Chapter 5

1920 Words
    “Hello! Sir Miggy,” bungad sa kanya ni Lance sa kabilang linya.     “Lance, di ba sabi ko sa iyo ang staff na ipapadala mo ay well trained. Bakit baguhan ang pina-assign mo sa akin?” mariing wika niya rito.     Nakapagbihis na siya. Kasalukuyang nakatayo siya sa terrace, pero ang kanyang mga mata ay nakatanaw sa babaeng nakaupo sa couch habang nakayuko ang ulo nito. Nakapagpalit na din ito ng damit.     “Sir, si Ms. Romero po ang pinakamahusay nating staff. 100 percent rating po siya sa lahat ng guest, and advantage po na di na ninyo kailangan pang kumuha ng cook. Ms. Romero’s specialty is Filipino and Spanish cuisine,” mahabang paliwanag ni Lance sa kanya.     Nakaramdam ng inis si Juan Miguel, obvious sa tinig ni Lance ang pagpuri nito sa babae.     “Did she sign the NDA?” aniya.     “Yes sir,” tugon nito.     “Okay!” maikling wika niya kay Lance.     “Ahm sir,” tumikhim ito.     “What is it?” takang tanong niya sa pag-aalangan sa tinig nito.     “May isa lang po kayong dapat malaman tungkol kay Ms. Romero,” anito.     “Ano iyon?” kunot-noong aniya.     “Dalawang linggo lang po siyang magiging personal maid ninyo, dahil po nirequest po si Ms. Romero ni Ambassador Villegas. Naka book na po ang delegation ni Ambassador sa katapusan ng buwan,” sagot nito.     “I don’t want to talk about it for now; I’ll handle it,” may dismissal sa kanyang tinig.     “Okay po Sir Miggy!” anito.     Pinatay niya ang tawag. Bumuntong hininga muna siya at kanyang binalingan si Ms. Romero.     Tumikhim siya bago nagsalita, “I’m sure na-orient ka ni Mr. Banzon,” wika niya rito.     “Yes sir,” sagot nito.     Tumango siya, “I am famished!” matipid niyang wika sa babae.     “Initin ko lang po ang ulam.” Tumayo ito at magalang na yumuko. Dali-daling tumungo sa kusina.     Sinundan niya ng tingin ang papalayong babae. He must be out of his mind, dahil may emosyong binubuhay ang babae sa kanyang pagkatao.     Caldereta, mixed vegetables, and steam salmon ang nadatnan niyang nakahain sa mesa. May fresh watermelon juice din. His favorite.     “Come and join me!” di tumitinging aya niya kay Ms. Romero.     “H-ho?” gulat na usal nito.     “Do I need to keep repeating myself!” mariing wika niya rito.     “Okay po sir,” tugon nito.     Kumuha ito ng pinggan at akmang uupo sa katapat niyang upuan nang pigilan niya ito.     “Seat beside me,” balewalang utos niya sa babae.     Umupo ito sa kanang tabi niya.     “Eat!” aniya.     “Opo sir!” anito.     Maganang kumain si Juan Miguel. Halos maubos niya ang calderetang nakahain, batid niyang naiilang sa kanya ang babae. Sa buong durasyon ng dinner ay wala ni isang nagsalita sa kanilang dalawa.     Matapos ang kanilang hapunan ay pumasok na siya sa library. Naiwan si Calleigh sa kusina.     Abala siya sa mga papeles na kanyang pinag-aaralan nang kumatok si Calleigh sa library.     “Come in!” aniya.     “Ah, sir, may ipag-uutos pa po ba kayo? Mag-out na po kasi ako,” paalam nito sa kanya.     “What do you mean?” takang tanong niya.     “Hanggang alas-otso lang po ang shift ko,” anito.     Napasandal siya sa upuan, “Didn’t you know that as my maid you need to stay here,” aniya.     “Ho? Sir, I wasn’t aware that I have to stay here, wala naman pong nakalagay sa contract,” anito.     “Sit down Ms. Romero,” malamig niyang wika sa babae.     Nang makaupo ito ay inabot niya ang hinanda niyang document pagkatapos nilang kumain.     “Para saan po ito?” nagtatakang tanong nito sa kanya.     “Your new employment contract,” seryosong sagot niya.     Nanlalaki ang matang tumingin ito sa kanya, ang abuhing mga mata nito ay puno ng alinlangan.     “You will get a salary of 2,000 dollars a month, as well as the other benefits that are entitled to you,” paliwanag niya rito.     “But sir, halos doble po ito ng salary ng regular staff ng hotel,” naguguluhang wika nito sa kanya.     Tumango siya, “You will stay here, ang guest room ang magiging silid mo. You will prepare everything I need. Mula sa pagkain, and my personal things. If I must attend a function event, you will be my date,” mahabang hayag niya.     Hindi ito nakakibo.     “If you do not agree with my offer, I will terminate your contract with Haven’s on the ground of insubordination,” malamig niyang wika na lalong kinalaki ng mata nito.     Kitang kita niya ang matinding takot sa mga mata nito na labis niyang kinataka. Dahil ibang takot ang bumalatay sa mukha nito, hindi iyong takot na mawalan ng trabaho.     Tumikhim ito at nanginginig ang kamay na pinirmahan ang kontrata.     Inabot nito sa kanya ang mga documents, “Pwede po bang bukas na ako magsimula? Kailangan ko pong kunin ang mga gamit ko sa flat,” anito.     Tumango siya rito, “Okay, may meeting ako bukas ng umaga kaya baka di ako dito mag lunch, but I want Spanish cuisine for dinner,” aniya.     “Sige po sir,” tugon nito.     Yumuko na ito at akmang lalabas na ng silid nang tawagin niya.     “Ms. Romero!” usal niya.     “Yes, sir?” anito.     “Throw away your uniform and just wear casual clothes,” hayag niya.     Yinuko nito ang suot nitong uniform, “Okay po sir,” tugon nito.     Nang makalabas si Calleigh ay siya namang pag ring ng kanyang cellphone mula sa unknown caller.     “Hello!” malamig niyang sagot.     “Hello babe!” napahawak siya sa sentido pagkarinig ng matinis na boses ni Briana.     “What can I do for you, Ms. Mauricio?” pormal ang tinig na tanong niya sa babae.     “Babe, I want to invite you to join me and my father for lunch tomorrow,” wika nito sa kanya. Bakas ang galak sa tinig nito.     “I have an important appointment for the entire duration of my stay here.”     Tumayo siya at bumuntong hininga siya, “Look Ms. Mauricio, I don’t have time to play your games, and besides I’m taken!” brutal na wika niya sa babae.     “What!” sigaw nito sa kabilang linya.     “I got to go, bye!” hindi na niya hinintay makasagot ang babae. Agad niyang pinatay ang tawag, and he block her number.     “Lagot ka talaga sa akin Kuya DJ,” inis niyang kausap sa sarili.     Simula ng sumulpot si Briana sa airport noong dumating siya ng Nevada ay tinatawagan niya ang kapatid. Subalit sadyang hindi nito sinasagot ang tawag niya.     Ang order of business niya para sa umagang iyon ay inspection ng buong hotel, maging ang bawat department head ng hotel ay balak niyang kausapin ng personal.     Papasok sila ni Lance sa opisina na ng Housekeeping Department kasama ang HR Manager na si Ms. Lopez, nang mabungaran niya na may pinapagalitan ang housekeeping supervisor na si Mrs. Andrade.     Kahit nakatalikod ito ay kilalang kilala niya ang babae pinapagalitan ng supervisor.     “Who gives you the right not to wear your uniform!” sigaw nito kay Calleigh.     Juan Miguel is furious nang makita niyang ibato ng supervisor sa mukha ni Calleigh ang uniform.     Narinig niyang tumikhim si Lance.     “Ms. Santos, what’s happening here?” tanong nito sa supervisor.     “Good afternoon Mr. Banzon,” yumuko ito, “Ms. Romero is refusing to wear her uniform sir,” nakataas ang mukhang sagot nito.     Hindi na matiis ni Juan Miguel na makitang nakayuko si Calleigh, kaya bago makasagot si Lance ay inunahan na niya ito.     “Ms. Romero, why you are still here?” malamig niyang tanong sa babae.     Umangat ang tingin nito sa kanya, at parang piniga ang puso niya nang mapansin niyang namamaga ang pulang-pulang mata nito na tanda na kanina pa ito umiiyak.     “S-sir!” mahinang usal nito.     “Mr. Banzon, reschedule my luncheon meeting with the Finance Team tomorrow,” aniya kay Lance pero ang kanyang mga mata ay kay Calleigh nakatitig.     “I understand sir,” tugon ni Lance sa kanya, ramdam niya ang mga mapanuring tingin ng ibang empleyado sa kanilang paligid.     Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili sa pagnanais na lapitan si Calleigh, ayaw niyang pagpiestahan sila ng ibang employees.     “Let’s go Ms. Romero,” pormal na wika niya kay Calleigh.     Nakayukong sumunod ito sa kanila ni Lance at ni Ms. Lopez. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang bulungan ng mga hotel staff sa housekeeping department.     Sa La Amelia’s na sila tumuloy upang mananghalian. Magkatabi sila ni Lance at katapat naman niya si Calleigh na katabi si Ms. Lopez.     Ang mismong manager ng La Amelia’s na isang Filipino-American ang sumalubong sa kanila, nakatayo ito ngayon sa tapat nila dahil ito mismo ang kumukuha ng order nila.     Pinauna na niyang magbigay ng order si Lance at si Ms. Lopez.     Di nakaligtas kay Juan Miguel ang pagtataka sa mukha ng dalawang waiter na kasama ng manager.     “Ikaw Ms. Romero, anong gusto mong kainin?” tanong ni Lance kay Calleigh.     “Kayo na lang pong bahala Sir Lance,” tugon nito.     Salubong ang kilay na nilingon niya ang babae, nagbaba ito ng tingin sa kanya.     Binalingan niya ang Manager ng La Amelia’s bago pa man magsalita si Lance.     “Dos ordines de entrecot a la café bleu, linguine seafood, gambos al ajillo,” tumingin siya kay Calleigh, “Do you want mixed salad?” tanong niya rito.     “Okay lang po Mr. De Silva,” maikling sagot nito.     Tumango siya at binalingan uli ang manager, “Venduras mixtas mas 2 vasos de sangria,” dagdag niya.     “Si Señor,” anito.     “Gracias.”     While they are waiting for their food to serve, kausap niya si Lance at Ms. Lopez. But he makes sure Calleigh would not feel out-of-place.     Saktong kakaserve lang ng pagkain nila ay siya namang pagsulpot ni Briana.     “Hi, Babe!” anito.     Lumapit ito sa kanya at akmang hahalikan siya kaya tumayo siya at pinigilan niya ito sa braso.     “What do you think you’re doing?” galit niyang wika sa babae.     “Babe, I told you we have lunch, gusto kang makilala ng Papa,” nakangiting wika nito.     “Are you crazy? I told you to stop pestering me!” nanggigigil na wika niya sa babae.     “Come on Juan Miguel, alam ko namang pa hard to get ka lang, no one can refuse Briana Mauricio,” nakangising wika nito.     Juan Miguel’s blood is boiling in anger. Lalo na at natanaw niya sa glass wall ang mga paparazzi na nag-aabang sa labas na La Amelia’s.     Alam niya na hindi siya titigilan ng babae, kaya naman walang ano-ano ay binitawan niya ang braso nito.     Lumawak ang ngiti nito na agad ding nawala nang itayo niya si Calleigh, at siilin ng halik na kinasinghap nila Lance at Ms. Lopez.     Juan Miguel didn’t care about the people around them and the consequence of his actions. He only cares about the fire that Calleigh ignites in his being as he keeps kissing her delicious lips.     Humiwalay siya sa nagulantang na si Calleigh at kinabig ito payakap at hinarap niya si Briana namumula ang mukha sa galit.     “Ms. Mauricio, I told you am not available to play your games,” masuyong nilingon niya si Calleigh na pulang pula ang mukha, at kita niya ang galit sa mga abuhing mata nito.     “Meet my wife, Mrs. Calleigh De Silva.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD