Kabanata 6

2811 Words
"LOVE!" "What?" "Tinawagan ka ba ng guro ni Pauline?" "Hindi, bakit?" "Wala naman baka lang kasi gumagawa ulit ng mali." "Ah, don't worry love mabait si Pauline siguro hindi na niya uulitin ang pagkakamali." Nag-aayos ito ng buhok ng mapansin ko. "Aalis ka?" "Yes, magkikita kami ng mga friends ko." "Isasama mo si Pauline?" "Hindi, ah. Alam mo ba palagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko. Hindi pa man daw ako kasal at wala pang-anak eh mukha na raw akong haggard." "Sinabi nila 'yon at naniwala ka naman?" "Oo." "Huwag ka basta magpapaniwala sa sinasabi ng tao malay mo humahanap sila ng butas para sirain ang magandang buhay mo." "Mga kilala ko na sila, love." "Sige ikaw ang bahala." Nagpaalam kaagad ito para umalis. Pinasok ko ang kuwarto ni Pauline na ngayon ay natutulog pa. Bago itaas ang kumot sa namamaluktot nitong katawan pansin ko ang mga pasa sa kanyang braso at hita. Hind lang 'yon mayroon din itong sugat sa binti. "Pauline, Pauline." Gising ko rito. "Daddy?" Namumungay nitong mga mata ng bumangon. "Where did you get it?" Hawak ko sa braso. "Dad," "I said where did you get it?!" "Nadapa lang po ako sa school." "Are you sure?" "Opo, dad." "Bakit ayaw mo naman mag-iingat?" "Sige dad sa susunod mag-iingat ako para hindi ka na magalit. Sorry daddy." Nahabag ako sa pagluha ng aking anak. Hindi niya kailangan maranasan na para ba walang ina. Si Shariffa ang sagot. Siya ang tanging magpapakita ng pagmamahal sa anak ko. Siya ang nakikita kong makatutulong sa aking buhay. Maya-maya nakatanggap ako ng mensahe sa isang tao. At dahil wala akong mapag-iiwanan kay Pauline ay sinama ko na pero hindi pumayag ang taong kakausap sa akin na isama siya sa loob. "Mabuti ho at nakarating kayo." "Wala pa naman ho trabaho kaya na isingit ko. Ano ho problema Mrs. Policarpio?" "Concern lang ako sa ikinikilos ni Pauline ang totoo nagtataka kami hindi naman siya madalas lumabas ng room pero napapansin ng mga classmates niya ang maraming pasa at sugat kaya hindi ko na tiis i-text ka." "Maganda ang patakaran ng school niyo kaya nga dito ko ipinasok ang anak ko pero kung concern niyo ang pagkakaroon niya ng pasa sa katawan at sugat hindi ba dapat tungkulin ninyong alamin? Baka may mga classmates siyang palihim na sinasaktan." "Iyan din ang naisip namin nakuha kong kausap ang mga estudyante ko isa-isa para lang umamin pero iisa lang ang sagot..." "What?" Tila ayaw ng ituloy ang sasabihin. "Sabihin ninyo para malaman ko kung ano gagawin natin." "Pumapasok si Pauline na may pasa at sugat na." Saka ko nakuha ang ipinupunto nito nasa loob ng pamamahay ko ang may dahilan. "No way, sa palagay niyo magagawa kong saktan ang anak ko? ang sarili kong anak??" "Huminahon kayo Mr. Victoria alam kong hindi ninyo magagawa ang bagay na iniisip namin pero...concern ko lang sana kausapin mo ang girlfriend mo." "You mean? ibig sabihin si Shariffa ang pinanghihinalaan ninyong nananakit sa anak ko? No way, hindi niya magagawa 'yan sa anak ko. Mahal na mahal niya si Pauline ang laki ng sarkripisyo niya para lang mapaamo ang bata." Bumuntong-hininga, "Kung ganoon mas mainam si Pauline na lang ang kausapin mo baka sakali magsabi siya ng totoo." Pareho kami walang masabi ng maghiwalay. Marahil ay si Pauline lang ang tanging makasasagot sa mga tanong namin na hindi mabigyan ng sagot. Pero paano, paano ko siya kauusapin ng maayos? Pinatitigan kong mabuti si Pauline habang nagmamaneho. Nakatanaw ito sa labas ng kotse. Ngayon ko lang na pansing marami siyang pasa sa braso at binti. Sa inis ko ay nakuha kong hawakan ng mariin ang manibela. Ayokong isipin sinasaktan siya ni Sha dahil kilala ko siya malapit 'yon sa mga bata. "Pau," tawag ko na sabay lingon din. "Saan mo gusto kumain?" "Sa bahay." "Ayaw mo sa Jollibee, o McDonald's?" "Ayoko po gusto ko na lang sa bahay." "Ganito na lang magpunta tayo sa mga ninong mo." "Gusto ko na lang po matulog." Nakuha ko na naman bumuntong-hininga sa inis. Kasalanan ko ito, masyado ba ako naging bulag o ano? may dapat yata akong gawin. "ANO pumasok sa isip mo para magpakabit ng cctv footage?" habang pinapanuod ang mga taong nagkakabit ng cctv sa loob ng bahay namin. "Para sa kaligtasan." "Ngayon natatakot ka na?" "Mas mabuti malaman ko kung safe ba sina Sha at Pau kapag wala ako." "Napaka-sweet." Bukod tangi kami lamang ni Erdem ang nakaaalam tungkol sa cctv. Plano ko talaga gawin ito kahit hindi ko pinagbibintangan si Sha. Kumbaga gusto ko lang makasigurado sa safety ng dalawa. "Bakit hindi mo palagyan 'yong kuwarto ninyo ni Shariffa para may sarili kang---" natigilan ito ng tingnan kong masama. "Hindi ka na mabiro sige go mo lang 'yan plano mo." "Pumayag na ba si Shien sa bakasyong nais mo?" Pagbabago nito sa usapan. "Oo sa awa ng Dios." "Eh di wala nang problema. Ang dapat mo lang gawin ay huwag hayaan makauwi ang dalawa ng mas maaga sa itinakdang party." "Ako nang bahala basta sisiguraduhin kong maliligtas sila." "Dapat lang," "Kahit ex-wife ko na lang 'yon may pinagsamahan naman kami." "Hindi siya ibig kong sabihin syempre si Paolo hindi niya dapat dinadanas ang ganyang sitwasyon." "Kahit si Pauline mga bata pa lang naiipit sa pagitan ng magulang nila." "Sus, ano natauhan ka na ba?" Batok nito. "No way ha-ha-ha." "Kahit matauhan ka pa wala na rin naman dahilan malapit ng ikasal ang dati mong asawa." Tama ang sinabi niya pero hindi ako pabor sa gusto mangyari ng tadhana. Binigyan ko na nga siya ng malungkot na pangyayari tapos mapupunta siya sa maling lalaki rin na mas malala pa sa akin at sa buong pamilya nito. "Pero alam mo sa isang daan na porsyento malaki pa rin ang pagkakataon na puwede mo pa siya makuha. Single mom pa rin siya at hindi kasal kaya kung ako sa iyo kung matatauhan ka ay sana ngayon na para hindi mo pagsisihan sa huli." "Sira ka talaga." "Oh bakit hindi ba? mukhang hihintayin mo isang araw ikaw naman ang nasasaktan ikaw din bahala ka." "Bakit ko mararamdaman masaktan eh nandiyan si Shariffa nagmamahal sa akin at minamahal ko." "Ang korni..." "Huwag mo ko sabihan ng korni dahil minsan ka rin naging ganyan." Titig ko rito. "Sabihin hindi?" "Hindi." "Kapal mo, Erdem. Tayong apat na lucifer kingdom naging minsan tanga, at nagmahal sa babae kaya huwag mo sabihin hindi mo dinanas maging korni minsan." "Hindi naman talaga," "Denial..." Nakuha niya kong tawanan bago lapitan ang mga taong abala sa pagche-check ng monitor. "GOOD MORNING LOVE, papasok ka na?" "Oo." abala kong kabit sa necktie pero siya na nagtapos. "Kumain ka muna." "Sa office ko na gagawin 'yan marami akong tatapusin at hindi na tapos kahapon dahil nga sinundo ko pa si Pauline sa school." "Nakausap mo ba ang guro niya kung bakit nagkaganyan ang katawan ng anak mo?" "Uhm, actually nakausap ko na pero wala rin akong ideya iniisip niya sa bahay nanggagaling ang pasa at sugat." Medyo nagbago ang pagkakaupo nito. Dito pa lang nagduda na ako. Hindi kaya may kinalaman talaga siya? hindi ko alam kung totoo itong kutob ko. "May pasok ka ba ngayon?" muli kong sambit. "Mayroon." "Okay si Pauline ba pumasok na?" "Kanina