Nakatanaw si Dimitri sa kanyang Mama habang abala ito sa pag-aayos ng mga rosas sa hardin. Dumating siya ng Las Vegas ilang oras pa lang ang nakakaraan. Dumeretso siya sa kanilang bahay upang makita ang kanyang ina. Lingid sa kaalaman nito na umuwi siya ng Pilipinas upang makita si Calleigh. Simula nang mangyari ang trahedya sa kanyang kapatid ay dumanas ng matinding depresyon ang kanyang Mama. Ilang buwan ding sumamailalim sa isang psychological therapy ang Mama niya. Matagal na proseso ang pinagdaanan ng kanyang Mama upang bumalik ang dating sigla nito. Subalit may mga pagkakataong katulad ng araw na iyon kung saan na ang isipan ng kanyang Mama ay nasa panahong kasama pa nila ang kanyang kapatid. “Embang, kailangan mailagay mo na ang mga ito at malapit ng umuwi si Dom,” bilin nito sa ka

