“Saan tayo pupunta?” takang tanong ni Calleigh kay Juan Miguel. Magkahawak ang kanilang kamay habang naglalakad sila. Karga ni Juan Miguel si Calix na nasa baby carrier. “Pupunta tayo sa kabilang bahagi ng isla, sweetheart,” nakangiting tugon nito sa kanya. “Malayo pa ba tayo?” dagdag na tanong niya. “Malapit na, sweetheart. I’m sure na magugustuhan mo ang bahaging iyon ng isla. Ipakikilala ko din sa iyo ang mga ka-isla natin,” natatawang usal nito sa kanya. “Talaga!” nakangiting wika niya. Tumango ito sa kanya at nagpatuloy silang naglakad. Ilang minuto lang ay natatanaw na nila ang mga bangkang nasa baybayin ng dagat. “Tamang-tama ang dating natin, sweetheart. Nagbababa na sila Tatang Delfin ng mga huling isda,” nagagalak na wika nito sa kanya. Napangiti siya sa nakikita niyang g

