Masuyong pinagmamasdan ni Juan Miguel si Calleigh habang natutulog ito. Labis siyang nag-aalala sa kanyang asawa kaya agad siyang bumalik sa kanilang bahay mula sa mansyon. Pinipiga ang kanyang puso habang naririnig niya itong humahagulgol ng iyak. Nasasaktan siya sa mga paghihirap at pagdurusa na naranasan ng kanyang asawa. Wala siyang magawa upang maibsan ang sakit ng kalooban nito. Tunog ng kanyang cellphone ang pumukaw sa kanya. Hinagkan niya sa mga labi si Calleigh bago niya sinagot ang tawag. “Hello!” bungad niya sa tumawag. “Hello, Mr. De Silva,” napakunot-noo siya sa malamig na tinig ng babaeng nasa kabilang linya. “Who is this?” “It’s not important who I am. Mr. Jackson Almazan instructed me to give this message to you. There is a storage unit under his name, and I will send

