Nakailang balik si Calleigh sa paglangoy. Nagdudulot ng kakaibang ginhawa sa kanyang katawan ang mainit na sibol. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang mga bisig ni Juan Miguel. “JM!” bulalas niya. “I can’t help myself, sweetheart,” mahinang bulong nito sa kanyang tenga. Humarap siya sa asawa, magkadikit ang kanilang hubad na katawan. “Para kang isang diwata, Leigh,” nakangiting wika nito sa kanya. “Akala ko ba magpipinta ka?” natatawang tanong niya sa asawa. “I got the image I want. I will paint it later. For now, I want to devour my beautiful wife,” nakangising tugon ni Juan Miguel. “Sounds good!” humahagikgik na saad niya. Napapikit siya nang maramdaman niya ang paggapang ng kanang kamay ni Juan Miguel sa kanyang kahubdan. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay bumungad sa