pa dinaanan ng school bus." "Ikaw gusto mo hatid ko?" "Ibaba mo na lang ako sa house ng friend ko doon namin isasagaw ang meeting." "Okay no problem." MATAPOS ko siyang ibaba sa lugar na itinuro nito ay dumiretso ako sa office. Marami talagang tambak na papel sa lamesa pero hindi naman gaano kaimportante. Kanina pa ako abala sa kakatitig ng cellphone. Pinakonekta ko ang cctv sa cellphone para kahit wala sa bahay ay updated ako sa nangyayari. May kaba. May pagka-excite ang nangyayari sa akin. Sino ba naman hindi kakabahan nakikita mo ang bawat kasangkapan sa bahay tapos walang katao-tao eh paano kung akyatin ng ibang tao? o kaya may multo...ehhh...totoo ba 'yon? Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon tinawagan ko si Sha kung pauwi na at kung oo ay daanan na lang si Pauline since mamaya pa ako uuwi. Kaagad niya kong sinunod. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sila dumating sa bahay. Sa una parang wala pa rin ibababa ni Pauline ang lunch box sa sofa at pagkatapos ay papasok ng kuwarto habang si Shariffa ay abala sa kusina para sa hapunan kaya bakit mo iisipin may nangyayari hindi maganda kung mabubuti ang mga kasama ko sa bahay. Naghanda si Sha ng meryenda ni Pau inilapag ito sa center table pero hindi siya pinansin dahila abala ito sa ginagawang coloring nang hindi makatiis si Sha ay kinuha ang coloring book and crayons. Mabilis kinain ni Pau ang pagkain may sinasabi ito sa anak ko pero hindi ko maunawaan ang sinasabi nito. Pagkaraan linisin ni Sha ang pinagkainan ay nagtungo muli sa kuwarto ang anak ko pero si Shariffa ay may kung ano hinihintay sa pintuan. Masyadong excited samantalang mamayang gabi pa dating ko... Nawalan ako ng ngiti dahil may pumasok na lalaki mula sa pintuan. Matangkad ito, at maganda pangangatawan. Sa mga sumunod pa na eksena hindi ko matingnan. Unti-unti may namumuong katanungan sa isip ko. Bakit hinalikan siya ng lalaki? Kaano-ano siya ng lalaki? hindi naman siguro kapatid dahil napakabihira naman magkapatid magtukaan sa labi at lalong magpinsan dahil saan ka ba makakikita ng ganoon? Or else... Niloloko niya ako. No way, bakit niya ako lolokohin samantalang mahal na mahal ko siya. Binitiwan ko nga kung ano mayroon ako para sa kanya. Hindi ko na nakita ang iba pa nangyari dahil tumawag na ng meeting ang ibang kasama ko. Madaling-madali kong nireview ang cctv sa cellphone ko at ito ang labi kong ikagulat at nasaksihan. Buong buhay ko yatang pagsisisihan ang nasaksihan ko. Ngayon, walang alinlangan kong sisisihin ang sarili kung bakit nagpatangay ako sa agos ng buhay. Sana pala ay hindi na ako naniwala sa mga masasarap niyang salita. Ang lalaking kasama nila sa bahay ay ang lalaki dahilan kung bakit puno ng pasa at sugat ang anak ko. May isang pagyayari pa na hindi ko lubos maunawaan bakit kailangan niyang saktan ang anak ko. Tinuring niyang anak tapos sasaktan ng wala ako. Nasaan ang makatarungan doon? Mayroon sampal. Mayroon din sabunot. Gusto kong ihagis ang cellphone habang pinapanuod ang cctv. Hindi na ako makapaghintay na umuwi sa bahay para patayin ang hayop na lalaking iyon at ang walang-hiya kong kasintahan. TINAWAGAN ko si Erdem na tumawag ng pulis habang ako ay patungo ng bahay. Ipapahuli ko ang mga walang-hiya. Pagkarating ko sa bahay naratnan kong nasa isang sulok si Pauline tahimik at tila ang lalim ng iniisip. "Love! Bakit ang aga mo yata?" Dire-diretso kong nilapitan si Pauline sabay yakap at umiyak ako, umiyak ng malakas. "Sorry, anak. Patawarin mo ang daddy hindi na mauulit 'yon hinding-hindi ka na masasaktan..." "L-love...anong nangyari? nalaman na ba kung sino sa mga classmates niya ang nananakit sa kanya?" Lapit ni Shariffa. Tumayo ako saka ito pinantayan. Mababanayad sa maamo niyang mukha ang pagkainosente. Tingnan mo na para ba walang ginagawang masama. Hayop. "Nasaan ang lalaking kasama mo kanina!" Pabulyaw kong tanong na kaagad umatras dahil sa takot. "L-lalaki? S-sino?" "Huwag mo ko niloloko, SHARIFFA!" atras siya ng atras. "Minahal kita at kahit ang pamilya ko sinakripisyo ko para sa iyo tapos...tapos makikita ko sinasaktan mo ang anak ko? ANONG KLASE KANG TAO??! TAO KA PA BA?! NAPAKAHAYOP MO!" Gigil na gigil kong hawak sa magkabilang balikat nito. "Ano ba pinagsasabi mo ha!!" Siya man din ay nakataas na ang tono. "Maang-maangan ka pa. Nakita ko sa cctv ang mga kagaguhan mo sa akin at pananakit niyo sa anak ko. Hayop ka Shariffa pinagkatiwalaan kita tapos ganito lang...sa ganito lang pala kita mabibisto." "Hindi ko alam ang sinasabi mo at saka anong cctv pinagsasabi mo?" "Tang-ina naman! Tingnan mo ang cctv sa buong paligid mo tadtad na 'yan at kitang-kita kahit sa kasulok-sulukan ng bahay ang pinaggagawa mo! Nasaan ang lalaking iyon dahil sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan!" "Huwag! Huwag Peps! Huwag mo gagawin sa akin ito. Aamin na ako ang totoo tinatakot lang ako ng lalaking iyon, at ikaw talaga ang mahal ko." Todo yakap sa akin pero iniiwasan ko. "Makinig ka sa akin, Peps. Nagsasabi ako ng totoo. Maniwala ka sa akin." "Tama na sigurong makita kitang naghihimas ng bakal sa rehas." "Huwag!" Kasabay no'n ang mga kapulisan kasama si Erdem ay nagmamadaling pinoposasan si Shariffa. Nakita ko mula sa likuran ang lalaking nananakit sa anak ko may posas na rin ito. At dahil gusto kong gumanti binigyan ko siya ng matinding sapak na halos hindi na niya kakayanin. Inawat lamang ako nila Erdem kung hindi ay napatay ko siyang hayop siya. Matapos ang pangyayari umalis ang mga pulis kasama sina Shariffa at lalaki niya. Binigyan ko ng malaking halaga ang nakatataas sa kanila at nakiusap na kahit magpiyansan isa man sa kanila ay hindi dapat payagan. Nilingon ko si Pauline na ngayon ay yakap ni Erdem. NASA BAHAY pa rin kami tahimik na pinagmamasdan si Pauline na natutulog. "Hay, hindi ko akalain na ganoon pala ang plano ni Shariffa." Buntong-hininga ni Erdem. "Mabuti naisipan mo palagyan ng cctv ang bahay mo." "Hindi ko matanggap na kailangan pa danasin ng anak ko ang kalupitan nila. Wala ba sila mga puso?!" "Wala talaga dahil ayon sa nalaman ko pineperahan ka lang ng babae mo at matindi nito ASAWA niya ang lalaking nambugbog sa anak mo." Nakuyom ko ang kamao sa galit. Pinaikot lang pala nila ako sa kanilang mga kamay. Paano nangyari na uto nila ako? "Ano na plano mo sasabihin ba natin kay Cedric ang nangyari?" "Huwag muna." "Paano kung hanapin nila si Shariffa?" "Malabong hanapin hindi nga't ayaw nila kay Shariffa?" "Maski rin ako kaya ewan ko ba sa iyo ang tindi mo rin nakuha mong iwan ang mag-iina para lang sa sariling kaligayahan." "Kung puwede pa itama ang mali ay gagawin ko." "Paano mo pa itatama kung wala na? Tamang itinama mo ang pagkakamali mong ibigin si Shariffa pero paano ang babaeng iniwan mo para sa walang kuwenta na 'yon?" Tagus-tagusan nitong bulaslas. "Kung ano ang puwede kong gawin ay gagawin ko. Kung puwede ko siyang ibalik ay gagawin ko." "Sagutin mo ulit ang tanong ko sa PAANO. Paano kung huli na, paano kung masaya na siya sa iba?" "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Erdem. Sobra-sobra