"DIVORCE PAPER?! naloloko kana ba talaga Peps?"
"Ayoko na at pagod na akong umunawa sa asawa ko." Padabog kong hinagis ang papel.
"Oh porque ayaw at pagod ka na ay dapat mong iwan si Shien?! Anong klaseng pag-iisip 'yan?"
"Pag-iisip na pinag-isipan." Ngisi ko sa kausap.
"My godfather, Peps. Ang sa akala ko ay ikaw ang pinakamatino at maayos na love life sa Lucifer kingdom pero look…mas malala ka pa yata kina Erdem, at Zayn."
"Come on, Cedric."
"Come on your face," bumagsak ang katawan nito sa sofa. "Ayusin mo 'yan. Ano ba talaga plano mo?"
Muli akong na upo para masinsinan kong makausap si Cedric.
"Tuloy ang divorce paper."
"Sasama loob sa iyo ni Reign kapag nalaman niya ang plano mo. Si Shien pa niloko mo. Saan mo ba nakilala 'yang babae na 'yan, ha?"
"Hindi na kailangan malaman kung saan ko siya nakilala ang gusto kong mangyari ay pirmahan niya ang paper para makapagpakasal kaagad kami ni Shariffa."
"Gaano mo na ba kakilala ang babaeng 'yan at bakit parang ang dali para sa iyong iwan ang pamilya mo? Wala na ba talagang halaga sa buhay mo si Shien at ang magiging kinabukasan ng mga anak ninyo hindi mo ba naiisip makasasama ito sa paglaki nila."
"Nandoon na tayo, matagal ko nang na plano ang mangyayari. Sa amin mananatili si Pauline samantalang ang bunso ay kay Shien."
"Kainis,"
"Ced, this is my decision. Buong-buo na at ayokong baguhin pa."
"Sabi mo nga ay hindi niyo pa na pag-uusapan 'yan paano kung hindi siya pumayag?"
"Pipilitin ko siya hanggang sa pirmahan niya."
"Nababaliw ka na talaga. Nasaan na ang pangako mo na iibigin mo siya hanggang kamatayan? nasaan na ang pangako mong aalagaan sila hanggang sa makakaya mo pero ng dumating si Shariffa sa buhay mo parang balewala lang ang lahat ng pangako mo."
"Ngayon ko na pagtantong hindi sa lahat ng pangako ay dapat mong bitiwan sa harapan niya kung minsan tayo pa mismo lulunok ng mga pangako na 'yon. Sobrang nagsisisi ako at kung bakit ngayon ko lang nakilala si Shariffa."
"Baka naman panandalian lang 'yan. Baka akala mo wala nang halaga si Shien dahil sa pagiging matigas ng ulo niya pero ang totoo mahal mo pa siya."
"Si Shariffa talaga nasa puso ko."
"Pag-isipan mo nang paulit-ulit hanggang sa masagot mo ang tamang kasagutan. Ayaw mo naman siguro mapunta sa puntong magsisi ka sa huli."
"Buong-buo na desisyon ko kakausapin ko siya dapat pirmahan niya ito."
"Hihilingin ko sana maging maayos ang pag-uusapan ninyo pero sa true to life siguradong magagalit siya."
"Wala na akong pakialam kung magalit man siya ang importante maging malaya ako sa buhay at magpakasal kay Shariffa."
"Kay Shien pa rin ako."
"Bahala ka hindi ako tanga para makinig sa opinyon ng iba ang susundin ko kung ano ang nasa puso ko."
Halata ang pag-aalala ni Cedric. Alam kong naiinis siya sa inuugali ko pero buong-buo na desisyon ko.
"May gusto pa sana akong pakiusap." sambit kong muli.
"Oh?"
"Huwag mo sana banggitin kay Reign ang tungkol dito."
"Malabong hindi niya malaman, eh magkaibigan ang dalawa."
"Basta ipangako mo."
"Hay ewan ko sa iyo. Sana huwag mo pagsisihan sa huli ang gagawin mong desisyon."
"Buong-buo na Cedric."
"Hay,"
"Inom na lang tayo."
"Hindi kita mapagbibigyan mayroon kami lakad ni Reign sa mga susunod na gabi tayo uminom o kahit magpunta ka lang sa bahay." I nodded. "Sasabay ka ba sa akin?"
