"HAPPY?" nakabubuwisit niyang usisa matapos pirmahan ang divorce paper.
Magiliw kong pinagmasdan ang signature hanggang sa tumayo ito para lumabas ng bahay.
"Sandali," Huminto ito pero nanatili pa rin nakatalikod. "Ang usapan ay usapan sa akin si Pauline, at sa iyo si Paolo. Hindi ko ititigil ang sustento sa bata dahil anak ko pa rin siya."
"Mabuti."
"At isa pa, maghanap ka ng ibang tao na mamahalin ka ng buo katulad ni Shariffa na tanggap ang pagkatao ko." Pansin ko kumuyom ang kamao nito bago nakangiting humarap.
"Excuse me Mr. Victoria wala ka na dapat pakialam sa gagawin kong desisyon sa buhay at isa pa rin pala huwag kang umasa na pagkatapos nito magiging mabuti pa kikitungo ko sa iyo o magiging magkaibigan tayo dahil kahit na kailan 'tanga' lang nagiging magkaibigan after hiwalayan."
Tumaas bahagya balikat ko sunod tumayo para sumenyas na makakaalis na ito sa pamamahay ko since single na ulit ako at hindi na kasal sa babaeng ito. Ito pa yata ang dapat ko ipagpasalamat dahil malaya na ako. I'm free. I'm free.
"Love?" Lumalabas galing kuwarto.
"Magbihis ka ng maayos lalabas tayo." Pansin ko si Pauline na malungkot palabas sa kabilang kuwarto. "Pau, sumama ka kakain tayo sa labas para i-celebrate ang nalalapit namin kasal ng tita mo."
"Kasal nga ba ang gusto mo i-celebrate dad o dahil pinirmahan ni Mommy Shien ang divorce paper ninyo?" Sarkastikong wika.
"Pinirmahan na niya??" kaagad inagaw sa kamay ko ang papel saka iwinagayway ng makumpirma ang nais malaman. "My god, kailangan nga natin mag-celebrate para rito. Sige, magbibihis ako ng maganda. Ohh, Pauline magbihis ka na rin tara na."
"Hindi ako sasama." Pagmamaldita rito.
"Sumama ka gusto namin i-celebrate itong…"
"Parang nagsasaya pa kayo na hiwalay na sila?! sana kasi hinayaan niyo na lang ako sumama kay mommy!"
"Sorry baby pero ako mismo nakiusap sa daddy mo na sa amin ka since anak ka ni daddy mo sa ibang babae right?"
"At least si mommy nagpaka-Nanay sa akin eh ikaw ano ba magagawa mo? kaya mo ba pantayan ang mommy ko?!"
"Pauline!" Bulyaw ko. Sumenyas lamang si Shariffa.
"Hindi ko papantayan ang mommy mo dahil hihigitan ko kung ano ang mga nagawa niya. Simula ngayon ako na si Mommy Sha, tawagin mo akong mommy."
"No way! Hinding hindi mo mahihigitan ang mga mommy ko! Hindi nababagay sayo maging isang ina dahil mang-aagaw ka ng asawa!"
Napasalo sa dibdib si Shariffa. Hinawakan ko sa pulsuhan si Pau. Nagtitigan kami ng masama.
"Peps, tama na 'yan bata lang siya huwag mong patulan."
"Sumusobra ka." Gigil ko.
"Sasaktan mo na rin ba ako dad ha? kung sasaktan mo ako sana ibigay mo na lang ako kay mommy!"
"Manahimik ka!"
"Tama na Peps kung ayaw niya sumama iwan na lang natin siya sa mga lola niya."
"Mabuti pa nga baka makasira pa siya sa celebration natin." Gigil kong bitiw dito.
Walk-out ang anak ko patungong kuwarto sinundan siya ni Sha habang tumutunog ang phone ko.
"Talaga nga bang nababaliw ka na sa babae mo ha?!" Kabungad-bungad sa akin ni Cedric sa kabilang linya.
"Not anymore."
"Kung binabalak mo pakasalan ang babae mo puwes huwag ka umasa na buong lucifer kingdom magpapakita pa sa iyo!"
And eventually it disappeared on the other line.
Nakakapanlumo. Ang akala ko ay mananatili sila kung saan ako magiging masaya. Bakit hindi nila maunawaang iba na minamahal ko?
"AKALA ko ba nagpunta tayo rito para mag-celebrate, eh bakit nakasimangot mukha mo?"
"Si Master Cedric…"
"Nagagalit?"
"Ano pa nga ba?"
"Huwag mo intindihin kapag tumagal-tagal matatanggap din nila ako."
"Sana nga pero kapag si Cedric nagsabi na ayaw niya sa isang tao talagang ayaw niya."
Yumuko ito pero mabilis kong hinawakan ang kamay.
"Ayaw niya sa akin pero ayos lang importante gusto mo ako, right?" Mababakas sa mukha na itinatago nito ang lungkot sa likod ng ngiti.
"Mahal kita, mahal na mahal."
Matipid na ngumiti, "Kumain na nga lang tayo masyadong seryoso usapan, eh." I nodded bago ipagpatuloy ang pagkain.
SA KABILA ng kabisihan sa trabaho at pag-aasikaso ng kasal namin ay naging masaya kami pareho na nagsasama. Ang problema lang malayo pa rin loob ni Pauline kay Shariffa. Dapat yata ay bigyan ko pa ito ng ilang araw, linggo, o buwan bago mapalapit siya rito.
"Pau, lumabas kayo ngayon ni Mommy Sha mamasyal kayo." utos ko katatapos lang ng tanghalian.
"Dito na lang po ako sa bahay marami kami assignment na gagawin."
"Tutulungan ka niya para maaga matapos 'di ba love?" siko ko kay Shariffa.
"Oo nga sweetie akong bahala marami akong alam diyan dahil minsan na akong nagturo sa mga estudyante."
"Hindi na lang ho may tiwala pa kasi ako sa sarili ko kaysa sa ibang tao." Nagkatinginan kaming dalawa sa sinabi ng anak ko magsasalita pa sana ako pero mabilis din nakiusap si Shariffa na huwag ko nang patulan.
"Sa kuwarto na lang ako gagawa baka maka-istorbo ako sa inyo." Niligpit nito mga gamit at tuluyang iwan kami.
"Huwag mo na kasi patulan 'yong bata baka lalong lumayo loob niya sa iyo. Ang mabuti pa tayong tatlo na lang mamasyal para hindi siya mailang."
"Tomorrow lalabas tayo."
"I love you." Yakap nito na kaagad kong ginantihan ng halik.
"I love you too."
"Masaya ka ba na ako ang kasama mo?"
"Oo naman."
"Talaga?"
"Oo nga," lalo ko hinigpitan ang pagkakayakap hahalikan ko sana ng tumatawag isa sa mga kasama ko sa grupo. "Sasagutin ko lang." She nodded bago ko lumayo.
"What?"
"May pulong tayo mamayang gabi sa headquarter."
"Tungkol saan?"
"Mamaya malalaman."
"Sige magpupunta ako."
Matapos ang usapan bumalik ako sa puwesto kanina.
"Sino 'yon?"
"Kasama ko sa grupo."
"Sa gang?"
"Yep."
"Bakit daw?"
"May pulong kami marahil may plano ang leader namin."
"Mamaya na ba 'yon?"
"Oo."
"Sige akong bahala kay Pauline mag-alaga."
"Salamat, love."
"Walang anuman at isa pa nakakakilig kaya magkaroon ng mapapangasawa na gangster." Ngumiti man ako pero kaagad sumagi sa isipin ko si Shien. Kung siya pa rin ang asawa ko paniguradong magagalit 'yon.
"Kinikilig ka talaga??"
"Oo naman biruin mo kahit na saan ako magpunta safe na safe ako dahil may makapangyarihan akong asawa. What I mean, makakaya akong ipaglaban sa mga kaaway."
"Natural ipagtatanggol kita."
"Kaya nga kinikilig ako."
Sus, kung si Shien 'yon katakot-takot na salita matatanggap ko. Kesyo delikado, kesyo dapat lumayo sa gulo dahil pamilyado na. Hay, mabuti na lang wala na ako sa buhay niya mas magiging komportable na ako.
KINAGABIHAN iniwan ko ang dalawa magkasama sa bahay. Pagdating sa headquarters naratnan ko ang iba at leader na nagsisimula pa lang magsalita.
"Nakuha ang balitang ito sa mensahero natin dapat tayo maging handa dahil malaking tao ang makakalaban natin hindi siya basta-basta lalaki na puwede natin saktan."
"Leader, ano ba issue?" Usisa ng isa.
"Isang drug lord ang nakapansin sa grupo natin marahil talk of town kaya ayon gusto yata buwagin. Maging handa lang tayo. Here…mayroon akong clip na inihanda if ever magkasalubong ninyo ang taong ito makaiwas kaagad."
May pinanuod kaming maiksing video na pagkakakilanlan ng lalaking sinasabi nila. Siya si Clinton Olivares, mataas din ang rank sa kapulisan. Tsk, ibang klase nasa kapulisan pa man din ang trabaho tapos drug lord? Paano nangyayari 'yon? hmm…kung sa bagay makapangyarihan sila.
"May asawa't-anak siya." Bulong ng isa pagkatapos mapanuod ang kabuuan ng video.
"Hindi nga lang nakikipag-usap sa kanya dahil matagal na silang hiwalay. Samantalang ang anak niyang lalaki may sariling business sa market."
"Dapat yata ay unahan na natin."
"Hindi maaari masyado silang malakas at may kapit sila sa kapulisan. Kung mangyari man 'yan tiyak na tayo ang ibabaliktad nila na gumagamit ng droga." Sabi ng pinuno namin.
"Peps, what do you think?" pangalawang pinuno ng grupo. Lahat sila ay tumingin.
"Sa palagay ko mas mabuting hayaan natin silang kumilos. Malay niyo kung wala silang binabalak at kung mayroon man ay maging handa na lang. Kabisaduhin niyo lahat ng bawat galaw at hitsura ng mga nakakasama niya para maging aware tayo." Isa-isa silang tumango sa sinabi ko bago naglabas ng alak ang isang kasama namin.
Natapos ang usapan sa mahabang plano at bago maghiwa-hiwalay ay uminom muna ng beer pero pagkaraan ay nagpaalam na ako dahil walang kasama ang dalawa sa bahay.
"BAKIT gising ka pa?"
"Hinihintay kita," inalis sa pagkakasuot ko ang jacket.
"Si Pauline gising pa?"
"Kasisilip ko lang tulog na yata ayaw kasi ako papasukin sa kuwarto niya."
"Kumain ba?"
"Hindi," iling nito. "Peps, hindi ba makakasama sa kanya itong plano natin?"
"Bakit naman??"
"Ang pagkakasabi mo sa akin dati talagang maingay at bibong bata si Pauline pero simula ng magsama tayo ni hindi ko siya nakitaan ng kaonting ngiti."
"Sinasabi mong hindi siya masaya na kasama ka?"
Yumuko, "Hindi niya ako gusto para sa iyo."
"Magugustuhan ka rin niya. Alalahanin mo ilang linggo pa lang tayo magkakasama sa bahay."
"Tama ka pero napapanawan na ako ng pag-asa."
"Tsk, huwag mo isipin 'yan. Matulog ka na pupuntahan ko lang siya sa kuwarto."
"Balik ka kaagad." Malambing nitong haplos sa batok ko bago humalik sa labi. Pagkaraan ay pumasok ako sa kuwarto ni Pauline.
"Anak?" binuksan ko ang ilaw saka siya nilapitan pero tulog na yata. Hinalikan ko ito sa noo ngunit bago lumabas tinawag niya pangalan ko.
"Gising ka pa may gusto ka ba kainin? alam mo masama nagpapalipas ng gutom." Haplos ko sa mahaba nitong buhok.
Marahan na bumangon saka kinusot-kusot ang mata.
"Nagugutom ho ako…" hindi pa tapos magsalita kaagad akong lumabas para kunan ito ng makakain sa kusina pagkabalik tahimik lang itong kumakain.
"Anak, huwag sana sasama loob mo kay daddy ang gusto ko ay maging okay tayo tulad ng dati. Mahal na mahal kita at ayokong masira tayo dahil lang sa hindi pagkakaunawaan." Malambing kong tinig.
Ibinaba nito sa table ang plate saka uminom. Marahan niya akong pinagmasdan saka umiling at itinago ang mukha.
"Naalala mo pa ba noong ikasal kayo ni Mommy Shien?"
"Anak…"
"Magkasama tayong tatlo noon ang sabi mo sa akin mahal na mahal mo siya. Kahit na kailan hinding-hindi mo siya ipagpapalit sa iba pero bakit po ganoon, dad? ano ba nakita mo kay Shariffa at iniwan mo siya. Dad, miss na miss ko na po si Paolo at si mommy."
"Kung gusto mo silang makita hindi kita pipigilan."
"Gusto kong bumalik sila rito. Iyon lang daddy bumalik ang pamilya natin. Sabi mo pamilya tayo 'di ba?"
"Not anymore, anak. Hiwalay na kami ni Mommy Shien mo may pagkakataon na akong ikasal kay Shariffa sana kahit man lang ikaw na anak ko maunawaan ang ginusto kong mangyari. Sana kahit man lang ikaw maging kakampi ko."
"Daddy…"
"Galit sa akin mga ninong at ninang mo. Hindi na rin ako tinatawagan ng mga lolo at lola mo kaya kanino pa ba ako hihingi ng pang-unawa hindi ba at sa iyo lang? Masakit para sa akin iwan si Paolo dahil kapatid mo siya pero kailangan kong gawin isakripisyo kapatid mo alang-alang sa kapakanan niya."
"Hindi mo na ba mahal si Paolo?"
"Mahal na mahal. Kayong dalawa mahal na mahal ko kaya nasasaktan din ako dahil kayong dalawa ang naiipit sa problema namin."
"Bakit kasi nagmahal ka pa ng iba? Bakit kasi hindi ka na kontento kay mom?"
"Sorry, hindi ko sinasadya."
"Kung hindi mo sinasadya siguro may chance na bumalik kayo sa dati?"
"Wala na."
"Hindi mo sinasadya pero ginawa mo." Nakabusangot nitong talikod na kaagad kong yakap.
"Mauunawaan mo ito kapag tumanda ka na sa ngayon unawain mo itong nangyayari sa atin."
"Sana dad sinabi mo kaagad para hindi ko minahal ng sobra si Mommy Shien."
"Kung minahal mo si Mommy Shien," iniharap ko siya. "Mas mamahalin mo rin si Mommy Sha. Try ko lang walang mawawala. Mabuti siyang tao, at willing siyang alagaan ka."
Nakasimangot pa rin ang mukha na kaagad kong niyakap ng mahigpit.
"Bukas siya magsusundo sa iyo ayos lang ba?" Hindi man ito kumibo alam kong pabor siya sa nais ko. Mabait na bata si Pauline mauunawaan niya kung bakit pilit ko siyang inilalapit kay Shariffa.
"GIRLS, I will pick you up before four in the afternoon." Paalala ko bago sila bumaba.
"Yes, sir." kindat ni Shariffa. Pinagmasdan ko sila papalayo sa kotse. Hinahabol ni Sha ang anak ko samantalang si Pau hindi namamansin. Hay, konting tiis Sha magkakasundo rin kayo ng anak ko.
PAGKATAPOS ang stressful job sinundo ko sila bandang three-thirty ng hapon. Pareho sila naghihintay ng abutan ko sa labas ng school. Mabilis pa yata kumilos si Pauline ng makapasok sa kotse saka sumunod si Sha.
"How was your whole day? nagkaroon ba ng problema?"
"Sa trabaho maraming dapat tapusin pero sa pagsusundo kay Pau madali lang naliligayahan ako kapag ganito set-up mangyayari sa atin." Sinilip ko si Pau sa rear-mirror pero dedma lang.
"Mabuti pa yata ay mamasyal tayo saan niyo ba gusto, ikaw Pauline?" Maamo kong tanong.
"Sa bahay na lang tayo marami akong assignment." Dungaw nito sa bintana.
"Huwag mo masyado isipin ang homework mo, Pau. Gagawin natin 'yan after nitong pamamasyal hindi ba, love?"
"Tama after that kumain na tayo sa labas para pag-uwi puwede na gawin mga homework." Pagsang-ayon ko rito.
Pero si Pauline dedma pa rin para ba ang lalim ng iniisip.
"Pau?" Tawag ko na lumingon kaagad.
"Ayos ka lang ba sa school mo? if hindi ka masaya puwede naman kita ilipat sa ibang school."
"Why would you do that? hindi mo ko tulad na kapag nagsawa na mang-iiwan na lang. Masaya ako sa school, that's it."
Napakapit ako ng mahigpit sa manibela. Kaagad akong hinawakan sa braso ni Shariffa na huwag kong intindihin ang sinabi nito. Nakakainis mabuti na lang malawak ang pang-unawa ni Sha paano kung ibang babae itong kasama namin baka pinatulan na siya. Mabuti na lang talaga mahaba pasensiya niya hindi tulad lately noong itinatago ko pa siya lagi mainit ulo.
Happy ang pamamasyal iyon nga lang kami ni Shariffa ang nag-adjust. We even had to adjust to what she was doing. Minsan pa nga gusto kong mainis dahil pinahihirapan niya si Sha. Kung anu-ano pinabibili tapos hindi tatanggapin. May oras na lahat ng pinamili niyang gamit for school kay Sha pinabitbit at ito naman girlfriend ko ayaw pumayag na tulungan ko. Alam mo 'yon, sinusubukan niya maging nice pero ang anak ko ayaw magpaka-nice. Ugh, dito pa lang yata sasakit ulo ko sa dalawa. Hay, kaonting tiis, Peps magkakasundo rin sila.
"Gawin na natin ang homework mo."
"No thanks ako na lang gagawa mag-isa baka mali pa isagot mo."
"But…gusto ko lang makatulong."
"Kung gusto mo makatulong huwag mo ko istorbuhin."
Kaagad nag-lock ng kuwarto ang anak ko. Paglingon ni Shariffa alam kong nakasimangot ito pero kaagad siyang ngumiti ng makita ako.
"Magpahinga ka rin minsan, love. Mahirap paamuhin ang bata lalo kung hindi niya kaya."
"Mapapaamo ko rin siya."
"Magagawa mo 'yon pero this time kailangan asikasuhin natin ang kasal."
"Tama ka saka wala na siyang magagawa kapag kinasal na tayo."
"Iyon na nga ang pinupunto ko."
"Balang-araw hinding-hindi na siya lalapit sa dati mong asawa dahil sa akin na siya sasama." Malungkot niyang tanaw sa pinto.
MAKALIPAS lang ng dalawang buwan hindi ko alam kung bakit ganito na lang nagbago buhay namin. Hindi ko masasabing okay na sila pero kahit paano ay nagiging mabait si Pauline sa kanya. Hindi lang tulad dati na madaldal ang anak ko ngunit ngayon ang dami na niyang itinatago.
"Good morning, Mr. Peps Victoria."
"Yes, speaking."
"Good day, Mr. Nais ko po sana kayong makausap mag-asawa para sa behavior ng anak ninyo."
Natutok ako sa tv ng opisina at napa-isip na mayroong problema.
"Okay, Mrs. Policarprio papunta na ako ngayon." Pagkababa pa lang ng cellphone ay kinuha ko ang susi ng kotse.
"Sir Peps magsisimula na po ang meeting." Habol ng sikretarya ko.
"Postpone muna may emergency meeting ako sa school ni Pauline."
Pero sir nasa conference room na po ang lahat." Natigilan ako. "Kayo na lang ang hinihintay."
Nakuha kong bumuntong-hininga. Naiipit ako sa sitwasyon kaya sa huli tinawagan ko si Shariffa na puntahan si Pauline at siya na lamang ang makipag-usap. Saglit lang ang meeting matapos no'n ay dumiretso ako sa school.
"Love." Bungad ni Shariffa kausap ang adviser ng anak ko.
"Sorry for what happened." Kaagad kong inupuan ang bakanteng upuan. "Ano po ba concern ninyo sa anak ko?"
Nagkatinginan sila ni Shariffa.
"Lalabas na muna ako." Paalam nito kaya nagkaroon ng pagkakataon magsalita ang guro.
"Ilang buwan ko nang napapansin ang pagbabago ng anak ninyo, Mr. Peps. Actually, malaki ang naging problema nito sa grades niya. Ayoko sana manghimasok sa problema ng pamilya ninyo ngunit masyadong bata si Pauline para intindihin ang problema ninyong mag-asawa."
"Excuse me po pero wala kaming problema mag-anak, lalong-lalo ng asawa ko." Komento ko.
"I think hindi siya ang asawa mo tama?" senyas nito sa pintuan.
"Okay sorry gets ko na. Si Shariffa ang girlfriend ko hiwalay na kami ng dati kong asawa."
"Ito na nga po ang concern ko masyado siyang apektado sa nangyari. Hindi niyo po ba maaaring ayusin 'yan? Ang bata ang magiging kawawa sa pagitan ninyong dating mag-asawa."
"Hindi ko na nakakausap ang ex-wife ko saka ano pa ba magagawa ko?"
"Mayroon pa Mr. Peps…baka mas gusto ng bata magkaayos kayo ng mommy niya or else mas gusto niyang mag-stay sa ex-wife mo alin lang doon."
"Pero hindi naman niya totoong---"
"Kayo po ang makakapagdecide niyan ang sa amin lang mga guro niya ay bumalik sa dating sigla ang bata. Kawawa naman siya, at isa pa siya ang kaisa-isa kong mag-aaral na nakitaan ng pursigidong matuto."
"Nauunawaan ko po Mr. Policarpio gagawin ko po ang dapat gawin. Pasensya sa abala."
"Walang anuman ang gusto ko ay maging maayos na nga at bumalik ang dating aktibong si Pauline."
"Opo, maraming salamat."
"Kung may concern ka po maaari ninyo akong puntahan o tawagan para sa pagbabago ng behavior niya."
I nodded bago magpaalam.
Naratnan kong nag-uusap sina Pauline at Shariffa wala man akong nauunawaan sa usapan nila alam kong kinagagalitan niya ang anak ko. Paghakbang papalapit sa kanila kinabahan akong matindi ng matanaw kong nagmamadaling maglakad papalapit ang ex-wife ko sa kinaroroonan namin. Itong kaba ay hindi ko lubos maunawaan.