“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Marie kay Calleigh. “Oo naman,” nakangiting tugon niya sa kaibigan. “Nag-aalala ako sa iyo, sumama ka na kaya sa akin pabalik ng Pilipinas.” “Marie, kailangan kong manatili rito. Hindi naman lingid sa inyo nila Luke ang totoong dahilan kung bakit nandito ako,” tipid na nginitian niya ito. “Pero hanggang kailan?” malungkot na wika ni Marie sa kanya. “Hanggang kaya ko pa,” wika niya sa pinasiglang tinig. “Cal,” mahinang usal ng kaibigan sa kanya. “Ayos lang ako Marie, alam kong hindi madali para sa pamilya Villegas ang magpatawad. Matagal kong hinanda ang aking sarili. Ang nais ko lang makita si Dominic bago pa mahuli ang lahat,” malungkot niyang ibinaling paitaas ang kanyang mukha upang hindi tumulo ang mga luhang kanina pa nag-aamba na bum

