Simula
Warning: Grammatical errors ahead!
*NO MORE TRIGGERS, SO READ AT YOUR OWN RISK. Huwag din maging mukhang perfectionist kasi hindi perfect itong kwento ko, gawa gawa ko lang 'to kaya sana gumawa rin kayo ng sanyo lang, in short, alam niyo na plagiarism is a crime!
.
.
.
.
"LOISE sandali!" rinig kong sigaw ni Faye.
Hindi ko siya pinansin at nag patuloy-tuloy lang sa paglalakad palabas ng university. Hindi yata ako masusundo ni Manong Rics kaya siguro maglalakad nalang ako papuntang mansion ng mga Hevasco.
Tinignan ko ang wrist watch ko, 4pm pa lang kaya pa siguro kung maglakad-lakad lang muna ako, may racket din ako mamaya.
"Loise!"
Napatigil na ako sa pangalawang sigaw ni Faye. Napapikit ako nang mariin at pilit na ngumiting humarap sa kanya.
"Yes?" Nanggigil kong ani.
Umirap siya sa'kin. Aba, siya pa 'tong may gana mang-irap.
"Ang fake mo talaga 'no? 'Di maka wait, atat lang?" maarte niyang sabi.
Napakapit ako sa bagpack ko at tumingin nang deretso sa kanya. "Faye, hindi mo naman kailangan hatiin ang oras mo para maka-sabay lang sa pag-uwi kasama ako." mahinahon kong paliwanag.
Disperada siyang umiling. Saka ko lang napagtanto na naka pang cheer leader uniform pa pala siya. Long sleeve green and grey fitted jacket na kalahati lang sa tiyan, green and grey short skirt na may design from school namin paired with grey rubber shoes.
Naka pony tail pa ang buhok niya at medyo buhaghag. May dala-dala pa siyang sports bag. Halatang kagagaling lang nito sa gymnasium.
"How many times do I have to tell you na hindi kahit kailan nahahati ang oras mo sa'kin," siniko pa niya ako ng konti. "Ano ka ba." dagdag niya pa.
Ngingiti na sana ako at sasang-ayon nang may tumawag sa kanya.
"Faye! Sabi mo uuwi kana? Hindi pa nga tapos 'yong practice e!" nabaling ang tingin ko sa isang kasamahan niya.
Napailing akong tumingin sa kanya. See? Hindi niya raw hinihati pero ano 'tong ginagawa niya. Though na-appreciate ko siya nang sobra, but this is enough.
Nainis siyang lumingon sa kasamahan niya, aalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko. "Wait! Let me explain, Loise." pag pigil niya.
Humarap ulit ako sa kanya at nauumay na kinuha ang kamay ko mula sa kamay niya. Huminga ako nang malalim. "Faye, sige na pagpatuloy niyo na 'yon. Kailangan ko na ring umuwi at may trabaho pa ako mamaya." paliwanag ko.
Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Trabaho? Anong trabaho sinasabi mo?" naguguluhan niyang tanong sa'kin.
"Nag-apply ako bilang isang waitress manlang sa isang coffe shop." nakangiting sagot ko.
Iniisip ko palang na magsisimula akong mag trabaho napapangiti na ako, hindi na rin ako aasa sa scholarship ng mga Hevasco. Sobrang laki na ang tulong na naibigay nila sa'kin, siguro kailangan ko na ring gumawa ng mga nararapat kong gawin para sa sarili ko.
Alam kong magiging mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pag trabaho, lalo na't nasa second year college na ako, pero alam ko namang makakaya ko 'to.
"Ha? Bakit! Loise, hindi mo naman kailangan gawin 'yan e, I mean kung kailangan mo ng pera nandito naman ako, tutulong ako. Loise bibigyan kita ng pera kahit magkano pang gusto mo." nababalisang aniya.
Naguluhan ako sa inasta niya. Napatawa ako na naguguluhan. Sira ba siya? Bakit siya ganito sa'kin, hindi ko siya pamilya pero bakit ganito niya ako tratuhin?
"Faye, o-okay ka lang? Hindi mo naman ako responsibilidad ah, mag kaibigan tayo 'diba?" ngumiti ako sa kanya. "But, you can't do this to me Faye, mabait ka pero bakit mo naman gagawin 'yon?"
Nanlumo siyang napatitig sa'kin. Kaya tumawa ako para hindi maging dramatic ang eksena namin ngayon.
"Oh, bakit ka ganyan makatingin?" natatawa kong sabi habang tinururo ang mukha niya.
Napangiti siya. "Hay naku Loise, ikaw talaga." natatawa niyang sabi sa'kin.
Kaya pareho kaming natawa. "Pano, mauna na ako ha? Kailangan ko pang tulungan si Nay Ising." pag-sisinungaling ko. Nginitian ko siya at kumaway, ganon din naman ang ginawa niya.
Ngunit hindi halata sa mukha niya ang pagsang-ayon sa sinabi ko kanina. Bakit ko pa kasi sinabi 'yon sa kanya?
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Thinking of what Faye just said earlier, seriously? I admit she's rich, elegant, famous, and kind to people. Pero sa paraang ginagawa niya sa'kin, pakiramdam ko parang nakakaawa ang sarili ko.
Palagi nalang akong umaasa sa ibang tao na na tumutulong sa'kin, kagaya na lamang ang pamilya ng mga Hevasco, pinatira na nga ako sa mansion nila, binigyan pa ako ng scholarship, at binibigyan pa ako pang allowance ko.
Naawa na ako sa sarili ko, nasa tamang edad narin naman ako para mag-trabaho, hindi pwede itong umaasa lang ako sa ibang tao. Pero gayon pa man, I'm still thankful to have them, especially sa angkan ng mga Hevasco, kung hindi dahil sa kanila, baka nasa lansangan siguro ako ngayon. Kung kaya't mataas ang tingin ko sa kanila, at pasasalamat.
And of course to Faye Reija Contez, simula noong mag first year college ako, naging kaibigan ko si Faye, siya nakipag kaibigan sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit, pero bigla nalang siya nagpakilala. Simula 'non, siya palagi nanglilibre sa'kin tuwing lunch time, minsan sumasabay sa paglalakad o naghahatid sa mansion.
Hindi ko na man siya matanggihan, sabi niya kasi bukal sa loob niya raw ang tumulong kasi kaibigan niya na ako.
Wala akong ibang kaibigan o circle of friends na palaging may kasama, siya lang talaga, minsan pa nga hindi dahil sobrang busy niya. Well, naiintidihan ko naman 'yon.
But still, I don't trust her, hindi ko alam pero hindi ako madali mag tiwala sa mga taong hindi ko lubos kilala na pinapakitaan agad ako nang mabuting asal. Is that my toxic trait? Because I pity for her, but I pity myself more.
Napaupo ako sa may bench sa labas ng village ng mansion. Salamat naman, ang sakit na ng mga paa ko. Halos mag iisang oras yata akong naglakad, kaya medyo padilim na ang paligid.
Kinuha ko ang bag ko at pinatong sa lap ko. I massaged my feet, sanay naman ako pero hindi maiwasan manakit ang mga paa ko, masikip narin kasi 'tong snickers na suot ko.
Nagtitipid ako e, kaya hindi ko mabilhan ng gamit ang sarili ko. I remember Faye offered her shoes to me before but I declined. Ang dami niya nang naitulong sa'kin. Hindi niya 'yon responsibilidad.
Am I a fake friend?
"Louise, bakit ngayon kalang dumating? Hindi ka ba sinundo ni Mang Rics?"
Umangat ang tingin ko at nakita ko si Manong Alfred na nag-aalalang tumingin sa'kin. Hindi ko na cinorrect ang pangalan na sinabi niya, paulit-ulit ko na kasi siyang sinabihan noon pero Louise parin talaga sinasabi niya.
Akma akong tatayo ngunit napadaing ako sa sakit ng paa ko. Magkakasugat yata ako nito.
"Oh ija ingat ka lang." inaalayan niya ako papasok sa kotse. Kailangan pa kasing sumakay ng kotse para makapasok sa loob.
"Busy po yata si Mang Rics, Manong Alfred kaya okay lang po 'yon." pagpaalala ko.
Ngumiti siya sa side mirror kaya tumahimik nalamang ako. Mabait si Manong Alfred, kaya lang pag nagagalit aba'y magtago ka nalang, kukuha yata 'to ng itak makalaban kalang. Which is nakakatakot.
Nakarating na kami sa mansion, para nga akong totoong nakatira dito dahil hatid sundo pa ako minsan. Mababait ang tao rito, parang kaming mga maids, driver, hardinero, security guard lang ang namamahala rito dahil hindi pa umuwi ang mga Hevasco.
Pero palagi itong malinis, lahat ng kwartro pinapanatiling malinis nina Nay Ising at ate Belinda.
Kailan kaya uuwi ang mga Hevasco? Sabi kasi sa'kin ni Nay Ising, uuwi lang daw 'yon pag may importanteng magaganap. Pero in 18 years of living sa mansion na 'to? 'Ni minsan hindi ko pa sila nakita.
"Loise, anak." bungad sa akin ni Nay Ising pagkababa ko ng kotse. Kaagad ko siyang niyakap.
"Nay, sorry po ngayon lang." saad ko.
"Ano ka ba, ayos lang nak pero sa susunod aagahan mo naman umuwi baka mapano ka pa sa labas, halika pasok kana." iginiya niya ako papasok sa mansion at agad umupo sa sofa.
"Ayos ka lang ba nak? Wala bang masakit sa'yo?" mapag-alalang tanong niya sa'kin, doon ako napangiti nang malapad.
"Loise, tinatanong kita." striktang wika niya kaya napalabi ako.
"Sa paa ko lang Nay, pero mawawala rin po ito." ngumiti ako sa kanya para makumbinsi siya.
Umupo siya sa harap ko gamit ang maliit na upuan. Tinanggal niya ang sapatos ko, napansin pa niyang masikip na sa'kin. Tinignan niya ako ngunit umiwas ako ng tingin.
Ikinandong niya ang paa ko at inumpisahang hilutun. Naka duster si Nay Ising, at nakaayos ang buhok niyang maikli. May katandaan narin siya ngunit hindi nagbabago ang pagiging sweet niya sa'kin. May pagka strikta nga lang.
Napangiti nalang ako, hindi ko na siya matatanggihan kung hilutin niya ang paa ko, one time na tinaggihan ko siya ang nangyari, nagtampo siya sa'kin. Ayaw ko nang mangyari ulit 'yon. Nakaka konsensya.
Ikaw ba naman hindi pansinin ng ilang linggo, maiiyak ka nalang talaga. Kung hindi pa niya ako nakitang umiyak 'non baka hanggang ngayon nagtatampo parin siya sa'kin.
Ang galing niya mag hilot, nakakawala talaga ng sakit at pagod. Nakakaantok tuloy.
"Loise, bakit hindi ka bumili ng sapatos mo? Iyong bag mo, sa high school mo pa gamit 'yon ah, mga ibang gamit mo luma narin." pagbasag nang katahimikan ni Nay Ising dito sa sala, patuloy niya paring hinihilot kaliwang ang paa ko.
Hindi ako sumagot, yumuko lang ako. Pano ko ba sasabihin na iniinipon ko lahat ng pinapadala ng pamilya Hevasco, gusto kong ipunin iyon para sa nalalapit na kaarawan ni Nay Ising kaya hindi ko magastos-gastos para sa sarili ko.
Tinigil niya ang paghihilot. "Loise?" tawag niya sa akin.
Bumaling ang tingin ko sa kanya. Napakagat labi ako. "Eh kasi po...ahm....ano eh-"
"Loise, h'wag kang magsisinungaling sa'kin." banta niya.
