Hacienda De Silva... Hininto ni Juan Miguel ang panonood sa video message ni Calleigh. Para siyang kakapusin ng hininga sa matinding emosyong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Binaling niya ang kanyang tingin sa kanyang asawa. Bumuhos ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Kuyom ang mga kamaong mabilis siyang lumabas ng silid. Pumunta siya sa isa sa mga kuwadra at inilabas niya ang isang black stallion. Sumakay siya at mabilis na pinatakbo ang kabayo. Walang tiyak na patutunguhan, ibinihos ni Juan Miguel ang lahat ng nararamdaman niya nang mga sandaling iyon sa mabilis na pagpapatakbo ng sinasakyang kabayo. Hindi niya alintana ang mga sanga ng punongkahoy na kanyang nasasagi. Biglang hinila niya ang renda ng kabayong sinasakyan nang biglang sulpot ng motorsiklo na minamaneho ni

