Bumuntong-hininga si Juan Miguel. Hindi mawaglit sa alaala niya ang mga salitang binitawan ni Calleigh. Maraming gumugulo sa kanyang isipan at damdamin. Pakiramdam niya ay may importanteng bagay siyang dapat malaman sa babae. Mali ba ang dahilang alam niya kung kaya pumayag ito sa alok niyang kasal.
Noong nakita niya itong lumuluha, wala siyang nararamdamang awa para rito. Dahil sariwa pa sa isipan niya ang narinig niyang pagmamakaawa nito kay Ambassador Villegas. Naguguluhan siya kung sino ba talaga ang Ambassador sa buhay ni Calleigh.
“Nakikiusap po ako sa inyo! Gagawin ko po ang lahat, hayaan po ninyong manatili ako rito!” nakaluhod si Calleigh sa paanan ng Ambassador habang umiiyak na nagmamakaawa.
Nang malaman niya mula kay Lance na pinatawag ito sa suite ni Ambassador Villegas ay agad niya itong pinuntahan. Bahagyang nakabukas ang silid at nasaksihan niya ang pagmamakaawa nito. Puno ng poot at galit ang nadama niya sa nasaksihan eksena.
He wanted Calleigh for himself, kaya di siya papayag na di niya ito makuha sa paraang alam niya. Mapapawi ng pagpapakasal kay Calleigh ang pagnanasang nararamdaman niya para sa dalaga. Matatapos na din ang problema niya kay Briana.
Muling tumigas ang kanyang anyo sa pagka-alala sa nasaksihan niya sa suite ng Ambassador. Kinalma niya ang kanyang sarili, bago siya lumabas ng mansyon nila. Hating gabi na siyang nakarating ng Hacienda De Silva mula Las Vegas. Matapos nila maikasal ni Calleigh ay nagbyahe siya pabalik ng Pilipinas.
Napabuntong-hininga siya. Kanina pa niya tinatawagan si Calleigh pero walang sumasagot sa cellphone nito at sa landline ng penthouse. May bahagi ng pagkatao niya ang labis na nag-aalala dahil hindi naging maganda ang huli nilang pag-uusap.
Nadatnan niya ang mga magulang sa garden. Umupo siya sa tabi ng Papa niya na abala sa pagbabasa ng pahayagan.
“¡Buenos días!” masiglang bati niya sa mga magulang.
“¡Buenos días hijo!” magkapanabay na bati na Mama at Papa niya.
“Where are the others?” patungkol niya sa mga kapatid.
“Maya-maya lang ay nandito na ang mga iyon,” sagot naman ng Mama niya.
“¿Algo está mal?” tanong sa kanya ng kanyang Papa. Itiniklop nito ang binabasang pahayagan.
(Something’s wrong?)
“¡Nada papá!” nakangiting sagot niya. Nilagyan niya ng pancake ang kanyang plato.
(Nothing, Papa!)
“¿Cómo está Las Vegas hijo?” ang kanyang Mama, mapanukso ang ngiti nito. Sinalinan nito ang kanyang tasa ng kapeng barako.
(How’s Las Vegas, son)
“Gracias Mama, Vegas is still the same,” nakangiting tugon niya sa kanyang Mama.
“Wow!” masayang bungad ni Essex, kasama nito si Ezekiel. Kasunod ng kambal ang Kuya Brandon nila na nakaakbay sa hipag nilang si Celina. Umupo na rin ang mga ito sa kanya-kanyang pwesto.
“Aba ginawa mo lang Manila to Hongkong ang Las Vegas ah,” natatawang wika ng nakakatandang kapatid.
“Hermano naman!” iiling-iling na tugon niya, nginitian niya ng tipid ang hipag.
“Ang tagal naman ni Sofia at Luke, ngayon din ang dating nila,” nag-aalalang usal ng kanilang Mama.
“Bakit Mama nasaan ba sila ate?” tanong ni Essex.
“Ay naku! Hindi nga pala namin naipaalam sa inyo ng Papa ninyo, nasa Barstow sila ni Luke, since last week for Medical Conference” anito.
“What? California!” sabay-sabay na reaksyon nilang magkakapatid na kinatirik ng mata ng Mama nila.
“¡Sí!” natatawang tugon nito.
(Yes!)
“Dapat pala ay sumabay ka na lang kina Sofia,” wika kay Juan Miguel ng Kuya Brandon niya.
Napatango na lang siya sa tinuran ng nakakatandang kapatid. Sigurado siyang commercial airlines ang sinakyan ng ate niya at ni Luke. Sa kanilang magkakapatid, ang Ate Sofia niya ang pinakaayaw sumakay sa private plane nila. Katwiran nito ay mas masayang magbyahe lulan ng commercial airlines.
Matapos ang kanilang agahan ay naisipan nilang sa garden na rin sila magpalipas ng oras. Dahil lahat silang magkakapatid ay wala namang lakad nang araw na iyon.
Maya-maya pa ay dumating sina Kyle at Carrine upang ihatid ang kambal. Hindi din nagtagal ang dalawa at may kailangan daw ayusin. His heart is aching, seeing the possessiveness of his brother over Carrine. Hindi naman nagtagal ay sumunod namang dumating si DJ.
“How’s Las Vegas?” nakakalokong tanong ng kapatid sa kanya.
“Di ba dapat alam mo!” inis niyang sagot.
“Bakit Kuya Miggy, dapat nga samantalahin mo ang pagkakataon, hot din naman si Briana ah,” pang-aasar ni Essex sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa nakakabatang kapatid, “You know about that?” aniya.
“May bago siyang post, declaring her undying love for you,” tatawa-tawang wika naman ni Ezekiel.
“D*mn!” usal niya.
“Don’t worry hindi naman nakarating kina Mama, napabura ko na agad,” wika naman ng Kuya Brandon niya.
“Gracias, hermano.”
“Oh, heto na pala sila Ate!” wika ni Ezekiel. Napabaling ang tingin nila kina Sofia at Luke.
“¡Hola a todos!” nakangiting bati ng Ate Sofia nila, “Kailan ka dumating?” wika ng kapatid sa kanya.
(Hello everyone!)
“Last night, hermana,” aniya.
“Mukhang masayang masaya si Ate Sofia ah, pasalubong ko,” pang-aasar ni Essex rito.
“Hay naku! Happy talaga ako, nagkita kami ng best friend ko sa Las Vegas,” masayang wika nito. “Nasa car pa ang mga pasalubong namin sa inyo,” dagdag na wika nito.
“Las Vegas?” kunot-noong usal niya.
“Yeah, from Barstow dumaan kami ng Las Vegas. Kahapon pa tapos ang conference namin,” nakangiting sagot naman ni Luke.
“Nasa Vegas din si Miggy,” ani ng Kuya Brandon nila.
“Talaga! Ang akala ko ba sa Henderson ka mag-stay?” takang tanong ng ate niya.
“Paano may problema siya sa babae!” humahalakhak na asar ni Essex sa kanya.
“Stop it Brat!” saway niya rito.
“Hay naku! Kayo talaga puro babae na lang ang problema ninyo,” natatawang wika ng Ate Sofia nila na kinatawa ng nobyo nitong si Luke.
“Aba naman Sofia huwag mo akong idamay!” nakangising wika ng Kuya Brandon nila.
“Ay, oo nga pala. Good boy ka pala hermano,” nakangiting tugon nito.
“Teka, sinong best friend ang kinita mo sa Vegas?” takang tanong ni DJ.
“Well, di naman talaga kami ang matalik na magkaibigan, kasi mas matanda ako sa kanya. Pinakilala lang si Cal ng pinsan ni Luke sa akin. But I like her so much kaya BFF na kaming dalawa,” masayang wika nito.
Natahimik silang bigla ng magring ang cellphone niya.
“I have to take this call,” paalam niya sa mga kapatid.
Tumango ang mga ito maliban kay Ezekiel na busy sa pagtetext.
“Hello!” sagot niya sa tawag ni Lance ng makalayo siya sa mga kapatid.
“Sir Miggy!” bakas ang taranta sa boses ni Lance.
“What’s wrong?” aniya, binundol ng kaba ang kanyang dibdib.
“Sir! Si Ms. Mauricio po nagwala, sinugod po niya si Ms. Romero,” sagot nito.
“What do you mean? Sa penthouse?” aniya, bakas ang galit sa kanyang tinig.
“Hindi po sir, sa parking lot po. Ang kwento po ng security sa basement, papasok po ng elevator si Ms. Romero nang macorner ni Ms. Mauricio. Nandito po ako ngayon sa penthouse ninyo Sir Miggy. Tinawagan po ako ng head of security natin,” pagkwento nito.
“D*mn! Go to her and give her the phone right now! I want to talk to Calleigh!” mariing wika niya riro.
“Yes Sir!” dinig niya ang paglalakad nito.
He’s worried, and the same time he is pissed, dahil umalis pa din si Calleigh ng penthouse kahit binawalan niya ito.
“Hello!” malamig ang tinig na wika ni Calleigh sa kabilang linya.
“Are you okay!” nag-aalalang tanong niya. Saglit niyang nakalimutan ang galit na nadarama niya pagkarinig sa tinig nito.
“Why do you care?” walang emosyong sagot nito.
“D*mn Calleigh! May karapatan akong makialam,” nangangalit ang pangang usal niya sa babae.
Dinig niya ang mabilis na paghinga nito.
“I’m okay, mga kalmot lang sa braso ang natamo ko dahil sinangga ko ang pagsugod ng babae mo sa akin,” madiing sagot nito sa kanya.
“D*mn! Hindi ko siya babae!” galit niyang sagot.
“Hindi ganoon ang sinisigaw niya habang nagwawala siya,” malamig nitong tugon.
“Wala kaming relasyon,” depensang sagot niya.
Bumuntong-hininga si Calleigh “Okay! May kailangan ka ba?”
“Saan ka ba nanggaling? Gabing-gabi na, kanina pa ko tumatawag sa iyo,” kalmadong tanong niya rito.
“Nag-crave kasi ako, kaya lumabas ako para bumuli ng burger,” paliwanag nito sa kanya.
“If you need anything just ask Lance, para siya na ang bahala,” saad niya.
“Maliit na bagay lang naman kasi iyon, kaya ko na,” anito.
Kapwa sila natahimik at tanging paghinga na lang nila ang maririnig ng isa’t isa.
“May itatanong ka pa ba o ibibilin?” basag nito.
“Calleigh!’ mahinang usal niya.
Juan Miguel feels the urges to hold Calleigh in his arms. He feels na hindi lang basta galos ang tinamo nito. Malakas ang kutob niyang may iniinda si Calleigh base sa mabilis na paghinga nito.
“Bakit?” tanong nito.
“Nothing, uuwi na ko sa makalawa may gusto ka bang bilhin ko, pagkain perhaps?” tanong niya.
“Mag-iingat ka na lang sa byahe mo,” anito.
“Okay,” aniya, hindi na ito kumibo at maya-maya lang ay narinig niya ang boses ni Lance.
“Sir Miggy,” anito.
“Lance, call Dr. Richarson,” tukoy niya sa in-house doctor ng hotel.
“Po!” takang tanong nito.
“Call him now! Make sure na ma check si Calleigh. I don’t care if it’s in the middle of the night. Kapag umuwi ako at nalaman kong hindi siya nasuri mananagot ka sa akin!” banta niya rito.
“Yes sir, masusunod po,” sagot nito sa kanya.
“Ah s-sir,” nag-alalangang anito.
“Spill it out Lance,” walang emosyong aniya.
“Sir nakarating na po sa akin ang usap-usapang may relasyon kayo ni Ms. Romero. Kaya po dito sa penthouse na siya namamalagi, kahit wala kayo rito” huminto ito saglit at muling nagsalita, “kaya po sumugod dito si Ms. Mauricio dahil may nagsumbong daw sa kanya na nilalandi kayo ni Ms. Romero.”
“I don’t want to talk about it, reprimand those employees that spreading malicious rumors about her,” seryosong wika niya rito.
“Noted, Sir Miggy.”
“And Lance, don’t mind Ms. Mauricio, I will handle that woman,” galit niyang wika.
“Okay po sir Miggy,” anito.
“Anyway, I want you to pull out the 201 File of Calleigh. I will need it when I get back,” aniya.
“Okay po sir, papahanda ko kay Ms. Lopez,” anito.
“Thank you!” wika niya kay Lance.
Pagkapatay niya ng tawag ay nagulat siyang nasa likuran niya si DJ. Hindi niya namalayang nakalapit na ito.
“Kanina ka pa diyan?” tanong niya sa kapatid.
Matamang tinignan siya nito, “May problema ba?” bakas ang pag-alala sa mukha ng kapatid.
“Wala naman bakit?” aniya.
“You looked pissed and worried,” ani ni DJ.
“I’m okay,” nakangiting sagot niya.
Tumango ito at tinapik siya sa balikat bago ito naglakad pabalik sa garden, kung saan masayang nagtatawanan ang ibang mga kapatid nila.
Tinanaw ni Juan Miguel ang papalayong kapatid, inilabas niya ang kanyang suot na kwentas. Ang pendant nito ay ang magkapares na wedding rings nila ni Calleigh. Habang tinititigan niya ang mga ito, naalala niya ang pag-uusap nila bago siya bumalik ng Pilipinas.
“What’s this?” takang tanong niya.
Inabot sa kanya ni Calleigh ang tinanggal na singsing nito na kani-kanina lang ay isinuot niya sa daliri ng babae.
“Binabalik ko na ang props na ito,” balewalang sagot nito sa kanya. Kakalabas lang nila ng opisina ng minister na nagkasal sa kanila.
“What?” nangangalit ang pangang wika niya.
“JM, ayaw kong makita ito ng ibang tao. Isa pa alam nating dalawa na hindi pag-ibig ang simbolo ng singsing na iyan,” bakas ang matinding lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa singsing.
Nang di niya ito inabot, kinuha nito ang kanyang kanang kamay at inilagay sa kanyang palad ang singsing.
“I want to wring your beautiful neck wife!” nagtitimping wika niya rito.
“Pagbalik mo galing Pilipinas, sisimulan ko ng gampanan ang papel ko sa iyo” umiwas ito ng tingin sa kanya at muling nagsalita, “Isang bagay lang JM, hayaan mo akong patuloy na makipag-usap kay Ambassador V-villegas,” pumiyok ang tinig nito.
“Damn Calleigh! Hindi kita papayagang pagtaksilan ako!” galit na galit na wika niya rito.
Pagak itong tumawa, “JM hindi kita pinagtataksilan, in the first place binili mo lang ako,” bakas ang pait sa tinig nito.
Hindi siya nakakibo sa tinuran ni Calleigh.
“Ibibigay ko sa iyo ang lahat, hayaan mo lang ako sa hinihiling ko,” Calleigh’s gray eyes are full of pain and sorrow.
“D*amn!” tiim-bagang na usal niya.
“Kung ipagkakait mo sa akin iyon, para mo na din akong pinatay,” nanunuot sa kanyang kaibuturan ang winika nito.
“Ganoon mo kamahal ang matandang iyon! He’s a married man for heaven’s sake!” gigil na sigaw niya rito.
“Take it or leave it JM, after all we are the same; umiibig ka din sa ibang babae,” malungkot na wika nito at iniwan siyang natigilan sa sinabi ng babaeng asawa na niya sa mga sandaling iyon.