito sa aming tinutuluyan ngayon. Kaya malaya silang makakapili ng kanilang matutulugan. Nakapagtataka lang na hindi ko pa rin mahanap ang aking mga magulang at mga kaibigan. Nag aalala na ako na sobra para sa kanila, ano na kaya ang nangyari sa kanila sana ay nasa mabuting kalagayan sila. Nang dahil sa mga pangyayari noong mga nakaraan ay hindi ko na masyadong makausap si Sky. Parang parati na lang siyang tulala at balisa. Buti na lang at nagagawa pa niyang kumain, pero

