Pagkarating namin ni Sky sa Pilipinas ay agad kaming sinundo ng aming driver sa airport. Tahimik lang si Sky sa aking tabi at para bang malalim ang kanyang iniisip. Parang hindi siya sabik makita sila Luna. Sana naman ay pagkakita niya kay Luna, bumalik na ang dating sigla niya. Makapagsalita na sana siyang muli at maging normal na sana siya. Kahit papano ay na mi-miss ko na rin ang dating Sky. Sa biyahe namin ay hindi ko maiwasang tumingin sa aming dinadaanan at sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko ang aking kapatid at mga magulang ko, pati na rin ang iba. Kamusta na kaya sila, kailangan na namin silang mahanap agad. Sa gindi kalayuan sa aming kumpanya ay napansin ko si Fleir at ang kaniyang mga magulang na nakaupo sa gilid ng kalsada at parang nag aabang. Ang kapatid niya ay tulala

