Malungkot na tinanaw ni Essex ang papalayong sasakyan ng dalaga. May pagkakataon siyang pigilan itong umalis pero hindi niya ginawa. Narinig niya ang mga salitang binigkas nito. Matinding pagpipigil ng damdamin ang ginawa niya nang hagkan siya ng dalaga. Mariing pinikit niya ang kanyang mga mata habang kuyom ang kanyang mga kamao. Sa una pa lang, alam niyang pagmamay-ari na ito ng iba. Dahan-dahan niyang iniangat ang damit ng dalaga upang linisin niya ang dumudugong sugat nito. Napakunonot-noo siya nang makita niya na ang buong likuran nito ay mayroong naka-tattoo na red phoenix. Sa bandang ibaba ng tattoo ay may mga letrang nakasulat na ‘Own By A Mafia Lord’. Hindi niya mabasa ang karugtong nito na natatakpan ng pants ng dalaga. Napailing siya, mas mahalagang malunasan niya ang sugat ni

