Tunog ng nag-iingay na ring ng cellphone ang gumising kay Essex. Pupungas-pungas niyang inabot ang kanyang cellphone. "¡Hola!” namamaos ang tinig na wika niya. "¡Hola! ¿Dónde estás?" boses ni Ezekiel. (Hello! Where are you?) "Estoy de vacaciones" tipid niyang sagot. (I’m on vacation.) Napakunot-noo siya nang mapuna niyang nag-iisa siya sa silid. Agad niyang binuksan ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag nang matanaw niya na nasa kusina ang dalaga. Nakatalikod ito sa kanya. "¡Oye! ¿Todavía estás allí?" may bahid na inis na wika ng kakambal sa kanya. (Hey! Are you still there?) "Sí, estoy aquí. ¿Qué estabas diciendo?" sagot niya kay Ezekiel. (Yes, I’m here. What were you saying?) Lumingon ang dalaga sa kanya, nagsalubong ang kanilang mga mata. “¿Qué quieres?” tanong niya sa kap

