"Anak, are you okay?"
"Mommy!!!" Kaagad na humagkan si Pauline sa kanyang Mommy Shien.
"Okay na ako kasi nandito ka."
Batid man sa mukha ni Shien ang kaligayahan ay mababakas pa rin ang galit na awra ng tingnan ako. Hindi basta sa akin lang nagagalit kung hindi damay dito pati si Shariffa. Ilan buwan kami hindi nagkita pero ang laki ng pinagbago ng hitsura niya. Hindi na siya 'yong dating hindi palaayos, ngayon ay mababanayad dito ang presko nitong mukha at pangangatawan.
Hindi ako tinigilan titigan ng masama hanggang sa pagtayo.
"MAG-USAP TAYO." ngitngit itong lumayo sa kinaroroonan namin nila Shariffa at Pauline. Sinundo ko siya until magtama muli ang aming paningin.
"Sabihin mo lang kung hindi mo kayang alagaan ang anak natin dahil ako na mismo kukuha sa kanya." Buong tinuran nito.
"Kaya ko siyang alagaan. Kinaya kong alagaan ang anak ko kaya huwag ka magmarunong."
"Talaga? sige nga kung naging huwarang magulang ka nga sa kanya eh ano ito? bakit kailangan tawagan pa ako ng guro dahil masyado siyang nagpabaya sa pag-aaral?!"
"C'mon Shien lahat ng bata dumaraan sa pagbabaya lalong-lalo kung tungkol sa family problem."
"See, sa iyo mismo nang galing FAMILY PROBLEM. Sino ba sa atin dalawa hindi naging tapat ha?"
"Dios ko naman Shien hanggang ngayon ba iyan pa rin ang pagtatalunan natin? Grow up, dapat naka-move on ka na."
"Bakit sino nagsabi hindi pa ako nakamo-move on?"
"Ano ba malay ko?" Bahagya akong na ngiti dahil sa pagbabago ng reaksyon nito.
"Maayos na ako ngayon. Masaya na hindi tulad noong magkasama pa tayo kaya huwag ka magmataas diyan na akala mo dapat habul-habulin ka ng babae."
"Okay,"
"Kukunin ko si Pauline sa iyo."
"Hindi maaari."
"Hihintayin mo pa ba mas lumala pa ang nangyari ha?"
"Huwag ka na kasi magmarunong puwede? hindi mo anak si Pauline kaya tigil-tigilan mo magpaka-Nanay sa kanya."
"Concern lang ako."
"Kumilos ka sa tamang lugar." Inis kong paalala mukhang nakalilimutan na niyang anak namin ni Zen si Pauline.
"Inalagaan ko siya at tinuring na parang tunay na anak kaya hindi mo maaalis sa akin na mag-alala ngayong malayo siya sa akin. Ano ba naman kasi malay natin kung paano pagpapalaki ginagawa ng babae mo."
Hinatak ko ang braso bago mahigpit na hinawakan ang kabilang braso.
"Tandaan mo, wala na tayo. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari sa atin. Maging happy ka na lang sa buhay ko at sa buhay namin ni Shariffa. Hindi magtatagal ikakasal kami bubuo kami ng masayang pamilya."
Siya mismo humiwalay sa akin, "Bubuo ng pamilya kasama si Pauline? ako na nagsasabi sa iyo Peps, hindi magiging masaya ang bata kay Shariffa."
"Puwede ba hayaan mo na lang ako?!" Bulyaw ko rito na kaagad lumapit si Pauline.
"Dad, huwag mo sigawan si Mommy Shien."
"Pau, doon ka muna sa classroom ninyo please." Utos ko.
"No, sasama na ako kay mommy!" Yakap sa beywang nito.
"Kapag sinabi kong pumasok ka, pumasok ka! Huwag nga matigas ang ulo! Shariffa, kunin mo nga si Pauline."
"Oo sandali." hinatak niya si Pauline pero mahigpit lamang itong nakayakap kay Shien na ngayon ay nakikipag-agawan sa girlfriend ko.
"Bitiwan mo siya." inis nitong utos kay Shariffa.
"Pauline, makinig ka sa akin bumitiw ka na kung ayaw mong magalit ako sa iyo." Pananakot ng kasintahan ko.
"Ayoko, ayokong sumama sa inyo mga bad kayo sinasaktan ninyo si Mommy Shien. Mga bad kayo, hindi ninyo ako mahal!"
Sa inis nakuha kong hatakin papalayo si Pauline walang laban ang katawan nila sa lakas ko.
"Pumasok ka na nga sinabi!!!" tulak ko kay Pauline mabuti na lang maagap na sinalo siya ni Shariffa.
"At ikaw," duro ko. "Umalis ka na hanggat napipigilan ko pa ang sarili kong huwag kang saktan."
Nakipagtitigan bago ayusin ang shoulder bag at iwan kami. Nakaaawa man ang anak ko pero kailangan kong gawin na iwasan si Shien. Hindi mahirap mahalin si Shariffa kaya hindi ako mawawalan ng pag-asa na isang araw magiging maayos ang anak ko at si Sha.
"Love, umuwi na tayo." Utos nito habang hawak kamay kay Pauline na umiiyak pa rin.
"Hintayin ninyo ako at pagkatapos saka tayo uuwi."
Hindi ko alam kung anong dahilan bakit kusang tumakbo ang paa ko at hinanap ng mga mata ko ang prisensya ni Shien. Nang makita ko ito malapit sa canteen tinawag ko siya at kaagad naman lumingon. Inayos nito ang bag, kasabay ang paghawi ng buhok.
"Anong kailangan mo bakit humabol ka pa."
"May deal tayo hindi ba?"
"Alam ko."
"Pero tsk hindi ka sumusunod sa deal natin. Tigilan mo na kami. Ang gusto ko maging happy ka humanap ng lalaking mamahalin ka."
"Inuutusan mo ba ako?"
"Ganoon na nga para naman manahimik ka at tigilan kami."
"Okay." Sabay talikod.
"Huwag mo ko talikuran…" hawak ko sa pulsuhan nito. Wala na ba talaga akong nararamdaman sa babaeng ito? Bakit ganito na lang ako magalit kapag kasama siya?
"Kung wala ka nang sasabihin aalis na ako dahil may naghihintay na trabaho sa akin." Pareho kami bumitiw sa mahigpit na pagkakahawak.
"Tandaan mo palagi ang sinasabi ko sa iyo Shien tumigil ka na."
"Okay." Malawak nitong ngiti bago tuluyang umalis.
"Hey, love." Yugyog ni Sha sa braso ko.
"Sinundan mo siya?" Tanaw kay Shien.
"Hindi."
"Kung ganoon bakit nandito ka?"
"May bibilin sana ako sa canteen." Hindi mawala sa paningin ko ang babaeng kailanman hinding-hindi na dapat bumalik sa buhay ko.
TINAWAGAN ako ni Zayn mayroon daw gaganapin party sa isang sikat na Pavilion hotel. Mayroon bagong tayong building na naman si Erdem at tiyak nandoon ang buong lucifer kingdom. Ayoko na sana magpunta pero pinilit lamang ako ni Shariffa baka raw ito ang pagkakataon magka-ayos-ayos kaming apat.
"Peps, how are you? How is your family?"
"We are good, so far many projects are being done in different parts of the Philippines."
"Really? If the four of you have established a strong foundation in the Kingdom University then it will not be surprising that you will all be promoted."
"Iyon din ang dahilan kung bakit pinagbutihan namin hanggang huli. So Mr. Siongchan I will just go to my friends to give other details of the event."
"Okay go ahead."
Pumasok muna ako sa comfort room bago hanapin ang tatlo. Una kong nakita si Zayn, sunod si Erdem pero hindi ko nakita si Cedric. Late kaya siya? Mula pagdating ko hindi ko pa siya nakikita. Lumapit ako kay Erdem para batiin pero ito na mismo nagsalita para ipakilala sa mga hindi pamilyar na mukha.
"I would like to introduce you to one of my friends. He is a kind and trustworthy person when it comes to business."
"Ano ka ba masyado mo ako pinababango sa mga kasama mo. Sorry, Mr and Miss hindi ako mabuting tao kung minsan gumagawa rin ako ng mali." Sabat ko.
"Lahat ng tao gumagawa ng pagkakamali so alin sa mga ginawa mo?" Nakangiting usisa ng babae sa harap ni Erdem.
"Sobrang dami baka abutin tayo ng kinabukasan kung ikukuwento niya." sabat ni Erdem saka inilayo ang mga bisita nito maya-maya bumabalik sa kanyang puwesto.
"Ganoon na ba talaga ako kasama para abutin tayo ng kinabukasan?" natatawa man ako sa biro ni Erdem alam niyang medyo nasaktan ako.
"Sakyan mo na lang."
"Eh ano pa nga ba?" Ismid ko.
"Sus huwag ka masyado apektado hindi bagay."
"Para ang pagkakamali ko lang ay mahalin siya." Damdam ko.
"Hindi naging masama ang mahalin si Shariffa pero ang pagkakamali roon 'yong mahalin mo siya kahit may asawa ka pa. Alam mo, naaawa ako sa mga bata pero kahit ganoon pa man ay kinakaya ni Shien ang lahat nang ipamukha sa iyong kakayanin niya kahit wala ka."
"Sus, tapos na 'yon." tapik ko sa balikat niya. "Mas mabuti siguro kumain na tayo dahil kanina pa ako nagugutom."
"Ohh teka basta huwag ka maiilang nandito si Shien." Natigilan kami pareho sa paglalakad.
"Walang dahilan para mailang." Katwiran ko.
"Hindi mo pa ba siya nakikita? Ang laki ng pinagbago niya simula ng maghiwalay kayo."
"Malaki nga." Nguso ko para makita nitong wala akong interest sa kuwento niya.
"Mukhang nakakita ng bago."
"Iyon naman talaga ang hiling ko sa kanya ng maghiwalay kami."
"Sa palagay ko maayos na kayo at sana lang after ng magulong pangyayari eh manatili pa rin tayong magkakasama."
"Sa pagitan namin nagkaroon ng problema hindi sa inyo."
"Hmmm…" nakatingin sa hindi kalayuan. "Si Cedric masama pa rin loob sa iyo."
"Lalambot din ang lokong iyon."
"Kilalang-kilala mo na talaga ang kaibigan natin."
"Oo naman kaya hindi ako mag-aalalingan patawarin siya kung---"
"Stop, anong…ikaw pa ngayon magpapatawad eh sino ba sa inyo may kasalanan ha?"
"Ako."
"Ayon naman pala bakit patatawarin mo siya baliktad yata."
"Eh kasi hindi niya ako pinansin ng ilang buwan aba may kasalanan na rin siya sa akin. Samantalang ikaw, si Zayn kung todo suporta sa buhay pag-ibig ko samantala siya, ayon galit na galit."
"Ewan ko sa inyong dalawa parang mga bata."
"Kung magso-sorry siya magso-sorry din ako." Huli kong sinabi bago lumapit sa kinaroroonan nilang lahat.
"Tsk, lalabas muna ako masyadong mainit." panimulan ni Cedric.
"Mainit eh may aircon dito, ah?" taka ng asawa nito.
"Uminit kasi masyadong mainit," masamang titig sa kinatatayuan ko. Obvious naman pinariringgan niya ko ang hindi ko maunawaan bakit nagiging slow si Reign.
"LK, ano ba hindi pa ba kayo magbabati-bati?" tila nagsasawang sawi ni Roselle.
"Itong dalawa lang may problema, eh." Duro ni Zayn sa amin dalawa ni Cedric.
"Lalabas lang ako." Tuloy-tuloy paalam ni Cedric na siyang habol ng kanyang asawa.
"Hi guys!" Ang ex-wife ko nandito nga at kailangan ko na siguro tanggapin habang-buhay ko na siyang makakasama dahil sa lucifer kingdom.
"Saan mo iniwan si Paolo?" matapos nila magyakapan ni Roselle.
"Kay Jayson." napaka-aliwas ng mukha niya pero teka sinong jayson? kaya lang kung magtatanong ako baka isipin niyang interesado pa ako sa buhay niya pero sino si Jayson??
"Aba, mukhang in-love ang kaibigan namin, ah?" Tukso ni Thania.
"Hindi masyado. Actually, magaan kasama si Jayson nakasusundo niya ang anak ko." kuwento nito habang inaayos ang buhok paipit sa likod ng tainga.
"Ah eh di maayos at least wala man ang daddy niya nandiyan si Jayson para alagaan kayong mag-ina." mapanuyang tingin ni Erdem sa akin.
"Sinabi mo pa,"
"Baka isang araw malaman namin ikakasal na kayo."
"Hindi malabo."
"Uunahan mo pa ito?" sige Erdem mangbuwisit ka pa.
"Wala naman na akong pakialam kung sino mauuna sa amin ikasal ulit."
"May balak ka nga talagang magpakasal muli at sa palagay ko masayang-masaya ka sa feeling niya."
"Mas masaya, at mas kontento. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang masayang pamilya."
"Eh kung ganoon mainam yata i-celebrate natin ang nalalapit ninyong kasal syempre dapat makilala namin ang magiging asawa mo lalong-lalo ni Peps."
Lahat sila tumingin. Hindi ko gusto ang binabalak ni Erdem na sa amin na naman ang topic ng usapan. Past is past na nga eh bakit ba ungkat pa rin sila ng ungkat sa nakaraan. Bakit kasi hindi na lang sila maging happy sa kinalabasan ng kuwento namin.
"As soon as possible makikilala ninyo rin siya marami lang inaasikaso sa trabaho kaya wala pang-oras makipagkita sa inyo."
"Kapag okay na schedule niya tawagan mo lang ang barkada."
"Oo naman."
"At huwag ka mahihiyang lumapit sa amin kapag may problema." Dagdag ni Zayn.
"Nandito kami para suportahan ka sa lahat ng bagay alang-alang sa magiging future mo." singit ni Thania.
"Basta huwag ninyo isipin na magbabago ako dahil kahit na anong mangyari magkakaibigan pa rin tayo." Masayang paalala niya sa amin lahat.
KUMUKUHA ako ng pagkain sa long table ng makatabi ko si Shien na abalang pumipili ng makakain.
"Sino ba si Jayson? kailan mo siya nakilala? mabait ba talaga 'yan?" Suri ko habang pumipili ng gulay.
"Mabait sa mabait, nakilala ko siya sa trabaho." tugon nito kumukuha ng sauce.
"Trabaho? sabi na nga ba at may ibang lalaki ka noong nagsasama pa tayo."
Dinig kong tumikhim ito saka pinatitigan mukha ko.
"I never made a mistake in our relationship maybe you are too guilty there right?"
"Eh ano ba malay ko?" pareho nagsalubong kilay namin. "Mayroon ba umamin na nanloko siya ng karelasyon?"
"Ikaw, umamin ka nga 'di ba at dinala mo sa bahay para ro'n tumira. Alam mo sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari naiinis ako at naisip ko rin parang wala kang pinag-aralan, ni hindi mo ako irespeto bilang asawa mo."
"Matagal na 'yon," taas kilay ko rito pero siya na gawa lamang matulala.
"Tama ka matagal na 'yon at kinalimutan ko na." Pinuno niya ng lettuce ang plato ko bago bumalik sa kanyang puwesto. Napatitig na lang ako sa gulay dahil kung ang mga nangyari kinalimutan na niya pero ang favorite kong pagkain ay hindi.
Sakto wala pa iba namin kaibigan sa table sinundan ko siya at tinitigan ng maigi.
"Tigilan mo ko, Peps." Banta niya.
"Gaano mo kilala si Jayson?"
"Puwede ba?" yamot nito.
"Gusto kong malaman dahil…dahil baka sa bandang huli saktan niya ang anak ko."
"Tsk, Jayson is a good man kumpara sa iyo."
"Mabait din naman ako, ah!"
"Oo na…" yamot na yamot.
"Puwede ba kausapin mo ako ng maayos, saan mo siya nakilala."
"Sinabi ko na nga 'di ba sa trabaho."
"Mga kilala ko kasama mo sa work."
"Minsan tanga ka rin mag-isip, ano? Hindi ba puwede naging masugid namin kostumer?"
"So ganito pala matagal ka na niyang gusto," padabog kong ngitngit.
"Ano ba problema doon???"
"Ang iniisip ko nga gusto ka niya noon pa!"
"Tama ka pero kahit na kailan hindi ko pinansin ang pagpapalipad hangin niya dahil iniisip kong pamilyadong tao ako."
"Pero ngayon pinatulan mo nagpauto ka, tsk kabobohan." Cross-armed ko.
"Eh ano kung pinatulan ko siya, at nagpauto? S.I.N.G.L.E M.O.M ako baka nalilimutan mo."
Napaayos ako ng upo na realize ko kasi naging over-acting ako sa pagkakaroon niya ng bagong lalaki tapos handa pa siyang pakasalan kahit may anak na.
"Ah basta!" ngitngit ko. Umiling ito bago isubo ang pagkain. "Malaman ko lang na sinasaktan niya ang anak natin, ako mismo papatay sa kanya."
"No way, malabo yata 'yang naiisip mo."
"Malaman ko lang talaga." ngitngit kong dabog sa table.
"Bago mo husgahan ang magiging bagong asawa ko sana kilalanin mo muna ang bagong girlfriend mo baka mamaya sinasaktan niya si Pauline aba talagang mararanasan niyang mangapal ang pisngi dahil sa sampal ko."
"Oh c'mon hindi mo magagawa 'yon."
"Kaya kong gawin lalo kung mga anak ko na ang nasasaktan."
"Okay, okay, wala na akong sinabi pa pero nakasisiguro ako hinding-hindi nananakit si Shariffa ng bata. Kung alam mo lang katakot-takot na sakripisyo ang nilaan niya para mapaamo si Pau."
"Dapat lang talaga siya maghirap dahil ako man noon nahirapan paamuhin si Pauline."
"Iyon ang hindi totoo." Nagkatitigan na naman kami. "Noon pa man gustong-gusto ka niya para sa akin kaya nga simula ng maghiwalay tayo ikaw pa rin ang hinahanap niya."
"Bakit kasi ayaw mo siyang ibigay sa akin??"
"Hindi puwede. Ang usapan ay usapan. Huwag mo ipilit ang bagay na hindi dapat."
"Hmmm, may alam ba rito si Zen??"
"Oo saka wala 'yong pakialam sa buhay namin ni Pauline."
"Hay, puwede ba 'yon wala siyang paki?"
"Walang kuwenta siya."
"Tsk, ewan ko sa iyo."
"Ohh, ang seryoso ninyong nag-uusap, ano magkakabalikan na ba??" Dating ni Zayn.
"ASA!" Halos sabay namin sigaw dito pero imbis umismid si Zayn nakuha niyang pagtawanan kami habang dumarating ang iba pa.
"Sigurado ka walang nuts sa mga pagkain??" Panimula ni Ced kay Reign.
"Wala."
Sabay sila na tingin sa akin, "Hay, wala ba ibang table?"
"Huwag ka na mag-demand Ced dahil ito na ang pinaka special." sabat ni Erdem.
"Nawalan ako ng gana, aray!" nakatikim ito ng kutos mula kay Reign.
"Pagkatapos mo ako papuntahin sa kitchen ng hotel na ito."
"Ihanap mo ako ng ibang table."
"Ano aarte ka pa? Eh kung tadyakan ko 'yang ano mo ng mamalipit ka sa sakit." Banta nito.
"Huwag mo ko ipahiya sa maraming tao." Halos pabulong nito sa asawa.
"Talagang mapapahiya ka kung hindi mo kakainin ito," tulad sa plato.
"Oo na, sige na."
"Good. Akala ko ay magpapatigasan tayo ng ulo."
"Malambot ulo ko,"
"Magtigil kayo sa kaaaway kaya nadadamay kami, eh." Awat ni Zayn.
"Pero at least tapos na tayo sa problema si Peps na lang."
"Hoy, magtigas ka." Banta ko kay Erdem.
"Baka kasi ano…"
"Tapos na problema ko bubuo na nga ako ng bagong simula."
"Tsk, proud ka pa."
"Cedric," awat ni Reign. "Pasensya na." hingi nito sa akin.
"Ayos lang."
"Masyado ka makasarili gusto mo ikaw lang masaya samantala siya hindi."
"Ako?" Turo ni Shien sa sarili. "I'm sorry pero matagal na akong naka-move on."
"Sige magpanggap ka hanggat kaya mo, Shien."
"Ced, ano ba?" Awat ni Reign.
"Ah basta hindi pa rin ako makikipagbati sa iyo hanggat hindi mo na rerealize na mali ang ginawa mo." Tumayo saka ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa.
"Wala na akong magagawa."
"Ibig sabihin ayos lang sa iyong magsaulian kayo ng kandila?" Duda ni Erdem.
"Bahala na kayo kung ano naiisip ninyo basta pakakasalanan ko si Shariffa dahil mahal ko siya."
"Ang tigas nang ulo huwag sana ito lumapit sa atin ng luhaan." Parinig ni Cedric.
"Sinimulan ko ito at tatapusin kayo kung ano ba ang gusto ninyong mangyari dahil kahit nasa araw kayo ng kasal o wala matutuloy ang plano namin."
Lahat kami nagulat sa biglang pagtayo ni Shien habang nakatingin kay Cedric.
"Tama na nga ang away. Cedric, tigilan na natin siya ang mahalaga naman dito 'yong pareho na kami masaya sa ibang tao. Maraming bagay tayong nakasanayan makita, o marinig pero sana matuto tayong tumanggap sa mga nangyayari sa ating buhay. Kung minsan dapat tayo sumabay sa agos dahil baka ito ang nais iparating ng Dios maging masaya kahit gusto mo pa ulitin ang nakaraan. Wala na tayong magagawa dahil may nangyari nang hindi natin napigilan. Sumabay na lang tayo sa agos."