Napalabi ako. "Iniipon ko po." sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "Iniipon? May pinag-iipunan ka ba para sa sarili mo anak? Hindi ba't para sa pag-aaral at school supplies mo ang binibigay na allowance ng pamilya Hevasco?" mapanuri nitong tanong.
Tumango ako. "O-opo Nay Ising, 'yon na nga po." pagsisinungaling ko. Ayaw kong malaman niya 'yon.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay, hinimas-himas niya iyon.
"Kung ganon, sasamahan kita sa pamimili anak." nakangiti niyang sabi.
Napangiti ako at umiling. "Nay, salamat nalang po. Papasok din po kasi ako mamaya sa trabaho, kaya ako nalang ang bibili, kailangan niyo po'ng magpahinga." malumanay kong paliwanag.
Naramdaman ko ang pag-iwas niya at tumingin nang masama sa akin. "At sinong nag-sabing magta-trabaho ko Loise?" naiinis na ani ni Nay Ising.
Napanganga ako, ganitong ganito rin ang reaksyon kanina ni Faye nang malaman niya. Napatawa ako at hinawakan ang braso niya para pakalmahin siya. Mataas pa naman ang blood pressure niya.
"Nay, Nay kalma lang tayo okay?" pagkukumbinsi ko.
Napakalma ko naman siya ngunit hindi parin nagbabago ang posture ng mukha. "Anak, h-hindi mo kailangan mag trabaho, ano nalang sasabihin ko sa pamilya Hevasco?" natataranta niyang saad.
Napatanga ako. Pambihira, ano ba 'tong sinasabi ni Nay Ising. "Nay, bakit niyo naman sinasabi 'yan?" natatawa kong tanong.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw nila akong patrabahuin sa sarili kong mga kamay at paa.
"Nak, h-hindi mo kaya." malungkot niyang sabi.
Napatayo ako, kahit masakit pa ang kaliwang paa ko ay kinaya ko. Hindi ko kaya? Huh! Ganun ba 'yon? 'Yon ba ang dahilan kaya ayaw ako nilang patrabahuin. Wala ba silang-
Nanlulumo akong napatingin kay Nay Ising, pati siya'y napatayo narin. "Wala ka bang tiwala sa'kin Nay?" nalulungkot kong bulong.
"Anak hindi sa ganun-"
Nararamdaman kong lalabas na ang luha ko kaya iniwas ko ang tingin ko. Kinuha ko ang backpack ko kasabay ng sapatos ko.
"Anak!" tawag niya sa akin.
Paika-ika akong tumakbo sa taas ng hagdan, patungo sa kwarto ko. Ang isa ko pang paa ay nakasapatos at ang isa ay tanging medyas lang ang suot.
I immediately close the door and locked it. Naitapon ko ang backpack sa kama. Napasandal ako sa pintuan.
'Yon din ba kaya ang iniisip ni Faye kung kaya'y ayaw niya akong patrabahuin mag-isa? Hindi yata ako yung walang tiwala sa kanila, baka sila mismo ang walang tiwala sa kakayahan ko.
Pano na 'to? Kailangan kong pumunta sa coffee shop mamaya but I don't know what to do.
I grab my phone and checked the time. "Damn, 7." bulong ko.
Humakbang ako patungo sa kama at dumampa roon. Ngayon ko lang din naramdamn ang pananakit ng likod ko.
I closed my eyes that surrounded by small tears. I let out a heavy snore.
NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi ko naisara ang bintana kagabi. I get up and checked my face, I removed my morning stars as I went to the bathroom.
Naligo na ako, nagsipilyo at naghilamos. So there is it. Hindi ako nakapunta sa coffee shop kagabi, kaya ngayon pupunta ako total sabado naman.
Nag suot lang ako ng simple denim jeans and fitted baby pink shirt. Ginamit ko ang sandals ko. Hindi ko na tinali ang taga braso kung buhok.
Kinuha ko ang shoulder bag at lumabas na. Mabuti nalang wala rito si Nay Ising, nagtatampo parin ako sa kanya.