kong pinagsisisihan ang lahat. Ayaw makipagcooperate ng utak ko sa gagawin ng katawan ko." "Hinga lang ng malalim at mag-isip." "Anong gagawin ko?" "Manatili kang kalmado sa kabila ng kamalian mo." "PAULINE!" Dinig namin sigaw ng kung sino papasok ng kuwarto. Nadinig din ng anak ko ang sigaw niyon kaya bumangon siya at niyakap ang babaeng minsan kong iniwan. "Mommy Shien..." "Anak, ayos ka lang ba? bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin na sinasaktan ka na pala?" "Sorry, mom." "Shhhh...don't say that hindi mo kailangan humingi ng sorry dahil may ibang tao dapat gumawa niyan." Masamang tingin sa akin. "Ang mabuti pa siguro ay mag-usap muna kayo isasama ko si Pauline sa labas." Paakay na sana si Erdem ng magsalita si Shien. "Kami na lang ang lalabas ng kuwarto patulungin niyo pa si Pau." Kaagad timalima si Erdem at ako ay sinundan ito palalabas. "Nakakulong na sina Shariffa wala ka na dapat ipag-alala." Sabi ko. "Hindi lang naman 'yon ang iniisip ko, eh. So ano, paano ba 'yan? naging padalus-dalos ka sa desisyon kaya nasaan ka ngayon? nasan ang ipinagmamalaki mong babae sa buong mundo??" "Naging bulag lang siguro ako pagmamahal." "Selfish ka kasi gusto mo lang ang dapat masusunod ni hindi mo nga pinag-isipan ng ilang libo ang pag-ibig mo sa kanya, eh. So, ano paano na?" "Gusto kong bumalik sa dati..." nakakuha lamang ako ng pagkadismaya sa kabila ng nais kong mangyari sa amin. "Sino babalikan mo?" "Ikaw, si Paolo, at kami ni Pauline ay babalik sa inyo." Katakot-takot na tawa ang natanggap ko mula sa kanya na akala mo may nakatatawa sa sinabi ko. "Wala ka nang babalikan, Peps. Masaya na kasi ako ni hindi na nga kita hinahanap, ni hindi na kita kailangan sa buhay ko at pagkatapos nandito ka na parang ganoon lang kadali ang lahat? Kung siguro ang pag-iwan mo napakadali lang pero ang pagbabalik mo hindi madali 'yon minsan may proseso pero madalas hindi na kailangan dahil wala rin silbi pa." Isinampal niya sa akin ang buong katotohanang hindi na maaaring bumalik sa dati. Kasalanan ko ito dapat talaga sarili ko ang sisihin sa lahat. Talo na ako that's all. "Kung ganoon sige ikaw ang bahala." Ito ang pinakamahirap sabihin kahit ayaw mong gawin. "Huling pagkakakataon makasama ko man lang kayo huwag mo kami tatanggihan pa sa pagpunta ng boracay." Susulitin ko na siguro. Dahil... Pagkatapos nito... Tayo pa rin ang magkakasama. Masama na kung masama pero hangad kong makasama sa maambush ang boyfriend mong si Jayson. Ito lang ang nakikita kong dahilan para bumalik tayo sa dati. Tsk. Ganito na ba talaga ang pag-ibig? kapag sumugal ka lahat itataya mo kahit buhay pa ang kapalit. Love anyone can experience but we have the opportunity to find a way to grow and preserve. At isa na yata ako sa walang kuwenta humawak ng relasyon. Iiwan, babalikan. Masyadong nagpapadala sa bugso ng damdamin ni hindi pinag-iisipan ang sasapitin ngayon nasaan ako nandito sa harap ng babaeng minsan kong iniwan at sinaktan. Hindi ko magawang magalit dahil sa oras na ito imbis na panghihinayang ang maramdaman ko isang malungkot na pagmamahal ang nangingibabaw. Mahal ko pa pala siya at iyon ang hinding-hindi ko pinairal dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Parusahan na ko kung gusto nila pero sana huwag ganitong luhaan sa huli. Mas masisisi ko yata ang sarili kong ang paghihirap ko sa simula mauuwi lang sa wala. "HULING PAGKAKATAON." masarap madinig mula sa kanya ang pagpayag ngunit naalala kong last chance na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD