Kasalukuyang sinasagawa ang physical therapy ni Calleigh. Kasama ni Juan Miguel sa silid ng asawa ang Ate Sofia niya, si Luke at si Alex. Nandoon din si Nurse Sonya naka-alalay sa physical therapist. Matapos ang therapy ni Calleigh ay naiwan siya sa kanilang silid. Dala ang laptop ay tinabihan niya ang kanyang asawa, binuksan niya ang file ng mga video messages. Napangiti siya nang bumungad sa screen ang masayang mukha ni Calleigh. “Hello, Daddy JM!” Dahan-dahan itong umupo, may mga shopping bags na nasa ibabaw ng kama. Kinuha ni Calleigh ang isang paper bag at nilabas ang nilalaman nito. Nahugot niya ang kanyang hininga nang makita ang baby blankets. “Namili ako ng mga gamit ng Baby natin. Medyo nahirapan akong mamili, parang gusto bilhin lahat ng nasa store,” natatawang wika nito. “