Lumabas ako ng mansion at naglakad lang. Kaya namang lakarin, mga ilang minuto lang naman, kagabi lang talaga ang hindi dahil sumakit na ang paa ko.
Lalabas na sana ako ng gate nang tinawag ako ni Manong Alfred, siya yung security guard na namamahala rito.
"Louise, sabado ngayon ah, walang pasok." anito.
Nginitian ko lang siya. "College na po ako Manong Alfred, hindi na highschool." pagpalala ko kaya naman kaagad na akong lumabas. Kita pa sa mukha niya ang pagtataka.
Kahit ang totoo ay wala naman talaga akong pasok dahil papasok ako sa coffee shop ngayon. Sana lang valid ang explanation ko para makapasok akong muli.
Sumakay ako ng jeep papunta roon. Ilang minuto lang naman amg byahe. Kumunot ang noo ko dahil nahagip ng mga mata ko si Nay Ising na may kausap na lalaki, nakatalikod ito kaya si Nay Ising lang ang nakita ko. May magara itong sasakyan at magarang suot.
Kitang kita ko sa labi ni Nay Ising ang saya habang kausap niya ang matangkad at matipunong lalaking nakatalikod. Napasimangot ako, hindi pa naging ganyan ang ngiti ni Nay Ising pag ako kausap niya ah.
Binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy lang. Pagkababa ko ay agad din naman akong nagbayad.
"Good morning po!" bati ko sa isa sa mga staff roon. Tinarayan niya ako.
"Hello po?" pag-agaw ko sa atensyon niya ngunit tinarayan niya lang ulit ako.
Sungit ah. Aba!
"Excuse m-"
"Ano nga sabi!" naiinis niyang sagot.
Ha? Ano raw? Bakit parang stress agad si ate, nakukulitan agad siya sa'kin eh hindi nga niya ako sinagot kanina, tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ah, ako po si Loise Hermoza ako po 'yong dapat papasok kagabi kaso hindi po ako kaagad nakapasok kaya sana kung pwede pong mag explain-"
"Wag ako kausapin mo, hindi ako manager dito. Doon!" Nginuso niya ang pintuan sa loob na nasa right side.
Naiilang na ngumiti ako at yumuko ng konti at nagpasalamat. Pero tinarayan niya lang ako.
Hindi ko nalang 'yon pinansin at agad binuksan ang pintuan at nagulat sa nakita ko.
Hindi! Nakapatong ang babae sa mesa habang walang saplot sa baba, habang ang isang lalaki naman, nasa pagitan ng binti ng bababe ang ulo ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko at napagtanto kong anong ginagawa nila. They're having s*x.
Hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pagpapaligaya sa sarili. Habang ako na parang tangang nanlalaki ang mata, ay dahan dahang sinara ang pinto upang hindi sila maistorbo.
Tulala akong umupo sa may bakanteng upuan. Jusko! Bakit hindi manlang ako kumatok, hindi! Bakit hindi nila ni-lolock ang pinto. Pano kung may papasok?
Nahilot ko ang sintido ko. Nage-echo pa sa tainga ko ang ungol ng babae. Sino ba 'yon? Siya ba 'yong boss or manager dito?
"Feeling stress ah, ngayon kalang ba nakakita ng ganon?"
Napaangat ang tingin ko, ito 'yong babaeng kanina tinarayan ako ah. Sinamaan ko siya nang tingin, ngunit tumawa lang siya, pinagtitigan tuloy siya ng ibang customers.
"Kung ganon alam mo?" naiinis kong tanong.
Umupo siya sa harap ko at pinatong ang daliri niya sa baba niya, tila nag-iiisip. "Yup, 'yon ang first rule mo, na kailangan mong makita ang mga ganon dito para masanay ka." nauumay niyang sagot.
Naka red hair siya na naka pony tail, naka costume rin siyang pang coffee shop.
I cringed of what she just answered. "Gago ka?" hindi ko na napigilang mag-mura.
Napahalakhak siya. "Bakit napaka inosente mo yata?" naguguluhan at natatawa niyang tanong.
Hindi ba obvious sa kanya? My god, forgive me, ang mga inosente kong mata.
"I'm eighteen, nagtataka ka pa ba?" naiinis kong sabi.
"I'm Ica, nice to meet you Eighteen." nilahad niya pa ang kamay niya.
"Oh nice to meet y-No! Hindi eighteen ang pangalan ko!" pagbawi ko, pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait.
Muli siyang napatawa, sinasapo pa niya ang tiyan niya. "God, you're so funny!" natatawang aniya.
Napapikit ako sa labis na inis at akmang tatayo nang tinawag niya ang pangalan ko.
"Pasok ka na Loise." walang buhay niyang saad.
Nagulat ako sa inasta niya. Ang bilis naman mag change ng mood niya. Napailing nalang ako at pinilit mag focus sa sarili.
"Ica!" tawag ko nang akma siyang lalabas.
Tinaasan niya ako ng kilay. "A-asan uniform ko rito?" tanong ko. Kasi kailangan ko 'yon para masabing dito na talaga ako nag-tatarabaho.
Nginuso niya ang pintuan sa likod ko, katabi ng nasa right side. Huminga ako nang malalim at akmang kakalabitin ang door knob nang napahinto ako, kaya kumatok muna ako.
Nakailang katok ako pero wala paring may sumasagot. Wala ba talagang tao rito?
"Miss?" napatangin ako sa babaeng tumawag sa'kin, naka uniform din siya katulad ni Ica.
"Ah may tao ba rito?" tanong ko sakanya.
Ang maamo niyang mukha ay ngumiti. "Walang tao riyan, sarado rin diyan, at wala kang mapapala kahit ilang beses ka pang kumatok." mahihin niyang paliwanag.
Napatanga ako, anak ng! ICA!
Naiinis akong lumingon para mahagilap ng mga mata ko si Ica, pero hindi ko siya makita. Anong klaseng trip ba ang gusto ng babaeng 'yon?
"Halika, nandito 'yong room para sa mga uniform." hinawakan niya ang kamay ko at iginaya sa isa pang room.
Pagkapasok namin bumungad sa'kin ang maraming nakatuping uniform. Napanganga ako, ang ganda pala talaga ng design ng coffee shop na'to.
"Pumili ka nalang. Ikaw siguro si Loise?" nabaling ang tingin ko sa kanya.
Ngumiti ako. "Ah oo, Loise." nilahad ko ang kamay ko.
"Akira." nakangiti niyang nilahad ang kamay niya.
"Pasensya kana sa ginawa ni Ica, ganon kasi talaga 'yon matagal na, sana masanay ka sa susunod." nakangiti niyang tugon.
Tumango lang ako. "Salamat Akira, salamat talaga."
Ngumiti siyang muli. "Wala 'yon, sige na." huli niyang sabi at agad na lumabas.
Bakit ang hilig niyang ngumiti? Hindi ba sumasakit pisngi niya? Napailing nalamang ako at kumuha na ng uniform.
"LOISE HERMOZA," pagbasa ni ma'am Andy sa pangalan ko. Ito pala talaga yung boss ko na naubatan ko pang nagju-jugjugan ni Urlan na taga-ayos ng computer system dito.
"Wala kang middle initial?" taas kilay niyang tanong.
I almost gasp, neve ever someone asked me that kind of question. "W-wala h-ho."
Totoo naman, matagal na akong ulila. Sabi ni nay Ising, Hermoza raw ang apilyido ng ina ko at ang ama ko naman ay hindi pinanagutan ang aking ina. I girpped my hand.
I cleared those thoughts on my mind and just silently praying na matanggap ako. Nay Ising will surely be annoyed at me pero bahala na si batman.
Tinignan niya ang resume ko, halos mag iilang minuto narin akong nandito sa opisina niya. Kaya naman nung pumasok ako ay pasimple kong ini-spray ng alcohol ang upuan.
"Oh, so you are working student huh, what made you think to enter a job while studying?" She raised her right eyebrow at me. Huminga ako nang malalim, mukhang mapapasabak ako rito ah.
"Madame, ayaw ko po kasing umasa sa mga taong tumutulong sa'kin, matagal na po akong ulila sa ina, wala rin po akong ama. Tanging lola at at ang mga kaibigan lang po ang malalapit sa'kin na walang sawang sinusuportahan ako. Kaya, gusto ko po kong tumayo sa sarili kong mga paa." Tinaas ko pa ang kamao sa ere.
"May paa ka naman e, makakatayo ka talaga." Sarkastikong aniya.
Muntikan ko na siyang masuntok ng kamao ko, kahit nanggigil ay pinilit ko paring ngumiti sa kanya. Ang pangit ng humor niya, wala naman akong choice kundi tiisin 'to, mas kailangan ko ang trabaho.
Pagkatapos ng interview kuno na 'yon, kaagad akong nagsimula, taga hugas at punas ako ng sahig dito, mas okay naman sa'kin na ganito kasi parang nasa mansion lang din ako na naglilinis.
"Hoy Loise, kain ka muna mamaya na 'yan. Baka dahil sa sobrang sipag mo bukas agad promotion mo." natatawang saad ni Lilly.
Isa siya sa mga co-workers ko rito, taga serve naman siya sa mga customers. Yes, a waitress.
Tipid lang akong ngumiti, kaagad akong napahinto dahil narin sa kanina pa pala ako mag t-trabaho at hindi pa ako kumain kagabi hanggang ngayon! I checked the time through my wrist watch, mag aala-una na pala ng tanghali.
Umalis na muna ako at kumain, pagkatapos ay bumalik din. Puno ng kapaguran ngayong araw, kaya naman halos tangayin na ako ng hangin. Sumakay na ako ng jeep at pumasok sa gate ng mansion. Wala si Manong Alfred kaya walang interview na kesyo, saan ako nang galing? Sino kasama ko at Louise na naman ang itatawag.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad pataas ng hagdan ay nakasalubong ko si ate Belinda na may dala-dalang mga ingredients.
"Loise, nandito ka na pala sa'n ka galing?" nginitian niya parin ako kahit mahahalata na pagod din siya.
Pagod akong napangiti sa kanya. "Work ate, akyat lang po ako." napahikab ako kaya naman hindi ko narinig ang sinabi ni ate Belinda.
Tumungo ako sa kwarto at napasalampak sa kama. Nakakapagod! Dahil sa labis na kapaguran, hindi ko napansin na nakatulog pala ako.
Nagising ako dahil sa kumakalm na sikmura kaya naman napabangon ako e alas dos palang ng madaling araw!
Tinignan ko ang sarili ko, ganito parin ang suot ko mula kahapon, tumungo ako sa closet at kumuha ng pajama at sando. Nagpalit ako ng damit pero hindi na ako nag-suot ng bra, total kakain lang naman ako sa baba.
Tinahak ko ang daan pababa, dim light lang dahil sa isang pasilyo ay may ilaw kaya naman natatamaan parin ng ilaw sa dinadaanan ko. Nang makababa ako ay agad akong dumiretso sa kusina. Natakam ako sa mga ulam, labis ang aking pagtataka dahil maraming pagkain, ito ba siguro ang dahilan kaya madaming dala-dalang ingredients si ate Belinda?
Kinuha ko ang adobo at ininit iyon sa oven. Ilang minuto lang din ay kumain na ako. After that, nag toothbrush narin ako.
Paakyat na sana ako ng biglang may pumulupot na matigas na kamay sa bewang ko. T-teka, ano 'to? Kinapa ko iyon, nakahinga ako nang maluwag nang kamay lang pala—teka ano? Kaninong kamay 'to!
MAMA!
Ayaw kong lumingon pero pakiramdam ko naman tao, malapad ang katawan at sigurado akong matangkad. Wala naman sigurong nakapasok na magnanakaw 'no? Pero may magnanakaw bang mabango? Naamoy ko kasi ang pabango niya.
Unti-unti kong tinataggal ang kamay niya pero masyadong mahirap, kaya naman matapang kong siyang hinarap.
Napaawang ang bibig ko. Ang tangkad niya pero dahil nasa hadganan ako ay mas nakikita ko ang mukha niya. Nakapikit siya. What? Pero pano siya nakapunta rito?
Tinanggal ko nang marahas ang braso niyang nakapilipit sa bewang ko pero naknampucha, nawalan ako ng balanse kaya pati siya ay nadala, napahiga kami at nakadagan siya sa'kin, nananatili siyang nakapikit.
I pushed him pero mas napadagan lang siya, kaya naman his lips pressed into mine.
No way!
Nanlaki ang mga ko. "W-wait..." I interrupt.
Pero imbis na tumigil ay mas nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw ang dila niya, ako na nakaawang ang bibig ay nabigyang daan para pasukin niya ang bibig ko.
Ang lakas ng t***k ng puso ko. What shall I do?
Hindi ko siya magawang matulak!
Juice ko po, kapag ako nakita ni nay Ising, sigurado akong pagagalitan niya ako dahil hinalikan ako ng isang estranghero.
I closed my eyes when he mumble, he nipped my lower lip kaya napaigtad ako. Ang sakit! Hindi! Bakit ako nanghihina? Kahit imposible ay naitulak ko siya kaya naman napahiga siya na parang walang nangyari.
Pamilyar ang katawan niya, pero hindi ko siya kilala! Atsaka, ano bang trip niya? Gising ba talaga siya o tulog? P-pano siya nakapunta rito? Isa lang ang naiisip ko, isa siyang...
"Magnanakaw!" Sigaw ko.
Nakita kong bumukas ang mga ilaw, may naririnig din akong papalapit na mga yapak.
"Saan na ang magnanakaw?!" Sigaw ni Manong Pit, isa sa mga hardenero.
Nakita ko ring pag-takbong tumungo si Nay Ising sa gawi ko. Nagulat siya nang makita ang magnanakaw na binata na nakahiga sa sahig.
"Jusko, ang Senior!" Nag-aalala niyang wika.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Tumingin siya sa'kin. "Anong nagyari Loise?" Tanong ni Manong Pit na may dala-dala pa talagang itak.
"At bakit nakahandusay ang Senior?!" Galit na asik saakin ni Nay Ising.
"S-senior? Siya si senior?" Nakaawang ang mga labi ko.
Binuhat ni Manong Pit si Senior kaya malaya kong nakita ang gwapo nitong mukha. Siya pala ang isa sa mga angkan ng Hevasco.
Kagat labi kong hinhintay si nanay Ising na lumabas sa kwarto ni senior na katapat lang ng sa'kin. Paikot-ikot at pabalik-balik ako sa harap lang ng pintuan, hindi ako mapakali. Gusto kong makausp si nanay!
Nabaling ang tingin ko nang lumabas nay Ising, hindi siya nakangiti at wala siyang reaksyong kung ano sa mukha. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko, hindi talaga ako sanay na ganito siya makitungo.
"Marami tayong pag-uusapan Loise." strikto nitong wika. Tumango ako kahit nakayuko, naiilang makipagtitigan sa titig niya.
Sumunod ako sa kanya papuntang terrace.
May makikitang silya kaya naman umupo si Nay Ising habang ako ay nakatayo lamang at hinihintay siyang maglahad ng salita.
"Siya si Senior Archilles Devion Hevasco." pagpapakilala ni Nay Ising, nakatuon parin ang atensyon niya sa tanawin.
"Ang nangayri sa kanya ay sleepwalking, alam mo naman siguro 'yon Loise hindi ba? Kaya, kailangan nating alagaan ang senior."
So the man who stole my first kiss, was my Senior, at ang nangyari kanina ay dulot lang ng pag-sleepwalking niya?! But he kissed me!
(?)