Nasa art room si Calleigh, halos kalahating oras na niyang tinititigan ang wooden box na nasa kanyang harapan. Pagkagaling nila ni Juan Miguel sa sementeryo ay sinabi niya sa asawa na gusto na niyang makita ang laman ng kahon. Huminga siya ng malalim, maingat niyang hinaplos ang ibabaw ng kahon. Unti-unting pumapatak ang kanyang luha na agad niyang pinahid. Hinawakan niya ang susi, numeric code ang lock nito. Bagama’t walang binilin si Jackson sa kanyang asawa kung ano ang key code ng kahon, pinindot niya ang numero ng kanyang kaarawan. Nang ma-unlock ang susi ay inalis niya ito, dahan-dahan niyang binuksan ang kahon. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay isang daang karayom ang tumutusok sa kanyang puso nang mabungaran niya ang iba’t ibang larawan. Din

