Chapter 6

1964 Words
Hindi pa rin maalis sa isip ni Juan Miguel ang nangyari sa La Amelia’s. Dama pa rin niya ang mainit na pakiramdam habang hinahalikan niya si Calleigh. Just the thought of the kiss is driving him insane. Lalo lang tumindi ang pagnanasang nadarama niya para sa dalaga. “Hmmm!” tikhim ni Alex ang nagpabalik sa kanyang sarili. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito sa kanyang opisina. “What is it?” He asked. “I never known you for being impulsive,” nakangising bungad nito sa kanya. Nasa opisina siya, hindi na sila nakakain ng lunch dahil sa pagwawala ni Briana nang halikan at ipakilala niya si Calleigh bilang asawa. Pinauna niya ito sa opisina ni Lance kasama si Ms. Lopez. Nagpa-take out na lang sila ni Lance ng pagkain para sa dalawang babae. “Shut up, Alex!” asar na wika niya rito. “So where is your wife?” tatawa-tawang patuloy na pang-aasar nito sa kanya. Pabagsak itong naupo sa sopa. Binato niya ito ng parker pen na agad naman nitong nasalo. “Will you stop grinning like an idiot!” inis na inis na siya sa kaibigan. “Okay!” taas ang kamay na wika nito, pero kita pa din niya ang pagpipigil ng tawa ng kaibigan. “Alam na ba nila Tita?” maya-maya ay seryosong tanong nito sa kanya. “No, naayos ko na agad ang mga paparazzi so walang leak,” sagot niya rito. “Anong plano mo ngayon? Balitang balita ang pagwawala ni Briana. That woman is mad!” naiiling na wika ni Alex. “I will handle her,” tipid niyang sagot sa kaibigan. “Bakit pala di mo ako sinabihan na uuwi ka rito?” tanong nito habang nilalaro laro ang snowball na nasa center table. “Well, alam ko namang malakas ang pang-amoy mo,” natatawang asar niya kay Alex. “Shut up! Ginawa mo pa akong aso,” humahalakhak na wika nito na kinatawa na rin niya. “Anyway, nasaan ang asawa mo?” nakangising tanong nito na kinaseryoso niyang bigla. “She’s with Ms. Lopez,” aniya. “So, wala kang balak ipakilala sa akin,” nakataas ang kilay na tanong ng kaibigan sa kanya. Bumuntong-hininga siya at sumandal siya sa upuan, “I will marry her for real, Alex,” hayag niya na kinasamid nito. “W-what!” bulalas nito. Nawala ang pagkakangiti at napalitan ng pagkagulat ang anyo ng kaibigan. “Well, di ko pa nasasabi sa kanya. Nag-iisip pa ako kung paano ko siya mapapapayag,” sagot niya. “Because you kissed her, papakasalan mo na agad?” takang tanong nito sa kanya na para bang isang malaking kalokohan ang hinayag niya. “Crazy! I will marry her because she is the answer to all the problems I have right now,” aniya. “Tingin mo ba na titigilan ka ni Briana kung kasal ka na? Paano ang damdamin mo para kay Lexie,” sunod-sunod na tanong ni Alex sa kanya. “What about it? It has nothing to do with her,” mariing sagot niya. “You are getting crazier Miggy! Nagmamahal ka sa babae na obvious naman na in love kay Kyle. Tapos ngayon naman, gusto mong magpakasal para lang makaiwas sa babaeng baliw,” di makapaniwalang hayag nito. “I know what I’m doing, and besides, alam kong di siya tatanggi?” aniya. “Talagang seryoso ka diyan sa binabalak mo,” kunot ang noong wika nito. “Dead serious Alex,” tugon niya sa kaibigan. Hindi ito kumibo at naiiling lang na tinignan siya na para bang isang kalokohan ang sinabi niya. “I can’t do anything about my feelings for Carrine, I can’t force her to feel the same. Ang magagawa ko lang ay ang protektahan at suportahan siya sa mga plano nila ni Carina,” malungkot niyang wika sa kaibigan. “I don’t know man, masyadong magiging komplikado ang lahat. We are talking about marriage, and we both know na sa pamilya ninyo sagrado ang kasal,” anito. “Well, dito kami magpapakasal, kapag okay na ang problema ko kay Briana mag-file na kami ng divorce,” balewalang sagot niya. “F*ck Miggy, ganoon lang!” galit na wika nito sa kanya. “What? Do you think na papakasalan ko siya para iharap sa pamilya ko?” iiling-iling niyang wika rito. “I haven’t seen her yet, pero nararamdaman kong matinong babae siya, and you are being cruel like a predator to his prey,” bakas ang pagkairita sa nakakunot nitong noo. “I have my reasons, Alex,” mababang tinig na tugon niya. “Well, let just hope na sa gagawin mong yan walang masaktan, lalo na ang babaeng papakasalan mo,” matigas ang anyong wika nito. Hindi siya nakakibo sa pahayag nito. “Anyway I have to go, may meeting pa ko,” paalam nito sa kanya. “Are we good?” tanong niya sa kaibigan. “Yeah,” tipid ang ngiting wika nito sa kanya at sumaludo ito bago lumabas ng kanyang opisina. Naiwang nagtataka si Juan Miguel. Kahit kailan ay hindi komokontra si Alex sa mga desisyon niya. Mga bata pa lang sila ay magkasangga na sila sa lahat ng bagay, at never na sumalungat sila sa isa’t isa lalo na kung may kinalaman sa babae. Naging abala si Juan Miguel sa opisina kaya naman di na niya naharap ang plano niya para maiwasan si Briana. Panay pa din tawag at pangungulit ang ginagawa ng babae sa kanya. Ang kinakagalit niya ay nakarating sa Mama niya ang press release ni Briana na may lover’s quarrel sila kaya nagkagulo sa La Amelia’s noong nakaraang linggo. Wala din daw katotohanan na kasal siya sa sino mang babae. Todo paliwanag siya sa Mama niya para pabulaanan ang mga pahayag ni Briana. Matinding panibugho ang kanyang nararamdaman nang ibalita ng Mama niya na masayang masaya ito ay maayos ang pagsasama ni Carina (Carrine/Lexie) at Kyle. Maghapong mainit ang kanyang ulo at halos lahat ay nasisigawan niya maging si Lance. Papasara na ang elevator na kinalululanan nila ni Lance papuntang Conference Hall nang mahagip ng paningin niya si Calleigh na may kausap na lalaki sa lobby. Kumuyom ang kanyang kamao at agad siyang lumabas ng elevator na kinabigla ni Lance. “Sir Miggy!” dinig niyang tawag nito sa kanya bago sumara ang elevator. Lumapit siya sa mga ito, lalong nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang mahinang pakiusap ni Calleigh sa lalaking kausap nito. “Pakibigay naman to kay Ambassador, nakikiusap ako!” maluha-luhang wika nito habang pilit inaabot sa lalaki ang isang shopping bag. “Calleigh, alam mong balewala lang ito, hindi niya tatanggapin,” napilitang tinanggap ng lalaki ang shopping bag. Di na nakatiis si Juan Miguel at nilapitan na niya ang dalaga. “Ms. Romero!” tawag pansin niya rito. “S-sir!” gulat na tugon nito. “What’s happening here?” tanong niya sa dalaga. “Ah s-sir nakisuyo lang po ako, pauwi po kasi ng Pilipinas si Leonard, k-kaibigan ko po, makikipadala po ako ng pasalubong para sa p-pamilya ko,” nauutal na paliwanag nito. Tumiim ang kanyang anyo. Kuyom ang kangyang palad na kinalma niya ang sarili. Alam ni Juan Miguel na nagsisinungaling ang dalaga. “Ganoon ba?” malamig niyang wika. “Kung okay na umakyat na tayo,” balewalang usal niya rito. Nanlalaki ang matang tumingin ito sa kanya. Hinintay niya kung tututol ito pero tumango lang si Calleigh at binalingan ang lalaking pinakilala nitong Leonard. “Mauna na ko, please paki na lang ha?” bakas ang pakiusap sa magandang mukha nito. “Sige,” tipid na sagot ng lalaki at naglakad na papalabas ng hotel. “Let’s go!” aya niya kay Calleigh nang mapuna niya itong nakatanaw pa rin sa papalayong lalaki. Sabay silang lumulan ng elevator, nanatiling tahimik ang dalaga. Nang makarating sila sa penthouse ay di na mapigilan ni Juan Miguel ang galit, pinigilan niya sa braso si Calleigh nang akmang tutuloy ito sa kusina. “Simula ngayon ay di ka lalabas ng penthouse nang di ko nalalaman o di ako kasama,” galit niyang wika kay Calleigh. “Pero po wala naman sa job description ko na ikulong ninyo ako rito. I’m entitled to have a break, to have a day off from my job at nagkataon pong off duty ko today. Nagtataka nga po ako kung bakit po ninyo ako pinaakyat dito,” nagtitimping sagot nito sa kanya. “Bakit napapagod ka ba masyado?” galit na tanong niya rito, “I told you to get another staff na maglilinis nitong penthouse.” “Iyon na nga po sir, halos wala na akong ginagawa rito kundi ang ipagluto po kayo at sabayan ko kayo sa pagkain. Halos lahat ng sulok nitong penthouse nalinis ko na po,” frustrated na wika nito sa kanya. “Stop calling me sir, it’s pissing me off!” naiinis niyang wika rito. “P-pero po!” bakas ang pagtutol sa magandang mukha nito. “Juan Miguel or Miggy, wag lang sir!” nagtitimpi siya sa galit. “Sir naman eh!” frustrated na wika nito. Kita niya ang pagpipigil nito ng magtaas ng boses. “Isa pang sir, I will punish you, and believe me you won’t be able to stop me once I start,” seryosong wika niya kay Calleigh na kinatahimik nito. Bumuntong-hininga ito, “Okay! JM,” sumusukong wika nito. Napangiti siya sa tinawag nito sa kanya, “JM?” tanong niya kay Calleigh. “Masyadong pong mahaba ang Juan Miguel,” anito. “Hmmm, sounds good, wala pang tumawag sa akin na JM,” nakangiting wika niya. “Teka naiiba po ang usapan eh, kailangan ko din po ng day off dahil may personal akong kailangan ko ding asikasuhin. Isa pa di naman po pwedeng nakakulong lang ako rito,” kunsimedong wika nito. “I told you to drop the po, and opo. Pakiramdam ko ang Papa ko ang kausap mo,” inis niyang wika rito. Kinalma nito ang sarili at muling nagsalita, “JM personal maid mo ako, alalay, tsimay, katulong, mutchacha, alam ko kung saan ako lulugar.” Bumaling sa terrace ang paningin nito, “Pinagtsitsismisan na po ako ng mga kasamahan kong empleyado,” mahinang bulong nito pero umabot sa kanyang pandinig. “Let me handle it. All you need to do is do what I ask you to do.” “Pero JM-” “Stop complaining! Anyway, I want you to get ready!” wika niya sa dalaga. Tinanggal niya ang kanyang kurbata. Umupo siya sa couch habang di inaalis ang mga mata sa mukha ni Calleigh. “Mag-ready para saan?” tanong nito, bahagyang namula ang magkabilang pisngi ng dalaga. “A friend of mine is invited me for his wedding anniversary,” aniya. “Ha! Bakit kasama pa ako?” gulat na tanong nito. “Anong sabi ko? Stop asking question, basta mag-ready ka na!” “Pero naman kasi!” protesta ni Calleigh. Napabuntong-hininga siya, “Look, I need you to be with me. It’s just a simple dinner.” Bakas ang pagkalito sa magandang mukha ng dalaga nang muli itong magsalita. “Wala akong formal dress,” mahinang usal ni Calleigh sa kanya. “I already took care of that. Check the shopping bags I put in your room,” tugon niya sa dalaga. “Okay!” marahang tumango si Calleigh sa kanya bago ito tumalikod papunta sa silid nito. Naglakad na ito paalis ng living room. Napabuntong-hininga siya at napahawak siya sa kanyang batok. Nagtataka siya sa kanyang sarili. Ang totoo ay di naman niya kailangang isama ang babae sa anniversary dinner pero may bahagi ng isip niya na nagsasabi na huwag iwalay sa kanyang paningin ang dalaga. “I’m in trouble!” mahinang bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD