"COME here and enjoy the celebration. Walang dahilan para ang iba ay ma-out of place."
Bakit pa nga ba ako nagpakita sa kanila gayong masama ang loob ko. Hay, oo malapit sa akin si tita ang mama ni Cedric malamang hahanapin talaga ako. Iyon nga lang wala pa silang kaalam-alam sa nangyayari. Kahit si Reign ay wala pang-alam dahil kanina ko pa kausap pero walang binanggit tungkol sa amin ni Shien.
"Peps, tara kanina ka pa walang kibo." Hatak ni Reign sa kumpulan ng tao and sina Cedric pala iyon.
"Bakit hindi mo sinama ang mag-ina mo? namimiss ko ng kausap si Shien."
"Gusto sana sumama pero may sakit kasi si Pauline."
"Baka na sobrahan sa paglangoy noong isang araw." Dugtong ni Zayn.
"Naku, dapat yata ay once a week lang kayo mag-swimming mahina pa naman ang resistensya ng bata." Pag-aalala ni Ulan.
"Huwag kayo mag-alala, kayang-kaya ni Shien alagaan ang kanilang anak." Parinig ni Cedric.
"Oo naman! Mahal na mahal kaya ni friend si Pauline."
"Tama ka," ngisi nito. "Ang mga ilaw kasi ng tahanan ang maaasahan mo kapag may sakit sa pamilya kasi kaming mga lalaki pa-easy-easy lang."
"Uy, hindi ah!" Hampas ni Ulan. "Kapag may sakit isa man sa anak natin talagang sinasabayan mo ako sa pagpupuyat. Napakaswerte ko talaga sa iyo dahil mabait kang asawa."
Tumaas ang isang kilay ni Ced na tila pinagmamalaki sa akin at pinakikitang ganito dapat ang tunay na lalaki o asawang lalaki.
"Dito lang ako sa labas magpapahangin pinapatawag ako ni Shien every minute, eh." Dahilan ko.
"Sure!"
I nodded ng pumayag si Reign.
Paglabas pa lamang tinawagan ko kaagad si Shien pero si Paulien ang sumagot.
"Daddy, come here na gusto kita makita."
"Uuwi na rin ako maya-maya, baby."
"Dad, si Mommy Shien umiiyak. Inaway mo na naman ba siya?"
"No, anak."
"Bakit siya umiiyak kung hindi mo inaway?"
"Baka dahil may sakit ka? hindi ba ganyan si Mommy Shien kapag nagkakasakit isa sa inyo ni bunso?"
"Pero dad hindi mo na iiwan si mommy right?" Nawalan ako ng kibo. "Mahal mo pa ba siya?"
"Bata ka pa hindi mo pa dapat isipin ang bagay na 'yan."
"Alam ko po pero nahihirapan si mommy."
"What do you mean, baby?"
"She wants you to come back but she can do nothing for you to do. Daddy, mabait si mom wala siyang ginawang masama lalong-lalo sa amin ng kapatid ko. I know you want another woman but I hope you think of our family. I want a happy family."
"Kung makilala mo lang si Shariffa mas higit siya kay Mommy Shien. Mabait din siya at mapagmahal."
"Pero mas mahal ko si mom."
"Mamahalin mo rin si Shariffa."
"Sarili mo lang iniisip mo dad…" dinig kong hikbi sa kabilang linya. "You want her then you leave! Sasama ako kay mom, sa kanya ako magiging masaya hindi sa bago mong babae!"
"Pauline, gusto ko lang makilala mo siya ng lubos pa---- Pau--- please, shit." Pinatayan ako. May katigasan din talaga itong anak ko.
"Pauline is right." boses ng pamilyar na tao. Nilingon ko at hindi ako nagkamali.
"Paano mo nalaman si Pauline kausap ko?"
"Tumawag siya sa akin at gusto nga raw niyang makausap ka pero sabi ko mas mainam kung kayo na mismo mag-usap sa cellphone."
Bumuntong hininga kami pareho.
"Sorry." Lumabas sa bibig ko.
"Naiinis ako sa iyo."
"Paano mo nalaman?"
"Bakit hindi? galit na galit si Cedric nang umuwi sa bahay dahil nag-away kayo. At ngayon, dumagdag ako sa naiinis sa iyo."
"Oo na, sige na magalit pa kayo sa akin. Wala na rin naman kayong magagawa. Iiwan ko na siya buong-buo na talaga ang desisyon ko."
"Napaka sinungaling pala ng kaibigan ko." Malungkot nitong wika.
"What do you mean?"
"Palagi niya pinagmamalaki sa amin ni Nicole na mabuti ka raw ama sa mga anak ninyo. Ni minsan nga raw ay hindi mo siya pinagsalitaan ng masasakit na salita o kaya pagbuhatan ng kamay. Ngayon, naiisip kong sinungaling siya. Pinapalabas lamang niya sa amin na mabuti ka para hindi kahiya-hiya sa harapan namin."
"Oh, please Reign…mabuti talaga akong tao o asawa pero please huwag mo ako husgahan dahil lamang sa nangyayari."
"Hindi kita hinuhusgahan mismong mga mata at tainga ko ang pruweba. Kasalanan mo rin iyan hindi ba? Iiwan mo siya dahil sa ibang babae ni hindi mo man lang iniisip ang kalagayan ng pamilya mo basta makalaya ka lang at samahan ang babae mo."
"Hindi siya basta babae ko lang handa ko siyang pakasalan after mag-divorce namin ni Shien."
"At may balak ka pa magpakasal ha?"
"At bakit hindi?"
Sumama ang mukha nito, "Bibigyan sana kita ng deal. Kung gusto mo siyang iwan then go ako pa pipilit kay Shien pirmahan ang divorce paper pero after ng hiwalayan wala nang paki sa isa't-isa ha?"
"Iyon naman talaga gusto ko."
"May kasunod pa, gusto ko sana huwag ka magsisi sa gagawin mo. Kapag nangyari iyon puwede ba huwag mo kami lalapitan?"
"Sigurado ako na hinding-hindi ako lalapit sa inyo at magsisisi. Look, kung makikilala mo si Shariffa panigurado magkakasundo kayo." Lumitaw ang ngipin nito sa pagngiti kaya gumanti rin ako ng maluwag na pagkakangiti.
"Ganoon ba? Ewan ko lang kung gugustuhin pa ni Shien lumapit kami sa inyo remember magkaibigan kami."
"Kung bibigyan niyo ng pagkakataon si Shariffa."
"Kung may pagkakataon."
"Makakahinga na ako ng maluwag kapag pinirmahan niya ang papel."
Reign is still beautiful but when she gets angry you will notice the annoyance on her face. Para bang kahit nakangiti siya alam mong kinasusuklaman ka niya. Shien is the same but if Reign is able to show the truth my wife is not. She's also good at hiding the truth and that's what I don't like about her.
"Hindi ko maintindihan bakit may mga lalaking ang hilig-hilig manakit ng feelings ng mga babae. Ano ba mayroon? kompetensya ba ito na dapat famous ka? na dapat magaling ka maghanap ng iba?"
"Reign…"
"Babae rin ako, Peps. Kaibigan ko si Shien, isang matalik na kaibigan. Sa tuwing nasasaktan siya parang ganoon din ako."
"Nagsumbong na pala siya."
"No. Kahit na kailan hindi siya nagsabi sa akin tungkol sa relasyon ninyo simula ng pakasalan mo siya ng patago. Patago mo siyang pinakasalan tapos ngayon iiwan mo rin naman."
Pinantitigan ko lamang ang hitsura nito. Simula pa noong una, nang makilala namin si Reign lahat kami para ba naging utos-utusan sa kanya. Iyong feeling na naging special siya sa buhay namin pero…ngayon, hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o hindi kasi may point siya pero may point din naman ako. Ang akin lang nais kong iparamdam kay Shariffa kung gaano ko siya kamahal. Mahal ko siya, mahal na mahal. Minahal ko na siya ng sobra at higit pa sa aking sarili.
"May dahilan ba kung bakit ginagawa mo ito sa kaibigan ko?" Muling dinig ko sa kanyang tinig.
"Wala."
"Paano? paano mo nagawang iwan siya?"
"Wala akong iba masasabi kung hindi…nagmahal ako ng ibang babae dahil…actually wala siyang kasalanan dito, its all my fault naging marupok ako. Hindi ko na isip pamilyado akong tao pero mahal ko na talaga si Shariffa handa ko na ngang iwan si Shien para sa kanya kaya please huwag ninyo ako tingnan na masama akong lalaki nagmahal lang ako, sinunod ko lang kung ano ang nasa puso ko."
"Akala natin puso ang madalas tama pero minsan ayaw natin gamitin ang utak."
"Mahal ko na siya."
"Paano na kaibigan ko?" Malungkot ang tinig nito na tila ba nawawalan siya ng pag-asa na maayos ito.
"Marami pa naman iba riyan hindi lang ako ang lalaki para sa kanya."
"Kung maririnig ni Shien ang sinasabi mo I'm sure umiiyak siya sa sakit. Ang lalaking mahal na mahal niya tuluyan na siyang iiwan at sasama sa iba."
"Para walang ilangan if you want lumabas tayong lahat ipapakilala ko sa inyo si Shariffa."
"Kayo na lang, huwag mo na ako idamay."
"Para makilala mo siya, para maging kaibigan na rin."
"Hindi ako nakikipagkaibigan sa kabet ng asawa ng kaibigan ko."
How can I prove to them that I have no feelings for my wife? How can I introduce my new loved one without even being judged by my friends? Kung sa patarayan pambato ko si Shariffa pero mabait 'yon lalo sa mga bata. Ito ang dahilan kung bakit na tanggap niyang may anak na ako. Sa panahon hindi kami nagkakaunawaan ng asawa ko siya palagi ang naroroon. Pinapagaan ang kalooban, at pinapayuhan.
"Hindi kabet ang tingin ko sa kanya. Isa siyang mabuting babae, Reign."
"Ano ba definition mo sa babaeng mabait? ito ba 'yong pumapatol sa may asawa't-anak na?" lumapit ito habang nakahalukipkip. "Masyado kang nabubulagan sa nararamdaman mo."
"Kung ikaw ang nasa sitwasyon panigurado mauunawaan mo ako." tiklop ko sa kamao.
"Puwes, hindi ko hahangarin matulad sa sitwasyon mo. In the first place iisipin ko kaagad ang pamilya ko kung ano mangyayari sa amin kung magpapatangay ako sa tukso. Masyado ka lang mahina, Peps. Hindi mahalaga sa iyo ang mga bata, hindi mahalaga sa iyo ang mga pinagsamahan ninyo noong---arrrggghh…" tinalikuran ako na tila punong-puno na at nais ng manakit.
"Sana kung paano ninyo ako sinuportahan noong panahon namin ni Shien, sana until now ganoon din. Akala niyo ba masaya ako na hindi kayo masaya para sa akin?"
"Saan ka ba makakakita ng kaibigang susuportahan ka sa maling gawa? Ikaw ang higit makakasagot niyan dahil matatagal na kayong magkakaibigan ng Lucifer kingdom. Alam mo naman ayaw na ayaw ni Cedric nakikita kayong nagkakaproblema."
"I'm sorry," buntong-hininga kong sabi.
"Ang akala ko ay magiging maayos ang buhay ninyo. Naalala mo pa dati na girlfriend mo pa lang siya? ni minsan hindi ko nakita o narinig na nagtatalo kayo. Iniwan ka niya dahil na buntis mo si Zen pero dumating ang oras bumalik siya dahil sa pagmamahal niya sa iyo and now kahit na kaonting awa man lamang sa mga anak ninyo hindi mo maramdaman. Hahayaan mo masira ang buhay ng mag-ina mo dahil lang sa isang babae."
"I'm sorry, Reign. Minahal ko si Shien pero mas mahal ko na si Shariffa."
"Hindi ka naman mahilig sa letter 'S' ano?" Ismid niya. "Never mind."
"Mauuna na ako sa inyo kailangan kong tapusin ang trabaho kahit nasa bahay."
"Peps,"
"Hmm?"
"Huwag mo siyang pilitin."
"Paano ang plano kong---"
"Pakasalan ang Shariffa na 'yon? kilalanin mo muna bago ka mapasubo advice lang naman pero kung sasama loob mo bahala ka."
"Kilala ko na siya."
"Eh di mabuti kung ganoon."
"Mauna na ako." She nodded saka niya ako pinanuod palayo sa kinatatayuan niya.
"Sana hindi pagsisihan ang lahat ng bagay na binitiwan mo." Natigilan ako. "Iyon lang, sana nga hindi ka magsisi at kung totoo man sana si Shariffa na talaga para sa iyo." And after that naglakad ako ng mabilis na may kirot sa puso.
Parang tagos hanggang dibdib sinabi niya sa akin. Parang ang lakas niya makakonsenya pero dahil mahal na mahal ko si Shariffa hindi ko na siya bibitiwan at hindi na magbabago pa desisyon ko.
"ANG mga bata?" bungad ko ng makita siyang nagwawalis sa may sala.
"Nasa kuwarto naglalaro." sabay talikod.
Kibit-balikat akong pumasok ss kuwarto para magbihis at nakipaglaro sa mga bata. Matapos no'n nagpaalam akong magtratrabaho sa sala ayaw pa pumayag dahil gusto pa maglaro ng dumating si Shien. Nakangiti ito. Walang ano mababakas sa mukha na dumaranas ng problema.
"Sa akin kayo makipaglaro mga anak mayroon tayong castle tent sa backyard garden ihahanda ko rin ang iba ninyong gamit."
Tahimik kong inayos ang gamit sa trabaho bago humarap sa laptop. Halos kalahating oras pa lang ng makaramdam ako ng gutom. Naghalungkat ako kung ano makakain pero wala akong makita na ready to eat. Maya-maya pumapasok si Shien. Tahimik itong nagbukas ng kalan at tila may niluluto. Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha. Wala talaga akong makita na ibang expression maliban sa tulala at walang kibo.
"Kung inaalala mo ang mga bata nandito pa rin ako susustentuhan ko pa rin sila." Parang nakipag-usap ako sa hangin.
Sinusundan ko bawat galaw nito.
"If you remember their future I am still here. Hindi ko ipagkakait sa mga bata. Just be free as your husband everything will be fine too."
"Will be fine?" Hirap hulaan ang nararamdaman niya ngayong araw samantala sa tuwing nag-uusap kami kaagad kong nahuhulaan ang sasabihin at gagawin nito.
"Yes, will be fine."
Umismid lang saka pinagpatuloy ang pagluluto. Sinundan ko ito hinawakan ang magkabilang-balikat. Tiningnan ko siya mata sa mata.
"Isang beses ko lang sasabihin ito makinig ka at hindi ko na uulitin pa. Hindi na kita mahal sawa na ako sa iyo. Pagod na akong araw-araw nakikita kita. Pagod na akong pakisamahan ka. Naiintindihan mo 'yon alam ko dahil may utak ka, may isip ka. Kung iniisip mo ang kapakanan ng mga bata hinding-hindi ako magkukulang ang gusto ko lang ang kalayaan mula sa iyo."
"Tapos ka na?"
Nabitawan ko siya sa pagkakahawak. Mauubusan ako ng lakas sa babaeng ito. Ang tigas niya. Pagpipilitan niya kung ano gusto niyang gawin. Para akong masisiraan ng bait sa pagiging matigas nito.
"Sige kung gusto mo 'yan okay magmatigasan tayo hanggang may isa sa atin sumuko."
"Okay, gutom ka na ba?" walang emosyon itong naghanda ng makakain sa lamesa bago balikan ang mga bata.
Pinapalabas talaga niya sungay ko. Ayoko siyang saktan dahil babae siya. Ayoko masyado akong hard pagdating sa hiwalayan namin. Ano ba gagawin ko sa kanya?
"PEPS." papalapit sa puwesto ko saka lumingon sa pagkain na nasa lamesa.
"Uy, mukhang masarap ito, ah."
"Kung gutom ka kumain."
"Walang may-ari nito?" Pero nakaupo na at nagsasandok ng kanin.
"Nasaan si Shien?"
"Sa likod kasama mga bata." sinamahan ko ito kumain hanggang sa matapos kami ay dumiretso ito sa likod.
Hindi ko pa natatanong kung ano ipinunta niya rito pero bago ko pa malapitan ang dalawa ay nadinig ko kaagad ang usapan.
"Sabihin mo na lang kaya ang totoo? malay natin baka magbago isip niya."
"Hindi na kailangan, Erdem." pareho silang nakatanaw sa dalawang bata.
"Kung ayaw na talaga niya wala akong magagawa."
"Pipirmahan mo ang divorce paper? huwag kang papayag. Ikaw ang asawa, at karapatan mo ipaglaban ang asawa mo."
"Hindi puwedeng isa lang ang lumalaban. Sa isang relasyon dapat pareho kayong kumakapit ng maigi para hindi mahulog sa pagkakamali. Sa sitwasyon namin mukhang bumitiw na siya."
"Asawa ka pa rin niya. Ipaglaban mo ang pamilya ninyo at isa pa, kawawa ang mga bata."
"Asawa lang niya ako sa papel pero ang puso niya may nagmamay-ari ng iba."
"May balak ka na yata iwan ng tuluyan ang kaibigan ko, ah?"
"Ewan, naaawa ako sa mga bata kung paiiralin ko itong nararamdaman ko. Itong gusto kong mangyari. Ayoko sa huli sarili ko lang ang iniisip ko."
"Kung ano makabubuti sa mga bata dapat iyon ang gawin mo. Eh ano kung iba na minamahal niya? puwede mo pa naman gawin ang lahat para bumalik siya sa dati. Tandaan mo, mas mahaba ang samahan ninyo kaysa sa Shariffa na 'yon."
Kita kong tumango ang asawa ko bago lumingon sa kinaroroonan ko. Umiwas ako ng tingin kunwari wala akong narinig. Lumapit ako.
"Ano nga ba pinunta mo rito?" titig ko kay Erdem.
"Binisita kayo since may upcoming event na gaganapin malapit dito."
"Magtatagal ka ba?" Tanaw ko sa relo. "Kailangan kong umalis makikipagkita ako kay Shariffa." Kaagad tiningnan ni Erdem ang asawa ko habang ito ay yumuko saka nagkunwari walang narinig.
"Actually gusto ko sana magtagal para makasama ko si bunso at inaanak ko kaya lang kung nagmamadali ka ay sige aalis na rin ako."
"Dito ka na muna." Nakangiting pakiusap ng asawa ko rito. "Matagal din hindi kayo nagka-usap ng inaanak mo."
Nag-aalangan si Erdem baka akala ay magagalit ako pero syempre wala akong pakialam sa kanila.
"Dito ka na muna since wala silang kasama." sabi ko.
"Siguro after one hour saka ako aalis." Titig nito sa sariling relo.
"Bahala ka," tanaw ko sa mga anak ko. "Pauline, Paolo aalis na si dad." Nag-unahan ang dalawa para makalapit lang.
After giving a goodbye kiss to the two children, I immediately said goodbye to my friend. I looked at my wife's face but she didn't look at me before.
Lumalim ng husto ang iniisip ko nalagpasan ko nga ang bahay ni Shariffa mabuti ay nakita ko ang kabilang kanto saka bumalik sa kinaroroonan ko.
"Love, may good news ako."
"What?"
"Pumayag ang parents kong ikasal sa iyo at pumayag sila na magsama na tayo."
"You mean?"
"Magsasama na tayo bago ikasal it means titira ako sa bahay ninyo."
"Pero nandoon pa rin ang asawa ko."
"Eh ano? walang kaso sa akin. Hindi ako nagmamadali."
"Teka, bakit nagbago yata ihip ng hangin ha?" Nagtataka kong tanong.
"I need to be a kind person since my parents agreed to our wedding plan. Kailangan ko magpaka-Nanay sa anak mo para kahit wala na si Shien ay nandito ako para alagaan siya."
"Sure ka? ayos lang sa iyo?"
"Oo nga I'm sure naman aalis din asawa mo sa bahay kapag nakita niyang nagmamahalan tayong dalawa. Siya na mismo lalayo kung alam niyang sagabal na siya baka iyan pa ang maging dahilan pirmahan niya ang paper."
"Kakausapin ko siya tungkol dito…"
"Huwag na para kahit paano pumayag man siya o hindi wala na siyang magagawa."
I sigh, "Okay, isasama na kita."
"Yes! Actually, naka-impake na mga damit ko."
"Okay, susunduin kita mamayang gabi."
"Ay, hindi ngayon?" Pout nito.
"May pupuntahan ako pagkatapos ay susunduin kita."
"Eh bakit nagpunta ka rito sa bahay kung aalis ka rin?"
"Gusto kita makita."
"Talaga?" Mahigpit niya akong niyakap. "Ang sweet naman ng boyfriend ko. Sana after natin ikasal magka-baby kaagad tayo."
"Bibigyan kaagad tayo kung gugustuhin."
"Pero pangako magiging mabuting mommy ako kumpara sa asawa mo. Susunduin ko lahat ng gusto mo at hindi ako magiging matigas magkakasundo tayo, magsasama ng matagal hanggang pagtanda."
Otomatikong lumapad ang labi ko sa ka-sweetan ni Shariffa. Matanda lang ako ng limang taon sa kanya pero kung kumilos, magsalita parang isip bata. Hindi mo iisipin na magpla-plano siya sa future namin. Malaki talaga pinagkaiba nila ni Shien. Ang asawa ko wala naman problema sa kanya iyon nga lang ay matigas ang ulo gusto niya lahat ng gagawin nito masusunod.
Nagpaalam ako na aalis dumiretso ako sa bahay nila Zayn. Naabutan ko sina Roselle, at Isay sa sala nanunuod. Lumapit sa akin ang inaanak ko sabay mano.
"Ninong, wala po rito si Daddy Zayn."
"Nasaan?" Tanaw ko kay Roselle na abala sa pinapanuod. Hindi yata ako pinapansin.
"Lumabas sila ni Zee. Mommy, si Ninong Peps."
"Nakita ko." Aba, ang taray.
"Mommy, papasok muna ako sa kuwarto ko ha?"
"Sure baby, kiss muna si mommy." Kiss sabay hug ang ginawa nito kay Isay bago ihatid sa sariling kuwarto ang bata.
"Anong ipinunta mo rito?" Nakabusangot ang mukha habang nakahalukipkip.
"Kailangan ko makausap si Zayn pero wala pala."
"Wala nga."
"Hihintayin ko na lang," upo ko sa sofa. "Kumusta ka?"
Dinig kong umismid, "Maayos naman, ikaw?"
"Ayos lang din masaya."
"Talaga? masaya ka?" sa tono ng pagkakatanong nito mukhang may alam ito.
"Oo."
"Kung sabagay ang mga taong masaya kapag nakakasakit ng iba walang kuwenta." Marahan kami nagkatitigan.
"Hindi kami close ni Shien pero gusto ko siyang kampihan dahil sa pagiging responsable mo."
Tumayo ako saka diretsong bubuksan ang pinto.
"Hindi ka nalalayo sa mga lalaking hindi makontento." Huling tinig nito bago ko lisanin ang lugar.
Parang nakakapagod na makipagtalo. Para ba lahat ng tao masama ang tingin sa akin. Ano ba ginawa kong mali? sinunod ko lang naman kung ano itinitibok ng puso ko.
"KINAKABAHAN AKO," kasama ko si Shariffa rito sa labas ng bahay namin. Pigil-pigil nito ang kamay kong nakahawak sa doorknob.
"Relax I'm sure hindi ka aawayin ng asawa ko." Pagpapalakas ng loob.
"Paano kung saktan niya ako?"
"Nandito lang ako hindi kita pababayaan." Matapos makatanggap ng kalakasan mula sa akin ay tumango ito at hinayaan buksan ko ang pinto.
"Honey!" Kaagad nawala ang ngiti sa labi ng asawa ko ng makitang magkasama kami ni Shariffa. Marahan pinagmasdan ang maleta, at kamay namin magkahawak.
"Bakit siya nandito?" Muling sambit nito.
"Dito na siya titira." tugon ko.
"Titira? bakit, anong mayroon ha? Bakit mo sinama ang kabet mo rito?! wala ka na ba talagang kahihiyan?!"
Binitiwan ko kamay ni Shariffa, "Hindi mo dapat sinasabihan si Shariffa ng kabet dahil hindi siya gano'n!"
"Bulag ka na. Paano hindi kabet samantalang mag-asawa pa tayo hindi ko pa pinipirmahan ang divorce paper!"
"Eh di pirmahan mo!" Pasigaw kong utos.
"Wala ka na ba talagang kahihiyan? hindi mo ko binigyan ng respeto sa pamamahay natin." Lapit nito habang hawak ako sa braso pero kaagad din akong lumayo at lumapit kay Shariffa para kunin ang kamay nito.
"Dito na titira ang girlfriend ko sa ayaw mo man o gusto. Ganoon din naman, after mo pirmahan ang paper magpapakasal kami at dito na siya titira. Bubuo kami ng masayang pamilya."
"Wala kang kuwenta, Peps!" Hinagis nito ang singsing na kahuhubad lamang sa daliri nito. Sinundan ko siya papasok sa kuwarto mabuti wala ang dalawa namin anak.
"Bakit ba ayaw mo na lang tanggaping wala na akong nararamdaman sa iyo?!" Bulyaw ko.
"Alam ko naman 'yon, eh. Tanggap ko na pero 'yong patirahin mo ang kabet mo parang hindi makatarungan. Pinamumukha mo sa akin na wala akong karapatan dito sa pamamahay natin. Peps, saan ka ba kumukuha ng kakapalan ng mukha ha?!"
"Tigilan mo ko, Shien! Kumilos kang naaayon sa antas mo. Huwag mo ako artehan na parang ikaw ang biktima rito. Bakit hindi mo subukan maghanap ng ibang lalaki ng sa ganoon hindi ka nagagalit. Ayos lang sa akin makahanap ka ng iba dahil wala akong pakialam!"
Pinaghahagis niya sa kinatatayuan ko ang mga gamit. Masyado siyang galit na galit para pigilan ko ang ginagawa nito. Umiiyak na pumasok sina Pauline at Paolo sa kuwarto.
"Kung ipipilit mong patirahin ang kabet mo aalis na lang kami." Yakap niya sa mga anak namin.
"Walang aalis!" Pigil ko sabay hatak kay Pauline.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sunod-sunod suntok sa dibdib ko.
"Tumigil ka na! Kung gusto mo lumayas huwag mo dadalhin ang mga bata!" Sabay kuha ko kay Paolo.
"Anak ko sila may karapatan ako!"
"Sige kunin mo si Paolo pero sa akin si Pauline!" Natigilan ito habang humihikbi.
"Hindi ko inaasahan sa ganito tayo hahantong. Bakit ka ba ganyan, Peps. Ano ba problema sa akin ha? Mahal na mahal kita, mahal na mahal kita. H-hindi ko kayang maghiwalay tayo----"
"I'm sorry." Naramdaman kong sunod-sunod bumagsak ang mga luha ko.
"Ano ba kasalanan ko bakit pinahihirapan mo ako ng ganito…."
"I'm sorry, Shien. Sorry, Pauline, sorry Paolo."
"Nakakapagod na pero hindi ko magawang bumitiw sa pamilyang ito dahil ngayon sobrang mahal na mahal kita hindi ko kakayanin na masisira tayo sa ibang babae."
"Daddy, huwag mo nang sasaktan si mommy." Tangis ni Pauline.
"Daddy…." humihikbing tawag ng bunso ko.
"Sorry mga anak." Mas malakas na yata ang iyak ko sa tatlo at lumuhod sa harapan nila. "Patawarin ninyo ako."
Demi Lovato - Sorry not sorry