"Mauna ka na mayroon akong tatawagan na atty."
"Sana talaga hindi mo pagsisihan ang desisyon mo."
"Tama na nga." Awat ko.
"Ako ang konsensya mo!" Tila nananakot pa akala yata ay matatakot ako sa simpleng salita lang. Saka ano kung magsisisi ako? baka nga hindi ako magsisi dahil magsasama kami ng masaya ni Shariffa.
TINAWAGAN KO si Shien matapos kong makipagkita kay Atty. Pinapauwi ko kaagad ito sa bahay para pag-usapan ang plano kong pakikipaghiwalay sa kanya. Wala pa rin siyang ideya. Mukhang masaya pa yata ito base sa tono ng pananalita.
"Tulog na 'yong dalawa." patay nito sa ilaw kung saan nandito kami sa sala.
"Mabuti naman."
"Ano nga ba pag-uusapan natin?"
"Tungkol sa atin."
Muli itong tumayo para buksan ang ilaw. Naglakad patungong kusina. Sa pagbalik may dala itong beer mga nasa lima iyon. Itinapat sa akin ang tatlo samantala sa kanya ang dalawa.
"Malapit na anniversary natin." sambit nito habang inilulunok ang likido ng alak.
"Saan mo balak magpunta? hihingi ako ng three days vacation para lang i-celebrate ang anibersaryo natin."
"Huwag ka na mag-abala pa…"
"Bakit, mayroon ka na ba pina-book na hotel?"
"Wala,"
"Resort?"
"Wala rin."
Medyo disappointed siya ng kaonti pero pinakita nito kung gaano siya kaatat makasama ako sa araw ng anibersaryo namin.
"Sige ako na bahala mag-asikaso basta sa araw ng anibersaryo natin ay hindi ka papasok sa trabaho."
Marahan kong pinagmasdan ang mukha nito bago ilabas ang manila envelope. Inabot ko rito na may pagdududa sa kanyang mukha.
"Para saan ito?"
"Basahin mo."
"Kinakabahan naman ako ano ba kasi ito?" Kinakabahan pero excited buksan ang envelope. Natigilan ito ng mabasa ang bandang itaas ng papel.
"D-divorce paper? A-anong…Peps?"
"Pirmahan mo." Walang gana kong utos.
"Nakikipaghiwalay ka ba sa akin?" Unti-unti tumulo ang kanyang luha. "Bakit, anong kasalanan ko? bakit kailangan mapunta tayo sa point na ito?"
"Ayoko na…" naiinis kong dugtong.
"Ayaw mo na? at…kaya may divorce paper dahil ayaw mo na? paano naman ako, ang anak natin? hindi mo man lang ba tatanungin kung papayag ako sa gusto mong mangyari??"
"Please, Shien. I can no longer be with you. The truth is that I am tired of being with you every day. Naaawa na lang ako sa mga bata pero ayoko na talaga."
"Paano mo na sigurong ayaw mo na talaga sa akin? Huwag mo sabihin may iba ka na…" humihikbing tanong.
"Paano na lang mga pangako mo sa akin noong ikasal tayo? Paano na ako, kami ng mga anak mo."
"Sa akin si Pauline, sa inyo si bunso."
"Paano nagiging madali para sa iyong iwan kami? Umamin ka, may ibang babae ba? sino siya? mas maganda ba? mayaman? mahal na mahal mo na ba talaga siya kaysa sa akin?"
"Mahal na mahal ko siya higit sa iyo. I'm sorry hindi mo deserve marinig ang mga masasakit na salita kaya sana pirmahan mo na lang 'yan ng hindi kita nasasaktan."
Hinagis ang papel, "Sa palagay mo ba hindi mo pa ako nasasaktan?! Nakita ko lang ang divorce paper sobrang sakit na tapos…tapos...mamarinig ko mula sa iyo na iba mahal mo at hindi ako?napakasakit, sobrang sakit, Peps."
"Anong gusto mo gawin ko?" sabay namin tayo. "Mananatili ako sa iyo kahit hindi na kita mahal? iyon ba ang gusto mong mangyari?"
Nagpipigil ito na huwag magsalita o kahit manakit man lang. Alam kong masakit para sa kanya ang desisyon ko pero ayoko na talaga. Ayoko na makisama sa kanya dahil si Shariffa na ang minamahal ko.
"Kailan pa, kailan mo pa ako niloloko." bakas ang galit sa kanyang mukha.
"Two years? I don't know ang mahalaga sa akin ay magiging malaya na ako sa buhay na ito."
"Bakit ganyan ka? Bakit hindi mo man lang pinaramdam sa akin na ayaw mo na pala? Bakit pinatagal mo pa!"
"Dahil naaawa ako sa mga bata, ano pa ba gusto mong gawin ko kung ayoko na talaga!" Tumaas ang tono ng pananalita ko.
"Ganoon din naman eh sabihin mo man noon o ngayon nakaaawa ang mga bata. Ano kamo gusto kong gawin ang pirmahan 'yan na hindi man lang pinag-iisipan ha?"
"Pirmahan mo man o hindi wala na magbabago sa nararamdaman ko. Maghihiwalay tayo sa ayaw mo o gusto."
"Hindi ako pipirma."
"Bakit hindi?"
"Dahil ayoko."
"Damn!"
"Huwag mo 'ko pilitin, Peps." Padabog niya kong pinagsarhan ng pinto sa kuwarto.
Bigo ako. Bigo kong papirmahin kay Shien. Ang dapat ko yata gawin ay maging maayos kausap o dapat maging mahigpit?
"DADDY?" lapit ni Pauline sa table kung saan kumakain ako ng almusal.
"Good morning, baby." yakap ko rito bago tumabi sa kinauupuan ko.
"Dad,"
"Hmmm??"
"Nag-away ba kayo ni Mommy Shien?"
"Bakit mo na itanong?"
"Narinig ko po kayo kagabi may pinag-uusapan kayo."
"'Nak, hindi ba sabi ni daddy bawal makikinig sa usapan ng matatanda lalo at hindi ka kasali?" Kalmado kong paalala.
"Pero bakit binabanggit ninyo kami ng kapatid ko? iiwan mo rin ba si Mommy Shien katulad kay Mommy Zen?"
"No, anak." Tila nag-isip ako bago ituloy ang sasabihin. "Magkaiba kay Zen, at Mommy Shien mo. Si Mommy Zen ang nang-iwan sa atin."
"Ibig sabihin iiwan mo talaga si Mommy??"
"Anak, hindi mo dapat iniisip ang bagay na 'yan."
"But dad mahal na mahal ka ni Mommy Shien palagi niya sinasabi sa akin na hindi niya kayang mawala ka. Please, dad huwag mo iiwan si mommy. Ayoko mawalan ng mommy."
Marahan kong hinimas ang buhok nito, "Bata ka pa marami ka pang dapat malaman at intindihin sa buhay ng mga matatanda. Itong nangyayari sa amin ng mommy hayaan mo na lang kami."
"Mahal mo pa ba siya?" Nawala ang malapad kong ngiti. "Dad, mahal mo pa ba siya?"
"Sa edad mo parang hindi bata ang kaharap ko. Kumain ka na maaga pa lang susunduin ka ni Ninong Zayn mo para sa swimming lesson ninyo ni Isay."
She nodded bago simulan kumain. Maya-maya lang nagsalita ulit ito.
"Mahal na mahal ka ni Mommy Shien marami nanliligaw sa kanya ibang boy pero hindi niya pinapansin kasi ikaw daw ang love niya. Dad, kapag iniwan mo siya sa kanya ako sasama."
"Pauline." Pabulong kong tawag.
"Mabait siya, sobrang bait niya. Naramdaman ko sa kanya na magkaroon ng isang tunay na mommy."
"Anak, ayaw mo na ba kay daddy?"
"Gusto pero mahal ko si mommy. Oo, bata pa ako pero nauunawaan kong---"
"Tama na Pauline bata ka pa at marami ka pa dapat maunawaan pero hindi ngayon, hindi pa sa ngayon."
Disappointed yata siya sa sinabi ko dahil iniyuko ang ulo saka sinimulan kumain. Kahit alam kong naghihintay lang ito ng salita mula sa akin ay nanatili akong tahimik. Hanggang sa sunduin ni Zayn ang anak ko. Paalis na sana ako ng makasalubong ko si Shien galing labas may mga bitbit itong paper bag na tiyak galing sa department store.
Nakalagpas na ako ng magsalita ito.
"Dati tinutulungan mo ako kapag nakikita mong may dala akong paper bag."
"Tama ka."
"Dati humahalik ka muna bago pumasok sa trabaho."
"Hindi na ngayon."
"Dati...dati..."
"Please, huwag mo dagdag ang sakit nasa iyo rin ang mali, eh. Kung sana pinirmahan mo na lang ang divorce paper eh di wala ka na rito."
"Hindi ko magawang magalit sa iyo. Bakit hindi ko magawang pagsalitaan ka ng masama, ha? Samantalang ikaw parang ang tagal-tagal mo nang pinagpraktisan ang sasabihin mo. Saan ba ako nagkulang? sumobra ba ako ng pagmamahal sa iyo kaya ganito ka, kaya iiwan mo ako ng ganitong kabilis?"
"Kausapin mo ang abogado natin baka siya na lang mag-abot ng papel para pirmahan ang divorce paper wala kasi akong oras para makipag-usap pa sa iyo."
Kaagad kong tinalikuran bago sumakay ng kotse. Ang totoo hindi ako papasok ngayon sa trabaho may meeting sa Kingdom University kailangan nandoon kaming apat pero dahil si Zayn ang kasama ng dalawang bata sa swimming lesson ay kami lamang nila Cedric at Erdem.
Pasimple akong pumasok sa loob ng meeting room. Si Cedric ang nakatabi ko dahil si Erdem ang nagsasalita sa harap. Siniko nito ang braso ko dahilan para tingnan ko ng masama.
"Look at Erdem, he is the youngest of us but he seems to remember the thought of the problem." natatawa ito.
"Only one that proves we are old and should be serious in life."
Ngumisi, "Talaga? dapat yata ay sarili mo ang sabihan na maging seryoso sa isang relasyon."
Medyo umiling ako na may halong ngisi. Ayoko muna pag-usapan ang ukol sa buhay pag-ibig ko dahil sigurado magagalit silang lahat sa akin. Magaganda na buhay nila pagkatapos sisirain ko pa ang buhay ng Lucifer kingdom. Masyado ba akong pa-importante para sila naman itong nag-iintindi sa akin?
"That's all I can say, thank you very much for attending." Dinig kong paalam ni Erdem sa amin at pagkatapos ay kanya-kanya labas ng mga tao.
"Tapos na??" tapik ko sa braso niya.
"Late ka ng isang oras, Pre." tanaw nito sa braso na tila pinapaalalang may oras ang meeting.
"Hindi ko alam na ganoon kayo kaaga magsisimula."
"Come on, Peps. Sa Lucifer kingdom bukod tanging ikaw ang palaging nauuna sa meeting kaya nakakapagtakang late ka o sabihin na nga natin hindi ka umattend dahil nakipagdaldalan ka lang sa lokong Cedric na 'yan."
Tawanan kaming tatlo.
"Pinagagalitan ko lang itong magaling mong kaibigan."
"Oh, bakit?" Dali-dali naupo si Erdem para makinig sa sasabihin ni Cedric.
"Siya na lang tanungin mo baka mainis ako at masapak ko."
"Come on magkakatabi na tayo magtuturuan pa. Ano ba problema ng isang 'to? huwag ninyo sabihin after me ay siya naman?"
"Ewan lahat naman yata kayo ay sakit sa ulo. Hay, matapos kay Zayn, sa iyo, at ngayon sa kanya. Alam niyo bang stress na stress ako sa mga pinaggagawa ninyo ha?"
"Wow, isipin mo bago kami ikaw muna kaya huwag ka umarte riyan na akala mo ang perfect mo." satsat mo na ikinatigil niya.
"Sinasabi ko lang na…huwag niyo masyado ginagawang komplekado ang buhay ninyo. Alalahanin ninyo matatanda na tayo siguro naman ay ayaw ninyong magaya ang mga anak natin sa atin na 'gangster'."
"Pero alalahanin mo matagal na natin tinalikuran ang pagiging gangster." Panunuwid ni Erdem.
"At priority na natin ang ating pamilya." Komento ko.
"Exactly what I said Peps priority na natin ang ating pamilya dapat nga ay wala tayong panahon para mambabae." inis nitong sabi habang si Erdem ay nagtatakang nakatingin sa amin dalawa.
"Sino nambabae?" salitan niyang tingin.
"Ikaw, Cedric?"
"Tsk, no way. Hindi ko gagawin sa asawa ko 'yon." Tinapunan ako ng masamang tingin ni Ced.
"Ikaw??" Matinding pagdududa ni Erdem. "Ginawa mo 'yon kay Shien pero bakit??"
Nagtama ang paningin namin ni Cedric na tila disappointed ng husto.
"Bibigyan ko ba kayo ng magandang dahilan? kahit na ako ay hindi inaasahan mangyayari ito. Naramdaman ko isang araw wala, as in wala na talaga akong nararamdaman sa kanya dahil may ibang babaeng nagpapatibok ng puso ko."
Napasabunot si Erdem habang si Ced ay nanatiling tahimik.
"Siguro nga mali itong ginawa ko pero sinunod ko lang naman kung ano isinisigaw ng puso ko hindi ba?"
"Kailan pa naging tama na lokohin ang asawa? ang puso puwede ka dayain niyan pero ang utak maaaring mag-isip ng makabubuti sa atin. So parang sinasabi mo ang puso dapat palagi nananalo rito. Peps, this is over mahal na mahal ka ni Shien alalahanin mo ang bawat sakripisyo niya ng magkahiwalay kayo at pakasalan ka niya. Nagmahal ka ng ibang babae marahil may nakita ka sa asawa mo na hindi mo na gustuhan." Mahabang sabi ni Erdem.
Ang tangi kong inaalala ang pananahimik ni Cedric. Ang pananahimik niya ang tangi kong kinatatakutan. Maaaring hindi siya sang-ayon sa ginawa ko o pabor ngunit sa palapalagay ko ay galit siya.
"Hindi ko naman pababayaan ang mga anak namin. Isa pa, kung sakaling pirmahan ni Shien ang divorce paper sa akin si Pauline at…"
"Divorce paper, damn it! Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo sa akin noong panahon nagkaroon ng problema ang dalawa ha?!" then ang bulkan ay tuluyang sumabog. "Hinding-hindi ka gagaya sa kanila ni kahit konting problema hindi mo ako idadamay pero bakit? bakit ngayon parang atat na atat kang humiwalay sa asawa mo?!"
"Ced…" awat ni Erdem dahil balak pa yata akong sapakin nito.
"Sorry ha pero hindi ko talaga gusto itong naiisip mo baka sa huli pagsisihan mo lahat ng ito!"
"Buo na desisyon ko at isa pa bakit galit ka? bakit iniisip mong idadamay kita rito? Alalahanin mo problema ko ito kaya wala ka dapat sabihin laban sa akin."
"Iniisip ko kung ano mga mali mong gawa!"
"Eh di huwag mo isipin!" Pareho ko silang tiningnan na may halong inis. "Simula ngayon…magkalimutan na tayo. Simula ngayon huwag niyo na ako intindihin. Ganoon na lang gawin natin tutal hindi kayo kumbinsido sa desisyon ko."
Walk out.
Tinawag pa ko ni Erdem ngunit hindi nagawang lumingon ng ulo ko dahil sa inis. Since ayaw nila sa gusto kong mangyari kalimutan na. Kung ayaw nila maging happy ang tulad ko friendship over na talaga. Nais ko lang 'yong kaibigan na suportado ako sa bawat desisyon ko hindi iyong parang ang peperpek nila pero hindi naman.
Magkakaibigan kami simula pa ng pagkabata, eh ano? balewala sa akin ang mahabang samahan kung hindi nila tatanggapin kung anong buhay ang gusto kong tahakin. Bakit dati nasa pagiging gangster pa lang kami ay ayos lang kung puro kalokohan gawin namin tapos ngayon ano magbabait-baitan? ipakitang nagbagong-buhay? No way, marahil silang lahat marami binago sa ugali pero this is my whole decision ibabalik ko kung ano ang kinasanayan ko. Since wala na akong nararamdaman kay Shien itutuloy ko ang pagiging gangster.
Walang makapipigil.
Walang magagalit dahil desisyon ko ito ng buong puso. Saka nakakasawa na kasi maging mabait tapos sa huli ga ito lang mangyayari. Well, basta, ako nang bahala sa buhay ko. Bahala na rin sila sa kanilang buhay.