Kabanata 5

2861 Words
"LOVE, are you okay? You haven't talked to me before. Kung hindi mo gusto sumama ayos lang naman sa akin." Walang problema kung samahan siya dahil ngayong araw ito pipili ng isusuot para sa nalalapit naming kasal. Ang iniisip ko, hay paano ba ito? sinasadya talaga ng pagkakataon. Malalim pa rin ang pag-iisip ko ng huminto ang kotse. "Ibababa na kita hintayin mo ako sa bahay. Masama ba pakiramdam mo?" Umiling ako, "Nope, wala ba ibang place na pagpipilian ng gown mo? May alam ako mas magaganda at mahal doon na lang tayo." "Bagong branch 'yon, love. Kadalasan kapag bagong branch nandoon ang mga bagong design. Hindi kalayuan 'yon actually three minutes lang nandoon na tayo, ano ba problema?" "Nothing." No way, bakit hindi ko masabi na 'yong bibilhan niya ng gown ay malapit sa trabaho ni Shien. Ewan ko ba simula ng mag-away na naman kami parang natatakot na ako makita siyang muli. Simula ng malaman kong may bago na siyang lalaki at handa siyang pakasalan nakaramdam ako ng guilt. Ang akala ko ay ako lang ang magiging masaya pero bakit ko nga ba iniisip 'yon hindi ba dapat maging happy ako dahil walang malurit? "Ano, love?" tapik sa hita ko. "Sige sasamahan kita pero saglit lang may meeting ako after one hour, sorry." "Hay, ang akala ko kung ano na. Ayos na sa akin samahan mo ko kahit sandali." Muli nitong pinaandar ang kotse. Pagkaraan ng tatlong minuto narating namin ang sinasabi nito bagong bukas na store. Mas ikinakaba ng dibdib ko dahil halos katapat ng tindahan ni Shien ang kinatatayuan namin. Walang alam si Shariffa about dito at ayoko rin sabihin sa kanya baka kung ano pa isipin. Pumasok kami sa loob. Pumili ng mga gown. Nag-ikot-ikot. Maya-maya kinalabit ako. "Kung aalis ka puwede mo na ako iwan." "Talaga?" "Oo, kayang-kaya na." "Sayang hindi ko makikita mapipili mong gown." "Pag-uwi sa bahay isusukat ko para sa inyo." I nodded, "Mabuti, paano mauuna na ako, love." "Sure ingat ka, love." "Mag-taxi ka na lang pasensya na talaga." "No worries baka magpasundo ako sa kapatid ko." "Sige," tarantang hugot ko sa cellphone dahil may tumatawag. "Tinatawagan ka na yata. Sige na umalis ka at mag-iingat ha." Ni hindi ko nagawang halikan ito sa pisngi sa kahahadaling makalabas ng store. Sinagot ko muna ang tumawag pero hindi inaasahan ng buksan ko ang pinto ng kotse napansin ko si Shien. Walang ginagawa pero may kausap na lalaki. Hitsurang pamilyar ang mukha hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Maybe just about six steps to get close to their store so I can see who is inside. They seem to be happy while talking but dedma I do not want to think that she is flirting with others. What do I care? We are gone, separated. Yes hiwalay na nga kami. Ito lang utak ko ang magulo dahil masyadong apektado ngayon sa nangyayari. Ugh, magtigil ka na Peps, c'mon huwag ka mag-isip ng husto. "Hey, nandiyan ka pa ba?" Umismid ako sa pag-aakalang wala na tumawag sa kabilang linya. "Erdem…" "Oh?" "Can I know her boyfriend's last name?" "Shien??" "Yeah," "I don't know yet but I will know for you I will call you when I find out." "Thanks, dude." Sabay patay sa kanilang linya. Hindi ako sure kung saan ko siya nakita or what basta feeling ko nakita ko na siya lately. Just a few minutes later he called again. "Simula ng magbinata siya mayroon siyang business na pinatakbo at sa tulong na rin ng kanyang Ama na si Superintendent Clinton Olivares ay lalong naglago 'yon. Aba, bigatin pala itong ipinalit sa iyo ni Shien. Superintendent ang daddy ni Jayson." "C-clinton Olivares??" halos masalo ko ang sariling katawan upang huwag mawalan ng balanse. Sa dinami-rami bakit sila pa makikilala ng ex-wife ko. "You know him? in fact, Clinton will be recognized as a good policeman in the philippines as if no one wants to take his place. Hanga na sana ako sa trono niya pero base sa nalaman ko isa siyang drug lord and kaaway siya ng mga gangster." "Yeah, I know." "Alam mo?" "Oo," "Paano? teka….huwag mo sabihing---" "Sasabihin kong may sinalihan akong grupo ng mga gangster." "Peps!" "Bahala ka kung gusto magalit pero desisyon ko ito." "Bakit naman?" nasa boses nito ang pagka-dismaya. "Desisyon ko ito." "Alam mo ba maaaring mangyari kapag nalaman ng mga kaaway ng grupong sinalihan mo ang buo mong angkan??" "Alam ko pero kilala mo ko hindi basta papetiks-petiks. Alam ko kung kailan dapat maging handa o kailan dapat easy lang." "May pamilya ka na, Peps. Hindi mo ba iniisip ang safety nila?" "Kayang-kaya ko silang protektahan." "Hanggang kailan, Peps." "Mahina na ba talaga ang paniniwala mo sa akin ha?" "Hindi naman…pero…The four of us swore not to re-enter any gangster group for the protection of the family. Let's not go back to the past palalalain mo pa ba ang sitwasyon? sabihin na natin hindi ka natatakot kay Cedric pero…hanggang kailan ka makakakilos na hindi nasasaktan isa man sa pamilya mo?" "Ito pa nga ang gusto kong sabihin sa iyo maganda ang grupong sinalihan ko talagang protektadong-protektado ng bawat miyembro." Nakuha lamang nito bumuntong-hininga bago patayin ang kabilang linya. Nagsawa na yata. Mukhang suko na siya. Sorry sa kanya dahil buo na desisyon ko. Malaki rin ang sinakripisyo ko para lang makapasok sa Wild Tester. My eyes looked again at where they were. That's why that man's face looks familiar because his daddy is furious with gangsters. Parang may bumulong na puntahan ko sila. Then masyado nga masunurin ang mga paa ko at naratnan kong masaya silang nagtatawanan at nag-uusap. Panandalian itong tumingin sa akin bago bumalik ang ex-wife ko sa cashier area. Lumiko ako sa mga paninda pinagdadampot ko ang mga paninda kahit hindi ko kailangan. Masama ang paninitig ko sa kanya ng magbabayad na ako sa counter. "Good day, Sir." Ang ganda ng pagkakangiti niya. "Huli kong makita kang nakangiti ng magkasama pa tayo." Walang preno kong sabi. Kaagad niyang pinukaw ang paningin sa kasintahan. "Card ho ba o cash?" Tila dedma ito. "Alam mo naman hindi ako nagdadala ng cash." Ismid ko sabay abot ng card. "Thank you, Sir." Maagap kong hinatak ang card pero… "Bakit ganyan ka makipag-usap sa akin? akala mo kung sino ka na, ah?" Nanlaki mata niya alam ko dahil halata siyang may pilit na itinatago sa kasintahan. "Excuse me...may problema ba?" Asungot may linya na ngayon. "Hi," lahad ko rito. "Ako ang ex-husband niya, kung hindi ako nagkakamali ikaw si Jayson Olivares." "How did you know? Uhmm, so ikaw pala ang ex-husband ng asawa ko." "ASAWA?" ngitngit ko. "Dude, nag-propose na ako saka wala na rin naman kayo hindi ba?" "Tama ka." Tanaw ko kay Shien na ngayon hindi mapalagay. "Thank you, sir." Pilit pinagtutulakan ako papalabas ng store. Huminto kami sa tapat ng kotse ko. "Sa susunod na wala ka magawa puwede ba huwag mo akong idadamay?" Naiinis nitong saway. "Paano walang magawa bumili lang ako ng makakain ng mga bata." "Sa dinami-raming tindahan dito mo pa napili!" "Bakit naman hindi eh nandito kami ni Shariffa para mamili ng isusuot niya sa kasal namin. Why do you react like that? You think maybe I'm chasing you, asa ka." Ngumuso ito tulad ng ginagawa niya dati kapag napapahiya at walang masabi. "Sana last na itong pagkikita." Irap nito bago ihakbang ang mga paa palayo. "Hindi ka ba pupunta sa kasal namin?" Mahina man pero may maangas na tono kong tanong. "Matuto ka huwag maghintay dahil masasaktan ka lang. Plano namin ikasal na hindi ka kasama, so asahan mo rin hindi ako pupunta sa araw ng kasal ninyo." Patalikod na sana ng buwelo ako. "Mas mainam na masaksihan mo ang kasal namin para marinig mo ang mga salitang ni hindi ko na sabi sa iyo." "Bakit sino ba may pake?" Sa pagharap niya parang nangilabot ako at naawa sa sitwasyon nito. She is crying. Ako na naman ba ang dahilan? "Umalis ka na at huwag nang babalik!" Kahit mahina pagkakabigkas nito ramdam ko 'yong kirot. Sakit na hindi ko maintindihan. Para ba gusto kong matauhan ng paulit-ulit pero hindi ko magawa. Ano ito Peps may care ka pa rin ba sa feelings niya? Bobo ka kung ganoon. Iniwan mo na 'yan, eh. Sinayang mo na nga tapos mag-eenarte ka na parang nagsisisi. Huwag mo na nga dagdagan ang kabobohang ginawa mo. "Ano pa ba hinihintay mo lumayas ka!" Sa takot, at lakas ng kaba nakuha kong pumasok sa kotse na hindi pinag-iisipan ang gagawin muntik na akong mabangga sa poste mabuti ay kaagad kong na i-preno. "f**k!" Natatanaw ko siyang nakatingin sa duluhan ng kotse ko hanggang sa pinahiran nito ng panyo ang pinsgi. Pumasok siya sa store na para ba walang nangyari. APAT na araw at dalawang gabi akong nag-stay sa bora kasama ang ilan kong ka-trabaho. After that diretso kaagad ako sa office para asikasuhin naman ang ilang paper works na hindi naitapos. "Sir Peps nasa labas po si Ma'am Shariffa at Pauline." wika ni Sikretarya. "Papasukin mo." Maya-maya pumapasok ang dalawa. Si Shariffa may ngiti sa labi pero si Pauline hindi na naman maipinta ang pagmumukha. "Love, I really miss you!" Hagkan nito. Sumenyas ako kay Pauline na lumapit pero naupo lang sa sofa. "Love, baka naman mamaya hindi ka pa umuwi." "Uuwi na tapos ko na lahat." "Talaga so mag-Bebetime na tayo mamayang gabi??" "Oo naman," halik ko rito pero kaagad kong na pansin ang kasuotan ni Pauline. "Pau, bago dress mo?" "Nag-shopping kami isang araw nakita kong babagay kaya binili ko na." siyang tugon ni Sha. "Ang bait mo talaga, love." "Syempre, at maganda pa." "Pero…" lumapit ako kay Pauline. "Masyadong mainit kung long sleeve sana kahit spaghetti style ang dress niya." Siyang sunod nito, "Eh kasi mas bagay saka noong nawala ka rito pinatawag ako ng guro niya nakikipag-away daw ito sa kaklase kaya ayon nakakuha ng pasa, at sugat sa braso at binti." "Hindi nga?" Nag-aalala kong hinanap ang galos sa binti, tuhod maging sa braso ay tiningnan ko rin. "Bakit ka nakikipag-away?" "Bad sila." "Pero anak bad din pumatol sa kapwa." "Bakit ikaw dad nakikipag-away din?" "Iba naman kasi 'yong sa akin at sa iyo malayong-malayo." Inayos ko ang kasuotan nito. "Kakausapin ko ang guro niya." "Huwag na Love pinagsabihan ko na silang alagaan ang mga bata lalo sa bawat kilos hindi natin masasabi na makakukuha sila ng sugat sa pakikipaglaro lang o away." "Hay, tingnan mo 'yan hindi sa lahat ng lugar air condition maiinitan ka." "Masasanay din siya kasalanan din naman niya kaya okay lang din maparusahan." "Hindi dapat parusa gagawin kay Pauline dapat pagsabihan lang." Balik ko sa puwesto. "Buweno, bakit nga pala kayo napunta rito?" "He-he manghihingi sana ng pang-shopping." "Shopping?" "Oo, ubos na budget ko." "Ikaw maubusan ng pera oh siya here's my card bilhin niyo kung ano gusto ninyong bilhin." Abot ko rito. "Woow, thank you, Love!" Yumakap sa leeg ko. "Ibili mo na rin ng bagong damit si Pauline madali lang mawawala ang pasa." "Hmm, okay! Aalis na kami para makarami." Magpapaalam pa sana ako kay Pau ng hatakin siya ni Sha palabas ng office. Mukhang okay na sila lately siguro unti-unti nang nagbabago ang lahat. Sana ay tuloy-tuloy na ito. "I ALREADY have a picture of Clinton Olivares' son." Lapag ng leader namin. Nagpatawag ito ng biglaan pulong. Kanya-kanya kami hawak ng iba't-ibang larawan ni Jayson. "Nasa akin na ibang impormasyon tungkol sa buhay nito. Actually malapit na siyang ikasal sa single mom na kung saan man niya nakilala." I knew it. Kung saan lang, kung alam niyo lang sa akin nang galing 'yan. Pero dahil tikom ako ay nanatili ako na walang alam. "Iyon naman pala bakit hindi natin gantihan 'yang anak ni Superintendent ha?" Gigil ng isa. "Idamay natin ang mapapangasawa!" Dugtong ng isa pa. "Tama para makaganti tayo sa matandang drug lord na 'yon!" Sigaw ng kung sino. "Wait lang," tikhim ko, lahat sila tumingin sa akin. "Hindi ba dapat alamin muna natin kung alam ng mapapangasawa niya na drug lord ang dad ni Jayson? I mean, baka hindi niya alam kaya---" "Hindi ko pa man sinasabi sa inyo sinundan ko na sila kahit saan magpunta at sa palagay ko alam na niya transaction ng ama ni Jayson pero…matanong ko lang paano mo nalaman ang pangalan niya?" Natigilan ang lahat. Nakatingin sa akin  a may pagdududa. Walang lumalabas na boses kaya nanatiling tikom. "Marahil binasa niya sa larawan." Dugtong ng isang kasama namin na tinuro ang isang larawan. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ang akala ko ay mabibisto ng lahat na ex-wife ko ang mapapangasawa ng anak ni drug lord. "Let's change the subject, next week we will ambush Olivares." Masamang tingin pukaw ng leader namin sa bawat miyembro nito. "With his whole family." Whole family. Teka. Kasama ba si Shien sa planong iyon? "There will be a party at the Olivares' house. I already talked to the sniper before they got home. My staff will be waiting for them at ang gagawin niyo lang ay maghintay." "Exciting..." "Hindi na makapaghintay." "Malapit na tayo makalaya sa druglord na 'yon." Nagtama ang tingin namin ng leader mapansin tahimik ako. "Wala ka ba sasabihin, Peps?" "Uhmmm…sa party ba na 'yon lahat sila magkakasama sa iisang kotse?" He nodded, "Yes, iisa lang sniper na kinuha ko pero I'm sure lahat ng nakasakay doon ay mamamatay." Kinabahan ako. Hindi mapakali. "K-kailan gaganapin ang party?" Kabado ko pa rin usisa. "Next week." "Kung ganoon ay kompleto sila?" "Oo nga, HUWAG mo sabihin naaawa ka?" "Hindi! Syempre hindi." Tanggi ko. "Akala ko bumabahag ang buntot mo gayong wala naman kayong gagawin kung hindi manuod at maghintay sa mangyayari. Huwag kayo mag-alala dahil once sabay-sabay mamatay ang mga Olivares mapapalitan na siya ng uncle ko wala na tayo magiging problema dahil ang batas ay manggagaling na sa atin." Evil smile nitong si Leader. Isang malaking problema ito kung magkataon. Paano kung 'yong kotseng sinasakyan ni Clinton ay kasama sina Shien at Paulo?  ibig sabihin masasama sila sa matatamaan ng sniper. MUKHANG KAILANGAN KONG BALAAN ang mag-ina ko. "ANO?!" Isang nakabibinging sigaw ni Erdem matapos kong aminin ang planong pang-a-ambush sa pamilya ni Jayson. Ayaw pa yata sumaulo ang mga kuwento ko kung kaya't hindi na mapakali. "Dapat natin sabihan sina Shien." "Oo nga," komento ko. "Kailangan gumawa ka ng paraan." "Bakit ako, hindi puwede. Ako ang mananagot kung makikialam sa gagawing plano ng leader namin." "Bobo ka ba o tanga??! Mag-ina mo ang nasa bingit ng kamatayan! Paano kung itong na iisip ko ay mangyari, sige nga? Katakot-takot na galit ang mangyayari kay Cedric at kung nagkataon ang WILD TESTER at LUCIFER KINGDOM ay magtatapat. Paano ka pipili kung mapaglalagitnaan ka ng away?" "Kausapin mo si Shien, ikaw na ang bahala pumigil sa kanila." "Hindi makikinig sa akin 'yon at malamang magtatanong sila kung bakit." "Eh di sabihin mo." "Paano kung sa sabihin niya kay Jayson ang plano ninyo? Eh di ikaw naman ang lagot sa wild tester." Pabalik-balik ito sa paglalakad. "Mabuti pa ayain mo sila magbakasyon bago ang party sa bahay ng mga Olivares, iyon lang ang nakikita kong solusyon." "Palagay ko nga." UMUWI  ako sa bahay na tulala at nag-iisip ng mabuting gawin. Naupo kaagad ako sa tapat ng hapag-kainan dahil mayroon ng pagkain sa ibabaw. "Love, nandiyan ka na pala." Yakap nito. "May problema ka ba?" "Ah, wala sa trabaho lang ito." "Huwag ka masyado mag-isip maayos mo rin 'yan." "Si Pauline nga pala?" "Maagang na tulog." Nagsalubong ang kilay ko, "Maaga? Bakit?" "Pinakain ko naman ng maaga hayaan mo na lang baka nagbabawi ng tulog dahil sa maghapon sa school." Kibit-balikat akong sumubo ng pagkain. Hindi yata ako patutulungin ng konsensya.  Ayokong nandito lang ako habang sina Shien at Paolo ay nasa bingit ng kamatayan. "Next week punta tayo sa boracay." "Talaga???" "Oo." "Bale ikatlong beses ko pa lang makapupunta roon so dalawang ticket ba kukunin ko??" Hindi mawala ang ngiti sa labi. "5 tickets." "Five? may kasama ba sa ka-workmates mo?" "Nothing," "Sino?" "Sina Shien isasama natin." "What?!" "Easy, love." "Anong easy, love? anong ibig sabihin nito ha?" "Bakasyon with them pangbawi dahil kapag kinasal na tayo aalis na sila and I don't know kung saan sila magpupunta." "Kailangan pa ba bumawi?" Crossed arm nito. "Oo, last na rin naman ito." "Hays," "Pumayag ka na." "Sige na nga!" "Bakit parang masama pa rin loob mo?" "Oo na bibili ako ng limang ticket bukas na bukas para next week aalis na tayo." Tahimik na muli kami sa pagkain. Isa na lang problema kung paano ko mapapayag si Shien sa bakasyong plinaplano ko. AYOKO MAN magpunta sa store nila ay nakuha kong magpakita rito. "Ano na naman ba kailangan mo?" Ito 'yong kabungad-bungad sa akin. "Magbabakasyon kami sa boracay at pinag-usapan namin na isasama kayo ni Paolo." "Ayoko." "Libre lang." "Kahit na." "Pangbawi ko, I mean sa mga pagkukulang ko and after nito magkakalimutan na tayo." Sagad ang galit sa mukha ng itigil ang ginagawa. "Ano ba binabalak mo ha, Peps? Kung plano mong saktan ako sa paraan alam mo puwes hayaan mong manahimik kami." "Ayoko." "Buwisit ka." "Sumama kayo sa ayaw mo man o gusto, next week na ito." "Hindi ako puwede pasensya na." "Kaya nga kita inaaya, eh." "Ano?" "Sabi ko kaya kita inaaya dahil miss ko na si Paolo." "Eh di si Paolo na lang isama mo." "Kaya mo ba malayo sa kanya?" Natahimik. "Pumayag ka na." "May gaganapin party sa bahay nila Jayson hindi puwede na wala ako roon dahil may mahalagang sasabihin ang pamilya sa kamag-anak nila." "Gaano ba kahalaga 'yon para tanggihan ako?" "Damn, mas mahalaga 'yon dahil pamilya siya ng mapapangasawa ko anong klaseng---" "Sasama kayo." "Hindi nga puwede." "Basta sasama kayo." "Bahala ka sa buhay mo." "Sumama na kayo please?" "Bakit ba namimilit ka?" "Dahil nagpapapilit ka." "Natuto na ako…" "At ano?" "Na hindi magpapilit sa iyo." "Shien Shien naman!" "I'm so sorry hindi talaga puwede." "Saglit lang tayo doon at bago ang araw ng party saka kita iuuwi." "Bakit ba ang pilit mo?" "Dahil ayaw mo pa pumayag." "Hays," "Pumayag ka na. After ng bakasyon ibabalik ko kayong ligtas ni Paolo." Napairap na tila gusto akong saktan. Tinapos muna ang gawain sa store hanggang sa marinig ko ang salitang mula rito… "Oo na pumapayag ako basta ibalik mo kaagad kami before party, okay?" I nodded,  "All right, promise is promise." Gustuhin kong yakapin ito pero parang ang layo na niya hindi tulad ng dati nagmamakaawang huwag ko siyang hiwalayan. Totoo nga ba ang pagmamahal niya kay Jayson?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD