Kasalukuyang inaayos ni Juan Miguel ang kanyang kurbata nang bumungad sa living room si Calleigh. Napigil niya ang kanyang hininga nang masilayan niya ang dalaga.
Calleigh is wearing an elegant red asymmetrical A-line neckline evening dress. Lalong pinatingkad ng kulay nito ang mga abuhing mata ng dalaga. Tipid itong ngumiti sa kanya, bakas ang pag-aalangan sa mukha nito.
“You look lovely,” mahinang wika niya sa dalaga.
“Salamat,” kiming tugon nito sa kanya.
“But something is missing, and I think this will add perfection to you.”
Kinuha niya ang isang royal blue velvet box at binuksan niya sa harapan ng dalaga. Dinig niya ang pagsinghap nito nang inilabas niya ang isang flower necklace in platinum with diamonds. Pumunta siya sa likuran ni Calleigh at bahagya niyang hinawi ang buhok nito. Marahan niyang hinaplos ang batok at ang nakalitaw na balikat ng dalaga. May mumunting apoy na gumapang sa kanyang palad sa pagdampi nito sa porselanang balat ni Calleigh.
Napabuntong-hininga siya at dahan-dahan niyang isinuot ang kwentas sa leeg nito. Bahagya niyang kinabig paharap sa kanya ang dalaga. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na bahagyang tumabing sa pisngi nito.
“¡Dios, te ves deliciosamente hermosa amor!” mahinang usal niya.
(God, you look deliciously beautiful, love!)
“Ano iyon?” nagtatakang wika ni Calleigh.
“Nothing, I said you look perfect,” tugon niya.
Yumuko ito at bahagyang hinaplos ang pendant ng kwentas, “Sobra naman yata ito.”
“It’s not a big deal, and I want you to have it,” aniya.
“Pero mamahalin ‘to hindi ko to pwedeng tanggapin,” protesta ni Callegh sa kanya.
“You have no choice but to accept it. That’s an order!” mariing sagot niya.
“Kaya lang hindi naman tama, isauli na lang natin ‘to pagkatapos ng dinner party,” anito.
Bahagyang nakaramdam siya ng inis sa tinuran ni Calleigh. May bahagi ng puso niya ang nasaling at pakiramdam niya ay tinanggihan siya ng dalaga.
“Let’s stop this nonsense, ang ibang babae nga mas magarbo at mahal pa ang gusto.”
Bahagyang tumalim ang mga abuhing mata nito, “Hindi ako kagaya ng mga babaeng iyon,” malamig nitong wika.
“Look, wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko, I just want you to have it.”
“Salamat,” mahinang usal ni Calleigh sa kanya.
Kinuha niya ang kanyang coat at sabay silang lumabas ng penthouse. Lumulan sila ng elavator at pinindot niya ang basement.
Pagbukas ng elavator ay napatuwid ng tayo ang security guard na naka-duty. Bakas ang paghanga sa mga mata nito na malagkit na nakatitig kay Calleigh.
Tumikhim siya kaya nabaling ang tingin nito sa kanya.
“Good evening Mr. De Silva!” bati nito sa kanya na bahagya niya lang tinanguan.
Kinabig niya si Calleigh sa beywang, napabaling ito sa kanya. Hindi niya pinansin ang nagtatanong na tingin ng dalaga. Inakay niya si Calleigh sa nakaparadang Lexus.
Nang makalulan na sila sa sasakyan ay mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili. Matinding pagpipigil para di niya bigwasan ang security guard. Sa di malamang dahilan ay di niya nagustuhan na makita ang di maitagong paghanga sa mga mata nito pagkakita kay Calleigh.
“May problema ba?” tanong ni Calleigh sa kanya.
Bumaling siya sa dalaga, “Nothing!” malamig niyang sagot.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago niya binuhay ang makina ng sasakyan. Walang kibuan na tinahak nila ang palabas ng Haven Hotel.
Ilang minuto rin ang kanilang binyahe bago nila narating ang Enclave Court. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang two-storey mansion. May mga nakaparada na mahigit sa sampung sasakyan sa harapan ng mansyon. Pinatay niya ang makina at sinulyapan niya si Calleigh. May pag-aalala na mababakas sa magandang mukha ng dalaga. Ginagap niya ang palad nito. Sobrang lamig nito at bahagyang nanginginig.
“Relax! I’m here, mga piling kaibigan lang ang bisita sa loob. Stop worrying,” masuyong hinaplos niya ang pisngi ng dalaga.
Bahagyang ngumiti sa kanya si Calleigh at marahang tumango. Lumabas siya ng sasakyan at umikot siya sa passenger seat upang pagbuksan ang dalaga. Pagkalabas nito ng sasakyan ay pinagsaklop niya ang kanilang mga kamay. Dama niya ang pagkabalisa nito kaya naman kinabig niya si Calleigh paharap sa kanya.
“Are you ready!” tanong niya sa dalaga.
“Kinakabahan kasi ako,” mahinang pag-amin nito sa kanya.
“Don’t be, as long as you are with me, you are safe,” aniya.
“I know,” nakangiting tugon nito sa kanya.
Sa tanglaw ng liwanag ng mga ilaw sa paligid ay di nakaligtas sa kanya ang pamumula ng mukha nito. Inilahad niya ang kanyang kamay kay Calleigh na siya namang tinanggap nito. Magkahawak-kamay silang naglakad papasok sa loob ng mansyon. Masayang sinalubong sila ng kaibigang niyang si Antonio Barcela, kasama ang asawa nitong si Janella.
Halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang Papa. Isang Filipino-Spanish si Antonio, kasosyo niya ang lalaki sa wine business nito. Samantalang ang asawa nito na si Janella ay dating Filipina beauty queen. Ilang taon lang ang tanda ng babae sa kanya.
“Miggy! My man!” maluwang ang ngiting bati nito sabay tapik sa kanyang balikat.
“Antonio!” nakangiting tugon niya. Binalingan niya si Janella, “How are you Janella?” pormal niyang bati sa misis ni Antonio.
“I’m great! Miggy darling,” tugon nito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang mapanuring tinging pinukol ng babae kay Calleigh. Nagtagal ang titig nito sa mga bisig niyang nasa beywang ng dalaga.
“And who is this lovely lady?” nanunuksong wika ni Antonio habang nakatitig kay Calleigh.
Masuyong binalingan niya si Callegh bago siya sumagot.
“Antonio, Janella, I would like you to meet my wife, Mrs. Calleigh De Silva.”
“Oh!” singhap na usal ni Janella. Bakas naman ang pagkagulat sa mukha ni Antonio.
“JM!” bulong ni Calleigh sa kanya.
“No me dijiste que tienes planes de establecerte,” Antonio asked.
(You didn't tell me that you have plans to settle down)
“Bueno, acaba de suceder,” kibit-balikat niyang tugon sa kaibigan.
(Well, It’s just happened)
Tumango-tango si Antonio at malawak ang ngiting nilipat ang tingin kay Calleigh.
Bahagyang yumuko ito at inabot ang kanang kamay ng dalaga. Napasinghap si Calleigh nang hagkan ni Antonio ang kamay nito,
“It's my pleasure to meet you, mi señora.”
“I'm pleased to meet you, Mr. Barcela,” namumula ang mukhang tugon ni Calleigh.
“Oh, please call me Antonio,” nakangiting tugon nito sa dalaga.
“Ahem!” kunot-noong tinitigan niya ang kamay ni Calleigh na nanatiling hawak ni Antonio.
“Opps!” nakakalokong nginisihan lang siya ng kaibigan.
“Shall we,” yaya sa kanila ni Janella na sinang-ayunan naman nila.
Nagpauna na ang mag-asawang lumakad papunta sa dining room.
“Bakit kailangang sabihin mong mag-asawa tayo,” bulong ni Calleigh sa kanya.
“I don’t like anyone speculating, mas maganda kung ang pagkakaalam nila ay asawa kita,” ganting bulong niya sa dalaga.
“Pero...”
“Let’s just enjoy the night,” nangising putol niya sa sasabihin nito.
“Ikaw ang bahala,” anito.
Muli niyang hinapit sa beywang ang dalaga at sumunod na sila papasok ng dining room. Nasa labing-apat na katao ang nadatnan nilang nagkakasayahan. Bumaling ang tingin ng mga ito sa kanila ni Calleigh. Isa-isang pinakilala ng mag-asawang Barcela ang mga bisita sa kanila.
Nakaramdam naman siya ng pagkairita sa nakikita niyang malagkit na tingin ng ilang kalalakihan para kay Calleigh. Partikular na ang nakakabatang kapatid ni Janella na si James. Kaya sa buong durasyon ng dinner ay sinugarado niyang walang pagkakataon si James na makausap si Calleigh.
Halos kakatapos lang ng dinner nila. Kasalukuyang nasa living room sila nang lumapit si Janella sa kanila ni Calleigh. Kausap niya si Antonio at dalawa pang business investor nito, habang si Calleigh naman ay kakwentuhan ang mga asawa ng dalawang investor.
“Miggy darling, can I borrow Calleigh for a moment? I just wanted to show your wife our wine collection.”
Nag-aalinlangang tumingin sa kanya si Calleigh.
“We won’t be long,” dagdag na wika ni Janella.
“Sure,” tipid na ngiting sagot ni Calleigh sa babae. Tumingin sa kanya ang dalaga na tinanguan niya. Magalang na nagpaalam din ito sa dalawang babaeng kausap nito.
“Great!” masiglang usal ni Janella.
Akay-akay ni Janella si Calleigh palabas ng living room, sumulyap pang muli ang dalaga sa kanya. Binigyan niya ng isang masuyong ngiti si Calleigh. Alam niyang napilitan lamang itong sumama kay Janella.
Makalipas ang halos dalawangpung minuto nang bumalik si Calleigh. Puno nang pag-aalala ang naramdaman niya nang makitang namumula ang mga abuhing mata nito. Agad-agad siyang tumayo upang salubungin si Calleigh.
“Hey, what’s wrong?”
“Pwede na ba tayong umuwi, sumama kasi ang pakiramdam ko,” mahinang sagot nito sa kanya. Bakas ang nginig sa tinig ni Calleigh.
Tumiim ang kanyang panga at kinuyom niya ang kanyang kamao. Nahagip ng kanyang paningin ang pagpasok ni Janella sa living room. Malakas ang kutob niyang may di magandang nagyari sa pagitan ng dalawang babae.
“Please JM!” hinawakan ni Calleigh ang kanyang kaliwang braso nang akmang lalapitan niya si Janella.
Walang kibong tinanguan niya ito at masuyo niyang ginagap ang palad ng dalaga, nilapitan nila si Antonio.
“Antonio, tenemos que irnos a casa. Mi esposa no se sentía bien,” paalam niya sa kaibigan.
(Antonio, we have to go home. My wife wasn't feeling well)
“¿¿Por qué? ¿¿Qué pasó?? Puedes usar la habitación para descansar,” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
(Why? What happened? You can use the guestroom to rest)
“Gracias, but we need to leave now. Just send me the proposal, and I will look into it,” tugon niya sa suhesyon ni Antonio.
Nakaunawang tinanguan siya ng kaibigan. Nangalit ang panga niya nang lumapit si Janella kay Antonio. May kakaibang ngiti sa mga labi nito habang nakatitig kay Calleigh. Malamig niyang tinignan ang babae, may takot na dumaan sa mga mata nito na agad din na nawala. Kinamayan niya si Antonio bago niya masuyong inalalayan si Calleigh palabas ng mansyon.
Dama niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito. Nang nasa tapat na sila ng kanyang sasakyan ay hinubad niya ang kanyang coat at isinuot niya sa balikat ng dalaga
Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya. Gustong-gusto niyang yakapin nang mahigpit ang dalaga at pawiin ang anumang dinadamdam nito.
Hanggang makabalik sila sa penthouse ay nanatiling walang kibo si Calleigh. Inihatid niya ang dalaga sa tapat ng silid nito.
“Are you feeling better now?” masuyong wika niya rito.
“Maayos na ang pakiramdam ko, salamat,” mahinang sagot nito.
“Calleigh?”
“Ayos lang ba? Gusto ko na sanang magpahinga,” anito.
Masuyong hinaplos niya ang pisngi ng dalaga bago niya tinanguan ito. Walang imik na pumasok ito sa silid.
Naiwang nakatayo si Juan Miguel sa tapat ng nakasaradong pintuan. Pinapangako niyang mananagot si Janella sa kanya, oras na makompirma niya na tama ang hinala niyang may ginawang di maganda ang babae kay Calleigh.
Kinabukasan pagkagising ni Juan Miguel ay may nakahain ng agahan. Kunot-noong dinampot niya ang sticky note na nasa ibabaw ng mesa.
“JM,
Good morning! Enjoy your breakfast, may kukunin lang akong mga gamit sa flat ko.
Hindi ako magtatagal. Have a lovely day!”
-- Calleigh
Napangiti siya matapos mabasa ang note. Maganang kumain siya ng agahan na inihanda ni Calleigh. Balak sana niyang kausapin nang masinsinan ang dalaga, kaya lang ay madami siyang naka-schedule na meeting para sa araw na iyon.
Naging abala si Juan Miguel sa pakikipagpulong sa creative team para sa bagong marketing ads ng Haven Hotel.
Kakatapos lang ng luncheon meeting niya nang tawagan siya ni Lance at ipaalam sa kanyang wala pa si Calleigh sa penthouse. Inutusan niya si Lance na dalhan ng pagkain ang dalaga sa pag-aakala niyang nakabalik na ito.
Tiim-bagang niyang tinapos ang pakikipag-usap kay Lance nang marinig niya kung nasaan si Calleigh ng mga sandaling iyon.
“Saan ka galing?” malamig niyang salubong kay Calleigh nang makapasok ito ng penthouse. Ilang oras na din ang lumipas, halos maubos na niya ang bote ng alak na iniinom niya.
“JM!” bulalas nito, napatutop ito sa dibdib.
“Di ba sabi ko sa iyo na huwag na huwag kang aalis ng di ko alam!” bahagyang tumaas ang kanyang tinig.
“Nagpaalam naman ako sa iyo na pupunta ako sa flat ko,” katwiran nito.
“I'm not too fond when someone is lying to me,” walang emosyong sagot niya rito.
Bumuntong-hininga ito, “JM, bukas na lang tayo mag-usap. Mukhang napadami na ang inom mo.”
Tumayo siya at lumapit siya sa dalaga, kadangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga katawan.
“Let’s make it real!” aniya.
“Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong nito sa kanya.
“Be my wife, Ms. Romero.”
Napaderetso ito ng tayo, “Ano?” bulalas nito.
“What If I told you I want you to marry me!” seryosong bulong niya sa tenga nito.
“Nababaliw ka na ba, Mr. De Silva?” di makapaniwalang tanong nito sa kanya.
“I will pay you $200,000. I need someone to pretend as my wife habang nandito ako sa Las Vegas,” wika niya at bahagyang nilayo ang kanyang katawan sa dalaga.
“At bakit mo namang naisip na papayag ako sa gusto mong mangyari!” galit na tanong nito.
Itinaas niya ang mukha ni Calleigh upang magtama ang kanilang paningin.
“I know about your financial problem, malaking halaga ang kapalit ng pagpapanggap mo bilang asawa ko,” aniya.
“P-paanong?” nauutal na usal nito.
“Gagampanan mo ang mga pangangailangan ko kapalit ng halagang ibabayad ko sa iyo, and you don’t need to get deported. Kaya kong gawan ng paraan para patuloy kang mamalagi rito sa Las Vegas. Malaki ang maitutulong ng ibabayad ko sa iyo para sa pamilya mo sa Pilipinas,” malamig niyang wika rito.
Bumalatay ang sakit at galit sa magandang mukha ni Calleigh, “Huwag mong gawing dahilan ang pera mo para makuha mo ang gusto mo!” galit nitong sigaw sa kanya at akmang sasampalin siya nito nang pigilan niya ito bago lumapat sa pisngi niya ang palad ng dalaga.
“I don’t allow anyone to hit me!” galit niyang wika kay Calleigh. “I’m offering you marriage for a price; this is business. I need a temporary wife, and you need your visa and money for your family.”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo!” mariing bulong nito.
“I want you, Calleigh, and you needed the help I can give.”
“Mr. De Silva, pagkatao ko ang gusto mong bilhin!” puno ng pait ang tinig na wika nito.
“Bakit di ba iyon din ang gusto mong ibenta kay Ambassador Villegas!” galit niyang sigaw rito.
Pumatak ang luha nito, “Mali ka ng iniisip!” mariing sagot nito sa kanya.
Hindi niya pinansin ang pagpatak ng mga luha ng dalaga.
“I will fly to Manila tomorrow. Habang wala ako mananatili ka sa silid na ito. When I come back, you better have an answer for my proposal or else ako mismo ang magrereport sa iyo sa immigration,” he brutally told her.
Pinahid nito ang luha at matapang na tumingin sa kanyang mga mata. Ang abuhing mga mata nito ay puno ng hinanakit at galit.
“Hindi na kailangan pang hintayin kitang makabalik, pumapayag ako sa gusto mong mangyari,” matatag na hayag nito sa kanya.
“That fast huh!” disappointed na wika niya sa babae. Hindi niya inaasahan na papayag agad ito.
“I will marry you, Mr. De Silva! Pero mananatiling lihim ang pagpapakasal natin at walang sinuman ang dapat makaalam na kasal tayo. Hanggang sa dumating ang panahong kailangan na nating tapusin ang charade na ito,” malamig nitong hayag sa kanya.
“Fair enough, soon to be Mrs. De Silva,” walang emosyong sagot niya.
Naglakad na si Calleigh papunta ng silid nito. Lumingon ito sa kanya at puno ng poot ang tinig nitong nagsalita.
“Pumapayag ako sa gusto mong mangyari, hindi sa dahilang iniisip mo. Pero alam ko na kahit hanggang sa kamatayan ko ay hindi mo malalaman ang totoong dahilan kung bakit ako pumayag na pakasalan ka.”