Tunog ng kanyang cellphone ang gumising sa dalaga. Nabungaran niya ang maamong mukha ni X. Mahimbing ang tulog nito habang nakayakap sa kanya. Maingat niyang inalis ang bisig nito at inabot niya ang kanyang cellphone. Napakunot-noo siya nang mabasa niya kung sino ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito. “Hello, what do you want?” bungad niya sa taong tumawag. “I need your help now.” “Okay, I will be there as soon as I can,” tugon niya bago tinapos ang tawag. Napabuntong-hininga siya at nilingon ang binata. Bumalik siya sa kama, umungol ito at mas siniksik ang katawan sa kanya. Niyakap niya ang kanyang mga braso rito, masuyong hinaplos niya ang mukha ni X. Pinaglakbay niya ang kanyang daliri sa makapal na kilay nito, sa matangos na ilong ng binata, papunta sa mapupulang mga labi nito.

