Chapter 9

2283 Words
Hindi agad nakabalik si Juan Miguel sa Nevada dahil sa pagpanaw ni Carina. Labis ang kanyang dalamhati para sa hipag. Sunod-sunod din ang mga problema na nangyari. Ang pagkalagay sa panganib ng buhay ni Carrine/Lexie at ng pinagbubuntis nito sa kamay ng Tita Raquel nila. Inaalala din nila ang pinsang si Raul. Alam niya ang labis na pagdadalamhati nito sa pagpanaw ni Carina. Kasalukuyang nasa Majesty Salon and Spa siya dahil siya ang naatasan ng kapatid na si Kyle na sumama kay Lexie. Ang alam nito ay para iyon sa isang commercial photoshoot na project ni Essex. Kinasabwat silang magkakapatid ni Kyle para sa surprise wedding nito para kay Lexie. Looking at Lexie, habang inaayusan ito ay pinipiga ang kanyang puso sa matinding kabiguan. Ilang oras na lang ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang babaeng kanyang iniibig. “Miguel!” tawag sa kanya ni Lexie. “Bakit may problema ba?” tanong niya. “Bakit parang masyadong magarbo naman ang pagkakaayos sa akin!” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Ganoon talaga, kasi nga big project at malaki ang binayad ng client,” paliwanag niya rito.  Bakas ang alinlangan sa magandang mukha ni Lexie. “Ganoon ba!” anito. Tumango siya. Itinuloy na ang pag-aayos kay Lexie, maya-maya ay panay ang kanyang sulyap rito.  At habang papalapit ang sandali nang nakatakdang kasal nito sa kanyang kapatid ay lalo lang tumitindi ang sakit na kanyang nararamdaman.  Matapos na mabihisan at maayusan si Lexie ay tumuloy na sila sa venue na pagdadausan ng kasal. Inalalayan niya itong bumaba ng sasakyan. “Pumasok ka na, hoy te estoy regalando a pesar de mis profundos sentimientos por ti,” mahinang wika niya kay Lexie. (Today, I’m giving you away despite my deep feelings for you) “What did you say? I don’t understand Spanish Miguel,” litong tanong nito sa kanya. “It’s nothing, sige na susunod din ako maya-maya. I just need to make some call,” aniya sa dalaga. “Okay sige,” nakangiting wika ni Lexie, “Huwag ka magtagal,” bilin nito sa kanya. “Yes, sandali lang ako,” nakangiting tugon niya sa dalaga. Bago ito pumasok sa pintuan ay lumingon pa ito sa kanya, nginitian niya si Lexie at tinanguan. “I am saying goodbye to my love, my Carrine,” puno ng kalungkutang bulong niya sa kawalan. Bumuntong hininga siya. Tumingin siya sa kalangitan at pilit kinakalma ang kanyang damdamin. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang landline sa kanyang penthouse. Hindi siya sigurado kung gising pa si Calleigh. Naka ilang ring lang ay sumagot na ito. “Hello!” Calleigh huskily said. “Nagising ba kita?” he asked. “It’s okay, bakit?” dinig ang paghihikab nito. “Nothing! It’s my brother’s wedding today. I will fly back five days from now,” aniya. “Okay!” anito. Ilang segudong walang nagsalita sa kanila. Tumikhim ito, “JM, are you okay?” anito. “Yeah,” tipid niyang sagot rito. “Okay,” tugon nito. Natanaw niyang sumenyas na ang Ate Sofia niya kaya nagpaalam na siya kay Calleigh. “I have to go now, go back to sleep,” aniya. “Sige, mag-iingat ka sa byahe mo,” inaantok na wika nito sa kanya. “Thank you!” aniya. “Bye JM!” tugon nito. Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok sa garden para sa pag-iisang dibdib ni Lexie at Kyle. Pagal na pagal ang katawan ni Juan Miguel sa pagod mula sa humigit kumulang na labing-walong oras na flight mula Manila.  Pagkapasok niya ng penthouse ay inilapag niya lang ang kanyang mga bagahe sa living room. Inaantok na tumuloy siya ng guest room. Calleigh is sleeping peacefully on the bed. He takes off his clothes while watching his wife sleeping. Napabuntong-hininga siya. His wife. No one knows, pero sa mata ng Diyos at ng batas ay may Mrs. Juan Miguel De Silva na. His mother will probably kill him for hiding his wife.  Tanging boxer short na lang ang suot niya, nahahapong sumampa siya sa kama para tabihan si Calleigh. Juan Miguel’s mind and body are in turmoil with emotional pain. “Hmmmm!” mahinang ungol ni Calleigh na kinalingon niya. Umayos siya ng pagkakahiga para magkaharap sila. “You’re here! Akala ko ba ilang araw pa bago ang uwi mo?” mahinang bigkas nito. “Tinapos ko lang ang reception ng kasal, nagising ba kita? Bakit di ka sa master bedroom natulog?” sunod-sunod na tanong niya sa asawa. “This is my room, right? Teka, kumain ka na ba? What time is it?” sunod-sunod ding tanong nito. “Hindi ako gutom, nag-snack ako sa plane, and around three in the morning na. Bukas sa master bedroom ka na matutulog,” sagot niya sabay kabig sa katawan nito upang mayakap niya si Calleigh. “J-JM!” gulat na usal nito. “Let me hold you, I’m tired, ‘wag muna tayong magtalo kahit ngayon lang,” malungkot niyang wika rito. Napigil ni Juan Miguel ang kanyang hininga ng umayos si Calleigh para mas magdikit ang kanilang katawan, gumanti ito ng pagkakayakap at isinandig ang ulo nito sa kanyang braso. “Let’s sleep then,” mahinang usal nito sa kanya. “Thank you!” aniya at kinintalan ng halik ang ulo nito, tanging ungol lang ang sinagot ni Calleigh sa kanya. Sinamyo niya ang mabangong buhok ng asawa. Unti-unting hinila siya ng antok.  Pupungas-pungas ng mata na bumangon si Juan Miguel. Sa unang pagkakataon ay ngayon na lang uli siya nakatulog nang mahimbing. Wala na si Calleigh sa kanyang tabi. Bagkos ay isang pares ng damit ang nasa gilid ng kama. Napangiti siya, he knows Calleigh prepared it. Bitbit ang inihandang damit ni Calleigh para sa kanya ay pumasok siya ng shower.  Tinutuyo niya ang basang buhok nang mabungaran niya si Calleigh na inaayos ang sapin ng kama. “Buenos días!” bati niya. “Buenos días! Naihanda ko na ang breakfast mo, fried rice na madaming garlic, beef tapa at omelet,” tugon nito sa kanya. May lungkot na dumaan sa mga mata nito na agad ding nawala. “Sounds delicious!” aniya, mataman niya itong tinitigan.  Dinampot nito ang nilapag niyang basang towel sa couch, pumasok si Calleigh sa banyo at isinabit nito ang basang towel sa rack. “Hindi pa ako nakapag-grocery, hindi ko kasi alam na uuwi ka na pala” wika nito. “Sasaglit lang ako sa La Amelia’s para maibigay ko ang bagong recipe na gawa ng Mama,” tugon niya. “Huh?” kunot-noong takang tanong nito. “We will do the grocery together,” sagot niya. “K-kaya ko namang mag-isa,” nauutal na usal nito. “Why? May problema ba kung dalawa tayong mag-grocery!” salubong ang kilay na wika niya kay Calleigh. “Hindi naman sa ganoon, kaya lang baka mapag-usapan na naman tayo. Isa pa maaring malaman na naman ni Ms. Mauricio,” mahinang sagot nito. “Huwag mong problemahin ang babaeng iyon, and I don’t care kung may makakita sa atin,” aniya. Tumango ito, nauna na itong lumabas papuntang dining room. Bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng sinangag at tapa. He wonders kung sinabi ni Lance kay Calleigh na paborito niyang almusal ang tapa at sinangag na madaming bawang. Nang makaupo siya ay inilapag ni Calleigh sa mesa ang tasa ng brewed coffee.  Kumunot ang noo ni Juan Miguel nang napansin niyang nasa kitchen counter ito at may isinusulat sa isang notepad, “Hindi ka ba magbreakfast?” tanong niya. “Kumain na kasi ako kanina,” tipid na sagot nito. Tumango siya at maganang itinuloy ang kanyang pagkain. “By the way, we have to move all your stuff in the master bedroom,” wika niya na kinasinghap nito. “Bakit pa? Kailangan pa ba iyon?” takang tanong nito. Humigop muna siya ng kape bago niya sinagot ang tanong nito, “You are my wife Calleigh, soon you have to surrender yourself to me na gaya ng kasunduan natin,” seryosong sagot niya na kinatigagal nito. He saw the pain in her gray eyes, but he ignored it. Yumuko ito at pinagpatuloy ang pagsusulat. Napahawak siya sa kanyang batok bago niya pinagpatuloy ang pagkain.  Kasalukuyang nasa meat section siya habang si Calleigh naman ay nagpaalam sa kanya na kukuha ng cereals nang may tumapik sa balikat niya. “Hey!”  “Brod! What are you doing here?” nakangiting tanong niya kay Alex. “Sinamahan ko si Mommy!” sagot nito at nginisihan siya, “Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Akala ko ba next month ka pa uuwi,” tanong nito. “May event sa katapusan kaya kailangan na personal kong imonitor,” aniya. “Miggy hijo!” napalingon siya at nakita niya ang papalapit na mommy ni Alex.  “Tita Guada!” masayang sinalubong niya ito ng yakap. “Naku! Hijo sobrang namiss kita, hindi ka dumadalaw sa farm?” nagtatampong wika nito. Napahawak siya sa batok at tinignan si Alex. “Mommy, sabi ko naman sa iyo busy siya. Tignan mo nga kung di ka pa umuwi dito sa Las Vegas di mo pa makikita ang isang yan,” nakangising asar ni Alex sa kanya. “Ah basta! Teka kailan ba balik mo ng Pilipinas?” tanong ni Tita Guada na kinatahimik niya. “Mommy!” saway ni Alex sa ina nito at malungkot siyang nginitian.  “Oh!” tutop nito ang bibig. “Miggy hijo, makakatagpo ka din ng babaeng labis mong mamahalin,” wika ng ginang sa kanya. Tumango siya at pilit na nginitian niya ito.  “JM tapos na ko, may kailangan ka pa bang bilhin?” wika ng tinig sa kanyang likuran na kinasinghap ni Tita Guada. Nilingon niya si Calleigh, nabitawan nito ang hawak na pancake box at mahigpit na nakakapit ang mga kamay nito sa handle ng pushcart. Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka sa naging reaksyon ni Tita Guada at Calleigh. Binalingan niya si Alex na ang mga mata ay titig na titig kay Calleigh.  “Do you know each other?” takang tanong niya sa mga ito at tinignan niya ang tatlong tao sa kanyang harapan. Walang kumibo sa mga ito.  Hindi naman nakaligtas sa kanyang mga mata ang panginginig na kamay ni Calleigh at ang pagkuyom ng palad ni Alex. Habang ang mga mata ni Tita Guada ay bakas ang pangungulilang nakatitig kay Calleigh. Naunang nakabawi si Alex at tumikhim ito, “Di mo ba pakikilala sa amin ang kasama mo Miggy!” matigas ang anyong wika nito sa kanya. “A-alex!” usal ng mommy nito. “Yes, of course, Alex, Tita Guada siya nga pala si Calleigh-,” di niya natuloy ang sasabihin ng biglang nagsalita si Calleigh. “Empleyado po ako ni Sir JM sa Haven Hotel,” nauutal na sagot nito. Lalong lumalim ang pagtatakang nararamdaman ni Juan Miguel. “Ah I see, nice to meet you h-hija, ito naman ang anak kong si Alexander, matalik silang magkaibigan nitong si Miggy!” bumikig ang lalamunang wika ni Tita Guada at nakipagbeso ito kay Calleigh. He saw Calleigh went still. “So, ikaw pala ang babaeng nasa La Amelia’s,” walang kangiti-ngiting wika ni Alex. “Back off Alex!” mariing niyang wika sa kaibigan, naalala niya ang naging pagtutol nito sa kanyang mga plano. “Alex, anak!” hinawakan ito ni Tita Guada sa braso. “Well Miggy hijo, mauna na kami at may appointment pa pala ako sa salon,” nakangiting paalam nito sa kanya at muling sinulyapan si Calleigh at nginitian. “Okay Tita Guada!” aniya. “Magkita na lang tayo sa Saturday!” wika sa kanya ni Alex, bumaling ito kay Calleigh, “It’s nice to finally meet you, Cal-Calleigh!” madiing sabi nito kay Calleigh. Hindi nakalampas kay Juan Miguel ang pagbibigay diin ni Alex sa pagbigkas ng pangalan ng kanyang asawa. “S-salamat ho!” mahinang sagot ni Calleigh. Nagtatangis ang bagang ni Juan Miguel, he is not stupid para di niya mahalata ang lihim na palitan ng titig ni Calleigh at Alex. “What is that all about?” malamig niyang tanong rito ng makaalis ang mag-ina. “A-anong ibig mong sabihin?” nauutal na sagot nito. “I know na kilala mo sila, I saw the shock in your eyes nang makita mo si Tita Guada at Alex,” mariing wika niya habang mahigpit niyang hawak ang pulsuhan nito. “J-JM, nasasaktan ako,” mahinang bulong nito sa kanya. Natauhan siyang bigla, at binitawan niya ang namumulang pulsuhan nito. “I’m sorry!” hinging paumanhin niya, napaangat ang tingin nito sa kanya at bakas ang pagkabigla. “Our marriage is just business. But don’t forget that you are my wife. You can’t hide it for long, Calleigh, but slowly I will know what you are hiding,” malamig niyang bulong. “J-JM, alam mong ibibigay ko ang kasunduan natin kapalit ng pananatili ko rito, gaya ng sabi ko sa iyo nang araw ng kasal natin. Hayaan mo ako, hindi kasama sa binili mo ang nararamdaman ko at kung anong sikreto ang meron ako. Katawan ko lang ang nabili mo, hindi kung sino ako!” mahabang sabi nito at pinulot nito ang nalaglag na pancake box, nilagay sa cart at nauna na itong pumila sa cashier. Naiwan ang mas maraming katanungan sa kanyang isipan, hindi dahil sa sinabi nito, kundi sa matinding sakit na rumehistro sa mga mata nito na hindi nito nagawang itago. Pakiramdam niya ay malaking pagkakasala ang nagagawa niya sa tuwing nakikita niya ang pait at sakit sa mga mata ng asawa. “Who are you Calleigh?” mahinang bulong niya habang sinusundan ng tingin ang kanyang asawa.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD