Dumating na si Tita Xiarie kasama ang kaniyang mga kamag-anak. Kasabay niya ang mga magulang din ni Dylan at Hero. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung may nalalaman na sila tungkol sa paghihiwalay namin ni Hero. Tumabi sa akin si Tita Xiarie kaya napalingon sa akin ang mga ito. Pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanila. Akala ko ay tatabi pa sila sa amin. Mabu na lang at naka-reserve ang pwesto namin para sa amin nila Tito Kyle, Tita Xiarie, Klinver at parents ko at ni Tita Xiarie. Nagtataka ako kung bakit nandito rin ang parents ni Janel. Katabi ito ng mga magulang ni Hero. Magkatapat lang ang aming table. Nagsimula ang events na panay performance lang. Sinusubukan kong aliwin ang sarili ko, pero distracted pa rin ako. "Okay ka lang, Kayt?" tanong sa akin ni Tita Xiarie,

